Chereads / In Case You Forget Me / Chapter 14 - Why She Fainted

Chapter 14 - Why She Fainted

*Charm's POV*

*dismissal*

"Charm, cr lang ako." Sabi ni Erica. "Diretso ka na sa canteen susunod nalang ako."

"Sige."

"Ms. Severino."

I stood up and went to her. "Yes, Ma'am?"

May kinuha siyang dalawang envelope at inabot sa'kin.

"Can you give these to Ms. Zamora?" Tanong niya. "The first one is the exam you took earlier tapos yung isa, yung reviewer for your final exams."

I nodded and took it.

"Kailan siya makakapasok?"

"Next week po, Ma'am."

"Very good. How about Mr. Go?" Dugtong niya. "May balita ka ba tungkol sa kanya? Is he fully recovered?"

"..."

Napatitig siya sa'kin habang hinihintay yung sagot ko.

Anong sasabihin ko?

"Malapit na yung finals." She said. "Kailangan nila humabol at sumabay sa inyo para hindi magkaroon ng problema sa graduation."

"I'm not really sure about him." Sagot ko. "The last time we were at the hospital, he was advised to stay for other treatments."

"So hindi pa talaga siya pwede pumasok.."

Hindi nalang ako umimik.

Kailangan niya talaga magpagaling.

Kailangan niya maalala si Theia.

"Make sure masagutan ni Theia yung exam dyan, okay? I need that to finalize your rankings."

I nodded.

"Thank you, Charmaine." Sabi niya. "You may go."

Nung palabas ako ng room, tsaka ko lang narealize na alam pala ni Ma'am yung pangalan ko.

They don't usually call us by our given names kaya nakakapanibago.

"Charm!"

I looked behindi me and saw Ken, Vin at Ry.

"Kakatapos lang ng exam niyo?"

Hiwalay kasi ng rooms yung girls at boys kapag ranking kaya hindi namin sila kasama.

"Kung tinatanong mo yung oras, kanina pa dapat pero natagalan yang si Kenneth."

"Anong natagalan ka dyan?" Sabi ni Ken. "Ang hirap kaya ng exam. Atsaka for ranking yun, dude. Hindi dapat minamadali."

"Oo na, oo na." Tumango tango si Vin. "Kunwari ka pa dyan, sigurado akong hinulaan mo lang yun."

"Hindi kaya. Nag-compute rin ako."

"At ilan naman yung may solution mo?"

Nauna na kaming maglakad ni Ry papasok sa canteen kasi nagtatalo pa yung dalawa.

Hindi ko mapigilang mailang sa kanya dahil sa pinag usapan namin kahapon.

***

"Wait. We need to talk, Charm."

"Go ahead."

What does he want?

Hindi niya naman ako madalas kausapin ng ganito.

"May kailangan ka bang sabihin sa'kin?"

"Kailangang sabihin?"

"Something happened to her right?" Sabi niya. "Na hindi mo sinabi sa'min."

I looked away.

Sino ba siya ngayon?

Boyfriend ni Ivy o childhood friend namin ni Theia?

"Charm, ano ba talagang nangyari?"

"I already told you, Ry." Sagot ko. "Nahimatay si Theia."

"Bakit si Tita Ella?"

"She's her doctor." I said. "Sino pa bang dapat tumingin sa kanya?"

"Bakit siya nahimatay?"

"Pagod at puyat." Ulit ko. "Maraming nangyayari ngayon na hindi maganda yung epekto sa kanya."

"That doesn't make any sense." Sabi niya. "Edi dapat noon pa siya nahimatay. Bakit ngayon pang gising na si Nathan? Dahil ba sa amnesia niya?"

Of all the time that he should be curious, bakit ngayon pa?

"Why are you keeping this from me?"

Bakit ko nga ba?

Dahil ba girlfriend niya si Ivy at siya yung naaalala ni Nathan?

"Nag-aalala rin ako sa kanya." He said. "Mahalaga rin siya sa'kin kaya please."

"Hindi ko alam kung paano siya nahimatay."

He has a point.

Baligtarin man ang mundo, kaibigan namin siya ni Theia.

"Charm.."

"It's the truth. Hindi ko alam kung bakit." I told him. "Siguro sa pagod at puyat tulad ng sinabi ni Tita o sa amnesia ni Nathan tulad ng sinabi mo."

Sasabihin ko nalang rin sa kanya.

"Ang alam ko lang bago siya mahimatay, kasama niya si Nathan."

***

"Charm, ano yang bitbit mo?"

"Exam natin kanina tsaka reviewer sa finals." Sagot ko habang kumakain. "Pinapabigay ni Ms. Ces kay Theia."

"Dadaan ka ba mamaya sa kanila?" Ken asked.

"Yup." I nodded. "Gusto niyong sumama?"

"Gusto ko sana." Sagot ni Erica. "Pero kailangan na namin matapos ngayong araw yung entry ng section natin para sa graduation ball."

"Hindi rin kami pwede." Sabi ni Vin. "May practice pa kami. Sa same week kasi ng finals yung laban."

"Sorry, Charm."

Ang lulungkot ng mukha nila.

Medyo na-guilty tuloy ako. Hindi naman nila dapat maramdaman yun.

"Ano ba yan." Tumawa ako ng konti. "Okay lang. Maiintindihan naman yun ni Theia."

"Do you want me to come with you?"

"Ha?"

That word came out of my mouth exactly like what I was thinking.

Hindi ko alam kung tama ba ako ng narinig but I was sure na hindi lang ako yung nagulat sa sinabi niya.

I don't really talk to her that much.

Simula nung naging sila ni Ry, dun ko lang narealize na sobrang tahimik niyang tao. Is it just me or ilang lang talaga siya sa'min? Ganun yung palagi kong nararamdaman pag kasama namin siya.

Ivy smiled.

She was smiling. At me.

Wat's happenin' with u earth?

"Gusto mo bang samahan kita?"

We were seated across each other kaya lalo akong nailang sa sinabi niya.

Seryoso ba siya?? Baka nabibingi lang ako.

"Talaga?" Si Ry na mismo yung nagsalita. "Okay lang ba sa'yo, mahal?"

"Of course. Wala naman akong gagawin pagtapos natin kumain. Diretso uwi lang rin ako tulad ni Charm."

Ken and Vin were throwing glances at me.

I really don't know what or how to react.

"That's great then." Erica said. Sinagi niya yung braso ko ng konti.

"Sure." I tried my best to smile back at Ivy.

I couldn't identify kung totoo ba talaga yung ngiti niya o hindi.

"Uy, Charm." Lumapit sa'kin si Erica. "Ayos lang ba sa'yo yung nangyayari?"

"Okay lang naman." Sagot ko. "Hindi lang talaga ako sanay na ganyan siya."

"I know." Sabi niya. "Close naman sila ni Theia kahit papano."

"Oo, atsaka kailangan niya rin makakita ng ibang tao bukod sa'kin." Biro ko. "Baka nagsasawa na yun sa pagmumukha ko."

***

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin o hindi. Ang tahimik kasi masyado.

"Charm, kamusta na pala si--"

My phone started ringing.

*Baby bro calling*

"Wait lang, Ivy. I need to take this call."

"Go on."

"Cy?"

"Ate? Ang dami ko nang texts sa'yo pero hindi ka naman nagrereply."

"Hala, sorry." Sabi ko. "Bakit? Ano bang meron?"

"Susunod ako kanila Mommy sa Tagaytay."

"Ha? Ngayon na agad?"

"Wala na kaming pasok diba? Tinapos ko lang yung project na pinasa ko kanina." He said. "Make sure to take care of Robin okay?"

Si Robin yung aso niya.

"Aalis ka tapos iiwan mo siya sa bahay?"

Ugh. I hate this.

Hindi naman sa ayaw ko kaya lang kasi sobrang likot ni Robin. One time nginatngat niya lahat ng reviewers ko na nasa higaan nung lumabas lang ako para kumuha ng merienda.

"Hindi ko naman siya pwedeng dalhin." Sagot niya. "Bawal ang aso sa hotel."

"Cy, naman eee."

"Ate, I'll be home soon. Sa ngayon, ikaw na muna bahala sa kanya." Sabi niya. "Laruin mo lang siya paminsan minsan at palabasin ng kulungan ha?"

"You sounded like you'll be gone for a while."

"No. After a few weeks, uuwi narin ako kasama sila Mommy at Daddy." He said. "We'll be attending your graduation remember?"

Sige na nga.

"Wait for me, okay?" Sabi ko sa kanya. "Si Kuya Sid naman yung maghahatid sa'yo diba? Dapat makita kita bago ka umalis."

"Sige, I'll wait."

I held my phone away from my ear.

"Aalis yung kapatid mo?"

"Oo." Sagot ko. "Sorry, okay lang ba na sa susunod nalang tayo pumunta kanila Theia?"

"Sure." She answered. "Just drop me off dyan sa may mall. Papasundo nalang rin ako."

Kuya Sid automatically turned on the radio.

"Thank you, Charm." She got out of the car. "Ingat kayo."

"Sorry talaga, Ivy. Ingat ka."

Kuya Sid drove and turned the car around para makauwi na kami.

I closed my eyes and relaxed a little.

"Ma'am?"

"Yes, Kuya?"

"Hindi ba po kayo close ng kasama niyo?" Napamulat ako dun at napatingin sa kanya.

"Paano niyo po nasabi?"

"Parang ilang po kasi kayo sa isa't isa."

Pati kaya si Ivy naiilang rin sa'kin?

"Tama po kayo, Kuya." Natatawa kong pag amin sa kanya. "Hindi nga po kami close."

"Ayos lang yan, Ma'am." Sabi niya. "Hindi niyo naman kailangang makasundo lahat ng tao at hindi naman nila kailangang magustuhan kayo."

I nodded and smiled back at him. "I agree, Kuya. Thank you po."

***

"Cyyyy!!!"

He was waiting by the door with his luggage.

"ATE ANG BIGAT MO!!"

"Sorry!"

Napabitaw tuloy ako agad.

"What took you so long?" Nakasimangot nanaman siya. "Kanina pa kita hinihintay."

"Sorry. Pupunta kasi ako dapat kanila Theia." Sagot ko. "Anyways, thank you, baby bro! You saved me!!"

Niyakap ko ulit siya.

"Ateeeee!!"

Bumitaw ako ulit. "Hehe. Sorry!"

"Saved you from what?"

"Nevermind." I told him. "Aalis ka na agad? Hindi manlang tayo nakapagbonding."

"Ayan. Punta punta ka pa kasi sa States." Sabi niya. "Mas pinili mo pa si Kuya kaysa sa'kin."

"Sus. Nagtatampo ang baby brother ko." Pinisil ko nga yung cheeks niya. "Don't worry, graduate na ko soon. Ikaw naman ililibot ko sa States."

"Talagaa??"

Hindi kasi siya nakasama kasi tambak yung gawain nila sa school. Honor student kasi. Ayaw patalo.

"Oo." Napangiti naman siya sa sagot ko. "Sige na, lumayas ka na at baka gabihin ka pa lalo."

Niyakap niya ako agad. "Mag iingat ka dito ha. Wag mo ko masyadong mamiss. Alagaan mo si Robin. Kunwari ako yun."

"Parehas nga kayo ni Robin. Mabantot." I said. "Amoy aso ka narin."

He laughed when let go of me and sniffed his shirt.

"Binuhat ko kasi siya kanina." Sabi niya. "I'll go na, Ate."

"Take care of Mommy and Daddy ha?" I said. "Be a good boy. Wag pasaway. Makinig ka sa kanila okay?"

"Aye aye captain!" He saluted and kissed me on my cheek. "Love you, Ate!"

Bago pa ko makapagsalita, tumakbo na siya papunta sa kotse.

He waved goodbye and got inside the car.

"I love you too, baby bro!"

Pumasok na ko ng bahay and I saw Robin sleeping on his bed. I carried him paakyat sa kwarto ko and smiled nung makita yung sarili kong maleta na nakalatag sa kama.

"Now, Robin.." Sabi ko habang hinihimas yung balahibo niya. "Ako naman yung aalis and you're coming with me. Hohoho."

******