Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 91 - KABANATA 20

Chapter 91 - KABANATA 20

NAPABUNGISNGIS doon ang binata. Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran.

"Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?" napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.

"M-Meron! Kasi kung walang forever, di ibig sabihin walang true love? Walang endless love, walang eternal love, at higit sa lahat walang tayo?" katwiran niya sa kabila ng pagpipigil niyang huminga dahil noon siya pinihit ng binata paharap rito.

Nang hawakan ni Raphael ang baba niya ay para siyang nakuryente dahil sa pagtatama ng kanilang paningin. Bukas ang aircon pero biglang naramdaman niya ang unti-unting pag-alinsangan dahil sa nakikita niyang maliliit na apoy sa mga mata ng binata.

"Kung pwede lang sana I want to marry you, sa lalong madaling panahon. Alam mo ba iyon?" seryosong turan ng binata. "kahit sinasabi nilang walang forever, gagawa ako ng forever para sayo. Kasi alam ko minsan ka lang sa buhay ko. At gusto kong gawin ang minsan na iyon ng magpakailanman."

"A-Alam mo bang mula nang una kitang makita crush na kita? Tapos ngayon naririnig ko mismo galing sayo ang mga salitang iyan na malamang pinangarap ng lahat ng babaeng nagdaan na sa buhay mo. Bakit ba hindi ako ipinanganak ng mas maaga? Para pwede kong sabihin ngayong oo, tapos sigurado na akong akin kana. Na hindi kana maaagaw ng iba."

Noon siya kinabig ng binata saka niyakap. "Listen" ang binatang inilayo ang sarili sa kanya para lang titigan siya ng mata sa mata. "I love you so much, and when I say I love you that means willing akong mamatay para sayo. Ikaw ang mundo ko at gusto ko lang malaman mong itong nararamdaman ko sayo, itong pagmamahal at pagkagusto ko sayo? Hindi ko naramdaman sa lahat ng babaeng nagdaan sa buhay ko."

Noon niya masuyong hinaplos ang mukha ng binata. "I love you too, salamat sa lahat ng pang-unawa at sakrispisyo. Alam mo ginagawa mong masaya ang bawat araw ko? Feeling ko nga kahit mamatay ako anytime okay lang, kasi naramdaman ko na ang maging totoong masaya. Kasama ka" aniyang tuluyan na nga binukalan ng luha ang mga mata.

Mabilis na tinuyo ni Raphael ang kanyang mga luha. "Mas maganda iyong tatanda tayo ng magkasama hindi ba Lovely Hair? Then, magkasama nating tutuparin ang lahat ng pangarap natin. Magpapatayo ako ng malaking bahay para sayo at sa magiging mga anak natin. And I promise you na gagawin kong maligaya ang bawat sandali ng pagsasama natin" pagkasabi niyon ay saka nito mabilis na inangkin ang kanyang mga labi.

Normal na sa kanya ang panghinaan ng tuhod tuwing hinahalikan siya ng binata. Kaya minabuti niyang ikapit ang dalawang kamay sa batok ni Raphael. Nagtagal ng ilang sandali ang halik na iyon at wala siyang balak na pigilin si Raphael sa paraan nito ng pagpapadama sa kanya ng totoo nitong pagmamahal.

"Mga walanghiya kayo!" ang malakas na tinig na pumuno sa buong silid.

"Jane" mahinahon na sambit ni Raphael habang siya naman ay mabilis na napakapit sa braso ng binata dahil sa naramdamang takot.

"Anong ibig sabihin nito? Ipaliwanag mo nga ang nakita ko!" galit na utos ni Jane kay Raphael.

Sandali muna siyang sinulyapan ng binata bago nagsalita. "Anong kailangan kong ipaliwanag?"

"Iyong nakita ko bullshit! Sumosobra kana talaga!" naggagalaiting sigaw ni Jane.

"Okay" si Raphael sa mababang tinig saka hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. "iyong nakita mo, yeah, Louise is my girlfriend now."

Nakita niyang nagliyab ang apoy sa mga mata ni Jane nang lumipad ang tingin nito sa kanya. Nakita niyang kumibot ang mga labi ng dalaga pero hindi rin naman ito nagsalita at sa halip ay tumalikod nalang at lumabas ng silid. Noon niya nanghihinang tiningala ang binata.

"Are you okay?"

"What if sabihin niya sa Mama ang lahat?" ang sa halip ay tanong-sagot niya.

"Well then, haharapin natin iyon ng magkasama. We're inseparable, right?" puno ng pag-asa ang tinig ng binata kaya nahawa narin siya roon at tuluyang naglaho sa dibdib niya ang nararamdamang takot.

Tumango siya. "Yes."

"Ang mabuti pa siguro umuwi na tayo, mukhang tumila narin naman ang ulan" yakag ng nobyo sa kanya na inayunan niya. "may favorite song ka ba na gusto mong kantahin ko para sayo sa Rock Fest, ha Lovely Hair?" nang naglalakad na sila patungo ng parking lot.

Napangiti siya."Talaga? Kakantahan mo ako sa harapan ng maraming tao?"

Tumango ang binata. "Sure, one last song para sayo. Now tell me, what would it be?"

"Paborito ko iyong Love Of A Lifetime ng Firehouse" aniya.

Maaliwalas ang mukha siyang pinagmasdan ni Raphael. "Really? Paborito ko rin iyon, so I guess may theme song na tayo" masaya nitong sabi.

"Yeah, anyway ano na nga pala iyong sinasabi mo sa akin kagabi na sasabihin mong importante?" nasa parking lot na sila noon.

Nakita niyang nagbagong bigla ang aura ng mukha ng binata. "H-Ha?" anito saka hinila pabukas ang pintuan sa may passenger seat.

"What?" natatawa niyang tanong.

"Right! Didiretsahin na kita, I think I found your father Lovely Hair."

HUMAHANGANG hinagod ng tingin ni Raphael ang sariling sasakyan. Parang hindi siya makapaniwalang ito ang lumang modelo ng kotse na dinala niya sa casa na iyon ilang linggo narin ang nakalipas.

"Ano sa tingin mo hijo?" ang nakangiting baling sa kanya ni Mang Turo ang may-ari ng casa at siya mismong nag-ko-customize ng sasakyan niya.

"It's perfect, siguradong magugustuhan niya ito" sagot niya na ang tinutukoy ay si Louise.

Tumawa ng mahina ang lalaking sa tingin niya'y matanda lang ng dalawang taon sa kanyang ama. "Para pala ito sa nobya mo?"

Taka niyang nilingon ang kausap. "Paano ninyo nalaman?"

"Matanda na ako hijo, sa kislap palang ng mga mata mo mukhang mahal na mahal mo ang nobya mo" anito.

"Opo, infact binili ko ang kotseng ito dahil sa kanya. Gusto kong ito ang maging bridal car namin" pagkukwento pa niya sa masayang tinig.

"Ikakasal kana? Aba eh mukhang napakabata mo pa naman hijo?" parang hindi makapaniwalang turan ng lalaki.

Umiling siya. "Maybe four to five years from now? Anyway pwede ho ba ninyong ilagay ang pangalan ng girlfriend ko sa gitnang hood ng sasakyan?"

Noon lumapad ang pagkakangiti ng lalaki. "Oo naman, ano bang pangalan niya?"

"Louise, Louise ang pangalan niya" sa pagkakarinig ng pangalan ng nobya ay napuna niyang tila sandaling natigilan ang lalaki saka muling nagpatuloy sa ginagawang pagpupunas ng sasakyan.

"Kapangalan pa ng prinsesa ko" may naulinigan siyang lungkot sa tinig ng lalaki. "kumusta na kaya ang anak ko?" pabulong pero umabot iyon sa pandinig niya kaya mabilis na dumamba ang matinding kaba at paghihinala sa kanyang dibdib.

"P-Pwede ho bang emerald green ang kulay? Just like the color of her eyes" noon itinigil ni Mang Turo ang ginagawa at saka siya hinarap at pinakatitigan.

"Anong sinabi mo?"

Ngumiti siya. "Si Louise po kasi, my girlfriend, emerald green ang kulay ng mga mata niya. Namana niya iyon kay Tita Hilde, my stepmom" sinadya niyang sabihin iyon dahil unti-unti na siyang kinukutuban sa mga reaksyon ng lalaki.

Noon mabilis na dinukot ni Mang Turo ang pitaka sa likurang bulsa ng pantalon nito at saka inilabas ang isang tila maliit na larawan na naka-ipit doon. "S-Siya ba ang L-Louise na sinasabi mo? At iyong Hilde, kamukha ba niyang nasa litrato?"

Bigla siyang pinanlamigan dahil sa katotohanang iyon. Kamakailan lang ay inamin sa kanya ni Louise na gustong makita ng dalaga ang ama nito. Ang totoo, plano talaga niyang ipahanap ang lalaki dahil alam niyang iyon ang tunay na magpapaligaya sa nobya niya. Pero nakakatuwang isiping hindi na pala niya kailangang gawin iyon dahil pagkakataon na ang tila naglapit sa mag-ama. Ang nakakatuwa pa, siya ang ginamit na tulay ng tadhana.

Tumango siya saka sinalubong ang mga titig ng lalaki. "K-Kayo po ang Papa ni Louise?" parang hindi parin makapaniwala niyang sambit.

Wala siyang narinig na anumang tugon mula sa lalaki at sa halip ay nabigla siya nang bigla siya nito niyakap ng mahigpit. "Gusto kong makita ang anak ko hijo? Nasaan siya?" sabik na sabik nitong tanong.

Pinagmasdan niya ang ginoo, sa mukha nito ang matinding pananabik para sa anak. At kahit pa sabihing ito ang naunang lalaki sa buhay ni Hilde bago ang kanyang ama ay wala siyang makapang anumang hatred sa kanya dibdib. Siguro dahil ama ito ng babaeng pinakamamahal niya? At sa simula palang ay naging magaan na ang pakiramdam at pakikitungo nito sa kanya at ganoon rin naman siya rito.

"Sige po" sang-ayon niya.

Muli siyang niyakap ng lalaki. "Maraming salamat hijo, hindi mo alam kung gaano akong nangungulila sa anak ko" nasa tinig nito ang sinabi.