CHAPTER SIX
PAUL
Haaayy...grabe namang alat ng adobong 'to...puro toyo wala yatang suka 'tong adobo na'to...
*sabay inom sa palamig at saka ito inuluwa.
Haaaayyy...napunta yata sa palamig ko ang suka na dapat sa adobo ba't ang asim nito?
Pwe...pwe...pweeee...
INT.CANTEEN-DAY
Habang kumakain si Paul nakita nito na magkasama sila Derek at Darcy. Iwinagayway niya ang kanyang kamay para imbitahan sila...
PAUL
Upo kayo rito...dali...dali...dali...
*at pumunta naman sila at umupo...napansin ni Paul na inalalayan pa ni Derek si Darcy na makaupo.
Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa noh?
DEREK
Naawa kasi ako sayo pag nagaaway kami...ikaw ang namomroblema...
PAUL
Woaaahhhh...concern ka talaga sakin...
Pero...mukhang O.A. naman yung pagiging close niyo.
Hmmmm...
*pagtataka nito ng biglang...
ALEX
Haaayyy...Darcy.
May iba ka na palang gusto??
PAUL
Gusto??!! Sino??
*sabay tingin kay Darcy at pagkatapos kay Derek.
DAVE
Nagugustuhan?...si-sino?
*biglang pagsulpot ni Dave.
ALEX
Oo nga sino??
Pinaasa mo naman yung kaibigan ko...
DARCY
A- sorry...
*tumayo ito at yumuko.
ALEX
Ba't di mo sinabi ng mas maaga? Sobrang sakit non? Alam mo ba yun?
DAVE
Sino ba kasi nagsabi sayong ipakilala mo yung kaibigan mo kay Darcy?
ALEX
Wa-wa-wala...
PAUL
Ah...ah...ah...bago mapunta kung saan-saan 'to...
*tumayo ito at inalapag ang kamay sa mesa.
Darcy...sino ba yung tinutukoy ng kaibigan ni Alex?
DARCY
*malikot ang mata nito palipat-lipat ang mga tingin nito sa kanila.
Ba-ba-ba't ko sasabihin sa inyo?
DAVE
Kilala ko ba yun?
DEREK
Kung sino man yun wala na kayong pakialam.
*maya-maya ay dumating sila Cristel at Kiray at hinila papalayo si Dave.
CRISTEL AT KIRAY
Nandito ka lang pala...tatakas ka na naman ba?
DAVE
A-a-araaayyy...
*hawak-hawak nila ang sari-sariling tenga na tila nararamdaman nila ang pagpingot kay Dave habang hinihila ng dalawang babae ang tenga nito.
DEREK
Hindi ka ba kakain?
*pag-iba at pagsimula ng usapan ni Derek.
Ilang minuto na lang mag sisimula na yung class...hindi ka ba kakain?
ALEX
Okay...bibili lang ako ng kakainin...
*sabay tayo nito at nagmamadaling pumunta sa pagbibilhan...kaagad na pinalapit ni Paul sina Derek at Darcy at ngayon ay magkakadikit ang mga ulo nito.
PAUL
Girlfriend pala Darcy... Ikaw magka-girlfriend...
*tinititigan nito si Darcy na nandidilat at may paghuhusga...
Baka ang ibig mong sabihin boyfriend...
*sabay titig na malapitan at may pangaasar kay Derek.
DARCY
Oh...kumain ka pa nangangayayat ka na...
*sabay kain naman ni Paul.
PAUL
Hoooyyyy...kakain ko palang...!!!
Yung sinasabi mong girlfriend mo sino yun ha???!!!
DARCY
Oh...uminom ka...
*sabay inom naman ni Paul.
PAUL
Haaaaayyyy...bakit ba??!! Sino ba kasi yung girlfriend mo? Sino nga...???!!!
*inaalog na nito si Darcy halos magkalapit na ang mukha ni Darcy at Paul at maya-maya ay hinawakan na ni Derek ang mga kamay ni Paul at...
DEREK
Bitawan mo nga boyfriend ko!!!
PAUL
Oh...so-sorry...
*paghingi nito tawad at maya-maya ay...
Ha??!! Boyfriend??!!
*sabay tinakpan ni Derek ang bibig ni Paul...at makikita si Darcy na tinatago ang kilig sa pag-sipsip nf inumin.
ALEX
Haaayyy...ang haba ng pila...
Sinong may boyfriend...??
*pagsulpot ni Alex na may dalang pagkain.
PAUL
Oh...kumain ka na lang diyan...nagiging tsismoso ka na...
*sabay subo rito ng hotdog rito.
ALEX
Shinong mmmay bbbyofriend?
*hindi na maintindihan ang sinasabi nito dahil sa hotdog na nasa bibig nito na isinubo sa kanya ni Paul...
DARCY
May klase na ako...balik na ako...
DEREK
Hoy...agahan mo pag-uwi...baka gabihin ka na naman.
*mahinahon pero may authoritarian na tinig nitong bilin at paglalambing kay Darcy,napapatingin na lamang si Paul sa dalawa samantalang si Alex ay kain lang ng kain.
ALEX
Haaayyy...ano ba 'tong adobo ang alat...
*napapakamot na lamang si Paul sa nangyayari at tuluyan ngang umalis si Darcy.
MEAN WHILE
INT. ROOM-DAY
Umiiyak si Conan sa pinapanood habang nagliligpit si Pong.
CONAN
*humahaguhol ito...
Ano ba 'tong palabas na 'to pinapaiyak ako ng sobra...
PONG
Haay...ang arte mo naman...akala ko ba uuwi ka sa inyo bukas dapat mag impake ka na...at dapat maging masaya ka.
CONAN
Masaya ako na uuwi ako bukas sa'min kaso lang nalulungkot ako dahil sa pinapanood ko...
*mas lumakas pa ang pag iyak nito.
PONG
Palabas lang naman yan...
CONAN
Hindi mo naiintindihan...nasasaktan ako kasi bakit hindi maintindihan ng mga tao yung mga ganitong pagmamahal...
PONG
Ano ba kasing pinapanood mo?
CONAN
Walaaaa...
*sabay takip ng pinapanood at takbo nito palayo.
PONG
미친(michin) (baliw)
------------------------------------------------------------------------
INT. ROOM 143 - NIGHT
Tinutulungan ni Darcy si Derek na mag impake.Parang nasa himpapawid si Darcy at nakangiti lamang.
DEREK
Nababaliw ka na ba?
DARCY
Ah? Masaya lang ako...kasi sa sinabi mo kanina kay Paul...
DEREK
Alin dun? Yung boyfriend kita?
*nahiya si Darcy at tumakbo sa C.R...at maya-maya ay lumabas na rin.
Boyfriend...ayaw mo bang tawagin kita ng ganun...Boyfriend.
*pumasok muli si Darcy sa C.R...at napapangiti na lamang si Derek dahil sa reaksyon nito sa tuwing tinatawag niya na boyfriend si Darcy...lumabas ito na seryoso ang mukha at...
DARCY
Ehemm...dalian na natin ang pag-iimpake at baka mahuli ka sa biyahe mo...
*tinitigan lamang siya ni Derek na tila hinuhubaran niya si Darcy.
Nunoy...
DEREK
Ganon...Nunoy pala aahhh...
*kiniliti nito si Darcy at naghabulan sa kwarto.
DARCY
Haiiissshhhttttaaa...mag-impake ka naaaa...
*masaya ang dalawa na tinapos ang pag-iimpake.
AFTER HOURS
DEREK
Sa wakas nagbalik na ang gwapo...
*sigaw nito ng makatapak muli sa bario kung saan siya lumaki at nag-kaisip.
EXT.BARIO ESPERANZA-DAY
Maaliwalas,maingay tuwing gabi dahil makikita ito malapit sa Boracay... Napapalibutan ito ng asul na tubig at puting mga buhangin...
DEREK
Haaayy...marerelax na ako sa wakas na malayo sa isip batang roommate ko...
*isang babae ang maririnig na sumisigaw sa di kalayuan...mahaba at maitim ang buhok nito,morena,maganda ang pangangatawan at talagang maganda.
HAPPY
Nunooooyyyy...
*tumakbo itong papalapit sa kanya at tumalon at sabay salo naman sa kanya ni Derek.
Nababaliw ka na yata kakaaral mo sa Maynila at kinakausap mo yung dagat...
DEREK
Sinisigaw ko lang lahat ng pagod ko...gawain mo rin naman 'to ah...
*sabay lakad nilang dalawa.
HAPPY
Pagod dahil sa pag-ibig ba yan? Sabi ni Apang may nagugustuhan ka na... Sino? Maganda ba?
DEREK
Haayyy...nagpapaniwala ka dun kay Apang...
*maya-maya ay sinalubong na siya ng kanyang Apang at Mamang...nagmano at nagpatuloy maglakad papunta sa kanilang bahay.
APANG
Oh...nasan yung girlfriend mo?
*biro nito kay Derek.
DEREK
Apang naman...
APANG
Haaayyy...ang hina naman ng Nunoy namin nung kasing edad mo ako babae ang nagyayaya para lang isama ko at ipakilala ko sa mga magulang ko...
MAMANG
Ah...ganon ba? Di mo nabanggit sa'kin yan...mga anong taon nangyari yun...???!!!
*nanlilisik ang mga mata nito...at napalunok si Apang sa takot sa nakitang reaksyon ni Mamang.
APANG
Ehemmm...ahmmm hehe kailan ba balik mo sa Maynila?
*pag-iba nito sa usapan...
DEREK
Kakauwi ko pa lang parang gusto niyo na ako pabalikin sa Maynila...
APANG
Nagtatanong lang...hindi talaga 'to mabiro...
*sabay gulo nito sa buhok ni Derek.
MAMANG
Oh...yung roommate mo anong klase ba siyang tao? Mabait ba?
DEREK
Ahmmm,may itsura pero kabaligtaran ng mukha niya ugali niya...makulit,parang bata...iyakin...sobra...hindi nakikinig sa mga sinasabi ko...kailangan ko palaging bilhan ng pagkain kasi hindi kumakain sa tamang oras,kailangan kong labhan yung damit niya kasi lagi niyang nakaklimutan,kailangan kong bantayan pag natutulog kasi laging nanaginip ng masama ...mabuti na lang mukha siyang anghel...
APANG
Teka lang...lalaking mukhang anghel?
DEREK
Opo Apang...matangos ang ilong,maliit lang siya,mapula ang labi,makinis,yung mga pilikmata ang haba tapos pag ngumiti siya sobrang nakahawa...
APANG
Sa mga narinig ko hindi ko malaman kung close kayo o hindi...
Close ba kayo?
DEREK
Hindi po Apang...
MAMANG
Kung hindi kayo close ba't parang ikaw ang nag-aasikaso sa kanya...binubully ka ba ng roommate mo?
APANG
O baka hindi talaga lalaki yang roommate mo...
DEREK
Apang yung kano tinatawag ka yata, customer ba natin yan?
*nang mapansin ang lalaking taga-ibang bansa na nakangiti sa kanya...tama lamang upang maiba ang usapan.
APANG
Haaayyyy...Briton yan di yan Kano...
*sabay tingin sa Briton na naka ngiti.
DEREK
Haaayyy...sige na Apang...
*lumapit ang kanyang amain sa Britong turista at tinanong ito kung may kailangan...
APANG
Do you need something Sir?
BRITON NA TURISTA
Ahmmm...I wanna try the Lambanog beer...
APANG
Wow...you have a great taste Sir...
BRITON NA TURISTA
I think you're right about that...
*sambit nito habang nakatingin ito kay Derek mula ulo hanggang paa...na ikakunot noo naman ni Derek.
AFTER A FEW MORE MINUTES: Tinawagan ni Derek si Darcy at ibinalitang nakarating sa siya.
DARCY
Hello?
DEREK
Hello...Boyfriend ko...
DARCY
Na-miss mo ko noh?
DEREK
Hindi noh!!!
DARCY
Aw? Bakit?
DEREK
Paano kita ma-mimiss lagi kang nasa puso ko.
DARCY
Ssshhhiiiiyyyyyaaaa!!!
Nasa bahay ka na? Kamusta ang biyahe?
DEREK
Nag-aalala ka sakin?
DARCY
Siyempre...
*may tumawag sa pangalan ni Darcy kaya na narinig naman ni Derek.
DEREK
Oh...sige na... mamaya na lang mukhang tinatawag ka...I love you...
DARCY
Bye...
*sabay baba ng cellphone ni Darcy
DEREK
Hello? Hello?
Haaaayyy...wala man lang I love you too...
Baklang yun!!!
INT. HOUSE-DAY
Kasabay ng pag-uwi ni Derek sa kanyang probinsya ay umuwi rin si Darcy sa kanila.Matapos ang kamustahan nila Derek sa telepono...Halos maiihi na ito sa kilig na kanina niya pa hindi ipinahahalata...pumasok ang kanyang kapatid na si Max at Rea...sa kwarto niya.
MAX
Oh...parang ngayon ko lang ulit nakita yang mukha na yan...
Hmmm...sino yan? Ha? Sino yang nagpapakilig sa kapatid ko?
DARCY
Yung-yung roommate ko...
*biglang nawala ang ngiti ng kapatid niyang si Max at lumapit siya...
MAX
Sigurado ka ba ba diyan?haaaayyyy
Masaya ako para sayo...
*niyakap niya ang kapatid...ngunit hindi matatago ang pagaalala nito.
DARCY
Eh...ikaw?
MAX
Haayyy...makita ko lang kayo ni Rea at siyempre ikaw na masaya okay na ako...
*masaya ito ngunit parang may pagaalangan ang ngiti nito.
DARCY
Sige na nga...
REA
Kuya dapat maghanap ka ng girlfriend mo...baka isipin ng may mga crush sa'kin boyfriend kita kaya nahihiya silang lumapit sa'kin.
MAX
Ah...ganun...ilang taon ka na ba at nasasabi mo na yang mga bagay na yan?
*pagbibiro nito na ikinahalakhak nilang tatlo.
REA
Bibisita si Tito Drake dito bukas...
*biglang balita ni Rea na nakangiti ngunit makikita sa mukha ni Darcy ang kaba.
MAX
Ahmm...Rea...labas ka muna mag-uusap lang kami ni Kuya Dada mo...
*kaagad naman sumunod si Rea at lumabas...
Relax...okay...relax ka lang...ayos lang yan...akong bahala...
MEAN WHILE
EXT.BARRIO ESPERANZA-DAY
Tumutulong si Derek sa paghahanda para sa Birthday party ng kanyang Mamang at maliit na Bar tuwing sasapit ang gabi na kanilang negosyo...
MAMANG
Haaayyy...Nunoy...magpahinga ka nga muna...basang-basa ka na ng pawis...
DEREK
Ayos lang po ako Mamang...ngayon na nga lang ulit ako natulong rito.
*sabay hubad ni Derek at ginawang pangpunas ang damit sa kanyang pawis.
HAPPY
Nunoy...
*nakataas ang mga kamay nito ng tinawag nito si Derek...naka bra at bikini lamang ito.
Ligo tayo...
MAMANG
Diyos Mio...santa purisima...magbihis ka nga...
HAPPY
Mamang naman gan'to ang bihisan ngayon nakikita mo ba yung mga foreigners na yan...dapat hindi tayo papakabog sa kanila...Pinoy tayo!!!
MAMANG
Okay...sige na...iwan ko na kayong dalawa rito...sa tigas ng ulo mo alam kong hindi ka makikinig sa kin...
*sabay alis nito...
HAPPY
Bagay ba?
*umikot ito para maipakita ang dilaw nitong bikini.
DEREK
Ang laki na ng pinagbago mo ah...
HAPPY
Ha? Ba't ano ba ako dati?
DEREK
Mas gumanda ka ngayon...Ganda talaga ng Happy ko...
*sabay tapik sa ulo ni Happy.
HAPPY
Talaga?
*lumaki ang mga ngiti nito ng marinig ito kay Derek.
Oh...sasama ka ba maligo?
DEREK
Sa susunod na lang...
HAPPY
Haaaayyyy...ano ba yan ang KJ mo naman...mabuti pa si Paul...
*nang biglang mapatid ang tali ng bra niya at kaagad naman siyang niyakap ni Derek upang matakpan ito...magka dikit ang kanilang mga katawan ng mga oras na ito...kinuha nito ang damit na pinanpunas kanina sa kanyang pawis na inilagay niya sa kanyang bulsa at ito ang ipinantakip kay Happy.
DEREK
Ayos ka na?
HAPPY
Oo...salamat...
EXT.BARRIO ESPERANZA-NIGHT
Naglalakad mag-isa si Derek sa kahabaan ng beach ng makita niya ang Briton na turista na nakita niya ng simula siya makabalik rito... iba ang mga tingin nito sa kanya...malalim at uhaw.
DEREK
Tang*na...ano bang problema nito...bakla ba 'to? Makakapatay ako nito ng demonyo...
*bumalik na lamang ito upang makaiwas.
AFTER MORE MINUTES:Nag simula na ang Party at bukas na rin ang bar na pag mamay-ari nila Derek at lahat may masaya at nagsasayaawan...sobrang nakakaenganyo ang musika at lalo pa itong pinatitindi ng lambanog na specialty ng bar nila.
APANG
Para sa aking asawa!! Hep hep!! Hooorrrraayyyy!!
HAPPY
HOOOOOOO...Party people!!!
*halos magwala na si Happy sa saya at konting sipa ng kalasingan...
APANG
Isang Happy Birthday naman diyan para sa aking asawa.
*umawit ang lahat ng happy birthday habang sumasayaw.
DEREK
Sobrang saya talaga rito.
HAPPY
No doubt... No erase... Tumpak ka diyan...
DEREK
Oh...kukuha lang ako ulit ng maiinom...
HAPPY
Oh...sige pati na rin pulutan...damihan mo...
*naglakad si Derek papalayo at patungo sa isang side ng bar.
DEREK
Ahmmm...lambanog pa po at sisig ate...
*isang tinig ang kanyang narinig at ang mukhang nasilayan matapos lingunin ito ay mukhang sisira sa araw niya.
EDWARD
Hi...I'm Edward I've been here for one week already...
*tumango lamang si Derek at umiiwas
What's your name?
*sumagot ito at ibinigay ang pangalan
Derek?...cute name.
*lumapit ito sa kanya at bumulong.
So...you wanna have good time?
*habang pinipisil nito ang balikat niya...
DEREK
Putang*na mo!!!
*tinulak nito ang Briton na nagpakilalang Edward...mabuti na lang at nakita ito ni Happy at kaagad pumagitna...
HAPPY
Anak ng Sirena...ano ba yan...
*patakbo nitong sinabi papalapit...
Relax ka lang...
DEREK
Ang mga katulad mo sinusunog sa impyerno...bastos!!! Haliparot!!! Basura!!!
HAPPY
Ahmmm...sorry we need to go...enjoy...
*hinila nito si Derek papalayo sa pwedeng maging problema...napunta sila sa tahimik na parte ng Barrio Esperanza.
DEREK
Ipasok ko sa pwetan niya 'tong mga buhangin na 'to makita niya hinahanap ng baklang yun!!!
HAPPY
Tama na nga yan...sana hindi magreklamo yun...o mas maganda hindi sana siya nakakaintende ng tagalog.
DEREK
Kung hindi lang pagmamay-ari nila Apang,Mamang at mo yung Bar dinurog ko na yung mukha ng baklang yun...
HAPPY
Tama na nga kasi yan...
*idinampi ni Happy ang mga labi niya sa mga labi ni Derek.
Alam kong bad timing...pero wala namang right timing sa pag-ibig di ba?
*nang marinig ito ngayon lang napansin ni Derek ang mga kandila at romantikong paligid na ginawa mismo ni Happy para sa gabing ito.
Mahal kita...
DEREK
Pero...
HAPPY
Shhh...okay lang,sinabi ko lang at least gumaan na yung bitbit ko dibdib ko.
Ayaw kong ilihim 'to ng sobrang tagal...
Pero kung may pag-asa ako magiging masaya ako at kung wala maghihintay ako...
Masaya ako dahil ikaw ang first kiss ko.
*ngumiti ito,hinalikan siya muli nito at umalis.
DEREK
*itinikom nito ang bibig at hinawakan ito at pinunasan ng sobrang madiin...
Patay!!!
----------------------------------------------------------------------
INT.HOUSE-DAY
Umaga na kanina pa gising si Derek sinusubukan niyang tawagan si Happy pero hindi niya magawa-gawa nagdadalawang isip siya dahil hindi niya alam ang sasabihin...
DEREK
Haaayy...ayaw ko siyang malungkot pero anong magagawa ko...
*maya-maya ay may tumawag sa kanya.
*Krrriiiiiinnnnnngggggg....
Oh bakit?
DARCY
Kamusta?Yung birthday party ni Mamang mo tapos yung Bar niyo?
DEREK
Okay naman ako...masaya yung party...basta masaya...
*medyo malungkot ang boses nito.
DARCY
Ba't parang hindi naman?
DEREK
Oh...sige na nga!!! May baklang foreigner na gusto akong tuhugin...
DARCY
Anong ginawa mo?
DEREK
Ano sa tingin mo?
Kung hindi lang ako pinigilan ni Happy siguradong basag na mukha ng baklang yun...
DARCY
Happy? Sino yun?
DEREK
Aaaahhh...kaibigan ko...
DARCY
Babae?
DEREK
Oo...Bakit nagseselos ka?
DARCY
Alam kong lalaki ka kaya...
DEREK
Hinalikan niya ko...
DARCY
Ha??!!
DEREK
Pero pinunasan ko kaagad,tapos wala naman akong naramdaman...
DARCY
Okay...bye...
*malungkot at malamig nitong tugon.
DEREK
Hoy...bakla!!! nagseselos ka!!! Haaaayyy...baka nakakalimutan mo yung ginawa mo...
DARCY
Aw?
DEREK
Tama na nga 'to...basta ang importante sayo lang ako...naiintindihan mo!!!
Ikaw kanino ka lang ba dapat??!!
DARCY
Sayo...
DEREK
Mabuti kung hindi... Eeeeeekkkkkk...
*sabay senyas ng kunwaring pag-gilit ng leeg habang ginagawa ang tunog na ito.
Oh ikaw naman...magkwento ka kamusta?
DARCY
Wala namang kakaibang nangyari...
Kailan ka ba uuwi?
DEREK
Bakit?
DARCY
Na-mimiss na kita...
DEREK
I love you...
DARCY
Thank you...
DEREK
HAAAAAAYYYY!!!...baklang 'to... I love you ang sabi ko...
*maya-maya ay naputol na ang tawag.
Hellooo??!!
*wala na si Darcy sa linya.
DARCY
*nagtatalon ito sa kilig at halos magwala sa nararamdaman.
Mahal niya ako...aaaaahhhhh...
*nginudngod niya ang sarili sa unan habang nagpapadyak ng paa.
MEAN WHILE
INT.RESTAURANT-DAY
Naghihintay si Alex habang umiinom ng beer...
ALEX
Oh...nasaan si Angel?
LEANE
Ayaw lumabas...ba't ikaw ang umiinom ikaw ba ang broken hearted?
ALEX
Kung di ko sana pinakilala si Darcy kay Angel eh di sana hindi nagkaka ganoon yung babaeng yun.
LEANE
Kaya nga ako nandito para maayos yung sitwasyon...
ALEX
Ha? Yung kay Darcy at Angel...paano aayusin eh may iba na daw yung tao...
LIANE
Ganyan naman talaga kayong mga lalaki...
ALEX
Nagsorry na naman yung tao...at saka mabuti na yun na wala na sila kaysa magkalokohan pa kung naging sila na...At saka 'wag mo naman nilalahat yung mga lalaki.
LIANE
Sorry lang tapos yung lang...wala na...
ALEX
Hala...Hindi natin mapipilit yung puso kung sino ang gusto nitong ibigin...kusa itong tumitibok...makaka hanap din si Angel ng para sa kanya...
LIANE
Sino?
ALEX
Kupido ba ako para malaman yun?
LIANE
Akin na nga yan...
*sabay tungga sa iniinom na beer ni Alex.
------------------------------------------------------------------------
INT.HIGHSCHOOL
Kakalabas pa lang ni Rain nang makatanggap ito ng text message mula sa kanyang kapatid.
*phone ringing...
LUKE's TEXT MESSAGE
Hindi kita masusundo ngayon may biglaang meeting sa School.
-end of text message
RAIN's REPLY
Okay lang po Kuya...
-end of text message
LUKE's TEXT MESSAGE
Ingat pauwi...
-end of text message
*dali-daling lumabas sa campus gate si Rain.
INT.HOUSE-DAY
Makikita si Luke sa harap ng kwarto ni Rain...naglihim ito sa kapatid...hawak niya ang susi na magbubukas sa kwarto ni Rain...huminga ito ng malalim at binuksan ang pinto nito at laking gulat nito sa nakita...Puno ito ng mga pininta na nakakatakot,puno ng kalungkutan at pagkamuhi sa mundo...mga ginuhit na kamay na naka gapos at mga paa na halos dumugo na sa higpit ng tali na nakapalupot rito...maya-maya may naririnig siyang ingay sa baba...dali-dali siyang lumabas sa kwarto ni Rain at ni-lock ito...
RAIN
Kuya?
LUKE
Nakabalik ka na pala...
RAIN
Akala ko po nasa School ka?
LUKE
Ha? Aaahhh...oo kakarating ko pa lang hindi natuloy yung meeting...
RAIN
Ba't ang mukhang ang bilis niyo pong naka balik...
LUKE
Aaaahhhh...wala kasing traffic...nagugutom na ako...anong gusto mong kainin?
RAIN
Fried chicken...tapos strawberry juice...
LUKE
Okay...nagutom tuloy ako lalo...
*pumasok na kanyang kwarto si Rain para makapag handa at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Luke sa pagpasok ng kapatid.
INT.HOUSE-NIGHT
Huling gabi na ni Derek sa Barrio Esperanza...nagsalu-salo sila sa muling pagkakataon...
APANG
Oh...babalik ka na sa Maynila bukas,nanghuli ako ng hipon,pusit at alimango para may pasalubong ka sa roommate mo.
DEREK
Salamat po Apang...
MAMANG
Damihan mo ang pagkain...alam kong puro lutong ulam ang kinakain mo sa Maynila at matatagalan ulit ang pagtikim mo ng mga luto ko.
HAPPY
Baka lumipat na ako sa Maynila sa susunod na semester...
DEREK
Kayanin kaya ng utak mo ang mga itinuturo sa Maynila...
HAPPY
Aba!! Minamaliit mo yata ako...
*nagtawanan silang lahat.
APANG
Aah...maiba ako...
*naglabas ito ng sulat at kaagad naman itong pinigilan ni Mamang at marahang umiling...
Kailangan mong malaman...Yung Papa mo nakauwi na galing Amerika...
DEREK
Sige po magiimpake na ako para sa bukas na pag-alis ko.
*sabay tayo nito susuwayin pa sana siya ng Apang niya pero pinigilan nito ng Mamang niya...
MAMANG
Ano ka ba?!! Sinabi ko na huwag mo ng banggitin yun kay Nunoy eh... Haaaayyy...!!! Sa labas matutulog ngayong gabi ah...
APANG
Ano??!!
-----------------------------------------------------------------------
NEXT DAY:Nakabalik na si Derek sa Maynila,binuksan niya ang pintuan ng room 145 at nabigla at napangiti siya sa nakita ng lumabas si Darcy sa C.R.
DARCY
Oh...nakabalik ka na...Kararating ko lang din...
*masaya nitong sabi...lumapit si Derek sa kanya at niyakap ito.
DEREK
Sinong may sabing suotin mo damit ko.
*nagmukha itong maliit na manika na sinuotan ng malaking damit.
DARCY
Wala na kasi akong masuot eh...
DEREK
*idiniin nito si Darcy sa kanyang katawan at sinabi ng may lalim at panghahalina...
Na-miss mo ba ako?
*idinampi ni Darcy ang kanyang labi sa mga labi ni Derek at marahan itong naghalikan...at pabilis ng pabilis ang mga halikan nito...pero
DARCY
Akala mo nakalimutan ko na...
DEREK
Yung ano?
*halata sa mukha at bibig nito ang pagkabitin sa halik ni Darcy nung biglang magsalita ito kanina.
DARCY
Si Happy?
DEREK
Sorry na...
*ngumiti si Derek at pinagpatuloy ang halikan nila...marahan nitong binaba si Darcy sa kama...habang hinalikan ni Derek si Darcy ang kamay nito ay unti-unting tinatanggal ang butones ng damit na suot ni Darcy...patuloy ang paghalik ni Derek sa kanya...sa leeg,sa pisngi at muli sa mga labi nito...sinusulit nito ang dalawang linggong pagkahiwalay sa isa't-isa.
*phone ringing...
DARCY
May-may-may tumatawag yata...
DEREK
*biglang napabalikwas si Derek at kinuha ang cellphone niya at sinagot ito.
Apang...bakit po? Kararating ko lang po.
APANG
Haaayy naku!!! Si Mamang mo gusto pumunta sa Maynila...
MAMANG
Diyan na lang kami titira sa Maynila...Nunoy...
*kinuha nito ang cellphone mula sa Apang ni Derek.
DEREK
Mamang pag dito kayo tumira paano na yung bar sa Barrio Esperanza...
MAMANG
Kahit ilang buwan lang kami diyan...at saka gusto ko rin makilala mga nagiging kaibigan mo diyan...lalo na yung roommate mo..Marcy ba yun?si Marcy...
DEREK
Darcy po...
*biglang napatingin si Darcy ng marinig niya ang kanyang pangalan.
Huwag na po kayong mag-alala sakin ayos lang po talaga ako rito.
MAMANG
Oh sige na nga...basta lagi kang tatawag sa amin...
DEREK
Sige po...bye po...i love you...
DARCY
Uuwi sino?
DEREK
Bakit? Kinakabahan ka?
DARCY
Hi-hi-hindi no...
DEREK
Huwag kang mag-alala ganoon naman talaga si Mamang pag-umuuwi ako galing Maynila...sinasabi niyang gusto niyang tumira na lang dito pero hindi naman natutuloy.
DARCY
Pero okay lang naman sayo kung sakaling makilala sila...di ba?
DEREK
Kailangan pa ba yun? Mahalaga ba yun? Na malaman ng lahat ang relasyon natin...
DARCY
Oo...kasi naranasan ko nang itago at sobrang sikip sa pakiramdam at hindi masaya.
*malungkot nitong sabi...at naramdaman ito ni Derek.
AFTER A HOUR:Ginising ni Derek ang nakatulog na si Darcy...inalalayan niya ito papunta sa hapagkainan...mayroong adobong pusit,sweet and spicy na alimango at garlic buttered na hipon na siya mismo ang nagluto.
DARCY
Seafood...hahaha...hmmm sarap nito...
*labas sa ilong ang mga sinabi nito.
DEREK
At siyempre...
*sabay labas ng isang platong punong-puno ng...
DARCY
Woooaaaahhhh...Fried chicken...
DEREK
Haaayyy...lagi ka na lang fried chicken...
Oh...
*sabay subo kay Darcy ng pusit na nginuya naman nito...
Hmmm...Mahaba na yang buhok mo...
*habang hinahaplos nito ang malambot na buhok ni Darcy.
DARCY
Magpapagupit na nga ako bukas...
DEREK
Huwag... gusto kong may hinihila ako pag...
DARCY
Haaaaiissshhhtttaaaa...
DEREK
Oh...bakit? Sinasabi ko lang naman yung mga gusto kong gawin sayo...
*sabay subo at sipsip nito sa sipit ng alimango habang nakatingin kay Darcy may pagnanasa ito at sinasadya niya ito..at ikinahiya naman ito ni Darcy...biglang...
DARCY
Aw?
*nasabi na lamang nito ng biglang kinuha ni Derek ang fried chicken na isusubo sana at ipinalit ang malaking hipon.
DEREK
Sabi ng ito ang kainin mo...
*subo naman ni Darcy sa hipon...
Masarap...
DARCY
*tumango ito...
Uh...
DEREK
Hindi ko man masabi sa lahat na boyfriend kita...ipaparamdam ko na lang na mahal kita...
Oh...
with love...
*sabay subo ulit sa kanya ng kanin na may taba ng alimango na may kasamang hipon na nakapalaman sa loob ng pusit.
Bilisan mo nga pagnguya kaya ang payat mo eh...
DARCY
*mabigat ang paghinga nito...
Pupunta lang ako ng C.R.
*nagtagal ito sa C.R. sinuka niya ang kinain.
AFTER WHILE
INT.DEPARTMENT STORE-DAY
Pagkatapos kumain ay nagtungo sila sa Mall upang bumili ng bagong bedsheet.Balot na balot si Darcy.
DEREK
Ako ng pipili ngayon ng bed sheet...baka kasing mahal na ng ginto ang bilhin mong bedsheet.
DARCY
Eh sabi mo kasi dati ako ng bahala...
DEREK
Haaayyy...nandyan na namn yung Sales Lady...ba't hindi pa tinatanggal yan.
*nang makita ang dating Sales Lady na nakausap nilang ng nakaraang bumili sila ng bed sheet.
DARCY
Aw? Huwag ka naman ganyan...nag sorry na nga yung tao...
At saka pag sinabi niyang mag jowa tayo at least ngayon totoo na...
*maya-maya lumapit sa kanila ang Sales Lady na ang laki ng ngiti.
SALES LADY
Magandang umagaaaa...
DEREK
Ayyy...kambing...
SALES LADY
Ano pong kailangan nila? Ay kilala ko po kayo di ba kayo yung...
Sorry po Sir...
*yumuko ito habang nag-sosorry sa dalawa.
DARCY
Okay lang talaga yun kalimutan na natin.
DEREK
Mayroon ba kayong dark color kasi yung last na binili nito namantsahan ng dugo ng kinantoooooo...
*biglang napansin niya ang mga sinabi...
SALES LADY
Kinantooooo... Sige Sir tuloy niyo lang po yung kwento niyo.Kinantooooo?
DARCY
Kinanto kasi nag-rewresling kasi kami...kinanto niya ako...
*pagsingit ni Darcy sa usapan.
DEREK
Oo...wrestling...Tama wresling nga...
SALES LADY
Aaahhh...wrestling...mukhang hardcore yung lampungan niyo ay este labanan niyo... Dito po Sir marami po kaming variants ng color bagong labas lang ng mga ito last week.
*phone ringing
DARCY
Sagutin ko lang 'to...
*paalam nito na sinangayunan naman ni Derek...lumayo ito at sinagot ang tawag.
MAX
Hello...
DARCY
Bakit po kuya? Napatawag ka?
MAX
Nandito na si Tito Drake...huwag ka na lang kaya dito mag-celebrate ng Birthday mo...
DARCY
Ayos lang ako Kuya...
MAX
May tiwala naman ako sayo...ba't parang ang tamlay ng boses mo? Okay ka lang ba?
DARCY
Okay lang ako...
*bumalik ito kay Derek matapos ang tawag.
DEREK
Oh...ba't pawis na pawis ka...balot na balot ka kasi...
DARCY
Style 'to...
AFTER HOURS: Nakauwi na sila Derek at Darcy sa room 143...may bago silang bed sheet at magkadikit ang kanilang kama.
DEREK
Aahhmm...pwede ka ba sa susunod na Linggo?
DARCY
Aahhmm...Linggo? Aaaahhh...so alam mo na siguro?
Umaga hanggang hapon pero sa gabi uuwi ako sa amin...
DEREK
Uuwi ka?
DARCY
Oo...ilang taon na rin kasi akong hindi nagce-celebrate ng Birthday sa amin.
Sabi ng Mama ko pag nagdala daw ako ng taong espesyal sakin ibig sabihin para kami sa isa't-isa pero kapag sila ang nagdala ng taong ipapakilala sakin ibig sabihin siya ang dapat kong pakasalan...kaya sumama ka na lang...Baka mamaya may ipakilala sila sa'kin.
DEREK
Subukan mo lang...tandaan mo akin ka lang...
DARCY
Sumama ka na gusto kong makilala mo yung family ko...
DEREK
So alam na ng pamilya mo na...
DARCY
Hindi pa...at saka bawal...
DEREK
Ha? Ba't mo pa ako papakilala?
DARCY
Dali na...yun na lang Birthday gift mo sa'kin...
DEREK
Hindi ako pupunta sa inyo...kung hindi klaro sa pamilya mo yung gusto ng puso mo...yung pinili mong landas.Hindi...
DARCY
Derek,boyfriend kita pinili ka ng puso ko at ang puso hindi nagkakamali.
DEREK
Ibang regalo na lang hingin mo huwag lang 'to...
DARCY
*biglang hinalikan ni Darcy si Derek at sinagot naman ito ni Derek ng mainit ng halik.
Ikaw lang ang gusto kong regalo...
*dahan-dahang hiniga ni Derek si Darcy habang hinahalikan ito.
DEREK
Ehemm..ito ako ngayon iyong-iyo ako...enjoy my advance gift.