Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 90 - KABANATA 19

Chapter 90 - KABANATA 19

"R-RAPHAEL?" nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. "k-kararating mo l-lang?" bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.

"Huwag na," pigil sa kanya ni Raphael nang kapain niya ang switch ng malaking ilaw sa ulunan ng kanyang kama. "okay na sa akin ang lampshade, mas romantic" sa paanas na tinig ay tinuran ng binata na naupo sa gilid ng kanyang kama.

Nag-iinit ang mukha siyang napatitig kay Raphael. "Kararating mo lang?" ulit niyang tanong.

Tumango ito. "May sasabihin sana ako sayo, importante. Pero bukas nalang siguro, makakapaghintay naman iyon" malambing na sabi ng binata saka mula sa likuran nito ay iniabot sa kanya ang isang tangkay ng red rose. "pinitas ko ito sa garden, wala na kasi akong nakitang bukas na flowershop eh" paliwanag pa ni Raphael na bahagyang umusog palapit sa kanya.

Maluwang ang pagkakangiti niya iyong tinanggap. "You're so sweet" compliment niya saka sinamyo ang bulaklak. "so, favorite mo na ulit ang rose?"

Noon muling kumilos si Raphael, pero sa pagkakataong iyon ay mas malapit na ito sa kanya. "Yes, pero mas favorite kita."

Tumawa siya. "Heh!"

Tumawa ng mahina si Raphael. Pagkatapos ay impit siyang napatili nang bigla siyang kinabig ng binata. "Shhh! Huwag kang maingay kung ayaw mong mabuking tayo!" saway nito sa kanya bagaman tumawa.

"I-Ikaw naman kasi eh!" paninisi niya kahit pa nang mga sandaling iyon ay nagsisimula ng kumabog ang kanyang dibdib.

"Ang ganda mo, kahit sa madilim" sa halip ay bulong ni Raphael saka inilapit ang mukha nito sa kanya.

Pinigil niya ang huminga. "G-Gwapo karin, kahit sa madilim" pabiro naman niyang sabi sa mahina ring tinig.

Hindi na sumagot sa sinabi niyang iyon ang binata. Sa halip ay tinitigan nalang siya, masuyo nitong hinawakan ang kanya mukha habang ang mga mata nito ay tila kumakabisa sa bawat anggulo nito. Ilang sandali lang at napuna niya ang unti-unting pagbaba ng mukha nito sa kanya.

Napuno ng pinaghalong kaba at excitement ang kanyang dibdib dahil alam niya kung ano ang susunod na mangyayari. At nang tuluyan na ngang lumapat ang mga labi ng binata sa kanya ay walang pagdadalawang isip siyang nagpaubaya. Nang ihiga siya ni Raphael ay buong pagmamahal pa niyang isinuklay ang mga daliri sa buhok ng binata.

Sa simula ay naging marahan ang paghalik sa kanyang ng binata. Sa paraang tila ba binibigyan siya ng pagkakataong pag-aralan kung paano tutugunin ang mga iyon. Pero hindi nagtagal ay lumalim ang mga iyon, at totoong hindi na niya kinaya ang sumabay kaya minabuti niyang magpaubaya nalang. At kahit pa sabihing tila siya isdang inalis sa tubigan dahil sa kawalan ng hangin, wala siyang planong pigilin si Raphael sa ginawa nito.

Habol niya ang paghinga nang lubayan ni Raphael ang kanyang mga labi. "Pwede ba ako dito ngayon? I mean, matulog dito sa tabi mo?" mabilis na kumalat ang masarap na kilabot sa kanyang katawan nang masamyo niya ang mabangong hininga ng binata.

"B-Baka may makakita?" nag-aalala niyang sagot saka napasinghap nang maramdaman ang mainit na labi ng binata sa kanyang leeg. "R-Raphael…" anas niya dahil sa napakalakas na boltahe ng sensasyong lumaganap sa kabuuan niya dahil sa patuloy na paghalik ng binata sa kanyang leeg. Umakma siyang itutulak sana ang binata pero mabilis nitong nahawakan ang dalawang kamay niya saka itinaas.

"Promise, hanggang halik lang at yakap" paniniyak nitong tumitig pa sa kanya.

Nangingiti siyang nagbuntong-hininga pagkatapos. "O sige na nga, pero hanggang dun lang sa sinabi mo ah" sa tingin niya ay hindi naman titigil si Raphael hangga't hindi siya nito napapapayag.

"Right!" anitong masayang umalis sa pagkakadagan sa kanya at sa halip ay puwesto sa kanyang tabi. Itinaas pa ng binata ang ulo niya saka iyon iniunan sa matipuno nitong braso. "yayakapin kita ng ganito, hanggang sa pagtanda natin. Gusto mo ba iyon ha Lovely Hair?" malambing nitong tanong.

"Oo naman, lahat naman ng ginagawa mo nagugustuhan ko eh" pagsasabi niya ng totoo kahit pa gusto niyang mahiya nang marealized ang pwedeng isipin ni Raphael sa sinabi niyang iyon.

"Talaga lang ha?" masayang turan ng binata saka siyang niyakap ng mas mahigpit pa. Nang hindi makuntento ay idinantay pa nito ang isa nitong hita sa kanya. Kahit hindi na siya makagalaw, wala siyang balak na ibahin ang ayos nila dahil para sa kanya iyon ang kanyang tahanan. "sige bago ko pa bigyan ng mas malalim na meaning iyon sinabi mo, matulog na tayo. Pagod ako at kailangan ko na ng pahinga" napangiti siya sa sinabing iyon ni Raphael. Pakiramdam kasi niya ay isa itong mister na pagod galing sa trabaho at gustong matulog ng maaga.

"Sige, matulog kana" aniyang ginulo pa ng bahagya ang buhok ng nobyo.

"I love you" si Raphael na humalik ng mariin sa kanyang pisngi.

"I love you too" sagot niya. "Raphael!" pabulong niyang tawag sa binata makalipas ang ilang sandali.

Mula sa pagkakasubsob sa kanyang leeg ay umungol ito. "Hmmm?" halatang antok na antok na nga ito.

Natawa siya kaya bahagyang gumalaw ang kanyang mga balikat. "Ano na nga iyong sasabihin mo?" naalala niya.

Noon muling umungol nang nagrereklamo ang binata saka pa mas hinigpitan ang pagkakayakap at pagkakadantay sa kanya. "Bukas na please? Matulog na tayo" anito.

Hindi na siya nagsalita at sa halip ay nakangiting pumikit nalang. Oo nga naman, pwede namang bukas nalang iyon dahil mas importante ang moment na iyon para sa kanila ng binata.

"BAKIT naman kasi ngayon pa umulan?" nang mabungaran nila ng binata ang malakas na buhos ng ulan pagbukas ng pintuan ng Music Room.

"Hayaan mo na, dito muna tayo sa loob" si Raphael na hinila siya papasok muli ng silid.

Ibinaba niya ang bag sa isang silya habang ang binata naman ay naupo sa harapan ng organ. "Lika" anitong tinapik pagkatapos ang ibabaw ng hita nito.

Noon unti-unting binayo ng kaba ang kanyang dibdib, pero sa kabilang banda ay natagpuan parin niya ang sariling humahakbang palapit sa nobyo. "Dito nalang ako" aniyang hinila ang isang silya saka doon naupo.

Pumalatak si Raphael. "Dito na, sige na?" naglalambing nitong giit saka siya inabot.

"B-Baka kasi may makakita sa'tin" paliwanag niya kasabay ng sunod-sunod na pag-iling kaya hindi na nagpumilit pa ang binata. "tumutugtog ka ba ng piano or organ?" naitanong niya nang sinimulang paglaruan ng binata ang keys ng instrumento.

"Mababawasan ba ang pagmamahal mo sakin kapag inamin ko sayong wala akong tinutugtog na musical instrument?" nang-aakit ang tinig na sabi ng binata.

Napalabi siya sa idinulot na kilig sa kanya ng tinig ng binata. "Corny mo ah! Syempre hindi!"

"Really?" pabirong sabi ni Raphael.

Umikot ang mga mata ni Louise. "Oo nga, I love you, so much forever and ever and ever!"