In Case YOU Forget ME
Everyone wants to live in a perfect life.
A perfect life where you are happy with the people you love and cherish so much.
People you don't want to disappear from your life.
So...
What if napakaperfect na ng lahat?
Nakilala mo na ang taong mamahalin mo.
Nasayo na rin ang taong magmamahal sa'yo.
Taong mag-iistay kahit masakit na.
Taong ipaglalaban ka kahit ang hirap hirap na.
Taong pipiliin ka ng paulit ulit kahit yung mismong mundo na ang naghihiwalay sa inyong dalawa.
Kayo na.
Umaayon sa inyo ang tadhana.
Masaya na kayo.
Maligaya.
Lahat na ng bagay na hinihiling ng dalawang taong nagmamahalan ay nasa inyo na.
Pero may mangyayari.
Pangyayaring hindi mo inaasahan na magbabago ng lahat.
Yung taong marunong magstay? Natutunan ring iwanan ka.
Yung taong ipaglalaban ka? Isusuko ka rin pala.
Yung taong akala mo pinili ka? Makakapili rin pala ng iba.
Nakalimutan kong wala palang perfect sa mundo.
Kahit simpleng bagay, nagkakagulo.
Akala ko okay na.
Akala ko ma-swerte na tayo.
Akala ko tayo na hanggang dulo.
Mali pala ako.
******
*Ding dong*
He's here. Finally.
I looked at the dress that I'm wearing and stared at my reflection on the mirror.
"It's okay, Theia. It's just Nate."
Sinubukan ko namang ngumiti pero parang may mali.
Hindi ko maintindihan.
Even if I tried to calm myself, hindi ko matago yung kabang nararamdaman ko..
Takot at kaba?
I shook my head.
Stop thinking, Aletheia! This is supposed to be a happy day.
I need to think straight.
Wag ka masyadong mag isip or you'll ruin his surprise!
This day is a gift.
Nagmadali akong bumaba sa hagdan hoping na siya yung una kong makikita sa may pintuan.
"Mio!"
But it wasn't him.
"Theia..."
"Ate... Naomi?"
She's wearing a dark blue dress which complimented her skin tone.
Ang ganda niya talaga.
The moment I looked at her face, nawala rin yung ngiti ko.
I knew there was something wrong.
Pulang pula yung mata niya.
Lumapit ako agad sa kanya at inalalayan siyang umupo sa sofa.
"Ate??" Hindi ko alam yung gagawin ko. "Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba??"
Napailing siya at biglang tumulo yung luha niya.
Sa tagal ng relasyon nila ni Kuya, ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.
"Si Kuya ba??"
I've never seen her cry because of him.
Never kong nakita na hindi sila okay.
Kaya imposible na siya yung dahilan.
"Hi-hindi.." Sabi niya. "It's not about Alec.."
If it's not about Kuya, sino? Bakit siya umiiyak ng ganito sa harapan ko??
"Ate.. Tell me.."
Mas lalo lang siyang naiyak.
What am I supposed to do?
She's crying and I couldn't do anything.
I was about to dial my brother's number nung bigla siyang nagsalita.
"Si N-nathan.."
"..."
Pagkasabi ni Ate ng pangalan niya, hindi ko alam kung bakit pero mas lalo akong nag-alala.
Bago ko pa marinig yung rason, I looked for his number and called him.
I dialed again and again pero napuputol yung connection. Walang sumasagot sa tawag ko.
*the number you have dialed...*
"Mio, please....."
Oh God.
Please answer my call. Kahit mag-text ka lang, sapat na yun.
I need to know that you're okay.
Mali naman tong kutob ko diba?
Kasi natatakot na ako.
"Ate, please tell me what happened.." Hindi na ko mapakali. "I can't contact him.. walang sumasagot sa tawag ko.."
Patuloy sa pagtulo yung luha niya habang nagsasalita siya.
"Th-eia, na-aksidente s-iya.." Sagot niya. "Na-aksidente si Na-th-an..."
Naaksidente...?
"This is Nate's prank right?" Tanong ko. "This is his idea to get back at me. Alam niyang excited ako ngayong araw. Nandyan lang siya sa labas di ba? He's just outside waiting for me..."
Hindi siya sumagot.
Natakot ako na nagiging totoo na 'to because this is what she looked like when Nicole left... when Nicole died.
Theia, all you have to do is open the door.
Nandyan si Nate.
Hinihintay ka niya.
Malamang naiinip na siya kakahintay sa'yo..
Nate said he'll be here soon.
He will keep his promises no matter what.
I tried to stand up and opened the door.
Alam kong nandito siya. Alam kong nakangiti siya sa'kin pagbukas ko ng pintuang 'to.
Pero wala siya. Walang Nate.
"Hindi pwede.." Bulong ko.
Imposible...
This is not true. This can't be true..
Kilala ko si Nate.
Hindi niya ako basta basta iiwan ng mag isa.
"Theia.." Lumapit sa'kin si Ate. "Listen to me."
I can't even look at her.
My body started to feel numb.
Hindi gumagana yung utak ko.
"Tumawag yung pulis kanina para sabihin na nabangga yung kotse niya. Dinala na daw siya sa ospital."
I could hear her voice pero wala akong maintindihan.
I couldn't stop the tears from rolling down my cheeks.
I used all the strength I have left para humarap sa kanya.
"Ate, please.." I held her shoulder. "Please, tell me this is not true. Kausap ko lang siya kanina tapos sabi niya.. Sabi niya.."
Papunta na siya.
Sabi niya..
Mahal niya ko...
She didn't respond. Umiiyak lang siya. Iyak lang siya ng iyak sa harapan ko.
Umiiyak siya kasama ko.
The more she cries.. the more it sinks in na totoo lahat ng 'to.
Unti unting nagflashback sa'kin yung mga sinabi niya kagabi.
Hinding hindi kita ipagpapalit kay Ivy, okay? I love you. Only you.
Tuwing nakikita kita mas lalo akong nahuhulog sa'yo.
Everytime I wake up, lagi kong naaalala kung gaano kita kamahal.
I love you too much that I can't ever let you go.
I'm here. I will always be here. I love you and I will always love you.
Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
I love you, Aletheia Courtney Zamora.
"Nate.." Napaupo ako at lalong umiyak. "No. No. Please, panaginip lang to di ba?"
And Ate was there.. hugging me tight.
Nate nasaan ka na?
I did what you told me to do.
Hinintay kita, Nate.
Pero nasaan ka na?
Sabi mo papunta ka na sa'kin...
:(
Hindi ko naisip na sa sobrang saya namin nung mga nakaraang araw, may dadating ring araw na makakasira sa lahat ng yun.
Hindi ko akalaing sa isang iglap, maglalaho ang lahat.
***
People say that we need to expect the unexpected.
Para hindi tayo mabigla sa mga mangyayari.
Para kaya nating i-handle yung mga mararamdaman natin.
Para in the end, magiging okay parin tayo.
But how do we expect the unexpected?
Hindi ko alam na sa sobrang pag iisip at pag aalala ko, magkakatotoo lahat ng ikinakatakot ko.
Nakalimutan niya na ko.
Nakalimutan ako ng taong pinakamamahal ko.
Anong gagawin ko?
Ipaglalaban ko pa ba yung pagmamahalang nakalimutan na?
O
Kakalimutan ko narin yung pagmamahalang ako nalang ang nakakaalala?
Pero paano kung kami pala talaga ang para sa isa't isa?
******