Jecho
"What the hell? Are you serious with that Dad?" I gripped my phone as I heard what my Dad said. He couldn't be serious with that.
I just came from L. A. at ganito ang sasabihin ni Dad? Ni wala akong kilala dito. And ni walang nakakakilala sakin because all my life I was hidden dahil na rin sa kagustuhan ni Dad na ipahawak sakin ang kompanya namin. I studied at LA using my mother's surname para walang makaalam na isa akong Villa. He wanted me to be ready at para maging kapakipakinabang sa apelyido niya which is Villa na until now hindi ko ginagamit.
Well I understand him naman. That's why after I graduate eh nag undergo nako ng training para hawakan ang kompanya. Though wala pang nakakaalam since wala pa namang presacon about me. I'm still a secret CEO of our company. Mas maigi yun para maobserbahan kong mabuti ang mga tao namin without them knowing who I am.
"Hello, are you still there?" I heard my dad's voice again. I nearly forgot I am talking to him.
"Yes, dad I'm here. I mean, are you relly serious with that?"
"Of course I am son. You should go for the sake of our company. We shouldn't just let the Chua Industries take over our place as no. 1 in this industry," he said in an authoritative voice. Well, as a son and the standing new CEO of Villas Group of Companies, I don't have any choice. Kailangan konh gawin ang pinagagawa niya. At yun ay ang tumira sa bahay ng mga Chua, kunin ang tiwala ng heiress nila at pagkatapos ay kunin siya as a hostage. Brutal man ang plano but we don't have choice. We should be no. 1.
Madali lang naman yun para sakin. I can do that using my charms. Pero iisipin palang ang pagtira ko sa bahay ng aming kaaway sa pwesto ang di ko matanngap. Just thinking about it gives me the urge to back out. Galit na galit ako sa pamilyang yun. Dahil sa kanila nasira amg pamilya namin.
My mom fell in love with the Chua's CEO and now they're living together. It sucks thinking that I will be living with the family that destroyed my family. Kahit iisipin na di nila kasalanan ang ginawa ng lalakeng yun di ko parin maiwasang hindi magalit. Lalo na at inagaw nila ang pwesto ng kompanya namin. We should be at the top. But because of their arrogance nd the effect of media nasira kami. Dahil sa asawa niyang newscaster naikalat ang sikreto ng kumpanya namin na naging dahilab ng pagbagsak namin.
Tok. Tok. Nagulat ako sa katok na yun na nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Napansin ko rin ang bahagyang pagkuyom ng kamao ko. "Come in," I said coldly. Nandito ako sa study table ko dito sa mansion. I often stay here kung gusto ko ng katahimikan.
Jacob, my Dad's right hand entered the room. "Sorry for disturbing you sir, but I need to give you these," aniya at nilapag ang isang folder sa table ko. "That will be your temporary papers sir sa pag stay sa bahay ng mga Chua. Di nila dapat malaman ang totoo mong pagkatao or else your Dad's plan be ruined".
I opened the folder. Nilalaman nito ang pagkatao na dapat kong gampanan sa misyong binigay sakin. "Tutor?" I said sabay kunot noo.
"Yes sir. You are tasked to be a stay in tutor for Miss Hera Athena Chua," sabi niya na mas nagpakunot sa noo ko. For all I know magaling ang anak nila, but I guess I'm wrong.
I looked at her profile na kasama sa folder na binigay ni Jacob. Okay na. I thought as I study her face. She has this long eyelashes and pointed nose that I guess nakuha niya sa kanyang ama. Her lips are naturally pink. I guess she didn't use any lip gloss in this picture. I guess di ako mahihirapan sakanya. Well, girls like her easily fall for handsome and hot guys, ehemm, like me.
"Naka prepare na din po ang inyong gamit sir. You will start tomorrow morning so dapat ngayon e pupunta na kayo dun para maging pamilyar ka sa lugar nila," dagdag ni Jacob na napansin ata ang pagiging tahimik ko.
I just nodded and closed the folder. "Okay then. I guess this will be fun," I grinned and stretched my arms. This will definitely be fun.
Athena's POV
Nakaupo ako sa aking bed at kaharap ang aking laptop. It was Saturday afternoon. Andami ko na namang messages. Well, di sakin, pero sa account ni Prince Zachary. As usual, mga messages na naman na nakakarindi. Bitches alert again.
Some messages contained famewhore messages. Yun bang 3 likes kita, like back ka ah? Nakuu. Nakakagigil much. Kala mo ikayayaman ang madaming likes. I scrolled down my inbox baka sakaling may makakatawag pansin sakin until nakita ko ang isang message.
"Poser ka noh?" a message from a guy. Kumunot ang noo ko. I immediately clicked his picture to see his profile. Angelo Wang ang name niya. Gwapo ang kanyang profile picture. I stalked his profile at napagtanto kong hindi poser ang isang to. Famous eh. Daming likes. Isa sa nakakapagpatunay na hindi poser ang isang tao ay kung madaming likes, comments at shares ang post niya. And this one has 20k likes and 3k comments idagdag pa ang 1.2k na shares sa isang post lang niya and almost same sa ibang mga posts niya, o san ka pa?
I gritted my teeth and typed a reply. "Excuse me? I'm not," I replied to his message. Who the heck is this uh? I sit properly as a notification appeared. One new message.
"Haha. Guilty much? Well, I just thought you are. Or can I say... I'm sure of it," he said. Automatic na tumaas ang kilay ko. Aba't sinusubukan ako nito ah. I block ko kaya to noh? Pero wag na. Sayang ang gwapo pa naman at famous. Di ko nalang rereplyan titigil din yan.
I logged out from Prince Zachary's account and opened my personal account. 3 Friend Requests, 5 messages and 50 notifications.
I first looked at my friend requests. Di ko sila kilala pero marami akong mutual friends mula sakanila. Meaning baka schoolmates ko sila kaya I accepted them without looking at their profiles. Ganun ako. Ina accept ko lahat ng FR na marami akong mutual friends sakanila. Ang diko lang ina accept eh yung mga friend requests mula sa mga Indian. Ang dami kayang nag a add sakin na mga Indian. Ba malay ko bang sikat pala ang mukha ko sa mga Indian noh? Tsk ganda ko talaga. Pang International. Hahaha
Next I clicked my inbox. As usual, may mga nagsasali na naman sa akin sa mga group messages. Naiinis ako sa mga ganun. Di naman ako sumasali pero kada sila add sakin. May mga nag message din ng mga chain message. Yun bang I pasa mo ito sa 5 tao, chuchuchu. Pag daw di ipasa eh mamamatay ang nanay mo o di kaya mamalasin ka. Aba nakakawindang ang mga yun ah. Nirereplyan ko nga minsan ng "Kung wala kang magawa sa buhay mo pakamatay ka na". Nakakabwisit eh.
Nag I scroll ako ng iba pang mga messages ng may kumatok sa pinto. "Lady Athena may bisita po kayo," boses yun ng isang katulong namin. Teka, bisita? Sino naman kaya yun? Tumayo ako at sinuot ang sandals ko saka tinungo ang pinto ng room ko at binuksan yun.
"Sino daw?" sabi ko sa katulong na nakatayo parin sa may pintuan.
"Tutor nyo raw po Ma'am. Diba Ma'am nagpa hire ng tutor ang mommy mo dahil bumagsak ka sa Math? Kaya yun nagpapahanap siya ng tutor mo. Tapos Ma'am may nag apply kaya yun tinawag namin sa mommy nyo tapos sabi niya na hired nalang daw po Ma'am," tuluy tuloy na sabi ng katulong namin. Aba, di rin madaldal tong isang to ah.
At saka ano? Talaga bang tinotoo ni Mama ang pagkuha ng tutor ko dahil sa pagbagsak ko sa Math? Well di naman ako bumagsak talaga, pero malapit na kasi mababa talaga grades ko dun. OA lang talaga minsan ang mama ko. Don't get me wrong ah. Di naman sa bobo ako sa Math noh? Sadya lang na diko gusto ang Math. Diko kasi maintindihan kung bakit kailangang pag aralan ang mga formulas at mga kaek ekan sa Math. Di naman yun kailangan sa pang araw araw na buhay. Alam ko naman mag plus at minus kaya ok na. Wag nyo ng itanong kung marunong akong mag multiply at divide. Tsk, memorizing the multiplication tables just gives me head ache.
"Remind me to tape your mouth later," I said to the maid. Ang daldal kasi eh. Pinamukha ba naman sakin ang pagbagsak ko sa Math. Grr much niya ahh.
Pumunta na ako agad sa main door namin at binuksan ang pintuan. Nakatayo doon ang isang lalake. Napakurap kurap ako pagkakita sakanya. What a handsome creature! Mapupungay ang mga mata niya. Yung ilong niya ang tangos. And those lips. Sobrang kissable niya. Mas red pa ata ang lips niya sakin oh. He has blond hair na gulo gulo pero mas nagpatingkad yun sa appeal niya. He has earring on his right ear. Siya lang ang lalakeng napakagwapo kahit may earring sa tainga. Yung iba kasi nagmumukhang adik. Nakasuot siya ng v-neck signature shirt na hapit sa katawan niya. Mababakas tuloy ang mga muscles niya sa katawan. He looks like Primce Zachary Kang na pino poser ko.
T-teka... Prince Zachary? Pinagmasdan ko siyang mabuti at unti-unting lumaki ang mata ko. Don't tell me...
Narinig ko siyang tumikhim. "I know I'm handsome pero pwede bang I postpone mo muna ang pagpapantasya sakin? I am standing here for 30 minutes now you know," sabi niya na nakapagpabalik sakin sa huwisyo.
"T-teka nga lang. Sino ka ba ha? At saka sinong nagpapantasya sayo?? As if," angil ko saka humalukipkip. Tumingin ako sa ibang direksiyon. Ano ba to bat niya kamukha yung pinoposer ko? Siya ba si Jechoniah? Alam ba niyang ako ang gumagamit sa mga pictures niya? Idedemanda niya ba ako? Teka may kaso bang ganon?
"Tabi nga!" sabi niya at binangga niya ako at saka tuluy tuloy sa pagpasok sa sofa. He stretched his arms at pinikit ang mga mata. Aba walang modo to ah. Bahay niya to? Bahay niya? Akala mo kung sinong makaasta ah!
"Hoy!" pinameywangan ko siya. "Sinong nagbigay sayo ng karapatan na pumasok sa pamamahay namin ah?? Akala mo kung sino ka! Kilala mo ba kung sino ako ha? Ako lang naman si ----"
"Hera Athena Chua, the heiress of Chua Industries," pagpuputol niya sa sasabihin ko. He is now eyeing me with an amused expression. "Studying at DU but can't reach the expected grades from a DU student. In other words... Bobo," he said flatly as if he's very sure of what he's saying. He's still looking at me but this time he is smirking.
Feeling ko tumaas lahat ng dugo ko sa ulo. Naramdaman kong naging pula na ang mukha ko sa sobrang galit. Kulang nalang ay mag super sayan ako at magpalabas ng apoy sa kamay. Nakakuyom na rin ang kamao ko.
Ano daw ang sabi niya? Bobo? Bobo ako? Bobo daw ako??? Di ko na talaga napigilan ang sarili ko. Inipon ko lahat ng lakas ko. Saka ako dumilat. Hinipan ko ang bangs ko saka tumakbo papunta sakanya. Buong lakas ko siyang sinuntok sa mukha. Nahulog siya sa sofa at dumugo ang bibig niya. Bulls eye. Oh no, bulls lips. Bwahahahaha.
"What the heck!!!" sigaw niya at pinunasan ang dumudugong bibig gamit ang kamay niya. Tinignan niya ako ng matalim at tumayo. Nakakuyom ang kanyang kamao. Teka... Wag mong sabihing susuntukin niya din ako?? Lalapit na sana siya sakin ng may biglang nagsalita sa may pinto.
"What happened here?" boses yun ng Mama ko. Nakabalik na pala siya. Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya. "Isn't he the tutor that I hired for you Athena? Bakit dumudugo ang bibig niya? Anong ginawa mo sakanya?" nag aalala ng tanong niya.
"I don't need a tutor Ma. I can handle myself. At siya," itinuro ko siya. "Ayokong makita pa siya dito. Paalisin mo siya ma. He disgusts the hell out of me," I said gritting my teeth and walked fast to my room.