Chereads / Animated Love / Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 29 - Chapter 28

Di mapakali si Chihoon sa upuan niya sa presinto dahil sa kakaibang tibok ng puso niya. Naririnig niya din ang tawag ni Shanelle sa phone niya.

Tumayo siya at sinubukang buksan ang pinto pero naka lock ito. "May tao ba jan?" sigaw niya habang kinakatok katok ang pinto. Dinaman na naman niya ang dibdib at mas lalong nadagdagan ang pag-iiba ng tibok nito.

Huminga siya ng malalim saka malakas na sinipa ang pintuan kaya nasira ito. Pagkalabas niya ng pintuan mga baril na ang nakatutok sakanya.

"Don't move!" sabi ng mga pulis na nakatutok ang mga baril sa lalake.

Dumating din ang grupo ni Jackson kasama ang iba ding mga pulis na tinutok don ang baril nila sakanya.

"Prince Chihoon, don't do anything rash," sambit ni Jackson.

"Take the call," seryosong sabit ni Chihoon dito.

"It's just a phone call. Bakit gusto mo bang sagutin yun sa sarili mo?" Jackson said nang marinig din ang pag-ring ng cellphone ni Chihoon.

"Go and take the call! Shanelle is in danger!" biglang sigaw ng lalake.

"Shanelle?" nagtatakang sambit ni Jackson. Pumunta nga si Jackson sa kabilang kwarto at kinuha ang phone ni Chihoon. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Chihoon saka sinagot ang tawag. "Shanelle. Hindi, si Jackson to. What? Killing? Sabihin mo sakin ang address. Pupunta na ako diyan."

Makalipas naman ang isang oras ay pinalaya na siya dahil wala namang ebidensiya laban sakanya.

"You can go now," sambit ni Gab sakanya.

Naglakad na nga si Chihoon palayo pero biglang nagsalita si Gab kaya napatigil siya.

"Bakit di mo tinatanong sakin kung kumusta si Shanshan?" anito.

Hinarap siya ni Chihoon. "I think she's okay. Otherwise, you won't be so chilled standing in front of me," sagot niya.

"Nasa ospital siya. Gusto ka niyang Makita. Dadalhin na kita dun," sambit naman ni Gab at nauna na siyang maglakad dito.

Tahimik lang si Chihoon na tinitignan ang phone niya habang nasa kotse siya ni Gab papuntang ospital.

Nilingon siya ni Gab. "Pano mo nalamang nasa panganib si Shanelle?" tanong niya dito.

"I think it's the electrical connection between lovers," sambit ni Chihoon na di tumitingin sakanya. "Wala akong maraming kaibigan. Thoe who knew that I've been detained yet call me must naturally be in danger."

"Di ba dapat pulis ang una niyang tatawagan pag nasa panganib siya? Why would she call someone in the questioning room? Ikaw ba si Superman?"

"Maybe because Shanelle has a police officer as an ex. Plus this ex went out on his way to detain her current boyfriend. So, she distrusts the police. Di man ako si Superman, pero sakin nagtitiwala si Shanelle."

Gab gritted his teeth. "SIsiguraduhin kong malalaman ko kung may kinalaman ka sa kasong to o wala."

Tumango si Chihoon na di parin tumitingin dito. "Then thank you so much."

__________

Shanelle was sitting down the hospital bed, her head was leaning on the headrest when the doctor and a nurse came to her room.

"Miss Park, the results are out," anang isang doctor na hawak hawak ang result ng tests na ginawa sakanya. "A minor concussion, and some surface wounds. It's nothing serious. You can go home today."

Nanatili namang nakatanga si Shanelle. Di parin kasi siya maka move-on sa nangyari.

"Miss Park? Miss Park?" tawag ng doctor sakanya.

Bigla namang natauhan si Shanelle at tinignan ang tumawag sakanyang doctor. "Ah. Thank you."

"Kailangan mo ba ng psychologist? Sa kalagayayan mo ngayon, you might be traumatized," the doctor said.

"No. I'm fine," sagot ng babae.

"Okay, rest well," sambit pa ng doctorsaka tumalikod na.

Sakto namang pagdating ni Chihoon sa loob ng kwarto.

"Sino ka?" tanong ng doctor dito.

Napatingin naman sakanya si Shanelle kaya bigla siyang napaayos ng upo. "Come here," sabi niya sa lalakeng bagong dating.

Tinignan naman ni Chihoon ang babae saka tumingin sa mga doctor.

"Come here." naiiyak nang sambit parin ng babae. "Come here!" napasigaw na siya dahil di parin lumalapit si Chihoon sakanya.

Lumapit na nga si Chihoon dito. Biglang tumayo sa bed ang babae at sinunggaban ng yakap si Chihoon. She cried hard. "Monster Chi where were you?" anito na umiiyak. Chihoon hugs her back. "Sabi mo you'll protect me! But why didn't you come to save me? Muntik na akong mamatay. Monster Chi I really hate you. Where have you been?"

Napapaiyak na din ang doctor at nurse sa nasaksihang sweet moment ng pasyente at ni Chihoon. Pumasok na din sa kwarto si Gab and he can't help but to get hurt seeing how Shanelle hugs him.

Patuloy parin sa pag-iyak si Shanelle. "Alam mo bang inantay kita ng matagal ha?" anito. Chihoon is just hugging her back, letting her express what she feels. "Why didn't you come back? I was so scared."

"It's so touching," sambit ng nurse habang nakatingin dito.

"tara na," sabi ng doctor kaya lumabas na sila. Ayaw pa sanang lumabas ni Gab pero pinilit siya ng doctor na palabasin kaya napilitan siyang lumabas na.

__________

Chihoon wets a towel para pamunas ni Shanelle sa mukha niya. He handed it to her but Shanelle pouted. Ngumiti si Chihoon kaya siya na ang pumunas sa mukha ng dalaga.

Nanatili namang nakatingin lang sakanya ang babae. Pagkatapos niyang mapunasan ang mukha nito, he sits down her bed. "I thought your brain is damaged."

"Your brain is damaged," sagot naman ni Shanelle dito. "Kasalanan mo na nagka trauma ako."

"Ano bang nangyari?" tanong ng lalake.

"I was originally going to find Rizalane then I ran to Mr. Hubert. Then he gave me a ride back."

She reminisced what happened in the car.

"But is Mr. Chu really normal?" sambit ni Justin na nagpatingin bigla kay Shanelle dito. "Narinig ko kay Riza one-time na sa set niya unang Nakita si Mr. Chu. Then there was a misunderstanding," anito na nangingiti sa kwento ni Riza sakanya. "His martial arts were at a professional level. Tapos napili siya ng director na maging Big Boss. He scared me by dropping from the sky. I thought that time that he was a monster."

Napangiti naman si Shanelle pero di siya nagsalita.

"Mr. Chu's acting is really spectacular."

"Mr. Hubert is complimenting the skills of a temporary actor in front of a professional actress. Don't you think there's something wrong in that?" Shanelle chuckled.

"A goddess doesn't need the skills to be on the frame. They're perfect as soon as they step in front of the camera."

Napapangiti si Shanelle. "Kung alam din ni Chihoon ang magsalita ng kanyang mga compliments, then that would be wonderful."

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Justin nang mapansin ang sasakyang sumusunod sakanila kanina pa. "Miss Shanelle. Sit properly," kapagkuan ay sambit niya dito.

Halos mapasubsob na si Shanelle sa harap nang biglang mag-accelerate ang kotse. Gulat na napatingin si Shanelle sa lalake.

"May sumusunod satin," ani Justin. Napatingin naman si Shanelle sa likod at Nakita niya na totoo ngang merong black na kotseng nakasunod sakanila.

Pinagewang-gewang ni Justin ang kotse upang ma-distract ang driver ng kotse sa likod kaya halos mauntog-untog ang babae sa windowpane ng kotse.

Biglang binangga ng sasakyan sa likod ang kotse nila kaya napa head bang na naman si Shanelle.

"Okay ka lang ba Miss Shanelle?" nag-aalalang tanong ni Justin.

"I'm fine. I'm fine," aniya saka nag dial na sa kanyang phone. She dialed Chihoon's number pero di niya ito sinasagot.

Pumunta ang kotseng sumusunod sakanila sa tabi ng sasakyan nila Justin at binangga na naman ito kaya napauntog na naman si Shanelle.

"Don't come over! Don't come over!" sigaw ni Shanelle na takot na takot na sa mga nangyayari. She still is trying to dial Chihoon. She doesn't know why she's dialing his number gayong alam niyang nasa police station siya, but there's only him she can think of that time.

Mas binilisan pa ni Justin ang pagpapatakbo ng kotse.

"When the police arrived, Nawala na yung sasakyang humahabol samin," patuloy sa pagkwento si Shanelle. Napasabunot siya sakanyang buhok. "Noon kamalasan lang at kahihiyan lamang ang nararanasan ko. Now it's upgraded to version 2.0!"

Napangiti si Chihoon saka inayos ang buhok ng babae that made Shanelle's heart flutter again. Bigla namang inalis ni Chihoon ang kamay niya sa buhok ng babae nang marealize kung anong ginagawa niya. "I-is Mr. Hubert hurt?" sambit na lang nito.

"Nagkaron lang siya ng minor injuries. Although, hindi ganon ka-stable ang health ni Mr. Hubert, but he's so brave. When we crashed, he still tried to protect me," sagot ni Shanelle dito.

Napatango si Chihoon. "Nandito din ba siya sa ospital?"

"Sabi ng mga doctor na nakauwi na daw siya. Dahil daw may emergencies sa work niya."

"He's such a busy person. I wonder if sino ang target ng driver," sambit ni Chihoon na tumingin kay Shanelle.

"I never angered anyone. Except you, of course," sambit naman ng babae as she scowled at him that made him smile again.

Kumuha ng mansanas si Chihoon at binalatan ito. "You knew I was detained, bakit ako pa ang tinawagan mo at hindi ang pulis?"

She pouts. "Di ko alam. I couldn't think of anyone except you." Tinignan naman siya ng lalake nang nangingiti. "B-because you're a monster. How can a tiny room contain you? Pag nasaktan talaga ako, you can save me like this," aniya saka kinagat ang dila. "Di ba ang galing kong mag-isip?"

Tumango lang ang lalake. "Tama ka."

"Gusto ko nang umuwi."

__________

Umuwi na nga si Shanelle at Chihoon mula sa ospital. "The hospital's security was much better than last time," ani Shanelle at umupo na sa sofa. "Pag ito nalaman na naman ng mga reporters, they might be calling like crazy again," anito na hawak hawak ang ipad.

"Di ba sabi mo nasira ang phone mo?" tanong ni Chihoon na umupo sa kabilang sofa.

"Nah, matatalino yang mga reporters na yan. Pwede nilang tawagan si Jam. You think they are as dumb as you? You really don't know anything," she grimaced.

Bigla namang nag-ring ang phone ni Chihoon. Tinignan niya ito saka pinakita kay Shanelle kung sino ang tumatawag. "Ikaw ang sumagot niyan."

Binalik lang ni Shanelle ang tingin sa ipad niya. "Maybe it's not for me. Although he's my friend and assistant, he's like your loyal follower."

Sinagot na ng ani Chihoon ang phone niya. "Hello?"

"Hello? Kuya Chihoon? Nandiyan ba si Shanshan?"

"Wait a moment," he said at inabot ang phone sa babae. "Para sayo."

Kinuha nga ni Shanelle ang phone. "hello?"

"Shanshan, okay ka lang ba? May nurse sa facebook na nagsasabing hindi ka talaga nasaktan sa car accident mo." Biglang napaayos ng upo si Shanelle. "Nag trending na yung topic na iyon sa loob lamang ng isang oras. Tumatawag na lahat ng reporters sakin. pero di rin ako sigurado sa mga nangyari. Pero anjan naman si Kuya Chihoon, kaya sigurado akong walang mangyayaring masama." Napapahinga ng malalim si Shanelle. "Shanshan? Hello? Nakikinig ka ba?"

"I'm good, I'm fine! Don't reply back! Kneel down!" aniya saka tinapon sa sofa ang phone.

Nilapitan siya ni Chihoon na may bitbit na mineral water. "It must be that fat nurse that applied medicine on me!" naiinis na sambit ni Shanelle. Pinatong naman ni Chihoon ang bottle ng tubig sa table. "She dared to say she wants to take selfie with me! Her face was so big! The screen can't even fit her face!"

Kumunot ang noo ni Chihoon saka binuksan ang minera water at inabot sa babae na inabot naman niya. Uminom siya dito saka inopen ang ipad. Nakita nga niya na top search na ang topic na sinabi ng nurse na iyon. Napabuga siya ng hangin. "Sa dalawang beses na naging top search ako parehong dahil sa isang accident." Tinignan niya ang lalake. "Isn't it too funny?"

"sabi ko na sayo yun. Your life is a cold joke," he said while looking at her amusingly.

She scoffed at him. "Psh." Binasa na lang niya ang comments.

C1: It's obvious. It's the same as that fake video before. It's all orchestrated by the film crew.

C2: Advise to Miss Shanelle na palitan na ang career into someone specialized into car accidents. She'll earn more as a car insurance spokesperson.

C3: Shanelle Park's car accident. Top in searches, top in headlines!

C4: I started a hashtag: #ShanellParkBannedInEntertainmentCircle. Everyone's opinion is welcome.

Napalaki ang mata ni Shanelle sa nabasa. Binitawan niya ang ipad saka inis na inis na napatayo. Nangingiti naman si Chihoon sa reaction ng dalaga. "Me? do I... the goddess of otakus need an orchestrated scene?!" inis na inis siya na napatingin kay Chihoon. "I was in an accident! It's not like I wanted it or cheated about it! Sabihin mo nga sakin, wala nabang pag-asang bumuti ang mundo? Lahat na ba ng tao ay mga demonyo? Gahhh! I'm so furious! How can they talk about me like that!" napapapikit siya sa sobrang inis. Nanatili lang namang nakaupo si Chihoon at pinapanood lang mag-rant ang babae. "Also, wala ba talaga akong mga fans? Bakit walang nagtatanggol sakin?"

She blinks her eyes many times nang wala man lang reaction ang lalake sa lahat ng sinabi niya. "hey, wala ka ba talagang sasabihin?"

"I am Rizalane's fan," direktang sagot ng lalake dito.

Mas nalukot na naman ang mukha ni Shanelle. "Th-this---" Bigla naman niyang hinawakan ang dibdib ng parang may imaginary knife na tumusok dito. "Wahhhh!!!" anito saka humiga sa sofa. "Totoo nga na ang mga lalake ay hindi reliable! Only the love of parents is real! Gusto ko nang umuwi sa bahay!"

"Aren't you at home already?" tanong naman ni Chihon na nagpatigil sa pagdadrama ng bababe at napaayos ng upo.

"Oh no, I thought this wouldn't leak. Naisip ko na baka mag-alala si dad kaya di ko siya tinawagan. But...but now..."

Nag-ring na naman ang phone ni Chihoon. Pinakita na naman niya kay Shanele kung sino ang tumatawag at napalaki na naman ang mata niya. It was her dad.

__________

Mabilis nilagyan ni Shanelle ng eye drops ang mata niya upang kunwari galing siya sa pag-iyak. Saka inantay na pumasok ang dad niya saka siya nagngangawa ng iyak.

"Shanshan, okay ka lang ba?" sambit ng dad niya na nag-aalala. Umupo siya sa bed ng anak.

"Dad! I thought di ko na kayo makikitang muli!" ngawa parin ni Shanelle.

"Bakit di mo ako tinawagan agad ha?" nag-aalalang sambit ng ama niya.

"Dad! Nawala na rin ang bata!" ngawa na naman niya.

Napaayos naman ng upo ang dad niya saka siya kinutusan. "Alam ko na ang totoo. Nagpunta akong ospital upang magtanong kung buntis ka, pero sabi nila hindi. At talagang nagsinungaling ka pa sakin?"

Pumasok naman si Chihoon at tumingin sa dad niya. "dad, wag po kayong magalit kay Shanelle. Actually, nagsinungaling siya last time dahil natatakot siya that you would be against us being together. Kaya nagsinungaling siya. I also shouldn't have lied with her. I'm sorry," hinging paumanhin ni Chihoon dito.

Napahinga naman ng malalim ang dad niya. "Alam ko namang Mabuti kang tao. Kaya di ako against sa relasyon niyo. Saka alam ko namang getting pregnant is just a matter of time."

Napaubo naman bigla si Shanelle sa narinig. Napaangat naman ang labi ni Chihoon sa pagpigil ng ngiti. "Shanshan, you should get well, let your mind breath a little, then get married," sambit pa ni Dan dito. "But you can get the marriage certificate first."

Napasupalpal naman ang mukha ni Shanelle sa narinig. "dad!"

"Syempre, pag nagka anak na kayo, di na yun problema pa pag kasal na kayo sa papel," sambit pa ng ama niya. "Another thing, you can have a fake marriage. Aren't all celebrities like that?"

Dan pats Chihoon's shoulder. "Son-in-law, I can only help you till there. You have to work hard on your own," bulong ng matanda dito.

Ngumiti si Chihoon. "Be at ease dad," lumapit siya sa babae at niyakap ito na nagpalaki na naman ng mata ng babae. "Shanelle and I will work hard."

Napatango ang matanda. "O sige, aalis na ako. Mag-iingat ka na sa susunod Shanshan."

Pilit na ngiti ang ginawad ng babae dito.

_____________

"gab," inabot ni Jackson ang isang baso ng kape dito.

"Salamat," sabi ni Gab at kinuha ang kape na inabot ni Jackson saka pinatong ito sa table.

"Talaga bang palalayain mo na lang si Pince Chihoon ng ganon lang?" tanoong ni Jackson sakanya.

"Wala namang sapat na ebidensiya laban sakanya. Kung talaga namang siya ang pumatay, I will get him with my own hands," sagot naman ni gab habang inaayos ang mga gamit niya. "May lead na ba sa car chase case ni Shanelle?"

"The other department is working hard on it. The sections are difficult. There are few scenes they can use for the surveillance. Ginagawa nila lahat para mahanap ang car model as soon as possible."

"Mukhang naplano yung nangyari," sambit ni Gab. "Did you take notes on the victim's statement?" aniya pa na nilingon ang lalake.

"May emergency business na kailangang asikasuhin si Mr. Justin Hubert. Nagpadala na kami ng mga tao sa kumpanya niya to take the record. Umuwi na rin si Shanelle."

"I'm asking for your help for this. Kung may balita man, sabihin mo sakin."

"Don't worry. I'll guarantee your ex-girlfriend's safety," nakangiting sambit ni Jackson.

"At kung may mga kaso regarding Shanelle, you have to tell me as soon as possible, okay?"

Tumango si Jackson. "Okay."

"Tungkol naman sa home robbery-murder case, itutuloy ko ang pag-iimbestiga. If you find any leads, do tell me," patuloy na bilin ni Gab dito. "I'll go back first." Naglakad na nga paalis si Gab pero tumigil nang may maalala. "By the way, wag mo na lang sabihin kay kuya na dumating ako," aniya saka nagtuloy-tuloy na sa pag-alis.

__________

"Mr. Hubert, sorry for taking up so much of your time. Let's end it here. If there are any further things, or if may naalala ka pa, just contact us," sambit ng isang pulis kay Justin habang inilahad ang kamay dito.

"Okay. Ako sana ang dapat humingi ng paumanhin. Dapat personal akong pumunta sa police station, but I really can't go," sagot ni Justin at tinanggap ang nakalahad na kamay ng pulis. "Excuse me for you to come here."

"You're too generous for even making time for me. It's understandable that you're busy," nakangiting sambit ng pulis. "Actually, nung college ako, naka receive ako ng grant from Hubert Corp. I think it's not too late to say Thank You, right?"

"What a coincidence! Looking how you work hard now. Masaya ako na Makita ito," masayanag sambit ni Justin.

"Wag kang ag-alala. Iso-solve naming ang kasi na ito," the police confidently said.

"Then, I'll leave it to you." Aniya at tinignan ang relo niya.

"Mr. Hubert, mauuna na ako sayo," sambit ng pulis at iniwan na ito.

"Wait, Detective," pagkaraan ay habol na sambit ni Justin dito na nilingon naman ng pulis. "Ilang araw ba dapata ang lumipas before I cam report a missing person? "