CHAPTER FOUR
INT.DEPARTMENT STORE-DAY
Magkasama sila Darcy at Derek naglilibot...samo't saring kulay ng bedsheet ang makikita at mga furnitures...
DARCY
Woooaaaahhhh...Gusto ko nito.
*parang bata nitong tinuro ang kulay pink ng bedsheet.
DEREK
Ano ako bakla???!!!!!!
DARCY
Aw?...di maghanap ng iba...
DEREK
Ito...
*sabay taas ng kamay para humingi ng assistance sa nakitang itim na bedsheet...at inabot naman ni Darcy ang kamay nito upang mapigilan ito ngunit na huli na ito sapagkat papunta na sa kanila ang sales lady.
DARCY
Pangpatay naman yang kinuha mo...
SALES LADY
Ano pong hinahanap nila?
DEREK
Naghahanap kasi kami ng bedsheet anong marerecommend mo?
SALES LADY
Ito na lang pong red Sir...ito kasi kadalasan kinukuha ng mga mag jowa at mag-aasawa...color of love daw po kasi...
DARCY
Aw?? Hindi po kami ate...
SALES LADY
Sorry po Sir akala ko po magjowa kayo magka holding hands po kasi kayo...
Sorry po talaga...
*sabay tingin ng dalawa at napansing magkaholding hands nga sila at sabay bitaw nila.
DEREK
Sa labas na lang ako maghihintay.Ikaw na bahala pumili ng kulay...panglalaki ha!!!
*sabi nito kay Darcy.
SALES LADY
Sorry po talaga Sir...
*habang nakayuko ito.
DEREK
Hindi ako Bakla!!!
*nanlilisik ang mata nito nang sinabi ito sa Sales Lady at sabay walk out.
SALES LADY
Kayo po Sir?
DARCY
Aw? Hindi ko pa alam eh...
*nahihiya nitong sabi...pero bigla itong nahimasmasan.
Ang ibig kong sabihin hindi...hindi ako bakla...lalaki ako...
-------------------------------------------------------------------
AFTER HOUR
INT.RESTAURANT-DAY
Galit si Derek at kaharap nitong kumakain si Darcy.
DARCY
Ano bang kinagagalit mo nag sorry na naman yung tao...At saka malay ba nung Sales Lady...
DEREK
Tapusin mo na nga yang kinakain mo...Gusto ko ng umuwi...
DARCY
Aw?ikaw nagyaya sakin dito...
DEREK
Bilisan mo kasing lumunok...
DARCY
Sabi mo kagabi dapat namnamin ko muna bago ko ilunok...
*pabulong nitong sabi.
DEREK
May sinasabi ka???!!!
DARCY
Oh...
*sabay abot sa bedsheet na nabili...
DEREK
Dalawang libo?? Para sa bedsheet??
DARCY
Mahal nga pero magtatagal naman...
DEREK
Ayaw ko nito...
*inilapag ito sa mesa.
DARCY
Sabi mo ako ng bahala pumili...
DEREK
Eh ang mahal niyan...
mayaman ka ba???
DARCY
Hindi...
Pero maiipon ko rin naman ulit yung pinangbili ko nito...may part-time job ako...
DEREK
Anong trabaho?
DARCY
Trabaho...
DEREK
Ano ngang trabaho? hindi mo nabanggit sakin na may trabaho ka pala...Hairdresser? Manikurista? Make-up artist?
DARCY
Kumakanta ako sa isang banda sa isang bar...
DEREK
Mga bingi customers ng bar??
DARCY
Aw? Ang dami kayang pumupunta sa bar pag ako ang kumakanta...Nung highschool ako binuo ko mag-isa yung banda namin,hanggang sa kunin kami ng isang bar para magperform hanggang college kaso lang natigil kami kasi nagkaroon ng problema...
DEREK
Ano yung problema?
DARCY
Ginahasa ako...
DEREK
Yung gumahasa ba sayo gumawa ng mga peklat sa mga kamay at paa mo?
*sabay tago naman ni Darcy sa peklat nito sa kamay.
DARCY
Masyadong mahabang kwento...paghanda na ako sasabihin ko sayo lahat kasi gusto ko makilala mo ako...pero ngayon secret muna para mysterious.
DEREK
Ang drama mo... Alis na nga ako...
*sabay tayo nito.
DARCY
Teka lang... Pwedeng samahan mo ko?
DEREK
At bakit naman??!!
DARCY
Pumayag akong sumama sayo kaya ako naman pagbigyan mo...at saka mabigat yung bibilhin ko...
pleassseeee...
DEREK
Ano ba kasing bibilhin mo??!!
DARCY
Groceries natin wala na kasing laman yung ref eh...
DEREK
Kasalanan ko ba kung wala ng laman yung ref??!!
DARCY
Ahmmm, Oo...
DEREK
Ha??
Si-si-sige na nga!!!
DARCY
Ahm...may isa pa akong request pwedeng wag mo na akong tawaging sex friend?
DEREK
So anong gusto mong itawag ko sayo??
DARCY
Friend?
*sabay pa cute nito...
DEREK
Ang arte nito...sige na!!
DARCY
Teka lang iihi lang ako...promise babalik ako kaagad...
*sabay takbo ni papuntang C.R., Pagkatapos nito ng mag C.R. nakita nito si Alex na kaibigan ni Derek.
ALEX
Darcy?Di ba ikaw yung roommate ni Derek?
Ba't ka nandito?
DARCY
Kasama ko si Derek may binili lang kami...Ikaw sino kasama mo?
ALEX
Mga highschool friends ko...
DARCY
Oh okay... sige una na ako...
*maya-maya ay dumating na rin ang dalawang babaeng kasama nito at nagkataong paalis na rin si Darcy.
ANGEL
Friend mo?
ALEX
Ah...roommate ng kaibigan ko.
LEANE
Hmm...hindi katangkaran pero bumawi naman sa charisma...di ba ganun ang mga type mo?
ANGEL
Ano ka ba?feeling ko namumula ako sa hiya...
LEANE
Tanungin mo na si Alex kung may girlfriend siya...
ANGEL
May girlfriend na ba siya?
ALEX
Si Darcy? Ahm... Hindi ko alam eh...pero tatanungin ko para sayo...
ANGEL
Okay...
---------------------------------------------------------------------
NEXT DAY
INT.ROOM 143 -DAY
Pagkatapos ayusin ang kama,kinuha ni Derek ang kanyang wallet at kwinenta ang laman nito at napangiti...
DEREK
Bababa ka?
DARCY
Aw? May bibilhin ka?ako na lang bibili?
DEREK
Ang ibig kong sabihin,baba tayo...sabay na tayong kumain...
DARCY
Ha?!
*napatayo ito sa kanyang pagkakaupo sa kama at napangiti sa narinig.
DEREK
Ano yang ngiti na yan?!!
DARCY
Pero bakit?
DEREK
Sabi mo ayaw mong tawagin kang sex friend,Pag tinanggal yung sex sa sex friend...ibig sabihin...
DARCY
Friends na tayo?
*sabay takbo sa may pintuan na sobrang saya...
Bilis baba na tayo...
DEREK
Hay isip bata...
*sabay sunod sa excited na si Darcy.
AFTER A MINUTE
INT.CANTEEN-DAY
Masayang nakaupo si Darcy habang nakatingin ito sa kumakaing si Derek.
DEREK
Yung pagkain ang tignan mo...
*sabay kuha sa butil ng kanin na nasa pisngi ni Darcy na ikinahiya at ikinapula ng mukha ni Darcy.
DARCY
Mas masarap ka kasing tignan kesa sa kinakain ko...
*pagbibiro nito at nahihiya nitong sinabi.
DEREK
Mabulunan ka sana...
DARCY
Masaya lang ako...
DEREK
Dahil?
DARCY
Kasi mag friends na tayo...
DEREK
Para yun lang...
DARCY
Para sakin napalaking bagay nito...
DEREK
Haay...ang drama mo!!
DARCY
Ahm...Derek, pwede ba tayong lumabas mamayang gabi?
DEREK
Date?
DARCY
Gusto mo?
DEREK
Ayaw!!!
DARCY
Aw...walang malisya at saka gusto kong patunayan sayong maganda talaga boses ko...Please please please...
DEREK
Sa tingin mo madadaan mo ako sa pagpapacute mo?
*lalo pa itong nagpacute at biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ni Derek.
A-a-a...sige na nga!!!
DARCY
Na-cutetan ka sakin noh?
*palihim na ngumiti si Derek ng makita ang mukha ni Darcy ng itanong ito.
DEREK
Nakulitan!!! Nakulitan ako!!!
-----------------------------------------------------------------------
EXT. BAR 69 -NIGHT
Sa labas ng isang kilalang bar huminto sila Darcy at Derek.Halos mayayaman at kilalang tao ang labas pasok sa bar.
DEREK
Dito ka nagtatrabho?
DARCY
Oo...
*may pagmamalaki nitong sagot.
Pasok na tayo...
*sa isang magandang spot silang dalawa umupo kita sa mga mata ni Derek ang pagkamangha sa ganda ng lugar.
DEREK
Gusto ko ang lugar.
*may ngiti nitong sinabi.
DARCY
Masaya akong nagustuhan mo.
*may ngiti rin nitong sinabi kay Derek.
DEREK
Yung ngiti mo,iba mas masaya ang ngiti mo ngayon...
DARCY
Aw? Paano ba ako ngumiti dati?
DEREK
Ngiting aso...
DARCY
*natawa ito...
Alam mo ba kung paano ngumiti ang mga artista?
DEREK
Ngiting artista?Magaganda ngiti nila ah...
DARCY
Sa trabaho ko para na rin akong artista kahit malungkot ako kailangan kong ngumiti,ngiting artista-maganda tignan pero hindi mo alam kung totoong maganda dahil masaya yung puso nila ng ngumiti sila o kailangan lang nila para pagtakpan ang lungkot sa dibdib nila.
DEREK
Fake smile.
DARCY
Pwede...pero yung ngiting 'to
*sabay ngiti...
para lang sayo...
DEREK
*pinigil nito ang pagngiti
Kalokohan!!!
Ahmmm...magkano ba sinasahod mo dito?
DARCY
Sapat na para buhayin ang sarili ko.
*isang babae ang sumulpot,maganda ito,yayamanin,maputi at parang mabait.Boss ito ni Darcy at ng kanyang banda.
MAMA MIA
Oh, Darcy? Anong ginagawa mo rito? May set ka ba ngayong gabi?
DARCY
Mama Mia,customer ako ngayon...
MAMA MIA
Wow,asensado na ha...
DARCY
*napatawa ito ng saglit.
Ahmm,si Derek kaibigan ko...
Derek si Mama Mia ang may ari ng bar na'to.
DEREK
*ngumiti ito at nakipag kamay...
Ang ganda po ng bar niyo.
MAMA MIA
Salamat...Marunong ka bang tumugtog o kumanta? Pwede kang magtrabaho dito kung gusto mo?Malaki kita rito...
DARCY
Mama Mia,hina-harass mo naman yung kaibigan ko.
MAMA MIA
Tinatanong ko lang naman...
Basta kung kailangan mo ng trabaho...
DARCY
Ahmm,Mama Mia iwan ko muna sayo yung kaibigan ko saglit lang kakausapin ko lang yung mga kaibigan ko dito...
MAMA MIA
Go...akong bahala sa kaibigan mo.
DARCY
Salamat...
MAMA MIA
Okay.
*saka umalis si Darcy at umupo si Mama Mia at tinitigan si Derek.
Natatakot ka sakin?
DEREK
Hindi po.
*sabay ngiti nito.
MAMA MIA
Derek? Tama?
DEREK
Opo
MAMA MIA
Huwag mo na ako pino-po nakakatanda kasi masyado.
*sabay tawa...
Mama Mia na lang tawag mo sakin.
DEREK
Okay Mama Mia.
*nahihiya nitong tugon.
MAMA MIA
Paano kayo nagkakilala ng lalaking yun?
*sabay turo kay Darcy gamit ang kanyang nguso.
DEREK
Ha?
MAMA MIA
Si Darcy paano kayo nagkakilala?
DEREK
Ah...roommate kami...
MAMA MIA
Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero may ipapakiusap ako sayo alagaan mo yung lalaking yun ang daming pinagdaanan nun.
DEREK
Kasi kanina ko pa napapansin panay ang tawag niyo kay Darcy na lalaki...
MAMA MIA
Ah,kasi yung ugali niya hindi bagay sa pangalan niya tignan mo...
*sabay turo kay Darcy na napapalibutan ng mga babae na halos ay isubsob sa kanya ang buong katawan.
Ahmmm,alam mo na siguro na si Darcy ay...
DEREK
Bakla.
MAMA MIA
Ha!!! Hindi siya bakla ang gusto ko sanang sabihin na biktima siya ng rape.
DEREK
*naguguluhan ito sa mga pangyayari,hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Mama Mia na hindi bakla si Darcy.
Ah-ah-ah...alam ko,hindi niya pa lang naikukwento ang detalye ng nangyari.
MAMA MIA
Pwes!!! Ibahin na lang natin ang usapan at baka dumating pa ang masamang hangin at tangayin pa ang balahurang yun.
*ikwinento na lamang ni Mama Mia kung gaano nasasayahan ang mga customers sa pagkanta ni Darcy at pagtugtog ng kanyang banda...at ubod saya itong pinakinggan ni Derek.
Sorry dumaldal na naman ako... Sige iwan muna kita diyan para makapag relax at enjoy ka...
*sabay ngiti at alis nito.
DEREK
Salamat...
MEAN WHILE
Mag isang naka upo si Derek at nakainom ito ng kaunti ng lumapit si Darcy na tinamaan ng sipa ng alak.
DARCY
Ayos ka lang?
*sabi nito na napaghahalataang nakainom dahil sa tono at diin ng pananalita nito.
DEREK
*napansin nito ang lipstick sa pisngi at leeg nito na ikina-inis ni Derek.
Ikaw dapat ang tanungin ko niyan...ayos ka lang??
*iba ang tono nito,naiinis ito.
DARCY
*ikinuyom nito ang kamao at marahang sinuntok ang dibdib sabay taas sa hinlalaki ng kanyang kamay.
Ayos na ayos.
DEREK
*ibang Darcy ang nasa harapan niya brusko itong kumilos,pati ang pananalita nito ay iba rin.
Mukhang ayos nga pakiramdam mo dahil ba yan sa mga lipstick na 'to...
*sabay punas sa lipstick na nasa pisngi ni Darcy.
DARCY
Lapit ka sakin...
*utos nito na sinunod naman ni Derek.
DEREK
Ang sakit mo talaga sa ulo...
DARCY
Gusto mo bang malaman ang sikreto ko?
*naging interesado ng biglang iglap si Derek kaya mas lumapit ito.
Hindi ako bakla...Bawal...
*bulong nito at biglang napasimangot si Derek ng...
pero yung puso ko tumibok nung makita kita...promise cross my heart.
*maya-maya ay nagkatitigan sila napalunok silang dalawa,ang tibok ng puso nila ay tila isang malakas na musika na sila lamang ang nakaririnig,tunog,himig at musika na hindi lamang nila naririnig kundi nararamdaman rin. Unti-unting naglapit ang kanilang labi,nagdikit ito at pinagsaluhan ang tamis ng kanilang mga labi at maging ang init nito. Nang ilang sandali natapos ang mainit at matamis na tagpo.
DEREK
Lasing ka...
DARCY
Hindi ako lasing...
DEREK
Oo lasing ka...
DARCY
Sabi ng hindi ako lasing,kung lasing man ako ngayon yung puso ko hindi nalalasing...nalalasing ba puso mo? Hindi di ba?
DEREK
Uuwi na ako...hintayin kita sa labas.
DARCY
Mahal kita...
DEREK
Lalaki ka diba?? dapat di mo yan nararamdaman sa'kin.
*sabay alis nito.
------------------------------------------------------------------------
INT. ROOM 143-NIGHT
Nakauwi na ang dalawa at iniwan ang pinagusapan sa Bar 69. Nakahiga na si Derek sa kanyang kama at kakalabas pa lang ni Darcy sa C.R... Umupo ito sa kama ni Derek at...
DARCY
Pssst...alam kong gising ka pa...
*patuloy pa rin sa pagtutulog-tulogan si Derek.
Derek...
Alam kong gising ka pa...
DEREK
Oh...
*matipid nitong tango habang nakapikit.
DARCY
Gusto kong gawin yun...
DEREK
*minulat nito ang mata at tinapik ang kama sabay sabing...
Higa ka rito...
*saka naman ito sinunod ni Darcy at humarap kay Derek at tila nag-aabang sa susunod na gagawin sa kanya ni Derek.
DARCY
Hoy...
*marahan nitong inda ng yakapin siya ni Derek.
DEREK
Di ba gustong matulog katabi ako?
DARCY
Hindi naman 'to yung ibig kong sabihin...
DEREK
Ano ba gusto mo?
Ipikit mo na mata mo para makatulog ka na...
*habang yaka-yakap pa rin nito si Darcy.
DARCY
Haaaaiisssshhhhhtttttaaaaa!!! Alam mo kung anong gusto ko...
DEREK
Aaahhh,gusto mo kantahan kita ng pampatulog?
DARCY
Kung ayaw mo di huwag!!! May kamay naman ako!!!
*sabay lipat sa kanyang kama at talukbong ng kanyang kumot...habang si Derek ay ngumisi lamang at natulog.
NEXT DAY
INT.CANTEEN-DAY
Kinabukasan,nakasimangot si Darcy habang kinakausap nito ang sarili.
DARCY
Sinusumpong na naman yata yung homophobic na yun? Ano bang problema niya?
*biglang dumating si Dave may dala ito strawberry juice.
DAVE
Ang aga-aga galit ka...
*isang matalim na titig ang sinagot ni Darcy kay Dave.
Kung nakamamatay ang titig siguro kanina pa ako patay...may problema ba?
Aahhh...baka nag-away na naman kayo ni Derek...mukhang bad trip yun...
DARCY
Bakit kaya?
DAVE
Ha? Kayong magkasama sa kwarto ba't ako tinatanong mo?
DARCY
Haaaaiiissshhhhtaaaa!!!
*sabay walk out nito.
MEAN WHILE
INT.STUDENT's LOUNGE-DAY
Nakatulala lamang si Derek ng biglang dumating si Paul at napuna ito.
PAUL
Wow! Ang lalim ng iniisip ha! Baka sumabog ang utak mo...
DEREK
Gusto mo yung utak mo makita mo sa sahig...
PAUL
Chill... Si Darcy na naman ba yan? Nag-away na naman ba kayo? Woooooaaaaahhhh!!! Huwag mong sabihing nagatasan ka na niya??? Hay ano bang pinagsasabi ko ikaw pa pumatol ? Kung lalaki siguro pwede pa... Pero kung gagatasan ka ng lalaki ibig sabihin bakla ka na rin...ay hindi rin siguro...
DEREK
*biglang itong napalunok sa narinig at hindi mapakali.
PAUL
Oh, bakit hindi ka mapakali huwag mong sabihin nagatasan ka na niya?
DEREK
*Sabay kutos kay Paul.
Hindi mangyayari yun!!!
*sabay walk out nito.
-----------------------------------------------------------------------
INT. HOUSE-DAY
Sa isang magarang bahay,lahat ay mamahalin...mula sa itaas sa isang kwarto maririnig ang isang musika na galing sa mga tiklado ng piano,makikita roon ang panganay na kapatid ni Darcy na si Max tinuturuan nito ang bunsong kapatid na si Rea sa pagtugtog ng piano.
REA
Yehey nakuha ko rin...
*sobrang galak na sabi nito ng perpektong matapos nito ang pagtutog ng piano.
MAX
Ang galing talaga ng bunso namin...
*sabay halik nito sa batang si Rea.
REA
Kuya Max, kailan ba uuwi si Kuya Darcy sa bahay? Namimiss ko na siya...
MAX
Malapit na...
*habang tinatapik nito ng marahan ang ulo ni Rea.
Bakit ayaw mo na ba akong makasama?
*kunwaring pagtatampo nito.
REA
Gusto,namimiss ko lang si Kuya Darcy...
*biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan sila tumutugtog ng piano...pumasok si Darcy at daling yumakap ang batang si Rea.
REA
Kuya Darcy...
DARCY
Aw? Na-miss mo ko talaga?
REA
Sobraaaa....Dito ka na ba ulit titira kuya Darcy?
MAX
Ah,Rea sabihan mo sila Manang na maghanda ng makakain para kay Kuya Darcy mo....
*sabay sunod naman ng bata.
MAX
Ba't ka nandito? Mabuti wala si Papa rito...
DARCY
*isang malalim na hininga ang sinagot nito.
MAX
Malaking problema nga...sa lalim ng buntong hininga mo...
DARCY
Babalik din ako,nakapag pasya na ako...
MAX
Kung ano man yan tandaan mo nandito lang ako...
REA
Handa na po Kuya Darcy yung pagkain...
*sabay sulpot ni Rea at yaya kay Darcy na kumain.
------------------------------------------------------------------------
MEAN WHILE
INT.ROOM 143
Napansin ni Derek na wala roon ang ilan sa mga gamit ni Derek at isang note ang iniwan nito na nagsasabing "Umuwi ako"
DEREK
Huwag ka nang bumalik.
*sabay lukot sa note na iniwan ni Darcy.
Hay!!! Galit ka!!! Ako nga dapat magalit sayo dahil nagpanggap ka!!!
*sabay sipa sa kama ni Darcy at isang libro ang nahulog mula sa ilalim ng kutson nito na bigla nagpangisi sa kanya.
-----------------------------------------------------------------------
INT.HOUSE-DAY
Kasama ni Darcy si Rea,tumututog ito ng piano ngunit pansin ni Rea na hindi natatamaan ni Darcy ang tamang nota ng kanta.
REA
May problema po ba Kuya? Hindi niyo po natatamaan yung tamang nota...
DARCY
Aw? Magaling ka na kasi kaya kinakabahan akong kumanta habang tumutugtog ka ng piano at habang nanonood ka...
REA
Pumikit po kayo... Yung laman po ng puso niyo ang tignan niyo...kasi ang puso hindi nagkakamali.
MAX
Kanino mo naman yan natutunan ha?
*biglang pagsulpot ni Max.
REA
Sa inyo po...
*napansin ni Max ang lungkot ni Darcy.
MAX
Bunso,kuha mo kami ng juice nauuhaw na kasi kami eh...
*at sinunod naman ito ng bata.
Oh,alam kong may problema ka...ano yun?
DARCY
Pagod lang ako Kuya...maghahanda na ako paalis...
*sabay tayo nito,umiling lamang si Max at alam nito na may problema ang kapatid.
-----------------------------------------------------------------------
INT. ROOM 143-NIGHT
Bumukas ang pinto,sa wakas at umuwi na si Darcy,pumasok ito inilapag ang gamit at hindi nito pinansin si Derek na napatayo bigla ng pumasok siya.Dumiretso si Derek sa pridyeder at kinuha ang strawberry juice na pareha nilang paborito at inilapag ito sa mesa kung saan nakaupo si Darcy at nagbabasa.
DEREK
Libre yan...
*sabay lapag ng strawberry juice.
DARCY
Nakainom na ako...
DEREK
Uminom ka ulit...
DARCY
Hindi ako nauuhaw...
*malungkot na naiinis si Derek sa inaasta ni Darcy.
Matutulog ako kina Dave...
*sabay labas nito.
DEREK
Hala? Sinong iinom nito? Baklang to!!! Ay...lalaki pala...haaaayyyy nakakalito!!
*sabay sipsip sa strawberry juice.
Pakialam ko ba!!!
*sabay upo sa kama niya at inom sa strawberry juice.
NEXT DAY
*Limang strawberry juice ang bitbit ni Derek at isang bucket ng fried chicken
DEREK
Magka bird flu ka sana dahil sa fried chicken at magka diabetes sa strawberry juice na 'to!!!
Ang dami ko ng utang dahil sa baklang 'to este lalaki pala...
*habang nakatayo ito sa harap ng pinto ng kanilang kwarto.
Ba't ko ba to' ginagawa??!!
*sabay pasok nito sa loob at naghintay kay Darcy...mga ilang sandali ay dumating na ang taong hinihintay niya.
DEREK
Hmmm...ang sarap naman nitong fried chicken at strawberry juice.
*pagpapatakam nito ngunit hindi ito umuubra.
DARCY
Hindi mo kailangan gawin 'to...
DEREK
Haaaayyyyy!!! Ano ba kasing problema mo??!! Ako nga dapat magalit sayo dahil nagpanggap kang bakla!!! Oh!!!
*sabay tapon ng librong nakita sa ilalim ng kama ni Darcy.
DARCY
Dapat nga maging masaya ka dahil hindi ako bakla...wala kang roommate na bakla...
*tumayo si Derek at humarap kay Darcy na umiiwas sa tingin ni Derek.
Hindi ako ulit matutulog rito.
*sabay iwas ulit kay Derek at saka ito pinigilan ni Derek...hawak nito ang kamay ni Darcy.
Masakit...
*sabay hinalikan ni Derek ang malambot at mapulang labi ni Darcy na ikinagulat ni Darcy...pumikit si Darcy habang nakalapat ang mga labi ni Derek sa labi niya...at biglang mulat at...
Ssshhhhhiiiiiiyyyyyaaaaa!!!
*sabay punas sa labi niya...at talikod nito.
DEREK
Huwag ka ng aalis,hindi ko na kayang hindi ka nakikita...parang mababaliw ako...
*yakap nito mula sa likuran si Darcy na napangiti sa narinig.
AFTER A MINUTE
Yakap-yakap pa din Derek si Darcy,nakaupo itong dalawa sa kama.
DARCY
Shiiiiyyyyaaaaa!! Kanina ka pa nakayakap sakin...
DEREK
Baka kasi umalis ka ulit...
DARCY
Huwag mong sabihing naiinlove ka na sakin...
DEREK
Hindi no!!
*sabay tulak nito kay Darcy.
DARCY
Aminin mo na...may ebidensya ako...
Una,Nagalit ka ng umuwi ako samin.
Pangalawa, binilhan mo ako ng strawberry juice kasi alam mong favorite ko yun.
Pangatlo, ki-niss mo ko kasi mahal mo ako...
Tama?
DEREK
In-love mo yung mukha mo!!! Baka nakakalimutan mo niloko mo ko...nagsinungaling ka sakin.
*sabay tayo nito sa kinauupuang kama at sinipa si Darcy kaya ito nahulog sa sahig...bumaba si Derek at tumayo ito sa harap ni Darcy.
DARCY
Nagsinungaling ako,pero yung puso ko hindi nagsisinungaling.
*lumuhod si Derek at hinarap ang nakaupo sa sahig na si Darcy.
Totoo,yung puso ko tumibok ng makita kita. Hindi na kaibigan o homophobic na lalaki sa kwarto na 'to ang tingin ko sayo.
*hinawakan ni Derek ang mukha ni Darcy.
DEREK
Sige na...kalimutan na natin ang nangyari...yung sipa ko kanina parusa mo yun sa pagsisinungaling mo.
*bumalik si Derek sa kama ngunit niyakap ni Darcy ang isa sa mga binti ni Derek upang pigilan ito.
Ano ba ako para sayo?
*sabay tanggal ni Derek ng marahan sa sinturon niya sa kanyang pantalon.
Ano ako para sayo...?
*ulit nito at pagbaba ng zipper niya.
DARCY
Casual lover.
*sabay taas sa zipper ni Derek.
DEREK
Casual lover?
*malungkot na tono ni Derek sa pagkakasabi niya.
Wala na akong magagawa...
*sabay taas na isa sa mga kilay niya.
Sigurado ka?
*sabay baba ng mabilisan ng kanyang pantalon at buhat kay Darcy at lapag nito sa kama.
DARCY
Huwag mo ng subukan. Pag binuhat mo ko ulit baka...
DEREK
Talaga?Ha?
*habang inamoy ni Derek ang leeg ni Darcy at inilapat ang kanyang ilong sa pisngi ni Darcy.
DARCY
Tigil...
*ngunit parang walang narinig si Derek pinagpatuloy nito ang paghaplos kay Darcy.
Derek...
*halata sa boses ni Darcy ang unti-unting pagbigay sa mga ginagawa ni Derek. Pababa ng pababa ang mukha ni Derek sa katawan ni Darcy na ikinanginig ng katawan ni Darcy.
A-a-anong gagawin mo?
*umupo si Darcy at nakita niya si Derek na kinuha nito ang kanyang paa at hinalikan ito.
DEREK
Maghihintay ako.
*kinilig si Darcy at napangiti at nasilayan ni Derek ang ngiting ito na kanyang ikinasaya.
AFTER A HOUR
INT.CANTEEN-DAY
Makikita si Derek na may dalang strawberry juice at papalapit kay Darcy na kumakain at kausap si Paul.
PAUL
Mukhang close na kayong dalawa?
DEREK
Nag-iimagine ka na naman.
*biro nitong sagot habang naka-ngiti.
PAUL
Haaayyyy...hindi ako nag-iimagine.
Biruin mo Darcy, pumunta pa kami rito sa canteen ng department niyo para kumain.
DEREK
Bakit bawal ba kumain dito?
*habang makikita si Darcy na ngumingiti.
PAUL
Wala naman akong sinabi...so ibig sabihin nito hindi ka na galit sa bakla?
*sabay nasamid si Darcy sa iniinom niya at sabay batok ni Derek kay Paul.
Kalimutan na lang natin yung sinabi ko... Haayyy...ang daldal ko talaga.
*sabay palo nito sa sariling bibig.
DEREK
Galit pa rin.
*biglang napatingin si Darcy kay Derek ng marinig ito.
Pero hindi kay Darcy.
*kinilig si Darcy sa narinig at napainom ito.
PAUL
Nakakalito...i-explain mo nga sakin.
DEREK
Parang mas nagiging tsismoso ka nitong mga nakaraang araw.
*sabay duro kay Paul ng tinidor.
PAUL
Hehehe,curious lang naman ako. Hmmm may tinatago ba kayo sakin?
*nagkatinginan sina Darcy at Derek.
DEREK
Halika na...ma-lelate na tayo...
*sabay higit kay Paul paalis.
Ingat ka...mag aral ng mabuti
*sa mga narinig ni Paul ay napapatulala na lamang ito kina Derek at Darcy.
PAUL
Ilang takal bang asukal ang inilagay ni Manang sa strawberry juice mo at tatamis ng mga sinasabi mo?
DEREK
Gusto mo bang paliguan kita ng asukal.
*sabay pingot kay Paul at hatak dito paalis.
AFTER A MINUTE: Nakalayo na sila Derek at Paul nang makasalubong nila si Alex.
PAUL
Oh bakit ka nandito?
*tanong kaagad nito ng makita si Alex.
ALEX
Nandito ako para kay Darcy may itatanong lang ako.
*nagtatakang tinitignan ito ni Derek.
PAUL
Nandoon siya kasabay namin siya kumain kanina eh.
*sabay turo kay Darcy nakaupo sa hindi kalayuan.
ALEX
Ayos...sige una na ako.
*mabilis nitong takbo papunta sa kinauupuan ni Darcy.
MEAN WHILE
Lumapit si Alex sa kinauupuan ni Darcy.
ALEX
Hi Darcy,Alex nga pala kaibigan ni Derek nagkita na tayo sa Mall.
DARCY
Ah,Oo kamusta? Bat' ka nandito? Si Derek ba hinahanap mo kakaalis lang nila ni Paul...
ALEX
Hindi...ikaw talaga sadya ko dito...
*umupo ito sa tabi ni Darcy
May gusto kasing makipagkilala sayo.
DARCY
Aw? Sino?
ALEX
*biglang kumaway ito sa dalawang babae na tila may hinahanap at lumapit naman ang mga ito.
DARCY
Ahmmm,upo kayo...
*at umupo naman ito.
LEANE
Ay taray mukhang gentleman...
*bulong nito kay Angel
ANGEL
Bumili kami ng maiinom...
*sabay labas ng plastik na may inumin dalawang mango juice,isang iced coffee at isang strawberry juice...napunta kay Darcy ang iced coffee at kina Leane at Alex ang mango juice at habang na kay Angel ang strawberry juice.
LEANE
Ay...oo nga pala. Leane nga pala name ko.
*sabay pakipagkamay nito.
DARCY
Nice to meet you...
*uminom ito at makikita sa mukha ni Darcy na napaitan ito sa ininom...na napansin kaagad ito ni Angel at inalok ang strawberry juice na iniinom.
ANGEL
Hindi ka umiinom ng kape?
DARCY
Yung may gatas lang na kape ang iniinom ko eh...
*sabay sipsip nito sa straw na galing sa bibig ni Angel.
ANGEL
Angel nga pala...
Para ka palang baby,so dapat may nagaalaga sayo.
* hiya na may kasamang kilig ang naramdaman ni Darcy na ikinangiti nito.
DARCY
Walang gustong magalaga sakin eh...
LEANE
Bigay mo yung number mo,alam mo magaling mag-alaga si Angel.
DARCY
*Nahihiyang inilabas ni Darcy mula sa kanyang bag ang kanyang cellphone at nagpalitan sila ng number.
Okay na...
ANGEL
Salamat
*pagpapacute nito.
AFTER A WHILE
Nagpaalam na sina Alex,Angel at Leane kay Darcy nang makalayo na ito napansin niyang huli na siya para sa band practice kaya dali-dali itong nagtatakbo papunta sa practice area ng kanyang banda.Maririnig ang tunog ng drums at ng electric guitar sa pintuan pa lang.
DAVE
Hay naku late ka!
DARCY
Pasensya na...
*sabay pasok nilang dalawa at napansin ni Darcy ang bago nitong gitarista na tumutugtog.
DAVE
Galing noh?
CHOLO
Da-Da-Darcy...
*nauutal na sigaw nito ng makita si Darcy.
Idol kita,halos sambahin na kita...
*naiilang na ngumiti si Darcy sa narinig.
DARCY
Eh...sa-sa-salamat.
DAVE
Mukhang excited ka? Ipakita mo sa Idol mo kung kagaano ka kagaling...
CHOLO
Walang problema...
------------------------------------------------------------------------
MEAN WHILE
Matapos ang pagpapakilala ni Alex kay Darcy kina Angel at Leane nagtungo kaagad ito sa boxing gym,pawisan ito dahil sa kanina pang pagsuntok nito sa boxing bag ng tumawag si Angel.
ANGEL
Hello Alex,anong ginagawa mo?
ALEX
Boxing
ANGEL
Na naman??
ALEX
Ano ba kailangan mo?
ANGEL
Bored lang ako...gusto ko lang ng kausap.Gusto mo gala tayo?
ALEX
Ang dami mong oras noh...
Sige, saan ba punta natin?
ANGEL
Hmm...Ikaw bahala...
ALEX
Sino kasama natin?
ANGEL
Kahit sinong kakilala mo...
*sabay baba sa tawag.
ALEX
Hala... Binabaan ako...
AFTER HOUR
INT.ROOM 143 -NIGHT
Galing sa paglalaba si Derek at makikita si Darcy na busy sa kanyang cellphone.
DEREK
Oh,ba't ngayon ka lang nakauwi?Nakausap mo ba si Alex? Hinanap ka niya kanina sa amin...
DARCY
Oo,may practice kami ng banda ko kanina.
DEREK
Ano bang pinagusapan niyo ni Alex?
DARCY
Wala lang yun.
Ikaw anong ginagawa mo?
DEREK
Nilabhan ko 'to...
*sabay pakita ng brief ni Darcy.
DARCY
Aw? A-a-ako ng magsasampay niyan...
*namumula at nahihiya nitong sabi.
DEREK
Naglalaba kasi ako kanina tapos nakita ko yung marumi mong damit kaya sinabay ko na. Hindi 'to libre may bayad 'to...
*sabay hubad nito sa harapan ni Darcy
DARCY
Aw?palagi na lang natin yan ginagawa...
DEREK
Kahapon hindi natin ginawa 'to...
DARCY
Pwedeng thank you na lang...
DEREK
Hindi pwedeeeeeeee...
DARCY
Haaaaiiiiissssshhhhttttaaaaa....bahala ka diyan,maliligo na ako...
*nang marinig ito ni Derek napangiti ito.
DEREK
Ako rin maliligo na rin...
*sabay titig ni Darcy ng matalim kay Derek.
-----------------------------------------------------------------------
AFTER A MINUTE
ANGEL's TEXT MESSAGE
Ano ginagawa mo?
*napatingin ito kay Derek na mahimbing na natutulog...at napangiti sa nakikitang mahimbing na pagtulog nito...matapos basahin ang text ni Angel...
DARCY's REPLY
Matutulog na sana kaso lang hindi ako makatulog eh...
ANGEL's REPLY
Pwede kitang tulungan...
DARCY's MESSAGE
Paano?
ANGEL's REPLY
Ako bahala...
*makikita sa screen si Angel na unti-unting naghuhubad,napalunok si Darcy at dali-daling pumasok sa C.R.