Jecho's POV
"Hey bro! Long time no see!" Angelo fist bumped at me as we saw each other again after a long time.
Andito ako ngayon sa Night Club na paborito naming puntahan ni Angelo. Maingay, amoy alak at amoy whores ang nandito. Matagal ng di ako nagpunta dito since bumalik ako galing LA and because of work.
"Yeah. So how's London? Siguro naman nagtino ka na sa pagiging playboy mo," I said as I sat infront of an empty table. A waitress came and put a hard drink on our table. Guess nakapag order na si Angelo kanina.
He took one bottle and drinks from it. "Well, wala pako nakikilalang babae na makakapagpatino sakin," he chuckles and looks at me. "How 'bout you? Balita ko ikaw na ang hahawak sa kompanya niyo?"
"Yeah. Wala namang ibang hahawak eh. Besides, I know I can handle it very well," I said cooly as I put the alcohol in a glass with ice. Di ako sanay na tinutungga ang bote ng alcohol. I shake it lightly and sips from it
"O well, ikaw ba naman. The great Jechoniah Brylle. By the way, nahihilig ka ba sa social media these days? Particulary fb?" he asked suddenly na nakapagpataas ng kilay ko.
"No, alam mo naman na di ako mahilig dun. Why?" I asked while tapping my fingers on the table. I have fb yes, pero di ako ganon ka active. Puro kagaguhan lang naman ang nakikita dun. Kung di pagkain ang pino post, mga mukha ng patay na nasa loob ng kabaong, ganun. Gross. Iba naman nakikipag away at nagpaparinigan. Naiiling nalang ako.
"Well..." he grinned and shakes his head. Weird. Parang may alam ito na kalokohan eh.
"Ano nga? Bakit ganyan ang mukha mo? May kalokohan ka na naman bang ginawa?" I eyed him. Alam ko ang mga galawan netong kaibigan kong to eh.
Back in college days pag ganyang itsura na ang pinapakita nya malamang may inagaw na namang gf ng iba. Dakilang playboy yan eh pero ang pinupuntirya niya ay mga hindi na single. Inaagawan niya ang mga lalake kaya laging nababangasan ang mukha.
"Wala," he laughs at umiling iling. "I'll tell you pag sigurado na ako sa katauhan niya." He said na pinagtaka ko.
Niya? Sinong niya kaya yun?
Athena's POV
Nakahiga nako sa kama pero di parin ako makatulog. Naka ilang baling nako sa higaan pero di ko parin makuha ang tulog ko.
Pano ba naman hanggang ngayon nababanas parin ako sa kampon ng diyablo na lalakeng tutor ko kuno, dumagdag pa yung Angelo na yun na akala mo sino na binubuking ako.
Napaupo ako sa sobrang stress. Napagdesisyunan kong lumabas muna. Tama, mag ca clubbing nalang ako para makapag relax. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Keiry.
"What?" sabi niya agad pagka receive niya ng tawag. Wala eh, di uso sakanya ang 'hello'pag nag re-receive ng tawag.
"Clubbing tayo. I need to relax, as in now na" I said habang hinuhubad ang pantulog ko. Ni loud speaker ko muna ang phone saka binuksan ang closet ko.
"Seryoso? Bat mo naman naisipang mag clubbing ng ganitong oras, aber? Baka nakakalimutan mo may klase tayo bukas. Maglala---"
"I'll wait for you sa Night Club. Bye," at pinatay ko na ang tawag. Sinesermonan na naman ako eh kaya pinutol ko na ang tawag. Well, di naman ako nun matitiis kaya alam ko na darating siya.
Sinuot ko ang black tshirt ko na may larawang gitara at sinuot ko ang maong shorts ko na gang tuhod ang laki. Boyish ba? Well, di lang ako sanay na magsuot ng mga dresses at kung anu-ano pang kaek-ekan ng nga babae. Naniniwala ako na ang ganda ay hindi nakikita sa panlabas na anyo kundi sa loob. O diba ang lalim parang eyebags ko. Hahaha.
Pinusod ko ang buhok ko at kumuha ng candy sa drawer ko. Isa sa pinakahihiligan ko ay ang pagkain o pagnguya ng candy. Bukod kasi sa cool ito sa bunganga, nakaka astig pa.
I grabbed my wallet, phone at ang car key ko at tumakbo papuntang garage. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ang takbo nito.
Pagkararing ko sa club's parking space, namataan ko na agad dun si Keiry na naka poker face at nakasuot ng hoodie na parang holdaper. Magca clubbing talaga kami na ganito ang itsura. Isa talaga sa dahilan bat kami magkasundong dalawa is yung pananamit namin. Di kami pareho mahilig sa mga girly clothes, though babaeng babae kami pero mas komportable kami sa mga simpleng damit. Mayaman din si Keiry pero di niya pinagkakalandakan yun.
Bumaba ako sa kotse at naglakad papunta sakanya.
"Hey, kanina ka pa?" I asked pero inismiran lang niya ako. Ang ganda parin talaga niya kahit nagsusungit. Di kasi siya mahilig mag clubbing pero pumapasok lang siya dahil sakin. Spell Bad Influence, capital A-T-H-E-N-A. hahaha.
"Wag ka na magalit diyan. Di tayo magtatagal promise. Gusto ko lang magpalipas oras." pagpapalubag ko sa loob niya at naglakad kasama siya sa entrance ng club.
Pagkapasok namin sa loob eh rinig na rinig na ang maingay na musika at mga nagsasayawang tao sa loob. I smell bitches everywhere. Luminga linga ako saka umupo sa harap ng bakanteng table.
"Ako na ang mag-oorder ng iinumin natin ah. Yung slight lang para di tayo malasing. May klase pa tayo bukas," Keiry said at lumakad na papunta sa bar counter.
I head bang to the music habang inaantay si Keiry. Kinuha ko ang candy sa loob ng bulsa ko at binuksan. Pinasok ko sa loob ng bunganga ko ang candy at ninamnam ito.
Habang nanonood sa mga nagsasayaw, napagdesisyunan kong tumayo para sana magpuntang dance floor pero mali ata ang desisyon ko kasi may pangahas na lalakeng tumungga ng likod ko kaya napahawak ako sa table at bigla kong nalunok ang candy na nasa bunganga ko. Ang masaklap pa ay nagbara ito sa lalamunan ko kaya di ako makapagsalita.
"O, eto na ang --- oy, anong nangyari sayo? Bat nakanganga ka jan?" sabi ni Keiry na lumapit akin. Di ako makapagsalita kasi para na akong mawawalan ng hangin.
"Ack... Ehhhk..." I tried to speak, tinuro ko ang throat ko at parang naintindihan ang ibig kong sabihin dahil pumunta siya sa likod ko at sinuntok suntok ang likod ko.
"Ano ka ba naman!! Sa dinami dami ba naman kasi ng malulunok candy pa!" narinig kong angil ni Keiry pero patuloy parin sa pagsuntok sa likod ko.
Mas nilakasan ni Keiry ang pagsuntok sa likod ko kaya naramdaman ko ang paglabas ng candy sa bunganga ko at lumipad ito.
Parang nag slow motion ang candy sa ere at nakanganga akong minamasdan ito hanggang sa nahulog ito sa loob ng baso ng isang lalake na akmang iinumin ang alcohol na nasa baso niya.
Oh noh...
Jecho's POV
Iinumin ko na sana ang alcohol na nasa baso ko ng biglang may bumagsak sa loob nun.
"What's this?" puno ng pagtataka kong tanong na nakatingin sa loob ng baso ko. Wait, is this... Candy???
Huminga ako ng malalim saka pabalyang tumayo upang hanapin ang kung sino mang nagtapon ng candy sa inumim ko.
"Chua?? Ikaw ba ang nagtapon ng candy??" puno ng galit na sabi ko habang nakatingin sa babae na nakanganga na nakatingin sakin.
The heck. Nakakadiri naman ang babaeng to kahit kailan.
"Ano!!! Sumagot ka!!!" sigaw ko na ng wala parin akong naririnig na salita galing sakanya.
She blinks her eyes many times saka nagtikom ng bibig. Nagbalik na ata siya sa huwisyo.
"S-sinong nagsabi na tinapon ko yan ha?? Di ko yan tinapon ahh! Kusa yang lumabas sa bunganga ko!!!" pasigaw din niyang sabi. What?? Kusang lumabas?? Baliw ba siya??
Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya napilitan akong maglakad papunta sakanya at hinigit ko siya sa braso.
"T-teka ano ba!! Bitawan moko!! Bitaw sabi!!!" patuloy nyang pagsigaw habang kinakaladkad ko siya papuntang parking lot. Pabalang ko siyang pinasok sa shot gun seat ng kotse ko saka ako ako pumasok sa driver's seat.
Pilit ko paring pinapakalma ang sarili ko. Ng mejo nahimasmasan ako saka ko siya matalim na tinignan.
"So what's that all about Chua?" I asked.
Humalukipkip lamang siya. Saka tumingin sakin. "Gaya ng sabi ko di ko yun kasalanan! Kasalan yun nung...nung lalake! Oo! Yung lalake na bumangga sa likod ko kaya nalunok ko yung candy! Tapos ay sinuntok ni Keiry yung likod ko kasi bumara yun sa lalamunan ko. Tapos lumipad yung candy! Di ko naman alam na sa baso mo yun malalaglag noh?" mahaba niyang litanya saka tumingin sa labas ng bintana.
I sighed as I massaged my head. She's one crazy lady. Di ko inakala na ganito kalala ang kabaliwan niya.
"Okay so what are you doing in that kind of place at this time?" I asked calmly trying to get her attention from looking outside the window.
She looked at me and pursed her lips na nagpalunok sakin. Well, her lips is just so tempting kaya tumikhim ako at tumingim sa ibang direksiyon. Inaakit ba ako neto? Diba dapat ako ang gumagawa nun?
"Look, Mister tutor, di kita tatay at mas lalong di kita kilala para itanong mo sakin kung ano ang ginagawa ko dito sa lugar na to. Malamang hindi naman ako mag go grocery diyan noh? Kaya buksan mo na tong pinto baka hinahanap nako ng kaibigan ko." pagtataray niya.
"No. Iuuwi na kita. Its late at night. Walang matinong babae na nasa club pa ng ganitong oras," I said at inistart na ang kotse.
"No way!!! Ibaba moko!!! Kaya kong umuwing mag isa! Saka may sasakyan ako!!" pagwawala niya habang kinakalampag ang pintuan ng kotse.
"Balikan mo nalang bukas o di kaya ipakuha mo nalang. Madami ka namang utusan sa bahay niyo,"sabi ko not minding her deadly glares.
Di ko alam kung ilang mura ang natanggap ko mula sakanya hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
"Damn you!!! Mamatay ka na!! Mamatay ka naa!!!" sinipa niya ako sa paa saka siya lumabas ng kotse ko.
Damn. Hinilot ko ang paa ko na sinipa niya saka pinark ang kotse ko. Lumabas ako na nanggagaliti sa galit.
Humanda ka saking baliw ka.
Athena's POV
I went to my room hurriedly and with all my might sumigaw ako mg pagkalakas lakas. I am really pissed off. Buti nalang sound proof tong room ko baka akalain ng mga tao may sunog.
But still nanggagalaiti ako sa inis sa damuhomg demonyo na yun!! How dare he!! Wala pang kumaladkad sakin sa tanang buhay ko at wala pang nagpahiya and sumigaw sakin for all my life!!
I will definitely tell my mom to fire him right away!!
Sumalampak ako sa kama ko at kinuha ang laptop ko. Inopen ko ang facebook at ang naka open pala ay yung account ni Prince Zachary. Mas lalo naman akong nabadtrip nang makita ko ang mukha niya. Kamukha niya kasi talaga yung tutor ko eh.
Pero siya kaya yun? Jecho is his name right?