Chereads / She's my Poser... / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Jecho's POV

Shit. Is she even a girl? Tsk. Hinawakan ko ang labi kong nasuntok. Diko inasahang gagawin niya sakin yun. She somewhat pissed me off. I looked at the person who is sitting in front of me. Her mom, Keithlyn Chloe Chua. Ang batikang newscaster na nagpakalat ng company secrets namin. It's my first time seeing her in person. She looks young and pretty. I remained silent not minding her stares. I don't think I can be comfortable being with her.

"What's your name again?" she asked smilingly. May gana pa siyang ngumiti pagkatapos ng ginawa ng kanyang anak? Tss... Humanda kayo pag naisagawa na namin ang plano namin. Tignan natin kung makangiti pa kayo.

"Ethon Thirdy Roxas," I said flatly. Yes, yan ang binigay na pangalan ko na gagamitin ko during my stay here. Tinapunan ko siya ng tingin and she is still smiling at me. Nakakagigil. Looking at those smiles reminded me of that time na sinisira niya ang pangalan ng kumpanya namin.

"Ethon, I'm sorry for what my daughter did to you. She somewhat got that behavior from her dad. Ang pagiging aggressive at ill-tempered," she sighed as if she is remembering something. Pinigilan ko ang sarili kong sagutin siya. Nanatili lang akong tahimik sa kinauupuan ko.

"By the way, you will teach her Math subject kasi yun ang pinaka weakness niya. Gusto kong tumaas ang grades niya. Alam kong matutulungan mo siya because based on your resume isa kang competitor sa Math Olympiad," she said at tumayo.

She went to the kitchen and get water from the fridge and drinks it. She looks at me again and this time she isn't smiling anymore. "I hope you can have the patience to teach her. And may I remind you, I want a precise work. Ayoko ng pumapalya."

"I understand," I said and stand up. "Don't worry, I can handle your daughter. She'll get high grades in math as you want her to. Now can I go to my room now?" I said and I saw how shock her face was. Alam ko nagtataka siya sa way ng pakikipag usap ko sakanya. Di naman sa bastos ako sa nakakatanda, sadya lang na di ko siya kayang respetuhin. A person like her doesn't deserve respect from me.

"Lita," she called a maid at nagmamadali namang lumapit ang tinawag niya sa kinaroroonan namin. "Samahan mo siya sa magiging kwarto niya," aniya at tumalikod na.

"Halika na po Sir," sabi ng katulong at binuhat ang maleta ko. Di naman kalakihan yun dahil di ko naman balak magtagal dito. Mamadaliin ko ang trabaho ko at aalis nako dito.

Sinundan ko ang tinatahak ng katulong. Umakyat kami sa hagdan at dumaan sa hallway. Malaki din itong bahay nila. Not bad for a royal blood. Tumitingin ako sa paligid. Makikita ang mga paintings sa mga dingding. All are works of art. Ang gaganda lang. I wonder who painted them.

Tumigil kami sa isang pinto. "Dito na tayo Sir," sabi ng katulong at binuksan ang pinto. Tumambad sakin ang isang malawak na kwarto. May king-sized bed, sariling sofa, ref at tv. Mayroon ding mini library na may iba't ibang klaseng libro.

"Sa kabilang room lang po ang kwarto ni Lady Athena," aniya pa at pinasok ang maleta ko sa loob. Pumasok na rin ako at umupo sa kama. Tinignan ko ang paligid ng room.. Maayos ang pagkakaayos ng mga gamit. I wonder who's room is this.

"Sige po sir, maiwan ko na kayo," sabi ng maid na tinanguan ko lang at tuluy-tuloy na siya sa paglabas.

Hihiga na sana ako ng mag ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot.

"Hello?" sabi ko.

"Jecho, dude, kumusta ka na?" sabi ng nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. Teka, wag mong sabihing si Angelo to.

"Angelo? Is this you?" I asked. Nagtataka ako kasi as far as I know nasa London pa siya. Maybe he was here at the Philippines already.

I heard him chuckle. "Akala ko di mo nako makikilala eh. Oo ako to. Nasan ka? Kita naman tayo oh. Kakauwi ko lang yesterday. I miss drinking with you," he said. Totoo ngang nakabalik na siya.

I smiled at the thought. Angelo Wang is my best buddy since elementary days pa. Kasangga ko siya sa lahat ng kalokohan. Matagal tagal na ring di kami nag bonding since he left for London 3 years ago.

"Ofcourse. Magkita tayo bukas ng gabi. Dating place parin," I said and he said ok. Binaba ko ang phone at nagdesiyong lumabas ng room. I will roam the place baka sakaling may makita akong magpapabagsak sa pamilyang to.

Athena's POV

Nanggagalaiti parin ko sa galit sa damuhong lalake na yun. Hindi ko alam na sa likod ng gwapo niyang mukha ay ang mabaho niyang pagkatao. Tsk. Kung siya man ang pino poser ko, nagsisisi nakong siya ang napili kong i poser. Ka sama ng budhi. Nakakarindi.

Mag gagabi na pero di parin ako lumalabas ng kwarto. Naiisip ko baka andiyan pa yung lalake na yun at makikita ko na naman siya ulit.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Binuksan ko ang laptop ko at inopen ang fb account ni Prince Zachary. Ang dami na namang friend requests. Nakakapagod na ring mag accept minsan kaya di ko na ina accept yung iba. Malapit na rin kasing ma full load ang friend slots ko.

May iilan akong new messages pero diko muna binuksan. I decided to post something gamit ang picture ni Jecho.

Devil. Yan ang caption ko sa pinost ko kasama ang picture niyang naka blue checkered polo shirt at naka shades. Blond ang buhok niya at nakasimangot pero di naman nababawasan ang pagiging gwapo niya. Yung kamay niya bahagyang nakakamot sakanyang ulo. Sayang talaga ang gwapo niya eh.

Pero siya kaya talaga ang lalakeng yun? Kung siya talaga yun, pwede akong magpagawa ng fansign para sa mga girls at ng di na pagkamalang poser ako. Bwahahaha ang galing ko talaga!!! Pero bigla rin akong napasimangot ng maisip ko na pag ginawa ko yun anong iisipin niya? Baka isipin pa niya na gwapong gwapo ako sakanya. Tsk. Never. Gagong gago pwede pa.

After 5 minutes naka 50 likes na ang post ko. Tss... Wala namang nakaka like sakanya. Duhh... I decided to open the inbox. Tumaas ang kilay ko ng makita ko na naman na nag message ang Angelo Wang na yun. Remember? Yung nagsabing poser ako. I opened his message.

"Babae ka noh? Haha. Malapit ko ng malaman kung sino ka. Pero ang nasisiguro ko muna sa ngayon ay babae ka. Hahahaha," napatutop ako sa bibig ko. What the F! Sino ba tong Angelo Wang na to??? Kailangan ko na talaga siyang i block. I clicked his profile and clicked the Block button.

Huminga ako ng malalim. Anubayan, siya palang ang nagsabi na babae ako ah? Halata bang babae ako sa mga posts ko? Di naman ahh. Tsk. Dahil sa inis ko ay sinara ko nalang ang laptop at napagdesisyunang lumabas sa kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko ang damuhong mukhang demonyo na umiinom ng tubig. Kumulo na naman bigla ang dugo ko pagkakita palang sa kanya na nakatalikod. Tsk, akalain mo yun, sa likod ng gwapong mukha niya ay nakatago ang mala demonyo niyang budhi. Nakakarindi. Tsk.

Nilapitan ko siya at akmang babatuhin ng tsinelas ko nang bigla siyang humarap at nakita akong naka taas ng tsinelas at nakaporma na parang makikipaglaro ng tumbang preso.

He blinked his eyes as he looked at me hanggang sa napalitan ito ng amusement.

"Are you trying to throw me that 'one piece slippers of yours?" ika niya na nakapagpatayo ng mabuti sakin.

Tumikhim ako at sinamaan siya ng tingin. E sa favorite ko ang One Piece ehh. Kaya wag na kayong magtaka kung pati panty ko e One Piece.

"E ano ngayon sayo kung babatuhin kita ha? At di ba ang sabi ko sayo eh umalis ka na kanina? Ano pang ginagawa mo dito?" angil ko na pinameywangan ko siya.

He just smirked at me. "Wala ka ng magagawa kasi I already signed the contract that I will tutor you for the whole semester para makapasa ka sa Math," sabi niya habang mas lumalapit siya sa kinatatayuan ko.

"Lumayo ka sakin!!" sigaw ko at naglakad paatras sakanya.

Mas lumapit pa siya sakin hanggang sa naramdaman ko nalang ang malamig na dingding sa likod ko. We are just few inches away and I can smell his manly scent.

"A-ano ba! L-lumayo ka nga sakin!" nauutal kong sambit. Tinitigan ko siya only to find out that he isn't looking at me, rather to my necklace.

Agad kong hinawakan ang kwintas ko na bigay ng Papa ko sakin. It's hard to say, but this is the only remembrance I have from him.

"Nice," he said and what? Tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya? I can see hatred and... Pain. But why?

"Really nice. So can you fuckin' let me go now?" taas kilay kong sinalubong ang mga mata niya at ngayon ay nakatitig sakin. Well, I can say mas gwapo siya sa malapitan. Don't think too much. No other meaning of it. Dakila akong poser kaya marunong akong mag appreciate ng kagwapuhan. Dagdag pang kanya ang mukhang ginagamit ko.

Dahan-dahan naman siyang bumitaw sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa, then he smirked. And what does he mean by that smirk? Why do I feel insulted?

I pushed him then I stomped my feet as I go to my room. Wala na. Wala na talaga akong ganang kumain. He just destroyed my whole day.

Jecho's POV

I mentally smirked at her reaction. The way she reacted as I walked towards her was priceless. Di ko maitatangging maganda siya. She has this innocent eyes yet fierce look that anyone can't help but to look over and over again.

Bakit ko nga ba siya nilapitan? Well, I'm trying to use my charm to lure her. Para makita ang reaksiyon niya na makita ako sa malapitan.

But then I saw her necklace. That necklace. Bakit nasakanya yun? As far as I remember, that was the necklace that my mom once wear during her birthday party two years ago, when she's still living with us.

"Is that a necklace of yours mom?" I asked as she looked at herself from the whole-length mirror. My mom is indeed a beauty. She has this small, round eyes and pointed nose that anyone will envy.

"Yes my dear. An important person gave it to me," she said and I can see a glint of happiness in her eyes.

I didn't know that time may iba na pala siyang minamahal sa likuran ni Dad. Napahilamos ako sa mukha ko. Tama nga talaga ang sinabi ni Dad na dapat talagang pabagsakin ang pamilyang ito. They deserve it. At yun ay sisimulan ko sa anak nila.