Chereads / She's my Poser... / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Jecho's POV

"We are spending 3 hours already pero hanggang ngayon di mo parin gets ang lesson na to?!" Nagagalit na talaga ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Kanina ko pa ine explain sakanya ang tamang procedure at formula na kailangan sa problem na sino solve namin pero hindi parin niya nakukuha ng tama. Ewan ko kung talagang di niya alam o binubwisit lang talaga niya ako.

Pabagsak niyang binaba ang ballpen niya saka sinandal ang ulo niya sa upuan. Andito kasi kami sa study table niya at kasalukuyan ko siyang tinuturuan sa basic Trigo.

"Ang hirap naman niyan kasi! Di ko naman kailangan kasi ng Trigonometry sa buhay ko! Sino ba kasing umimbento niyan? Bwisit ang sakit na ng ulo ko!!" reklamo niya na hinilot hilot ang ulo niya.

I sighed in exasperation. "Look, sobrang basic lang neto. Kahit elementary alam ito. How come di mo to maintindihan?" mahinahon ko paring sabi. Di ko naman siya madadaan sa init ng ulo kasi alam ko malala ang saltik niya baka sipain na naman ako.

"Alam ko yan! Di ako bobo! Ano tingin mo sakin ah?!" angil niya saka kinuha na naman ang ballpen at nagsimulang magsagot.

"Ikaw nagsabing bobo ka, di ako," pabiro kong sabi at humalikipkip. Tinignan lang niya ako ng masama saka nagsimulang magsagot.

Pinanood ko lang siya habang nagsasagot. Kumukunot pa ang noo niya sa sobrang seryoso. Kapagkua'y tumingin siya sakin ng seryoso.

"Pag ba nasagot ko to pwede bang ano? Ahh..." inihilig niya ang ulo niya na pawang nag iisip ng sasabihin saka tumingin ulit sakin. Tahimik naman akong nag aantay ng sasabihin niya. Kabaliwan na naman siguro. "P-pwede bang pa...FS?" sabi niya na as she smiled awkwardly at me.

FS? What's that? Naisip ko. "Anong FS ba yang sinasabi mo?" I eyed her with curious look.

"FS. Fansign. Di mo ba alam yun? Duh, you're so old na ba talaga at di ka nakakasunod sa trend? Psh," aniya na nag roll eyes pa. "Aww," sabi niya pagkatapos ko siyang kaltutan.

"It's not about being old. It's just that I'm more interested in other more important things rather than those immature trends that you're saying," sabi ko. Di ko inakala na makakausap ko siya as nice as now. I guess I'm getting one step up to my goal. "And what? Fansign? Don't tell me you're my fan now?" tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi.

"Gago," mura niya at binato ako ng libro. Heck. Pinukol ko siya ng masamang tingin saka pinulot ang librong binato niya sakin. "Taas ng tingin mo sa sarili mo ah? It's just that... I need it. Pumayag ka nalang nga! Basta pag nasagot ko to bigyan moko FS," inirapan pa niya ako saka niya hinarap muli ang sinasagot niya.

Umiling-iling nalang ako habang pinapanood siya. Di ko naman maiwasang mapatitig sa mukha niya. Kung titignan siya napakaamo ng mukha niya pero kabaliktaran nun ang ugali niya. Boyish siya magdala pero di parin maikakaila ang angkin niyang ganda. Malas nga lang dahil parte lang siya ng plano namin. She's a Chua and she's an enemy.

"O ayan na," pabalang niyang binigay sakin ang notebook na pinagsagutan niya na para bang confident na confident siya na tama ang sagot niya. "Basta yung usapan natin ah? I need your FS," sabi pa niya saka kinalikot ang phone niya.

Kinuha ko ang notebook na sinagutan niya at napataas ang kilay ko ng mapagtantong tama ang sagot niya. Alam naman pala niya pinahirapan pano mag explain ng paulit ulit ng tatlong oras. Ibaling klase talaga mg saltik ng babaeng to.

Imbis na magalit, nangingiti nalang ako sa di malamang dahilan. She's just... Interesting?

Athena's POV

O ano ka ngayon? Ha! Sa tingin mo talaga bobo ako ah! Sabi ko naman kasi sainyo, di ako bobo. Nahihirapan ako sa Math kasi yan ang subject na nakakapagpatamad sakin. Oo, tinatamad akong mag analyse at tinatamad akong mag compute. Feel niyo bako? A basta!

"So, tama ang sagot ko noh? Bilib ka ba sakin? Alam mo ba lahat ng nagsabing bobo ako eh kumain ng putik kaya simulan mo ng maghukay ng lupa," taas noo kong sabi sakanya with my cross arms.

Binaba niya ang notebook ko sa table saka tinignan din ako ng diretso. "Natural masasagot mo ang tanong. Maliban kasi sa madali lang talaga ang tanong kasi pang elementary, e magaling pa ang tutor mo. Gwapo na, magaling pang magturo. Am I right, Chua?" puno ng kapreskuhang sambit niya sakin. He even grinned at me.

Ha! Talagang sinusubukan ako ng hambog na ito ah! Ihahambalos ko na sana ang bag ko sakanya kaya lang naisip ko na may kailangan pala ako sakanya. At yun ay ang FS niya.

Tumikhim ako. Kinuha ko sa ilalaim ng table ang prinepare kong empty ringbook saka yung pentelpen. Iniusog ko yun sa harapan niya. "Oh, jan mo isulat ang FS na hinihingi ko. Isulat mo lang jan ang Trishia. Tapos lagyan mo na din ng heart sign para may effect" sabi ko na kinakunot ng noo niya.

"What? Who is Trishia? And why would I write her name here?" aniya na mejo tumaas ang boses.

"Basta nga! Isulat mo nalang sige na. Nasagot ko naman ang tanong mo kaya pagbigyan mo din ako. Para quits na tayo," pamimilit ko parin sakanya. Siyempre di ako nagpahalata na desperada akong makuha ang gusto ko. Baka tumaas na naman ang confident level niya eh.

Alam niyo na hambog pa naman to the nth level.

He sighed and gets the ringbook ang pen. He wrote Trishia's name there. Nangiti naman ako kasi maganda penmanshio niya. Atleast may isang kapuri-puri sakanya.

"O ayan na," padabog niyang nilapag ang ringbook sa harap ko. Akmang tatayo na siya pero pinigilan ko siya.

"Ops, diyan ka lang. Di pa tayo tapos," tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan niya. Tinulak ko siya para mapaupo sa sofa.

"What the hell!! Ano sa tingin mo ginagawa mo babae?" pinanlilisikan niya ako ng mata pero di ko nalang pinansin yun. Kailangan kong tapusin to para sa ikauunlad ng poser life ko.

Binigay ko sakanya ang ringbook para sana hawakan niya pero imbis na hawakan tinapik pa niya ang kamay ko para mapalayo sakanya. "I don't have time playing your games lady," aniya na akmang tatayo na naman.

"Hawakan mo na muna kasi yan! Pano tayo matatapos kung wala ka namang cooperation. Duh," sabi ko as I roll eyes. Kainis eh. Kala mo naman gustung gusto ko siyang hawakan. Eww. "I just need to take a picture of you na hawak yan. Para mas convincing. Sige na, isang shot lang and were done."

Napahilamos siya ng mukha saka hinablot ang ringbook sa kamay ko. Naupo na siya na hawak yun kaya malaya ko na siyang kukuhanan ng picture.

"Tumingin ka dito. Smile ka naman jan. Ano ba yan para ka namang tukmol," nagdadabog na sabi ko kasi wala namam siyang kangiti ngiti.

"Why would I smile at you? Chix ka ba?" bored na sabi niya na nakasimangot parin habang hawak ang papel.

"Gago you. Bat kasi ako tinitignan mo. Yung camera ang tignan mo bobo much ka talagang hambog ka. Sige na smile," pinosition ko na naman ang cellphone ko para kuhanan siya. Buti naman at ngumiti na siya kahit pilit.

Atlast ok na ang shot niya. "Okay, bukas ulit. Kung gusto mo ulit magpasagot sakin ng Math you need to give me again one F---"

"Nagkakamali ka ata babae, I am not doing you any favor. I am here as your tutor and I am here to teach you and not to do this shits with you," he said at umalis na siya sa harapan ko.

"Masyado namang highblood. Psh," I just shrugged saka nagtatakbo papuntang room ko. I will post this picture.

Bakit nga ba pinagbigyan ko si Trishia sa FS na gusto niya? Well, kasi siya ang mukha ng university namin. Kaya pag napatunayan niya na totoo ako e di madami siyang mapapasunod.

So, I uploaded the picture with an FS witha Caption "First FS. Pagbigyan lang siya :-)" saka ko tinag kay Trishia.

One minute palang ang dami ng likes ar comments puro 'Ako din pa FS', 'Wahh ang gwapo mo my Prince' 'Sana all,' mga ganyan at marami pa. Flood na din ang messages ko kaya di ko na din inoopen.

I logged out from Prince Zachary's account saka naman inopen ang account ko. As usual ang boring parin ng account ko. May iilan lang notifications saka isang friend request. Inuna kong tignan ang friend request icon.

"Ay palaka!" sa gulat ko sa nakita ko na close ko agad ang laptop ko. Pano niya nalaman ang account ko? Alam na ba niya na ako yun? Omg ito na ba ang katapusan ko??

Unti-unti kong inopen ulit ang laptop ko saka sinilip ulit ang friend request. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Angelo Wang. Bat niya ako inadd? I a accept ko ba?

Umiling iling ako. Dapat ko siyang i block. Pipindutin ko na sana ang profile niya ng may isang nag pop up na notification ko. Tinignan ko yun at at nakita ko nag comment siya sa profile picture ko. Dahil naka public naman ako kaya malaya siya mag comment.

Kahit kumakabog ang dibdib ko pinidot ko parin ang nottfication na iyon para basahin ang comment niya.

"Wow, ganda mo pala kahit picture Miss Hera aThena. Hope we can hang out sometimes. So happy na nakita kita kanina :-) 😉" yan ang comment niya. Nakita? Nakita ko na ba siya?

Nag isip ako ng mga senario ng nangyari ngayong araw at biglang lumaki ang mata ko. Angelo? Tama Angelo! Siya yung nagsauli ng car key ko. At siya din ang nagsabi na poser ako.

Ibig sabihin, kilala niya si Ethon. Kilala niya ang pinoposer ko.

-to be continued-