*Alec's POV*
I was awakened by the rumbling sound and smell of.. bacon??
I opened my eyes and sat up.
Nasaan ako?
I looked around and saw Theia in the kitchen kasama si Manang.
Kumukuha pala siya ng plato. Tunog ng plato yung narinig ko at bacon talaga yung naaamoy ko. Nagluluto na ng agahan si Manang.
Oo nga pala umuwi ako kanina.
Nung papunta na si Theia sa lamesa, napatingin siya sa pwesto ko.
"Hala." Sabi niya. "Nagising ka ba namin? Sorry."
"No, it's okay." Napahawak ako sa ulo ko. "Anong oras na?"
"7."
Ihahatid ko pa sila sa school. Buti nalang nagising ako.
I watched while she arranged the plates on the table. Ang aga niya naman nagising.
"Anong oras ka dumating?"
"Mga 5 yata."
"Dalawang oras palang yung tulog mo." Sabi niya. "Why don't you go upstairs and sleep?"
"I can't. Ihahatid ko pa kayo ni Charm."
"Wag mo na kami ihatid."
"Ako na tutal pupunta narin ako sa ospital pagtapos."
"Alam ba ni Ate na umuwi ka?" Lumapit siya sa'kin at inabutan ako ng gamot at tubig.
"Yes." Sagot ko. "I told her last night pero hindi ko na siya ginising bago ako umalis."
"How is he?"
"Still unconscious."
Napapikit siya sa narinig niya. Nakikita kong nahihirapan na siya.
"Anong oras ka gumising?" I asked. She doesn't usually wake up this early.
"Nako hijo, sobrang aga niya nagising." Sabi ni Manang. "Nauna pa siya kaysa sa'kin."
"Nang! Shhh!!"
"Talaga?"
Hindi ka ba makatulog ng maayos?
"Oo na." Hindi siya makatingin sa'kin. "It's not that I can't sleep. Nagising lang talaga ako ng maaga."
"Wala naman akong sinabi na hindi ka makatulog."
"Inunahan lang kita kung sakaling yun ang maisip mong dahilan."
Yun nga yung naisip ko.
"By the way nasaan si Charm?" Tanong ko. "Tulog parin ba?"
"Nope. Naliligo na siya."
"At bakit ang aga aga nabanggit na ang aking napakagandang pangalan?"
Napatingin kami sa may hagdan.
It's her.
"WALA." Theia stood up and went to the kitchen.
"Kuya!" Lumapit siya agad at niyakap ako.
"Kamusta?" I asked. "Kamusta si Gab?"
"Ako? Ito maganda parin." Sagot niya. "Si Gab? Ayun in love na in love parin sa'kin."
I laughed.
Mahilig talaga siya magbiro. Kaya magkasundo kaming dalawa.
"Ay nako, kuya. Wag ka nang makinig dyan."
"Bessy, wag kj." Sagot niya. "Minsan ko na nga lang makausap si Kuya e."
"Oo na ho. Hindi na."
"Kuya." Tumingin siya saglit kay Theia bago sa'kin. "Ginising ako nyan kanina."
"Ha?"
Si Theia?
Never siya naunang magising.
Never rin siya nanggising ng iba.
"I know what you're thinking. Kahit ako nanibago sa nangyari." Sabi niya. "Natatakot ako sa epekto ng aksidente ni Nathan sa kanya."
We were silent for a moment.
Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.
"At anong pinag uusapan niyo dyan??"
Napatayo kami agad nung narinig namin yung boses niya. She was behind us.
"Aatakihin kami sa puso dyan sa ginagawa mo, bessy."
"Bakit kasi ang hinahina ng boses niyo?"
"Are we supposed to shout then?"
She frowned. "Of course not."
"Masama kayang makinig sa pinaguusapan ng iba."
"I wasn't."
"Talaga??"
Tumingin siya sa'ming dalawa ni Charm.
"Hindi kaya.."
"What?"
"May tinatago kayo sa'kin no?"
"Ayun na nga ang sinasabi ko Kuya." Pinandilatan ako ni Charm. "Pinilit niya ko mamalengke kaninang umaga kaya gising na ko ngayon imbis na tulog pa ko sa kama."
"Edi wag ka kumain." Sabi ni Theia. "Layas. Hindi ka bisita no."
"Si bessy naman, ang bilis magtampo." Lumapit si Charm kay Manang. "Pinagluto kaya ako ni Manang. Magtatampo siya pag hindi ako kumain. Di ba po? Tara kain na tayo."
Natatawa nalang kami ni Manang sa kanilang dalawa. Iba talaga sila mag away.
***
*calling Mommy*
"Mommy?"
She answered on the first ring. Buti nalang.
"Alec, baby?"
"Yes, Mommy. Nasaan po kayo?"
Alam kong may inaasikaso sila pero this is important.
"Pumunta kami sa Tagaytay kagabi. Hindi ko ba nasabi sa'yo anak?" She said. "But now, we're on the way to Theia's school para kausapin si Sammy tungkol sa school na ipapatayo."
"Why Alec?" Tanong ni Daddy. "Is everything alright?"
"Is it Theia?"
"She's safe, Mommy. Hinatid ko po sila ni Charm sa school kanina." I answered. "Can you go to the hospital first?"
"Is this about Nathan?"
"Yes, Daddy." I answered. "Naomi called me kanina."
I took a deep breath.
"He's awake."
I felt bothered by what she said.
******
*Charm's POV*
"THEIAAA!!!"
We turned around and saw Erica running towards us.
"Oh no..."
Tumalon siya bigla which made Theia open her arms. She caught her. Pero parehas silang natumba.
"Aww..."
"Sorry, Theia!!"
"Bessy are you okay?"
"Sorry talaga." Ulit ni Erica. "Namiss lang kita."
"It's okay." Sagot niya. "May kilala rin akong ganyan. Mas baliw pa sa'yo."
Tapos tumingin siya sa'kin.
"Sino?"
Hindi siya sumagot.
Aba kung sino man yon, ang kapal ng mukha niya para ganunin si bessy ha.
I can't even do that to her.
"Bakit ako hindi mo namiss?"
"Sa lakas kasi ng presence mo.."
"Ano?"
"Hindi ko naramdamang umalis ka."
"Okayy.." Hinila ko si Theia. "Let's go, Bessy."
"Tara."
"Hey! That was supposed to be cheesy!" Humabol siya sa'min. "Hindi ba effective?"
Parehas kaming umiling.
"Sige. Last ko na yun."
"Where's your bag?" Theia asked while we were walking.
"Nasa room." Sagot niya. "Kinausap lang ako ni Ms. Ces tungkol sa sayaw."
Si Erica kasi yung class president.
"Sayaw?" The exact moment na sinabi yun ni Theia, tumunog bigla yung bell.
Nagmadali na kaming pumasok sa room at umupo sa kanya kanyang upuan. Luckily, hindi pa nag-aattendance si Mrs. Roa.
***
"Are there any questions?"
My phone kept vibrating while she was teaching pero hindi ko parin pinapansin.
"Take out your notes and copy what's written on the board."
All of them quickly obeyed pero hindi na talaga ako mapakali. I put my phone inside the pouch and quickly stood up.
"Mrs. Roa, may I go out?"
"Of course, Ms. Severino."
I hurried outside.
There were 25 missed calls.
Lahat galing kay Kuya Alec.
Bakit kaya?
I tried dialing his number several times pero busy na. Sinubukan kong tignan kung may voice message ba siya. There.
Charm, can you get out with Theia? We need to go to the hospital. I'll be there in 30 minutes.
I scanned the call log.
This message was an hour ago. Pumasok ako at hinanap si Ma'am. Naglilibot siya at tinitignan yung mga nagte-take down notes. I hurried to her side.
"Ma'am."
She looked at me. Kinakabahan ako.
"Yes, Ms. Severino? Is there something wrong?"
"Can Zamora and I go out for a while?"
Hindi ko alam kung papayag siya. I've never tried this before.
"Why?"
Napapatingin na yung ibang classmates ko sa'min.
"May emergency po kasi sa ospital." I explained. "Hinihintay na po kami ng Kuya niya sa labas."
"Is this about Mr. Go?"
I nodded.
Please, Ma'am. Pumayag ka.
"Okay, but make sure you'll be able to have copies of the lesson today." Sabi niya. "I'm going to check this on the next meeting."
"Thank you, Ma'am."
Kulang nalang yakapin ko siya sa sobrang tuwa ko.
"Ms. Zamora." Napatingin sa'min si Theia. "You and Ms. Severino may go now."
She looked at me. Alam kong naguguluhan siya pero I gestured her to hurry. Nung nasa labas na kami ng room, hinila ko na siya agad papunta sa gate.
"Ano bang problema?"
"I don't know, bessy." Sabi ko habang hingal na hingal. "Pero kailangan na nating magmadali."
"Why? Anong nangyari??"
"Kanina pa siya naghihintay."
She didn't complain.
Seeing me like this, napansin niya sigurong importante 'to kaya hiyaan niya nalang akong hatakin siya.
Kuya's car was already in front of the school. Nasa labas siya and the door was already opened for us.
"Kuya?"
"I'm sorry." Sabi ko at tinulak siya papasok sa kotse. "Kakatingin ko lang sa phone ko."
"It's okay, Charm."
"Can anyone tell me kung anong nangyayari??"
"Wear your seatbelts please."
Nagmaneho na siya agad paalis ng school.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa ospital."
"Nathan?"
"Yes."
"Is he okay?" Worry is all over her voice. "Wala namang nangyaring masama sa kanya di ba??"
"We'll know when we get there."
"Kung hindi pa siya gising, bakit tayo pupunta sa kanya?" Sabi niya. "And apparently, we're in the middle of class. May pasok kami ni Charm."
"He's awake." Sagot ni Kuya. "Gising na si Nathan."
Napatingin ako sa kamay niya na mahigpit na nakahawak sa manibela.
Kahit hindi niya sinasabi kung anong nangyayari, alam kong may problema.
******
*Theia's POV*
When we arrived at the hospital, our parents were at the reception.
Gaano ba ka-urgent yung pagkagising niya at kailangang nandito rin sila Mommy?
Tita Dina, Tito James, Ate Naomi and Ry were outside his room.
"Theia." Tita stood up nung nakita niya ako.
"Dina is everything okay?" Tanong ni Mommy.
"Yes, Cam." Pero napatingin sa'kin si Tita nung sumagot siya. "Nathan's awake."
"Pero bakit kayo nasa labas?" Daddy asked. "Aren't you supposed to be inside? Hindi ba dapat binabantayan niyo siya?"
Tama si Daddy.
"Pinalabas niya po kaming lahat, Tito." Ate Naomi answered.
"Bakit?" I asked her.
I felt uneasy.
Hindi talaga ako mapakali.
May mali. Sigurado ako.
Bumaling yung tingin ko kay Ry.
Why is he here?
Bakit ganito yung nararamdaman ko?
"Theia, calm down okay?" Tita held both of my hands.
"Tita, may problema po ba?"
Kinakabahan na 'ko.
May hindi sila sinasabi sa'kin.
"May nangyari ba pong masama kay Nate? Nasa loob ba po si Dra. Guevarra?"
Lumapit sa'kin si Ate Naomi. "Theia, please calm down."
But I can't.
Why are they telling me to calm down?
Paano ako kakalma kung may hindi sila sinasabi sa'kin?
I looked at Ry.
He didn't attend classes today. Both of them.
Imposibleng nandito siya. Walang rason para pumunta siya dito.
Unless..
Hindi siya pumunta mag isa..
Kung tama man ako ng hinala, anong gagawin ko?
Lumapit ako sa kanya.
"Ry, where is she?"
He knew kung sinong tinutukoy ko.
"Ry, tell me.." I'm panicking. "Nasaan si Ivy?"
Ryan looked at me. Umiiyak siya.
Kaya kahit hindi pa siya sumasagot, parang alam ko na kung anong nangyayari...
I looked at Nate's door.
Mali naman ako diba?
Baka mali lang ako..
"Hindi pwede.."
Tears were already rolling down on my cheeks.
"Theia.." Niyakap ako ni Mommy.
"Mommy.. nandyan siya..."
She's inside his room.
I know.
"Nathan, stop it! Stop!"
"Bitawan mo yan!" Sigaw niya. "NOOO!!!"
*clink*
Before anyone could react, we heard a sound coming from his room.
A glass breaking.
Kasabay ng pagbasag na yun,
Ramdam kong nabasag rin ng tuluyan yung puso ko.
******