Chereads / Room 143 (COMPLETED) / Chapter 10 - ROOM 143

Chapter 10 - ROOM 143

CHAPTER TEN

Nakasalubong ni Dave si Derek may bibit itong maleta galing sa taas,matamlay ito at hindi nito napansin si Dave nang makalampas si Derek ay saka si Dave nag-salita...

DAVE

Hindi mo kayang pantayan ang pagmamahal ko para sa kanya...

*sa pagkakasabi nito ni Dave ay napalingon si Derek...

Pabayaan mo na siya sa'kin...

*pahabol pa nito...

DEREK

Magkaiba tayo simula pagkabata kinuha ang lahat sakin,kaya ayos lang sakin ang kunin sa'kin lahat pero iba si Darcy akin siya...

*napangisi si Dave sa mga sinabi ni Derek...

DAVE

Kung sa'yo ba't mo iniwan?

*sabay hawak nito sa kwelyo ng polo ni Derek at ni hindi man lamang ito pumalag sa ginawa ni Dave sa kanya...

DEREK

Dahil nasasaktan akong kahit ano ang gawin ko hindi siya magiging talagang akin...

Dahil sayo siya,naangkin mo siya at angkin siya ng kasinungalingang Lalaki siya...

*may diin at pagtitimpi nitong sagot at maya-maya napansin ni Derek si Darcy na tumatakbo na papalapit sa lugar kung nasaan sila kaya sinikap nitong itago ang sarili,mahigpit na yumakap si Darcy kay Dave...hindi nito napansin si Derek na naroon rin...

DAVE

Ano yang nasa mukha mo?

*bungad kaagad nito sa kadalasang pangbati niya kay Darcy sa tuwing nakikita nitong malungkot ito habang mahigpit nitong yakap ang maliit na katawan ng umiiyak na iniibig...

DARCY

Galit,lungkot, lungkot at galit dahil sa'yo...

Hindi ako makapag-mahal dahil sa'yo, hindi ako masaya dahil sa'yo... Dahil sa'yo...

*umiiyak ito at habang marahan na paulit-ulit nitong pinapalo ang dibdib ni Dave at maya-maya ay pinigilan ni Dave ang pwersang dumidikdik sa kanya...at malungkot na sinabi na may luha sa kanyang mga mata...

DAVE

Kinalimutan mo ako, alam kong hindi ka magiging masaya sa'kin, hindi mo ako mamahalin dahil siya ang mahal mo pero kinalimutan mo akong mahalin...ako 'to si Dave yung unang taong tumanggap sa'yo...

DARCY

At yung bumaboy sa'kin...

*biglaan nitong sabi

DAVE

Gusto ko lang naman maging rason mo ako para sumaya at maging rason ka para maging masaya...

DARCY

Tignan mo ako ngayon,tignan mo ang sarili mo ngayon? Masaya? Nasaan?

DAVE

Ano ba ako sa'yo?

DARCY

Rapist ko, na hindi ko maiwan dahil kailangan ako...

*umiiyak nitong sambit

Pero mas kailangan ko siya...

DEREK

But I don't need you anymore?

*malamig at biglang sabi ni Derek na kanina pang nakatingin kina Darcy at Dave...Nang ito ay marinig ni Dave mula sa bibig ni Derek ay kaagad na sinunggaban nito ng mga suntok si Derek at ni hindi ito nanglaban...tumigil lamang si Dave ng yakapin ni Darcy si Derek upang saluhin ang lahat ng suntok niya...halos manghina si Darcy dahil sa mga suntok na sinalo niya at sa huling suntok na binato ni Dave na kay lakas ay sinalo ito ni Derek na nagpatumba rito...

Kill me twice tonight...

*lumuluha na tila wala ng lakas sa sahig na sambit ni Derek at bumangon ito,ang pagiwan niya kay Darcy at ang gagawin niya ngayon ay katumbas ng dalawang beses na kamatayan...lumapit si Derek kay Dave at Darcy at pinaghawak ang kamay ng dalawa...at sinabi kay Darcy...

Maybe it's not us and it will never be because it's you and him...

*at tumalikod,lumayo na iika-ika,hindi na nga sinundan ni Darcy si Derek...

DARCY

Hindi mo na ba talaga ako mahal?

*tanong nito sa nakatalikod na si Derek...maya-maya ay humarap ito at walang kabigin nitong sinambit...

DEREK

Hindi na...

DARCY

Ah, Gano'n ba? Ayos lang

*pinipigil nitong ang luha at lungkot sa pamamagitan ng kanyang pag ngiti

...Malakas ako malakas na malakas...pero mahina ako pag wala ka...

DEREK

You're gonna be okay...

DARCY

Talaga? Kailan? Paano? Eh wala ka na...

*at maya-maya ay bumulagata si Darcy sa sahig at kaagad itong inalalayan ni Dave...

DAVE

Ayos ka lang? Gising...

*nag-aalalang tanong nito habang akmang bubuhatin na nito si Darcy...

DEREK

Bitiwan mo siya ako ang mag-bubuhat sa kanya...

*ngumisi si Dave sa narinig mula kay Derek at sinabi...

DAVE

Binigay mo na siya sa'kin,wala ng bawian...

*sabay tapik ng malakas sa kamay na nakahawak sa walang malay na katawan ni Darcy...at sa pagkakarinig nito lumuluha nitong sinisilayan na papalayo ang mahal kasama ang ibang tao...

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Nagising si Darcy, una niyang nasilayan si Derek na nakatingin at nakasubabay sa kanya at kaagad niya itong niyakap na may ngiti sa mukha...

DARCY

Bumalik ka...

*sabi nito matapos nitong yumakap kay Derek...

DEREK

Hoy Bakla!!! Ang hilig mong paghalahanin ako...

*marahas na sabi nito ngunit nakangiti nitong haplos ang ulo ni Darcy na nakahiga sa kama...at maya-maya ay nakita nito si Dave na nakadagan sa kanya,hawak nito ang dalawang kamay niya at pilit siya nitong hinahalikan...

DARCY

Huwag pleaaseee... Maawa ka

*nang hihina at umiiyak nitong pagmamakaawa habang nagpupumiglas...at maya-maya ay mahigpit na niyakap ito ni Dave

DAVE

Nananaginip ka... Gising!

*at sa wakas ay nagising nga sa masamang panaginip si Darcy ngunit napaigtad ito ng makita si Dave na yakap siya...

Hindi kita sasaktan...

*malumanay nitong sambit...

DARCY

Sinasaktan mo ako...

DAVE

Minamahal kita...

DARCY

Sinasaktan mo ako...

*lumuluha nitong sambit...

DAVE

I love you and sorry for loving you...

DARCY

Tigilan mo na ang mahalin ako, tigilan mo na...

DAVE

Hindi ko kaya...

*umiiyak na yumapos ito kay Darcy...

Nangako ka eh... sabi mo mamahalin mo ako nasaan?

*patuloy ang pag-iyak nito...

Sinungaling! Sinungaling ka!!!

*galit na sigaw nito habang umiiyak...

DARCY

Mahal kita,minahal kita pero iba ang gusto mong pagmamahal... At yun ang problema.

DAVE

Gusto kong maramdaman ang pagmamahal na sinasabi mo ngayon...

*pagkatapos nito ay dumampi ang mga labi ni Dave sa leeg ni Darcy walang emosyon na tinanggap ni Darcy ang mga halik ni Dave sa kanyang leeg at maya-maya isang malakas na sabunot ang naramdaman ni Dave...

DARCY

I want it rough...

*ngunit hindi ito pinansin ni Dave marahan niyang pinadama kay Darcy ang pagmamahal niya at...

I want it rough...

*muling hiling ni Darcy...

DAVE

But... But I want you to feel my love...

*puno ng pagmamahal ang titig ni Dave kay Darcy...

DARCY

This ain't love this is pain...your love is pain just pure pain...

*nang marinig ang mga katagang ito ay inilabas ni Dave ang calibre 45 at ibinigay ito kay Darcy...

DAVE

Pag nakayanan mo akong barilin malaya ka na...

*kaagad na tinutok nito ang calibre 45 sa noo ni Dave at kinalabit ang gatilyo nagulat si Dave sa ginawa ni Darcy...

DARCY

Bakit walang bala 'to?

*lumuluha ang nakatulala pa rin na si Dave...kahit alam na ni Darcy na walang bala ang baril na hawak ay kinasa niya ito muli at itinutok sa noo ni Dave at muling kinalabit ang gatilyo at paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa lumuha ito...

Gusto kong mamatay ka na...

*lumuluha nitong sabi

DAVE

Dati takot akong mabuhay dahil walang nagmamahal sa'kin, ngayon takot na rin akong mamatay kasi sayang naman yung pagmamahal na meron ang puso ko kung wala akong mapagbibigyan... Sayang naman 'to...

*lumuluha nitong sabi at maya-maya ay nakita niya si Darcy naka bukas ang palad na tila humihingi sa kanya ng kung ano...

DARCY

Pahingi...

*tikom ang bibig na nakangiti si Dave inilapat nito ang kamay sa dibdib na tila may hinuhugot na pagmamahal galing sa kanyang puso at inilagay ito sa palad ni Darcy at ng mailagay ito sa palad ni Darcy ay hinagkan siya nito ng mahigpit at nagsimulang humaguhol si Dave...

Gusto kong maging masaya ka na wala ako,maging masaya ka na hindi ako ang rason gusto ko...

DAVE

Gusto ko ako naman kahit ngayon lang... Ako naman please...

------------------------------------------------------------------------

AFTER A MINUTE: Nakahiga ang dalawa yakap ni Dave si Darcy nakatitig ang dalawa sa kisame ng kwarto ni Darcy...

DAVE

Alam ko...ang halimaw sa ilalim ng kama dapat hindi nasa ibabaw ng kama ng Prinsipe...pero sa oras na'to hayaan mo sa ibabaw ng kama na'to maging akin ka at sayo lang ako...

DARCY

Sorry, hingi lang ako ng hingi ng pagmamahal sa'yo pero kasi hindi ko kayang ibalik yung pagmamahal na hiningi ko mula sa'yo...

DAVE

Kaya ko binigay dahil kailangan mo...Bukal sa loob kong binigay ang pagmamahal ko...

DARCY

Kailangan mo rin ng pagmamahal... Paano ka?

DAVE

Ewan ko? May mga tao sigurong pinanganak lang, mabubuhay at mamatay ng walang nag-mamahal. Saling pusa,pang-padami lang...

*itinaas nito ang palad na tila may inaabot sa kisame...

Ano ba ang pakiramdam ng minamahal? Anong pakiramdam ng pagmamahal?

*maya-maya ay itinaas ni Darcy ang kanyang kamay at hinawakan ang kamay ni Dave...nakapikit na sinambit ni Darcy ang nararamdaman...

DARCY

Mainit pero hindi nakakapaso...

DAVE

Malambot na parang ulap...

*nakapikit habang nakangiti nitong sambit

DARCY

Matigas na kayang kang dikdikin at saktan...pero hahanaphanapin mo dahil baliw ka...

*sabay tumawa ang dalawa at maya-maya ay napatingin si Dave sa orasan, unti-unting nawala ang guhit na ngiti sa mga labi ni Dave...

DAVE

Alas-dose na,halimaw na ulit ako sa ilalim ng kama mo.

*marahan itong tumayo ngumiti at tumungo sa pintuan at bago nito sinara ang pinto ay nagsalita muli ito...

Magalit ka sa'kin pero huwag mo akong pagtabuyan, pansinin mo ako,kausapin mo pa rin ako,hayaan mo akong maging gan'to hanggang maubos lahat ang pagmamahal ko sa'yo...

DARCY

Dave, Salamat dahil tinanggap mo ako kahit hindi ko tanggap ang sarili ko...

DAVE

Taas,baba,kaliwa,kanan,loob at labas,lahat sayo tanggap ko kahit hindi mo ako tanggap.

*at tuluyan na nga itong umalis.

------------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

INT. CHAIRPERSON's OFFICE

Isang malakas na suntok ang dumampi sa pisngi ni Henry

HELEN

Matagal na akong nagtitimpi sayo!!!

Nasasaktan ngayon ang anak ko dahil sa kagagawan mo tapos ito ang ginagawa mo??

*pagsigaw at pagwawala nito at sabay tapon ng mga papel sa pagmumukha ni Henry

Ibebenta mo ang kompanya? Itutuloy mo pa rin ang pagpapakasal sa anak mo?

HENRY

Anong gusto mong gawin ko?

*malamig at tila wala itong pakialam sa nangyayari...

HELEN

Ewan ko Henry!!! Ewan ko!! Tutal ikaw lang naman ang nasusunod sa pamilya na ito!!! Ewan ko!!!

*lumuluhang sigaw nito...biglang bumukas ang pinto...marahang naglakad si Darcy at ng makalapit ito sa Ama ay lumuhod ito sa paanan nito at umiiyak na nakikiusap...

DARCY

Papa,naalala niyo pa po ba kung kailan ako naging masaya?

*tanong nito habang luhaan...

Ngayon lang...ngayon lang po ako naging masaya kaya nakikiusap po ako hayaan niyo na po akong maging masaya...

HENRY

I'm just protecting you...

DARCY

Hindi ko po kailangan yun.. ang kailangan ko po si Derek...

*maya-maya ay biglang pumasok ang Secretary ni Henry...

SECRETARY

Sir, kailangan niyo po mapanood ito...

*bungad nito kaagad...napuno ng kaba ang dibdib ni Henry...nanginginig nitong pinindot ang play button at isang commercial para sa new launch ng mobile phone ng bagong kompanya ang nag-play at sa pagkakataong ito ay nakahinga siya ng maluwag...

Yan po ang bagong launch na cellphone ng Telecompany...

*sabi nito...

HENRY

Schedule me a presscon...Ibebenta ko na ang kompanya...

SECRETARY

Ano po?

*gulat nitong tanong

HENRY

Narinig mo ako?

SECRETARY

Sige po sir...

*saka ito umalis

MAX

Mas uunahin mo pa talaga yan? Anak mo ang kapatid ko...be a father kahit ngayon lang...

HENRY

I'm trying!!!

Ikakalat ni Drake ang video niya that's why I don't have a choice but to do this...

HELEN

Video? A-a-anong video? Henry? Max?

*naguguluhan nitong tanong

Anong video?

MAX

Rape video po ni Darcy Mama...

*mahinang tugon ni Max na iwas ang tu

HELEN

Rape? Rape video?

*nanlumo habang tumutulo ang mga luha ni Helen...

Ba't hindi ko 'to alam? Darcy, Mama mo ko ba't hindi ka nagsumbong sa'kin? Sino yun at papaluin ni Mama...

*pag-iyak nito at pag amo nito sa anak na tila bata ito...

DARCY

Si Dave po Mama...

*umiiyak nitong sumbong sa Ina...

HELEN

Sinong Dave?

*nagtataka nitong tanong...

HENRY

Si Dave ang anak ni Drake...

HELEN

Bakit Henry? Bakit hinayaan mong babuyin ang anak mo? Bakit?

*pinagsasampal ni Helen ang asawa na si Henry...

HENRY

I'm Sorry...

*malamig nitong sambit

HELEN

Stop saying you're sorry...'cause you're not!!!

*isang suntok ang dumampi sa mukha ni Henry...

HENRY

Gusto ko lang kayong protektahan...

HELEN

You're not protecting us,you're losing us and keeping us away from you...

HENRY

I'm sorry,I'm so sorry, I'm really sorry...

*umiiyak nitong sambit...at tila yung kataga na lamang na iyon ang naiisip nito...

DARCY

Nandito ako at kahit basura ang tingin mo sa'kin nandito pa rin ako dahil anak mo ako...

*isang yakap ang ibinigay ni Henry sa anak...

HENRY

I'm sorry, I'm a horrible Father...

DARCY

You don't need to be the best Dad, just be my Father,call me your son, compliment me,pat my head to comfort me...love me,accept me kasi tanggap kita kahit na hindi mo ako matanggap.

*umiiyak nitong sabi sa Ama at isang mahigpit na yakap at haplos sa ulo ni Darcy ang ibinigay ni Henry,ito ang unang pagkakataon na naramdaman ni Darcy ang pagiging Ama Henry sa kanya.

HENRY

Babawi si Papa, okay? Huwag ka nang umiyak, tahan na anak...

*sambit nito habang marahan ang hagod nito sa likod ni Darcy habang naka'akap ang anak sa kanya.

MAX

It takes 21 days to change a habit at sa ugali mo 365 days is not yet enough.

*at katulad ng inaasahan hindi ito pinansin ni Henry.

----------------------------------------------------------------------

AFTER A MINUTE: Pumasok si Dave,nang makita siya ni Helen,kaagad sinampal ng Babae si Dave.

DAVE

Sorry po Tita...

HELEN

Masaya ka ba? Masaya ka sa pambababoy mo sa anak ko?

*sunod-sunod ang sampal nito kay Dave at kung saan-saan dumadapo ang palad ni Helen sa hindi nanglalaban na si Dave.

Ang kapal ng apog mo!!!

DAVE

I'm sorry for being a monster. I-I-I just want to feel warm hugs,sweet kisses and love and cuddles...but no one wants to give me those 'cause I'm wrong...

HELEN

Kaya pinagsisikan mo ang sarili mo,pinagduldulan mo ang sarili mo sa anak ko!!!

DAVE

Opo,kasi--- ako lang,ako lang ang meron ako...kahit ang sarili ko pinipilit ko pang mahalin ako...

*at umalis ito sa silid na luhaan...

-----------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

Nasa labas ng gate ng University si Darcy may dala itong cake at strawberry juice...hinihintay nito si Derek... maya-maya lang ay dumating na rin ang taong kanyang hinihintay

DARCY

Baka hindi ka pa nag-aagahan...

*sabay abot ng bitbit sa kararating pa lang na si Derek...tila hangin sa paningin ni Derek si Darcy...iniwasan niya ito at nagpatuloy sa paglalakad...

Nakakain ka na siguro...ahm pwede mo naman kainin na lang 'to sa break mo...

*pagsabay nito sa paglalakad ni Derek at pagsubok muling alok nito at gayon rin lamang ang ginawa ni Derek ang ituring siyang hangin...

Fried chicken gusto mo? dadalhan kita mamaya...

*sa pagkakataong ito tumitig ito kay Darcy kinuha ang pagkaing kanina pang inaalok nito at maya-maya ay isang Lalaki ang yumakap sa kanya takip-takip rin nito ang mga tenga ni Darcy...

DEREK

Hindi ako kumakain ng bigay ng mga basurang katulad mo...

*sabay alis nito...pagkaalis ni Derek ay lumapit sa basurahan si Darcy at kinuha ang pagkaing binigay niya na itinapon lamang ni Derek...

DAVE

Mukhang nahuli yata ang pagyakap ko sayo...nakita mo palang tinapon niya...

*sabay kamot nito sa kanyang ulo

DARCY

Narinig ko rin yung mga sinabi niya sa susunod takpan mo ng maigi ang tenga ko...

*naka-ngiti nitong sabi

Oh...itali mo diyan...

*nakita nito ang gasgas na nagdudugo na natamo ni Dave ng magmadali itong yakapin si Darcy upang iiwas ang paningin nito at ang pandinig sa gagawing pagtapon ni Derek sa pagkaing galing kay Darcy

at sa masakit na salitang binitiwan nito...

DAVE

Huwag na, gasgas lang 'to...

*pagtanggi sa panyong ibinibigay ni Darcy upang itapal sa gasgas nito sa hita niya na sumabit sa bakal kanina ng yakapin si Darcy

Wala pa na mang five seconds di ba?

Kung ayaw niya edi ako ang kakain...

*sabay kuha nito ng pagkain

DARCY

Huwag mo ng kainin yan baka sumakit na naman yang tiyan mo tulad ng dati...

DAVE

Naaalala mo pa pala yun...

*sabay tawa nito

DARCY

At sana hindi na lang yun nangyari...

*iniwan lamang ni Darcy si Dave na mula sa masayang mukha ay biglang naging malungkot...pinagpatuloy ni Darcy ang paghabol kay Derek at paika-ika ni Dave sinundan si Darcy...

DAVE

Bakit siya at hindi ako?

DARCY

Bakit ako? Yung sagot mo sa tanong ko yun ang sagot ko sa tanong mo...

DAVE

Ikaw ang buhay ko...

*mahigpit nitong hinawakan si Darcy ngunit mabilis itong nakawala sa pagkakahawak nito at dali-daling humawak sa kamay ni Derek...

Kung gan'on dapat siyang mawala para ako na ang maging buhay mo...

*bulong nito na may mga matang handang kumitil ng buhay...habang tinitignan si Darcy na hawak ang kamay ni Derek...

After a minute...

DARCY

Pahawak ng kamay mo kahit sandali lang...

please

*maluha-luha nitong pakiusap kay Derek na noon ang kamay ay kumakawala sa pagkakahawak niya

Kahit sampung segundo lang...kahit tatlong segundo okay na sa'kin yun...

*naramdaman na lamang ni Darcy ang pagpayag ng kamay ni Derek...naglakad sila at sa pagkakataong ito nahawakan na niya sa wakas ang kamay ni Derek...naglakad sila tila ang bagal ng oras ng mga sandaling iyon...huminto biglaan si Derek at tumitig kay Darcy...

DEREK

Tapos na ang tatlong segundo kaya bitiwan mo na ako...

*sabay pagbitiw ng kamay ni Derek sa kamay ni Darcy ay sabay ring pag sapo ni Dave sa binitiwang kamay ni Darcy...

DAVE

Hindi ako marunong magbilang

*pagtawa nito ng marahan sa kanyang biro

kaya kahit umabot tayo ng kailan pa man hindi kita bibitawan...

*kumawala ang kamay ni Darcy sa pagkakahawak ni Dave at yumakap ang mga kamay nito sa baywang ni Derek

DARCY

Gusto ko sayo pa rin ako kahit hindi na tayo...

*pwersadong tinanggal ni Derek ang mga kamay na nakayapos sa kanya at hindi lumingon na nilisan si Darcy...hindi na nito hinabol si Derek...

DAVE

Pag naging siya ba ako hahabulin mo rin ba ako? Iiyakan? Malulungkot pag-iniwan kita?

DARCY

Hindi...

DAVE

Ang alam mo lang mahal mo siya kailan mo malalaman na mahal din kita

Anong oras? anong petsa? kailan mo malalaman?

*umiiyak nitong hawak si Darcy sa balikat nito...

Mahal kita sobrang mahal kita...

DARCY

Kailangan mo lang ako hindi mo ako mahal...akala mo lang na mahal mo ako...

DAVE

Alam ko mahal kita...ramdam ko...

DARCY

Hindi mo ako mahal kasi kung mahal mo ako hahayaan mo ako sa kanya...

*at umalis ito at naiwan ang lumuluha at paika-ikang si Dave na sinusubakan pa ring sundan si Darcy...

DAVE

Alam kong hindi mo ako mahal...

*napalingon si Darcy at nagsabi...

DARCY

Mahal din kita...

Mahal kita dahil mahal kita pero kung gusto mong mahalin kita dahil ikaw ang buhay ko hindi ko magagawa yun dahil mahal lang kita, siya ang buhay ko siya ang lahat sa akin...

Naiintindihan mo ba?

DAVE

Hindi at wala akong balak intindihin...

*mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ni Darcy at nanlilisik ang mga mata nito pero biglang sumilip ang lungkot sa mga mata nito nang bitiwan nito ang mga kataga,ramdam ni Darcy ang lungkot nito...at kaagad niyapos nito si Dave...

DARCY

Mahal kita...

DAVE

Alam ko...

*natutuwa nitong sambit...

Pero hindi ako ang buhay mo...

*tuluyang pagtulo ng luhang pinipigilan ng huwad na galit at paninindak...

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

AFTER CLASSES

Bumisita si Dave sa bahay nila Darcy...pinagbuksan siya ng pintuan ni Max pinaupo at binigyan ng maiinom.

MAX

Bakit?

*bungad na tanong nito na walang emosyon

DAVE

Maaga daw po kasing umuwi si Darcy kaya nag-alala ako...kaya bumisita po ako...

MAX

Wala akong pakialam...Hindi yan ang gusto kong malaman...

Bakit?

*wala nitong emosyon na tanong kay Dave

DAVE

Kamusta po si Darcy?

MAX

*huminga ito ng malalim na tanda na sumuko ito...

Hay naku!!! Pupuntahan ko sasabihin kong nandito ka...

*matapos ang ilang minuto ay bumaba si Max...kasama nito si Darcy na puno ng lungkot ang mukha...iniwan ni Max ang dalawa upang makapag-usap...

DAVE

Kamusta? Ano yang nasa mukha mo?

*malambing nitong pangangamusta...

DARCY

Sana ikaw na lang ang mahal ko,sana ikaw na lang ang minahal ko...

*umiiyak nitong yumakap kay Dave

DAVE

Do it!!!

*sigaw nito kay Darcy...

Don't pretend that you can dahil mahirap akong mahalin...

*dumampi bigla ang malambot na labi ni Darcy sa malambot na labi ni Dave na ikinagulat nito...

DARCY

Madali kang mahalin,deserve mong mahalin pero hindi ako yung taong yun...

*ngumiti si Dave at sinabi

DAVE

Pa-fall...

*at tumawa ng malakas at tumulo ang mga luha nito at kasabay nito ang yakap mula kay Darcy...

DARCY

Ngayon,hindi pwedeng maging tayo...

DAVE

Sisiw lang sa'kin maghintay, sampung taon,isang daan o kahit sa susunod na buhay ko pa...

*nakangiti nitong may lungkot sa mga mata na sinabi...

Basta balang araw... Ako naman ang piliin mo,ako naman ang habulin mo ako naman...

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Bago umalis si Dave ay nakita ni Rea si Dave na paalis na ...

REA

Kuya Dave...

*niyakap siya nito ng ubod higpit...

Binibisita niyo po si Kuya Dada?

*tumango si Dave bilang tugon...

REA

Malungkot po siya...

DAVE

Kaya nga bumisita ako para pasayahin siya kaso lang hindi ko kaya eh...

REA

Hmm, hindi naman po si Kuya Dada ang malungkot kundi ang puso niya...

*inosente nitong sabi

DAVE

Sa tingin mo dapat na ba akong sumuko?

REA

Ang tanong gaano ka po katapang para sumuko?

*tanong nito na sobrang interesado sa isasagot ni Dave...

DAVE

Duwag ako eh...hindi ko kaya kahit alam kong kailangan...

REA

Ang tapang niyo nga po kasi pinipilit niyo pong pasayahin si Kuya Dada kahit na hindi po kayo ang kaligayahan niya...

*sumulpot bigla si Max...

MAX

Rea, bumalik ka na sa kwarto...

*at dali-dali naman itong sumunod sa utos ni Max...

DAVE

Sige po aalis na po ako...

*pag-papaalam nito...

MAX

Alam mo ba dapat kanina ka pa patay?

DAVE

Po?

MAX

Sa mga ginawa mo sa kapatid ko pero hindi ko gagawin dahil kapag nakikita kita nakikita ko ang ngiti niya.

Noong unang araw na kumain ka sa bahay doon ko nakitang naging excited kumain ang kapatid ko kasama si Papa...

*natahimik ng sandali si Dave at sinabi...

DAVE

Natatakot po ako...

MAX

Ha?

DAVE

Tinatanong niyo po ako kung bakit? Natatakot po ako...

MAX

Mamatay?

DAVE

Mabuhay...

*putol na tugon nito na ilang segundo rin ay pinagpatuloy...

Mabuhay na walang nag-mamahal kaya pinilit kong gumawa ng un-conditional love...

MAX

Un-conditional love? It can't be created it should be felt.

*sabay tapon ng prutas na nasa lamesita kay Dave na sinalo naman nito...

Ang prutas na hinog sa pilit mapakla at hindi maganda sa tiyan...

DAVE

Pero kahit ga'non prutas pa rin naman Kuya...

*akmang kakagatin nito ang prutas na nasalo ngunit kinuha muli ito ni Max...

MAX

Sakit ang makukuha mo hindi sustansya... Kumakain ka ng prutas para sa sustansya hindi para madisgrasya... Di ba?

DAVE

Mas okay na mamatay dahil sa pagmamahal kesa mamatay ng walang nagmamahal...

*pagtatanggol nito sa prinsipyo...

MAX

Kawawa ka naman...

DAVE

Una na po ako...

*nakangiti nitong pagpapaalam at ng isara ang pinto ay tumulo ang luha...at buntong hininga na sinabi sa sarili...

Kawawa naman ako...

*tumulo ang luha nito at sabay pinunasan,habang pilit na ngumiti para takpan ang lungkot na nararamdaman.

----------------------------------------------------------------------

EXT. HOUSE-DAY

Nasa labas na ng gate si Dave at muling tinanaw ang bahay ni Darcy ng may lungkot...

DAVE

Sana kahit pilit sa hinog ka balang araw maging matamis kang prutas para sa'kin...

*mahina nitong bulong sa sarili habang papalayo maya-maya ay narinig niya ang pangalan...

MAX

Dave...

*sigaw nito na sinundan si Dave ng lumabas ito...

Huwag mong ipagpatuloy yang ginagawa mo...baka mamaya imbes mahinog ang prutas na binuburo mo mabulok lang...

*sigaw nito mula sa gate ng kanilang bahay at matapos ay tumakbo papalapit kay Dave...

DAVE

Kakainin ko pa rin kahit ikamatay ko pa...ganyan ako mag-mahal Kuya...

*nakalapit sa kanya ang tumatakbong si Max at binigay ang isang prutas...

MAX

Hindi pilit sa hinog yan kaya sure akong matamis talaga yan...baka pag natikman mo magbago ang isip mo at hayaan ang kapatid ko...

*sabay alis nito...

-----------------------------------------------------------------------

NEXT MORNING

INT. SCHOOL-DAY

Malungkot na nakaupo sa hagdanan si Derek ng lapitan siya ni Paul na may dalang strawberry juice.

PAUL

Libre ko na'to...

*sabay abot ng strawberry juice kay Derek

So? Anong balak mong gawin ngayon?

DEREK

Ewan ko...

PAUL

Ha? Ang labo...

DEREK

Maghihintay.

PAUL

Bakit nagtitiis ka na masaktan na sinasaktan siya?

DEREK

Sino? Ako? Nasasaktan?

PAUL

Hindi ikaw ang tinutukoy ko yung puso mo...

isama mo na rin yang itim sa paligid ng mga mata mo...

Mukhang enjoy ka nga sa buhay mo walang bahid ng pagiging heartbroken...

*isang itim na sapatos ang nasilayan ni Derek na nakatayo malapit sa kanya kaya napatingin ito at napatayo ito sa laking gulat niya ng makita kung sino ito...

DEREK

Kuya Max?

*pagtataka ni Derek nang makita ang nakangiting si Max na biglang naging mabagsik na tigre ng bigla nagsalubong ang dalawa nitong kilay dahil sa galit

MAX

Gusto kitang makausap...

*malamig ang tingin ni Max kay Derek pero ramdam na galit ito...

PAUL

Una na ako...

*mabilis na takbo ni Paul papalayo...

----------------------------------------------------------------------

AFTER A MINUTE

INT. CANTEEN-DAY

Tahimik ang dalawa at tanging ang ingay mula sa pag-sipsip nila ng inumin mula sa straw ang nagbibigay ng tunog sa paligid...

MAX

Kapal mo rin...

*pagsisimula nito

May expiration pala yung pagpapakilig mo sa kapatid ko?

DEREK

Sorry po...

MAX

Yun lang? Anong tingin mo sa sorry mo pain reliever?

DEREK

Ayos lang po ba siya?

MAX

Patay na siya...

*seryoso nitong sabi...

DEREK

Po?

*nagsisimula na itong lumuha...

Paano?

MAX

Biro lang...

DEREK

Hindi dapat kayo nagbibiro ng ganyan?

MAX

Biro nga lang...hina mo naman sa joke!

Edi ngayon alam ko ng mahal mo pa rin talaga ang kapatid ko...

*sabay sipsip sa straw ng iniinom at biglang sabi...

Tulungan mo ang kapatid ko...

PAUL

Ako rin...

*pagsulpot nito na hingal na hingal

DEREK at MAX

Ha??!!

*sabay silang napasigaw sa gulat...

PAUL

Gusto akong ipakasal ni Papa...

*at pagkatapos ay napatago ito sa ilalim ng mesa ng makita si Max...

MAX

Paul??!!

*sigaw nito sa gulat habang kinuha nito mula sa ilalim ng lamesa ang nagtagong si Paul...

PAUL

Hi?

*kabado nitong ngiti at bati kay Max...

DEREK

Magkakilala kayo?

*tanong nito...

MAX at PAUL

Hindi...

*sambit nilang sabay...

DEREK

Sabi niyo eh...

MAX

Bilhin mo ang kompanya!!! Kaya mo ba?

DEREK

Bente pesos lang po ang pera ko...

*maya-maya ay napatayo ito...

May kilala akong pwedeng utangan...

*at mabilis na tumakbo paalis...

PAUL

Kamusta?

*tanong nito kay Max at nilayasan lamang siya nito...at napakamot sa ulo si Paul habang sinusundan ng tingin ang nang-iwan sa kanya...

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. HOUSE-DAY

Nagkakape at sobrang saya ni Drake ng biglang pumasok si Dave...

DRAKE

Eksakto nandito ka...Nasaan na ang U.S.B.?Ilalabas na natin ang video...

DAVE

Pero po?

DRAKE

Anong pero?

DAVE

Akala ko po hindi natin gagawin yun?

DRAKE

Do it or he will leave you...

DAVE

Mamahalin niya ako ng wala 'to...

DRAKE

*tumawa ito ng pagkalakas-lakas...

No! Nakalimutan mo na ba? He is in pain with you in bed and pleasure in someone's bed...

DAVE

Hindi!!! Mahal niya ako...

*nagwala ito habang nagsisigaw...

DRAKE

Bakit hindi ka ang hinahabol?

DAVE

Bakit nga ba? Bakit hindi ako?

*umiiyak nitong tanong...

DRAKE

Tahan na...pagkatapos nito you will have him...

*sabi nito kay Dave habang marahan na hinihimas ang ulo nito...

DAVE

Ayoko!!!

*pagsigaw nito at tinulak si Drake...at saka tumakbo...

DRAKE

Akin na yan!!!

*pagpulupot at pagpigil nito sa mga binti ni Dave...

DAVE

Bitiwan mo ako...

*pumapalag ito sa mahigpit na pagpigil ni Drake sa kanya...

DRAKE

Yan ba ang pamamaraan mo para gantihan ang pag aalaga ko sayo...

*sabay sunggab ni Drake kay Dave at pilit kinuha nito ang U.S.B. na naglalaman ng videos...

Huwag mong tangkaing maging problema ko!!!

*nagtagumpay itong kunin ang U.S.B.

DAVE

Kaya ka iniwan dahil hindi ka marunong magmahal...

DRAKE

Lahat binigay ko,wala na nga akong tinira na pagmamahal para sa sarili ko...gan'on ba ang hindi marunong magmahal?

DAVE

Kaya ba wala na rin kayong nabigay sa akin Papa...

Sabi niyo mamahalin niyo ko pero nasaan? hindi ko maramdaman?

DRAKE

At least hindi kita sinasaktan katulad ng ginagawa ng Papa mo noon sa'yo...

DAVE

Nakikita ko siya sayo ngayon...sinasaktan mo rin ako...

*at iniwan ni Drake si Dave ng biglang...

*phone ringing...

DAVE

Hello?

*napaiyak ito sa saya dahil sa narinig mula sa isang tawag at dagliang tumayo at tumakbo papalabas ng malaking bahay...

------------------------------------------------------------------------

MEANWHILE

INT. BUILDING-DAY

Pagpasok pa lamang ni Derek sa building ay hinarang na siya ng mga gwardya...

DEREK

Kailangan ko lang po makita si Oscar...

GUARD

May appointment po ba kayo Sir?

DEREK

Ha? Ka-ka-kailangan pa po ba yun?

GUARD

Opo Sir...

*matapos marinig ito ay tinangka nitong tumakbo papasok sa itaas ng kompanya upang makausap ang Ama ngunit nahuli siya nito at itinapon papalabas ng building...

EMPLEYADO

Good morning Sir...

*narinig nito mula sa kanyang likuran ang bati ng isang Babaeng empleyado kaya napalingon napatayo siya sa pagkakaupo at napalingon...

OSCAR

Anak?

DEREK

Papa...

*bigla itong napaluhod at napaiyak...

Tulungan niyo po ako...

*pakikiusap nito habang nakaluhod...

Tulungan niyo po akong mapakasalan si Darcy...tulungan niyo po akong makuha siya...

OSCAR

Papaano?

*pag-alalay sa anak na nakaluhod ng mga sandaling iyon...

--------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. CHAIRPERSON's OFFICE -DAY

Masayang inabot ni Oscar ang mga papeles na nagsasabing bibilhin ng kompanya ni Oscar ang E. Mobiles sa anumang halaga na nais ng may-ari nito...

OSCAR

Walang kasiguraduhan ang plano mo...

DEREK

Alam ko po pero hindi ko hahayaang kunin ng iba ang akin...

OSCAR

Alam kong hindi 'to ang tamang panahon pero ang Mama mo...

DEREK

Alam ko po yun... Yun po ang mas gusto kong paniwalaan na namatay siya kahit...narinig ko na pinili ni Mama na iwan ako...

*nakangiti nitong sabi...

--------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. HOSPITAL-DAY

Masayang pumasok si Dave sa isang kwarto ngunit bigla itong nagdalawang isip na humakbang papalapit sa lalaking nakaratay sa kama ng Ospital pero isang tinig ang nagbigay ng lakas kay Dave upang lapitan ang Lalaki...

PAPA NI DAVE

Mahal kita Anak...

*mahina nitong sabi ng makita si Dave... tumakbo na tila sabik na bata si Dave sa Ama at hinagkan ito...

DAVE

Mahal din po kita...

*masaya na lumuluha nitong sabi...

PAPA NI DAVE

Mahal ka ni Papa...

DAVE

Mahal na mahal po kita Papa...

*namumuo ang mga luha ni Dave sa kanyang mga mata...

PAPA NI DAVE

Huwag kang umiyak, gusto ko maging masaya ka kapag narinig mo ang salitang Papa...Tandaan mo mahal ka ni Papa Anak at ang huling ititibok ng puso ko ngayon ay para sayo...

*maya-maya ay narinig ni Dave ang huling tibok ng Ama at tuluyan na itong lumisan...yakap-yakap nito ang Ama habang umiiyak...

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. HOUSE-NIGHT

Nakatanggap ng tawag si Darcy mula kay Dave

DAVE

May nagmamahal na sa'kin...

DARCY

Nakuha mo rin ang kailangan mo...

DAVE

Eh ikaw?

DARCY

Alam mo naman hindi pwede...

DAVE

Pwede ba tayong mag-kita?

DARCY

Nasaan ka?

DAVE

Nasa tuktok ng building...

*sabay baba ng tawag,tumingin ito sa madilim na langit na pinakikinang ng mga bituin...mga ilang segundo ay sumigaw ito ng napakalakas habang naiiyak.

Give me love!!!

napaluhod na ito sa sakit na nararamdaman...

Please...

*puno ng pagsusumamo nitong sambit habang nakatingala sa langit... maya-maya ay nagtungo ito sa dulo ng gusali, akmang itinitapak ang paa sa hangin at nag-sabi...

Tanggapin mo sana ako sa langit,kasi dito sa lupa hindi ako tanggap...

*isang kamay ang humigit sa kanya at yumakap sa kanya ng sobrang higpit.

DARCY

Haissshhhtttaaaa!!! Alagaan mo naman ang sarili mo! May magmamahal pa sa'yo!!!

DAVE

Kailan? Saan? Parang wala naman?

DARCY

Habang hindi pa dumadating nandito ako...

*alok ng palad ni Darcy at sabay hawak ni Dave rito...

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

EXT. HOSPITAL-NIGHT

Papalabas na ng Ospital si Dave at nasa likod nito si Darcy...

DAVE

Ano yang nasa mukha mo?

DARCY

Ano yang nasa mukha mo?

*balik ng tanong nito kay Dave...

DAVE

Masaya ako...

*naka ngiti nitong tugon...

Sa wakas naramdaman ko rin ang pagmamahal...

Hindi pilit kusa kong nakuha...

*tumulo mula rito ang mga luha at niyakap ito ni Darcy...maya-maya ay isang malakas na pwersa ang nagpahiwalay sa kanila...

DEREK

Kung sa tingin mo may mag-mamahal sayo nagkakamali ka...Akin si Darcy...

*ilang mga suntok ang pinakawalan ni Derek sa katawan ni Dave at ang isa rito ang sinalo ni Darcy na nagpatigil kay Derek...

DARCY

Tama na!!!

DEREK

Bakit panay pa rin ang lapit mo sa masamang yan?

*halos masakal na si Darcy sa mahigpit na hawak ni Derek sa kwelyo ng polo niya...

DARCY

Dahil parehas kami...kailangan ko siya at kailangan niya ako...

*at sa ilang saglit matapos ito marinig ay marahang lumuwag ang mahigpit na hawak nito

DEREK

Paano ako? Kailangan rin kita...Mas kailangan kita!!!

DARCY

Mas kailangan niya ako...at saka sabi mo hindi na tayo di ba...

DEREK

Gusto ko akin ka pa rin kahit hindi na tayo...

DARCY

Balang araw baka hayaan na tayo ng langit sumaya at magsama...

Yung akin ka at sayo naman ako pero sa ngayon hindi pa pwede at baka hindi magiging pwede...

DEREK

Yan ang sabi nila, sabi ng pagkakataon pero iba ang sinasabi ng puso ko at yun lang ang papakinggan ko... Akin ka ngayon at kailanman... Nakangako ka...

*tinapon nito ang mga papel na nasa kamay at tumakbo paalis...

DAVE

Hindi mo hahabulin?

DARCY

Paano ka?

DAVE

Ang pangako dapat tinutupad pero minsan ang pangako kinakalimutan dahil kailangan kalimutan dahil may mas magandang pangako na dapat tinutupad at nagkataong ang pangako mo sa akin ang dapat kalimutan...

*sabay pukpok sa isang maliit na matigas na bagay...

Last copy na ng videos natin yung binasag ko...

*at tapon ng pipit na U.S.B. sa paanan ni Darcy na pinulot naman nito...

Ano pang hinihintay mo diyan? Habulin mo na yung nagmamay-ari sa'yo...

*pagkasabi nito ay kaagad tumakbo palayo si Darcy upang habulin si Derek...

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

EXT. ALONG THE STREET-NIGHT

Malungkot at wala sa sariling binaybay ni Derek ang kalsada at napunta ito sa isang madilim na parte nito...

GAY

Hi gwapo...

*marahang binaybay ng kamay nito ang balikat at braso ni Derek...

DEREK

Gusto mo ko?

*malamig nitong tanong...

GAY

Tinatanong pa ba yan?

*papalapit ang mga labi nito sa pisngi ni Derek...

DARCY

Sabi mo ...

*malalalim na hinga ang pinakawalan ni Darcy bago tuluyang itinuloy ang sasabihin...

Sabi mo ako lang ang Bakla mo?

*sabay tapon ng pipit na U.S.B. na nasalo ni Derek...

Last copy na yan...

DEREK

Dahil dito? Sinaktan mo ako kanina? Sinabi mo dapat sa'kin isang upak lang doon baka nag-mamakaawa pa niyang binigay ang last copy nito...

DARCY

Akin ka lang...

DEREK

Hmmffttt!!! Ayaw ko nga!! Dun ka na lang sa kanya!!!

*galit nitong pagtaboy kay Darcy...

DARCY

Ang... Ang...Ang arte mo!!!

*sigaw nito at sabay alis nito ng padabog...

DEREK

Bumalik ka!

*at dali-dali nga itong bumalik kay Derek...

Sabi ko na babalik ka eh...

DARCY

Sa'n pa ba ako pupunta kundi sa nagmamay-ari sa'kin...

DEREK

Nasasabik na ako sayo...

*sabay halik kay Darcy...

GAY

Sana all...

*papadyak-padyak itong parang bata na umalis papalayo sa kanilang dalawa...napatawa na lamang sila at maya-maya ay tumawag si Max...

*phone ringing...

DEREK

Hello?

MAX

Nasaan ka? Ibebenta na ni Papa ang kompanya at nandito si Tito Drake hindi maganda ang pakiramdam ko sa hawak-hawak niyang U.S.B.

DEREK

Handa ako...

*nang maibaba ang tawag ay kinausap nito si Darcy...

Para sigurado...Itatago muna kita...

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT.CRISTEL's DORM-NIGHT

Puro pictures ni Darcy at Derek ang nakapaskil sa dingding ng kwarto nito...may nakita rin itong plano na nakasulat sa isang cartolina na nagsasabing...

DARCY

How to make a person gay?

*gulat nitong basa at dali-daling tinakpan ni Cristel at Kiray ang mga nakapaskil na lihim nilang dalawa...

CRISTEL

Alam kong...

DARCY

Shhh...huwag ka ng mag-salita...

KIRAY

Pero pwedeng makakuha ng autograph niyong dalawa?

*sabay pakita nito ng isang poster ng nagsasabing...

DARCY

Dericy?

CRISTEL at KIRAY

Derek and Darcy shippers na may 300 members at may thousands followers sa instagram and other social media sites...

DARCY

Pag nalaman 'to ni Derek...patay kayo!!!

KIRAY

Ting!!!

*paglagay ng sound effect nito habang pinakita ang isang bagay...

Certified and approved by Derek ang group namin...

*napatulala na lamang si Darcy sa nalaman...

DARCY

Si Kuya Max ba yun?

*nang makita ang picture ng Kuya niya na si Max...

CRISTEL

Wala yan...failed mission yan...

*sabay takip ng picture ni Max na nakadikit rin sa pader ng kwarto nila Kiray at Cristel...

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. E. MOBILES-NIGHT

Napuno ng liwanag ng mga camera ang buong kwarto...Maya-maya ay nagtungo sa harapan si Drake

DRAKE

Before anything else, I would like to give my beloved Brother a beautiful show...At nandidito yun sa U.S.B. na hawak ko...

*kabadong gulat si Henry sa narinig kaya lumapit ito sa kapatid...

HENRY

Stop this,maawa ka... Ako na lang...

*bulong nito...

DRAKE

Naawa ka ba ng tanggalin mo ang lahat sa'kin at ibinigay mo lang sa iba? Kapatid mo ako...

*bulong rin nito...at maya-maya ay nag-play ang video sa malaking monitor...

DRAKE

Kuya! pag laki ko ba pwede akong maging kahit sino?...

HENRY

Oo naman...

DRAKE

Susuportahan mo ako ha?

HENRY

Hindi mo na kailangan sabihin sa'kin yan...susuportahan ka ni kuya kahit ano pa ang maging gusto mo...

DRAKE

Pangako?

HENRY

Pangako...

*yun ang nag-play na nanggaling sa U.S.B. na nakuha niya kay Dave-ang video ng magkapatid ng sila ay bata pa...at saka ito pinatay ni Drake...

DRAKE

Nakalimot ka...

*lumuluha nitong binitawan ang maigsing kataga...

HENRY

Oo nga eh...ang sama ni Kuya

*maya-maya ay yakap na nito si Drake,tinulak nito si Henry at umiiyak nitong sinabi...

DRAKE

Am I not allowed to feel love because I'm a sin? I'm a f*cking human being...

*sa mga nangyayari ay naguguluhan si Max...

MAX

Hindi ko naiintidihan ang nangyayari...Kung wala sa U.S.B. na hawak ni Tito Drake ang videos? Eh nasaan?

DAVE

Pinagpalit ko...

*pagsulpot ni Dave

DEREK

At ang lakas ng loob mo para magpunta rito...

DAVE

Bakit, threat pa rin ba ako sayo?

DEREK

Gustong-gusto mo talagang nasasaktan...

*maya-maya ay nakuha ng isang pangyayari ang atensyon ng mga tao isang likido ang bumagsak mula sa itaas at binalot nito si Drake...

DRAKE

Kuya...

*napatawa ito at saka itinulak si Henry...

Hindi ako kasalanan...

*at saka nito kinalabit ang gatilyo ng lighter...

MAX

Ano yun?

*habang inaamoy ang hangin sa paligid...

DEREK

Amoy gas?

HENRY

Gas??

*at saka ito sumampa muli sa entablado...at niyakap si Drake na nagliliyab ang kanang balikat...at maya-maya ay isang lalaki rin ang umakap kay Drake...mabuti na lang ay hindi na kumalat pa ang apoy...

DRAKE

Hindi ako kasalanan...

HENRY

Patawarin mo si Kuya...

OSCAR

Hanggang ngayon alagain ka pa rin...

*bulong ni Oscar sa tenga ni Drake habang yakap ito...

DRAKE

Oscar?

HENRY

Ang Papa...

*nang makita ang isang nakaka-intimidate na Lalaki na may hawak na tungkod,puti ang buhok nito at may tabako sa bibig...

MAX

Kailan ba matatapos 'to!!!

DEREK

Sino ba yan?

DAVE

Don Macarias Estrada...

MAX

Ang Lolo ko...

DON MACARIAS

Ngayon na nagbalik na ako, I will bring back the glorious days of Estrada family and I will start it with you both...

*sabay pingot nito sa kina Henry at Oscar...

Lumabas ang mga hindi Estrada sa Building ko!!!

*sigaw nito at nagsialisan ang media...lumapit ang Assistant nito sa isang kumpas niya at may binulong rito...

Buy those footages they took...wait, buy their jobs...

*tumango ang  Assistant nito at umalis...

DEREK

Te-te-teka lang po Sir...

*biglang sigaw ni Derek

MAX

Nasisiraan ka na ba ng bait?

*bulong nito habang hinihila si Derek papalayo

DON MACARIAS

Bakit?

DEREK

Sa narinig ko po kanina kayo po talaga ang tunay na nagmamay-ari ng E. Mobiles tama po ba?

DON MACARIAS

Matalino ka... Tama ang narinig mo... Bakit mo natanong?

DEREK

Ako po si Derek Sanchez bibilhin ko po ang kompanya niyo...

*sabay taas ng mga papeles...

DON MACARIAS

Mukhang nagkamali ako ng sabihin kong matalino ka? Bakit mo naman bibilhin ang kompanya ko aber?

DEREK

Para po mapakasalan si Darcy Estrada- ang apo niyo...

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. HOUSE-DAY

Magkaharap at nakaupo sa sahig sina Derek at Darcy masinsinan silang nag-uusap...

DEREK

Ikaw! Huwag ka ng maglilihim sa'kin!!!

DARCY

Masakit ang saktan ka pero kailangan dahil kapag iniwan ko siya ako ang magiging dahilan ng kalungkutan niya...

DEREK

Paano ako...kaya mo akong maging malungkot?

DARCY

Eh bakit ikaw...

*hindi na nito natuloy ang pagsagot ng dumapo sa kanya ang kutos ni Derek

Haaaisssshhhhtttaaaaa!!!

DEREK

Humingi ka na ng sorry sa'kin sasagot ka pa eh...

DARCY

Salamat dahil tinaggap mo ako...

DEREK

Akin ka lang ha...

DARCY

Ngayon at kailanman...

*sabay pakita ng papeles habang nakangiti...

DEREK

Page 2 letter A ng kontrata, basahin mo...

*at sabay hanap naman ni Darcy rito...

DARCY

Blind fold??!!

*sigaw na gulat nito ng mabasa ang salitang iyon at lalo pa itong napasigaw sa gulat ng makita ang hawak na blindfold ni Derek...

Sshhiiiyyyyyyaaaaa!!!

*marahang itinakip ni Dekek ang blindfold sa paningin ni Darcy...linapit nito ang mapupula at malambot nitong labi sa tenga ni Darcy at bumulong...

DEREK

Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib mo...

DARCY

Ooohh...ssshiiiiiyyyaaaa!!!

*malanding inda nito ng maramdaman ang mga labi ni Derek sa leeg niya...marahang hinawakan ni Derek ang baba ni Darcy at maya-maya ang hintuturo nito ay nakapatong na sa mga labi ni Darcy...ang pwersa mula rito ang nagpabuka ng kaunti sa tikom na mga labi ni Darcy at naging dahilan ng malayang pagpasok ng hintuturo at gitnang daliri ni Derek sa bibig ni Darcy...biglang bumukas ang pinto at kaagad tinanggal ni Derek ang blindfold ni Darcy...

HELEN

Anong ginagawa niyo?

DARCY

Naglalaro po...

*palusot nito

REA

Ano pong laro mga Kuya?

*biglang pagsulpot nito mula sa pagitan ng magulang

DEREK

Apoy...

HENRY at HELEN

Ha?

DARCY

Wrestling... Nagbabagang wrestling...yun po ang ibig sabihin ni Derek sa apoy...

*pagpapalusot nito...

HENRY

Baka gusto niyo ng box ng biscuit?Habang nagre-wrestling kayo...

*akward na nakangiti sina Derek at Darcy...

HELEN

Huwag ka na ngang nangi-ngialam...

*sabay sarado ng pintuan

Hinay-hinay sa wrestling baka mabalian kayo...

*muling pagbukas ng pinto matapos itong isara ng saglit at kaagad naman ito uli sinara...

HENRY

Teka lang yung box ng biscuit nakalimutan kong ibigay sa kanila...

*babalik sana ito sa kwarto nila Darcy at Derek pero pinigilan ito ni Helen...

HELEN

Halika na nga...

*sabay kaladkad nito sa asawa palayo...

HENRY

Nakita mo yun?

HELEN

Yung ano?

HENRY

Ka-tangkad na Lalaki ni Derek siya ang Babae...

HELEN

Oo na lang...

*iiling-iling nitong sang-ayon sa asawa...

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. ROOM-DAY

Itinuloy nila Derek at Darcy ang naudlot na paniniig...kinuha ni Darcy ang blindfold at siya mismo ang nagsuot nito sa sarili na nagpangiti kay Derek...Dahan-dahang nagtungo sa likod ni Darcy si Derek at mula rito ay hinubad niya ang saplot na bumabalot sa mainit na katawan ni Darcy...ang mga labi ni Derek na dumampi sa leeg ni Darcy ang lalong nagpainit sa tagpo...Isang madiin ngunit swabeng ulos ang naramdaman ni Darcy na nagpasinghap sa kanya at kasabay nito ang pagtanggal ni Derek sa blindfold nito...at isang ulos na naman ang ginawa nito... at sa pagkakataong ito sinubo ni Derek ang palasingsingan na daliri ni Darcy at maya-maya ay inilabas ito nakita ni Darcy ang singsing na isinuot ni Derek nang isubo ng minamahal ang daliri kanina...

DEREK

Payag ka bang maging akin ngayon at kailanman?

DARCY

Payag na payag...

*at isang malalim na ulos na naman ang ipinaramdam ni Derek kay Darcy...

DEREK

Akin ka lang...

DARCY at Derek

Ngayon at kailanman...

*sabay marahang kagat ni Derek sa leeg ni Darcy at pagdila nito matapos at sa ginawa nito kay Darcy ay napaigtad ito at tila takot na napatingin kay Derek...

DEREK

Bakit? May problema ba?

DARCY

Wa-wa-wala...

*matipid na pag-ngiti nito

---------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. SCHOOL-DAY

Nakaupo lamang sina Derek at Darcy sa ilalim ng puno...

DAVE

Idol MVP...

*tumatakbong palapit ito sa kanila at kaagad na niyakap ni Derek si Darcy at pinakita ang singsing na suot ni Darcy habang yakap ito...

DEREK

Ikakasal na kami...hindi mo na siya makukuha sa'kin...

DAVE

Malabo na yang mangyari at saka lilipad na ako papuntang Amerika...

DEREK

Shooo!!! Bilisan mo na ang pag-alis rito...

DAVE

Pumunta lang ako para humingi ng tawad...

DEREK

Yun lang...eh ang tantanan si Darcy...

DAVE

Hmmm... Sa susunod na lang...

*sabay takbo nito...

DEREK

Bumalik ka dito!!!

*hinabol nito si Dave...

DAVE

Alagaan mo siya,handa pa rin akong bawiin siya sayo...

DEREK

Saang part hindi mo naintindihan na fiancé ko na siya...

-----------------------------------------------------------------

MEANWHILE: Habang naghahabulan at nag-aasaran ang mag-karibal ay tumunog ang cellphone ni Darcy at isang mensahe ang natanggap nito...

*phone ringing...

DRAKE

Love whoever you wanna love and spread your colors baby rainbow...

-end of Drake's text message

*text na natanggap ni Darcy mula sa Tito Drake niya at napangiti na lamang si Darcy sa nabasa...

DEREK

Hoy bakla!!! Tulungan mo akong habulin 'tong mang-aagaw na 'to!!!

*sigaw nito kay Darcy...

AFTER A WHILE

Napagod sa paghahabulan at pag-aaway sina Dave at Derek,parehas napahiga ang dalawa sa malawak na damuhan ng University.

DAVE

Hindi ako ang nakauna sa kanya...

DEREK

Wala akong pakialam ang mahalaga sa'kin ngayon akin siya...

DAVE

Kilala kita...

*at saka ito tumayo at iniwan si Derek...hinawakan nito ang paa ni Dave na naging dahilan ng pagkadapa nito at kaagad nito sinakal si Dave...

DEREK

Anong ibig mong sabihin?

DAVE

A-a-alam mo ang ibig kong sabihin...

*hirap nitong sambit...

------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Masayang binukasan ni Darcy ang lumang notebook at may isinulat ito... kinuha ang gitara at kumanta...

🎶🎶🎶Ooohh nooo ooohh nooo

Sila'y di boto sa aking pagsinta

Baka daw ikaw ay lumuha lamang

Sila'y inggit lang siguro satin ngayon

Sapagkat tadhana ang kumilos

Noong ikaw ay aking makita

Alam kong ikaw na nga

Walang labis walang kulang aaahh aahh yeah

'to ang magiting kong pagibig

Ika'y aking iniirog

Tadhana tawag dito, tayo ang pinagtagpo

Walang kabigin kong ipagsisigawan 'to

Mahal kita higit pa sa inaakala mo

Mahal mo rin ba ako

Mahal mo rin ba ako

Sanay mahal mo rin ako

Ooh ooooh oooh nooo

Sanay mahal mo rin ako

No no oh oh no no

Mahal mo rin ba ako

Noong ikaw ay aking makita

Alam kong ikaw na nga

Walang labis walang kulang aah aah yeah

'to ang magiting kong pagibig

Ika'y aking iniirog

Tadhana tawag dito, tayo ang pinagtagpo

Walang kabigin kong ipagsisigawan 'to

Mahal kita higit pa sa inaakala mo

Mahal mo rin ba ako

Mahal mo rin ba ako

Sanay mahal mo rin ako

Kung ako'y pagbibigyan

Pangako kong hindi ka iiwan

Ubod lakas kong isisigaw

Mahal kita aking sinta

Hindi na natin kailangan pang intindihin pa

Tibok ng puso mo at puso ko ay iisa

Wala kokontra tayo ay sa isa't isa

Ikaw at ako ay itidhana

Kung ako'y pagbibigyan

Pangako kong hindi ka iiwan

Ubod lakas kong isisigaw

Mahal kita aking sinta

Hindi na natin kailangan pang intindihin pa

Tibok ng puso mo at puso ko ay iisa

Wala kokontra tayo ay sa isa't isa

Ikaw at ako ay itidhana

'to ang magiting kong pagibig

Ika'y aking iniirog

Tadhana tawag dito, tayo ang pinagtagpo

Walang kabigin kong ipagsisigawan 'to

Mahal kita higit pa sa inaakala mo

Mahal mo rin ba ako

Mahal mo rin ba ako

Sanay mahal mo rin ako🎶🎶🎶

*isang Babae ang sumulpot mula sa harapan ni Darcy nakangiti ito habang nakatingin sa kanya...maputi,balingkinitan at apula ang labi nito,ang maamo nitong mukha ay lalong nagpaangat sa malatsokolate nitong mapupungay na mga mata at ang maliit at matangos nitong ilong ay sobrang bumagay sa kabuuan ng mukha nito...

DARCY

Bakit? May kailangan ka Miss?

ABBY

I'm Abby...

*pagpapakilala nito...

Kaibigan ka ba ni Derek?

DARCY

Parang gano'n na nga? Ahmm...pero...

*awkward na sagot nito...at ilang sandali rin ay lumapit sina Dave at Derek sa kinaroroonan ni Darcy...

ABBY

I'm Abby Ong,your Fiancè...

*sa pagkakasabi nito ay nagkatinginan sila Derek at Darcy...

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. ROOM 143-DAY

Isang Lalaki ang kumatok at pinagbuksan ito ni Max at laking gulat ito ng si Paul ang kumakatok kaya tinangka nitong isara ang pinto pero napigilan ito ni Paul...

MAX

Tigilan mo na nga ako!!!

*pilit na sinasara nito ang pinto at dahil mas malakas si Paul ay nabuksan nito ang pinto...

PAUL

Roommate mo ako...

*at tuluyan na nga itong nakapasok...

Sa ayaw at gusto mo!!!

MAX

Aray ko...

*daing nito sa sakit habang nakahawak sa pwet niya...

PAUL

Huwag mong sabihing masakit pa rin yan?

MAX

Mas matanda ako sayo ah...

*galit nitong sabi

Bastos!!!

PAUL

Huwag mong sabihin po na masakit pa rin po yan? Kuya po?

*may diin nitong sinasabi ang po na sadyang inaasar si Max...at maya-maya ay may kumatok na naman...

CRISTEL

Kuya Max...Welcome sa Dorm...

*pero tila hindi nito napansin si Cristel

Saan po kayo pupunta?

MAX

Magpapalit ng Room!!!

*dali-dali itong bumaba na padabog patungo sa Reception...

MS. CARAMEL

Mabuhay!!! Anong kailangan?

MAX

Bagong kwarto pwede ding bagong roommate nakikiusap po ako...

MS. CARAMEL

Aah...wala na eh... Pwede ko namang ibalik na lang yung binayad mo kung gusto mo?

*akma nitong binabalik ang bayad ni Max...

MAX

Hindi na po...

*saka ito umalis at nagtungo sa kanyang kwarto at bago binuksan ang pinto ay sinabi...

Humanda kang maramdaman ang impyerno!!!

*at kaagad pumasok...

PAUL

Gusto mo?

*alok nito ng saging kay Max

MAX

Aray!

*sabay hawak ng pwet ng indain ang sakit

PAUL

Ayos ka lang?

MAX

Yung nangyari sa'tin...

PAUL

Ahmm...Ikaw ang nakauna sa'kin Kuya...hindi mo naman sigurong sasabihin sa'kin na kalimutan ko na lang yung nangyari...

*may nakakaawa nitong mukha na sambit...

MAX

Ha?

PAUL

Yung pag-giling mo sa ibabaw ko...tapos yung utos mo na bilisan ko sa bawat hugot at baon ko...

MAX

Huwa-huwa-huwag mo na nga ipaalala sa'kin yan...

PAUL

Ang hirap kasing kalimutan Kuya...

MAX

Head trauma, yan ang kadalasang nagiging dahilan ng amnesia...

*habang kinakatok nito ang pader...

Gusto mo iuntog ko rito ang ulo mo para makalimutan mo ang dapat mong makalimutan...

PAUL

Wala sa isip ko ang nangyari sa atin nasa puso ko... Ang magagandang alaala sa puso nakikita hindi sa isip...

MAX

At anong branch of Science naman ang nagpaniwala sayo niyan...

PAUL

Love...Branch of Science that deals with study of uncontrolled emotions towards other people-gender not included...

*maya-maya ay bumukas ang pinto at bumulaga si Happy sa pintuan...

MAX

Happiness?

HAPPY

Kuya Maximum!!!

PAUL

Maximum happiness?

*bulong nito sa sarili habang nakasimangot...

Aalis ako!!!

MAX

Saan ka pupunta?

PAUL

Mag-papalit ng pangalan...

*papadyak-padyak na umalis ito sa room 143...

----------------------------------------------------------------------

-end is just a beginning...

-Wakas