Athena's POV
"ATHENA!!! MAY BALAK. KA BANG PUMASOK O WALA!!!" napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sigaw ng Mama ko. Grabe ganyan ba talaga ang exercise ng mga newscaster sa bunganga nila? Kung makasigaw parang walang bukas eh.
I looked at the wall clock. Its 8 am. At 8:30 ang pasok ko. Gustung gusto ko pa sanang matulog pero I need to go to school.
I groggily stands up at tinungo anv banyo. Naligo ako ng mabilis at magbihis. I wore simple Guess shirt and rip jeans. Ofcourse di mawawala ang Nike rubber shoes ko. Saka ako lumabas at tinungo ang kusina kung saan nakaupo si mama at si... Oh never mind.
Pinukol ko siya mg matalim na tingin saka ako umupo sa harap ng hapag.
"You will start with your Math lesson today Athena. And by the way Ethon will drive you to school today," my mom said na nakadulot ng pagkasamid sakin.
"What the hell Ma! I can handle myself naman! I don't need a driver much more a tutor. I can make my grades high naman even without him!" pagkontra ko sa sinabi ng Mama ko. And that's true. Kung tulad din naman niyang kampon ng kadiliman ang makakasama ko no way highway!!
"Watch your words Hera Athena," pagkukumpleto ng Mama ko ng pangalan ko. Tumahimik na ako kasi wala na akong laban sa tono ng salita niya.
"And he will drive you kasi wala ka namang sasakyan dahil iniwan mo daw sa club? Who told you na magpunta sa club huh? Walang disenteng babae na nagpupunta sa ganong lugar and gabing gabi pa talaga," pagpapatuloy na pagsasalita ng Mama ko. Aba't nagsumbong talaga ang diyablo ah!
"I'm sorry Ma," sabi ko nalang at uminom ng tubig. Wala nakong ganang kumain. Tinignan ko ang lalakeng nasa harap ko na tahimik lamang na nakikinig sa amin. I glared at him saka tumayo.
"Papasok na po ako Ma. Goodbye po," sabi ko pa saka naglakad na. Naramdaman ko namang may sumunod na masamang presensya sakin kaya binilisan ko ang paglalakad.
"Kahit magmadali ka pa late ka na," narinig kong sabi niya pero di ko siya pinansin. Wala akong balak pansinin siya ngayon kasi bukod sa late na talaga ako eh ayaw ko pang masira ang unang araw ng week ko. Alam nyo na you should start the week right to end it right as well.
Pero di ata umaayon ang tadhana sakin dahil naramdaman ko na naman ang kamay niya na kumakaladkad sakin papasok sa kotse. Pinasok nya ako sa loob saka siya pumasok din at inistart ang kotse.
"Seatbelt," sabi niya na sa harap nakatingin. Gustung gusto ko na talaga siyang patayin eh. I google ko nga mamaya ang ways how to kill a devil.
Sinuot ko nalamang ang seatbelt ko at tumingin sa labas. Di ko talaga siya kakausapin bahala siya jan.
"So nalulon mo na ba dila mo ngayon Chua?" narinig kong sabi niya. Tinignan ko siya ng masama saka huminga ng malalim. Di dapat masira ang araw ko. Inhale, exhale Athena. Relax. Smell the good vibes today. Pinaypayan ko ang sarili ko saka shinake shake ang mga fingers ko.
He chuckled. "What kind of craziness are you doing again huh?" he said na kinagat pa ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa.
Tinignan ko siya ng matalim. "Pwede ba I am starting my week right kaya wag mo akong bwisitin," I said na nakapagpatawa sakanya ng malakas. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Gwapo na nga sana eh pero may tililing din ata to.
"By the way, I will formally introduce myself, Im Ethon. Ethon Thirdy Roxas." he said saka ngumiti.
Ethon? Hindi Jecho? So hindi siya yung pino poser ko?
Tinignan ko siyang mabuti. Yung titig talaga. Kinunutan ko siya ng noo habang kinikilatis ang mukha niya. Hindi eh, siya talaga yun. Kamukha niya talaga. Di kaya poser din yung Jecho at ito yung totoong may ari ng mukha?
"Ano, nagugwapuhan ka ba sakin? I know right," he said na tumango tango pa.
Inihilig ko ang ulo ko saka tumingin sa harap. "Gwapo my ass." bulong kong sabi.
Alas 9:30 na ng makarating kami sa school. Wala na late na naman ako. Well who cares naman? Makakahabol parin naman ako sa mga subjects ko.
"Susunduin kita mamaya so wait for me. We will start your Math lesson pagkauwi mo," he said at akmang bubuksan niya ang pinto ng kotse para lumabas.
"Hep!!! Wag ka ng lumabas," mahirap na makita pa siya ng mga schoolmates ko eh trending pa naman ang mukha niya dito. "Saka wag mo na akong sunduin. I can ride taxi naman eh." dagdag ko saka tuloy tuloy na sa paglabas ng kotse niya.
I walked to my first class. Pagkapasok ko sa room katahimikan ang bumungad sakin. I looked around at lahat sila nakatingin sakin. Tumingin ako sa harap, andun na pala ang professor ko kaya pala sila tahimik at kaya sila nakatingin sakin kasi late na ako. Patay, Math subject pala ang unang klase ko ngayon. At ang professor ko dito ay hindi takot sakin or should I say hindi takot sa pamilya ko.
"Late again Miss Chua. Di porket influential ang pamilya mo e lalaruin mo na ang klase ko. Alam mo bang tagilid na talaga ang grades mo sakin? Malapit na at bagsak ka na sa subject na ito and you know that failing is a no-no in this school," mahaba niyang sermon sakin. Yeah, I know, pag binagsak niya ako patatalsikin ako sa paaralang ito and that would be the end of me.
I sighed. "Im sorry sir. Babawi po ako," sabi ko at nakatungong naglakad ako papunta sa upuan ko. Math is really my weakness. Magaling naman ako sa ibang subjects flat 1 pa mga mga grades ko halos sa lahat pero sa Math? Masaya na pag naka 2.75 ako. Flat 3.0 halos lahat ang grades ko sa Math since first year college ko dito.
Natapos ang klase na lutang ako. As usual wala na naman ni isa akong naindihan sa discussion. Bagot kong sinuot ang Jansport bag ko saka lumabas ng room. Dumiretso ako sa canteen para kumain. May isang oras pa naman akong break bago yung sunod kong klase.
Nag order ako ng pagkain saka sinimulang kumain.
"Ano, wala ka pa bang nakukuhang FS kay Primce Zachary? Akala ko ba madali mo lang makukuha?" narinig ko si Kyla na na nakikipag usap kay Trisha sa kabilang table.
"E di naman niya sini seen ng message ko eh. Nakakagigil. Famous na kasi siya eh. Pero don't worry pasasaan bat papansinin niya din ako," confident na sagot ni Trishia with matchimg flip hair.
Tsss. Never kitang papansinin noh? I bit my hamburger. And totoo ang sinabi niya. Nagigimg famous na ang account ni Prince Zachary. May 50k followers na siya. Yung mga posts ko eh aabot na sa 1.2k likes kaya di na aakalaing poser siya.
Pero di parin ko dapat makuntento. Dapat may isang i FS ako para mas makatotohanan. Though I blocked that Angelo already pero baka may iba pang makapansin. Dapat ko sigurong hingin kay Ethon. Kahit isang FS lang naman.
Kung pano ko hihingin? Yun ang di ko alam. Kasi nabubwisit parin ako sa presensiya niya.
"Oy," boses ni Keiry ang nakapagbalik sakin sa realidad. Nilapag niya ang tray niya sa harapan ko saka umupo. "Nawala ka na kagabi? Saan ka tinakas nung lalakeng naka catch ng candy mo?" she asked na puno ng mapaglarong ngiti.
"You're creepy," umiiling iling kong sabi. "And he's my tutor sa Math kaya yun. Inuwi niya ako sa bahay. " I said para matapos na ang malisyoso niyang pagtingin sakin.
"E bat parang kamukha niya yung pino poser mo?" she said. Lumimga linga ako para tignan kung may nakarinig ba sakanya. Gagang to ang bunganga walang preno. At saka pati ba yun napansin niya?
"Wag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo eh!" I throwed her my deadly glare pero napahagikgik lang siya. Wala talagang effect sakanya yun.
"Bakit nga? C'mon spill it," she said na parang siguradong sigurado na may something talaga. Wala tuloy akong choice kundi ikwento sakanya ang lahat.
"What?? So you mean that Jecho is a poser too?!" gulat niyang bulalas kaya tinakpan ko bunganga niya. Walanjo talagang bunganga meron to, oo.
"Sige isigaw mo pa. Langya ka talaga. Oo nga diba? Malamang poser yun kasi nga Ethon ang name niya," I rolled my eyes at her.
"So, hihingi ka ng FS sakanya?" she asked and I just shrugged. Di ko pa kasi sure pano ako hihingi sakanya nun ng di siya mag iisip ng ibang kahulugan.
"Wahh ang gwapo naman niya!!!"
"Sino kaya yan?? Di naman mukhang estudyante dito yan. Pero ang gwapo niya Kyaaaa!!!"
Rinig na rinig ang tilian ng mga estudyante dito sa canteen kaya liningon ko ang tinitilian nila at nakita ko ang isang lalakeng ubod ng gwapo. Nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at nginingitian ang mga babae na mas lalong nagpatili sakanila.
Oo, gwapo talaga siya. Para siyang Greek God na naglalakad with oozing appeal papunta sa...papunta sa...
Papunta sa direksiyon ko?? I blinked twice. Dito talaga siya patungo ehh.
"Miss? Sino sainyo si Miss Hera Athena Chua?" he said with all smiles habang nagpalipat lipat ang tingin niya samin ni Keiry. Nakita ko din ang malalim niyang dimples sa pagngiti niya.
"A-ako yun," bahagya pa akong nagtaas ng kamay na para bamg gustong mag recite.
He smiled sweetly at me saka inabot sakin ang isang car key. "This is your car key. Naki usap kasi sakin si Je------a-ang kaibigan ko na iuwi ang kotse mo from the club kagabi," sabi pa niya with matching himas batok pa. He's so cute.
"T-thanks," inabot ko ang car key ko from him saka nginitian din siya. Wala eh nahawa ako sa ngiti niya. "Upo ka muna. Eat first, my treat," pag aaya ko sakanya.
"No, it's ok. I'm not hungry pa pero I will sit here muna. Pagod ako sa paghahanap sayo eh," he chuckled.
"O... Kay? Hangin ba ako dito?" Keiry speaks up. Nandito pa pala siya. Di ko na napansin. Haha.
"Oh, I'm sorry. By the way I'm Angelo, " he offered his hand for Keiry. Tinaasan siya ng kilay ni Keiry pero tinanggap din naman ang kamay niya.
"Keiry," she said at binitawan na ang kamay niya. "I should be going. May klase pa ako," sabi niya at kapagkua'y tumayo na. She nodded at me and walks away. Okay? She's weird. Di ba marunong umappreciate ng gwapo yun?
Anyways, speaking of gwapo, katabi ko pala ito and he's looking at me. Ngayon ko narealize na parang pamilyar ang mukha niya sakin. Parang nakita ko na siya somewhere pero di ko maalala. Nailang naman ako bigla sa tingin niya kaya tumayo nako.
"May klase na din ako eh. So pano ba yan mauna nako?" I said saka luminga linga. Mapanuring tingin lang naman kasi ang pinupukol ng mga babae sakin dito.
I glared at them kaya napaayos sila ng upo. Takot din pala sakin eh.
"Hatid na kita sa room mo?" he offered to me na mabilis kong inilingan. Kahit gwapo siya di parin ako easy ah. Hard to get ako noh?
Ano siya hilo? Ha!
"I'm okay. Thanks again," I bowed slightly at him as a sign of respect saka ako naglakad papuntang next class ko.