Chereads / Animated Love / Chapter 35 - Chapter 34

Chapter 35 - Chapter 34

Shanelle wore the sexy lingerie at home. Wala lang. She will try to see what reaction Chihoon will have once he see her with that. She slowly walks towards his room at pumasok dun.

Kasalukuyan namang nasa banyo noon si Chihoon at nagpapatuyo ng buhok after he showers. Sinilip siya ni Shanelle sa loob ng banyo dahil bahagya naman yun nakabukas saka malawak na ngumiti. She tiptoed towards the room's sofa at umupo dun. She even crossed legs para mas effective. Number 1 beauty of the universe. Its time for you to salvage your self-esteem.

She sexily posed habang nakangiting inaantay ang pagbukas ng pinto ng banyo.

Pagkalabas ni Chihoon dumiretso siya sa sofa at Nakita doon si Shanelle. "Oh, nakabalik ka na pala. Is your dad well?" anito at umupo din sa sofa.

"He's quite well," aniya na nakangiting tinignan ang naka bathrobe pang lalake. "May business trip siya bukas kaya aalis siya ngayong gabi."

Kinuha naman ni Chihoon ang remote saka binuksan ang TV. Sinilip ni Shanelle ang TV kung saan andun na ang focus ng lalake. She cleared her throat saka nag change position para mapansin ni Chihoon ang attire niya. Bahagya niya pang tinaas ang laylayan ng damit. Still di parin tumitingin si Chihoon at sa TV lang ang focus ng mata.

Napasimangot si Shanelle. Dahil sa inis kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. Kaya napalingon na din si Chihoon sakanya.

"Bakit mo pinatay? Season finale na maya-maya eh," nagtatakang sambit ni Chihoon.

She flips her hair saka nag pose sa harap niya. "Di mo ba napapansin what's different about me today?" aniya na nakangiti.

Tinignan nga siya ni Chihoon mula ulo hanggang paa saka inosenteng umiling.

Napabuga ng hangin si Shanelle. "I'm wearing the sexy lace undergarment that you picked for me!" aniya ni Shanelle na napasigaw na dahil sa inis. "Do I not have any appeal at all?"

"I picked it?" tanong ng lalake.

"Of course, you picked it! And theres even a whole box of---" Napatigil siya nang marealize kung ano ang mga yun. Ngumiti na naman siya. "But there are two pieces in total. How about I change into the other piece for you?"

"There's no need. It should also be the same. I still have to watch the season finale," sambit ng lalake at kinuha na ang remote.

Dali-dali namang hinawakan ni Shanelle ang kamay niya na nakahawak sa remote kaya napatigil na naman ang lalake. "Wala ka ba talagang ibang sasabihin sakin?" aniya.

Chihoon tilts his head. "Oh, I remember, I did mail it. But I guess you already know what I want to say. So I made a small move."

Napataas ang gilid ng labi ni Shanelle. "Small move? Th-theres no other meaning to it?"

Umiling ang lalake. "No."

Napaawang ang bunganga ng babae saka napatayo sa sobrang inis. She covered her body with her coat saka umupo ulit. "Monster Chi I think we need to talk."

"Talk about what?"

"I am a publicly known goddess to men. Your reaction just now makes me lose a lot of face," taas kilay na sambit ng babae.

"Goddess to men? It seems that the credibility isnt that high," Chihoon answered.

"What do you mean?!"

"I laid in the coffin for over a hundred years and didnt even come out. In terms of an otaku qualification, I'm an otaku originator. In terms of years of being an otaku, I'm a hundred-year-old otaku. There is nothing in your look just now that can attract me. It will only make me feel unrefined," direktang sambit ng lalake na nakapagpaawang na naman ng labi ng dalaga.

Parang may imaginary wind na namang naramdaman si Shanelle na hinangin na lahat ng self-esteem niya. Lupaypay ang mga balikat na tumayo ito saka nakayukong iniwan ang lalake.

__________________________

Di maipinta ang mukha ni Shanelle na nakaupo sa kama niya. "Kung alam ko lang na yung fake lover deal ay strategy ni Monster Chi, I should have some dignity!" aniya na kausap ang sarili. "Pero ngayon, I'm the one who takes the fake deal to be real." She pouted. "Shanelle Park, why are you so lame?"

Humiga siya sa bed na nakasimangot. "Human and monster are not compatible, and they will not be together in the end. But to be ignored like this is hard to bear." Pumikit siya ng limang Segundo upang mag-isip saka nagmulat ng mata. Umupo ulit siya. "Monster Chi...is he?"

____________

Shanelle is currently at the rooftop watching the camera she installed on the living room and sa kitchen ng bahay. Plano niya kasing patunayan kung totoo ang naisip niyang katauhan ng lalake. Of course, she will use Jam.

Nakita niya sa camera na nagpaplantsa si Chihoon sa sala.

Nasa labas naman ng bahay si Jam at hawak hawak ang damit sa kaba sa pinapagawa ni Shanelle sakanya. Tinignan niya ang babae na nasa rooftop. "Shanshan," tawag niya dito mula sa communicating device nila.

Tinignan naman siya ni Shanelle mula sa rooftop. "Oh?"

"Kailangan mo ba talagang gawin to?" ngumingiwing sambit ni Jam dito.

"Jammier Yu, diba gusto mo ng salary increase?"

Napabuga ng hangin si Jam. "Shanshan. Papasok na ako," aniya saka pakendeng kendeng na pumasok sa loob ng bahay ni Shanelle.

Nakangiti naman si Shanelle na nanonood lamang sa screen ng ipad niya kung saan andun ang camera.

Sinilip ni Jam si Chihoon na nagpaplantsa. He wets his lips saka nilapitan ang lalake. Binaba niya ang coat niyang kulay yellow saka iniyakap niya ang binti sa dingding ng kusina na parang nagse-sexy dancing. "Oppa!" aniya na pinalambing ang boses. Hinaplos haplos niya pa ang nakataas na binti hanggang sa may legs niya.

Tinignan naman siya ni Chihoon na nagtataka. Saka binalik sa pinaplantsa ang tingin.

Lumapit si Jam sa may sofa at nahiga sa taaas nun saka tinaas ng bahagya ang kanyang shorts upang Makita ang legs niya. tinaas niya ang binti saka kumagat labi. "Oppa!"

Tinignan na naman siya ni Chihoon nang nagtataka.

"Oppa!" ulit ni Jam na nakangiti ng nakakaakit. Nakataas parin ang mga binti habang hinahaplos haplos niya ito. He even gave him Chihoon a flying kiss.

Di parin siya pinapansin ni Chihoon. Tumayo na si Jam at lumapit ng husto kay Chihoon. "Kuya Chihoon, ito ba ang isusuot mo bukas?" aniya sa malabing paring boses. "Gusto mo bang si Jam ang magplantsa para sayo?" aniya na hinawakan ang kamay ni Chihoon hanggang sa braso niya.

Chihoon slightly bends his body away from him dahil sa nakadidiri niyang ginagawa sakanya. "S-sure," aniya na lang at binigay ang plantsa kay Jam.

Sinadya namang ilagay ni Jam ang daliri sa ilalim ng plantsa.  "Aiyah!" aniya at tinapon ang plantsa na nasalo naman ni Chihoon.

"What's wrong?" ani Chihoon na nilapitan si Jam.

Nilagay ni Jam ang daliri sa bunganga niya. "Kuya Chihoon, napaso ako," aniya saka nilabas ang daliri sa bunganga at pinakita ito sa lalake. Nakakunot na ang noo ni Chihoon sa inaasta ni Jam. "Kuya, ang sakit sakit na," aniya na nilapit pa ang katawan kay Chihoon na pilit namang lumlayo.

"I'll disinfect it for you," ani Chihoon saka inalalayan si Jam papuntang banyo kung saan wala ng camera.

"He's going to disinfect it?" ani Shanelle sa malalaking mga mata. Ini-imagine na niya ang gagawin ni Chihoon upang I disinfect yun kaya bigla siyang napatayo. Tumakbo siya papuntang sala pero wala sila dun. "Monster Chi? Jam?" tawag niya pero walang sumasagot. "Monster Chi! Jammier Yu!" aniya ulit sa mas malakas na boses.

"Shanshan! Nandito ako!" narinig ni Shanelle na sigaw ni Jam.

Hinanap niya ang pinanggagalingan ng boses at narinig niyang sa banyo yun. "Th-the two of you...you shameless people!" aniya saka malakas na binuksan ang pintuan. Nilinga niya ang paligid pero tanging si Jam lang ang Nakita niya sa loob. "Nasan si Monster Chi?" tanong niya dito.

Pinakita niya ang daliri. "Nag performance siya ng first aid sakin saka lumabas siya upang bumili ng gamot," ani Jam na nakangiwi.

Nakahinga naman ng maluwag si Shanelle. "So, Monster Chi isn't into guys," aniya na malawak na naman ang ngiti.

"Shanshan, para lang Makita ang reaksiyon niya kanina, talagang napaso ang daliri ko," sabi ni Jam as he blows his hand. "Kaya yung sweldo ko..."

Biglang tumalikod si Shanelle sakanya na parang walang narinig. Sumunod naman si Jam dito. "Shanshan...y-yung sweldo ko..."

"Ano namang tungkol sa sweldo mo?" maang na tanong ng babae. "Di ba nga gustong-gusto mo naman ang ginawa mo kanina?"

"I---"

"What's more, Monster Chi wasn't into you because of your looks," ani Shanelle saka nakangiting iniwan ang lalake.

Jam just pouted.

__________

Kinaumagahan, pinaghanda ni Shanelle ng breakfast si Chihoon. Ngiting-ngiti siya na nakatingin sa lalake habang nakaupo ito. "Chihoon, this...is the breakfast I carefully prepared for you," aniya. "Lahat ng ito ay paborito mo." She sat down saka nag beautiful eyes dito.

Nagtataka namang tinignan ni Chihoon si Shanelle saka kinuha ang baso ng juice na ginawa ng babae. She drinks it saka tinignan ulit ito.

"Don't praise me as virtuous. This should be something every woman does," sambit ni Shanelle na hinawakan ang leeg na parang napaka inosente. "Yes, you didn't see it incorrectly. A goddess is also an ordinary woman who hopes to have a man to love and pamper her and to hold her like a treasure. Iniisip mo siguro na isa akong babae na sobrang superior kaya nilalayo mo ang loob mo sakin. A goddess should be worshiped at the altar. Do you understand?" aniya pa.

Ininom lahat ni Chihoon ang laman ng baso na juice saka tumingin sa babae. "Shanelle Park, what are you trying to say?"

Shanelle blinks her eyes saka napabuga ng hangin. Pinalo niya ng mahina ang table saka tinignan ang lalake. "ayaw mo sa magagandang babae, ayaw mo din sa mga lalake. And it isn't because I am a goddess, which should make you feel stressed, which allows you to back down. E di bakit ayaw mo sakin? do I really have no appeal?"

Huminga ng malalim si Chihoon. "Shanelle, I think you have a lot of charm. A lot of people may like what you have. But I'm used to seeing it. Im used to living alone."

Hinawakan ni Shanelle ang ulo. "Di mo na kailangang sabihin yan. Naiintindihan ko. You're trying to say that you walked the seas and mountains alone. And that you were busy watching the clouds at the mountain or wherever you lived. Then sorry, its because I drew you and bothered you," she said saka napabuga ng hangin at tumingin sa ibang direksiyon.

Tumayo na nga si Chihoon at iniwan siya. Inisang lagok naman ni Shanelle ang juice na nasa harapan. "Shanelle Park, wake up!"

________________________________________

Sinundo ni Justin si Riza that afternoon for the evening event they organized. He smiled at her as she walks to where he is saka pinauna niyang pinapasok ito sa backseat. Saka siya umupo sa tabi nito.

"You will definitely be the most beautiful woman at the party," sambit ni Justin dito habang nag drive na ang driver nila.

Ngumiti si Riza na di ito nilingon. "Don't say that. Miss Shanelle Park will freak out. She's self-proclaimed as the number 1 beauty. Wait, madami ka bang oras? You dont have to come pick me up yourself."

"I'm here to give my abject apology," ani Justin na nilingon ang babae. "Talaga lang na nagalit ako about the matter last time. But I really can't be that angry at you."

"No, what you said is right. Ako ang unang lumabag sa agreement. I was at fault. May Karapatan kang magalit sakin," sambit ni Riza na bahagyang nilingon ito.

"So, can we shake hands and apologize?" ani Justin na nilahad ang kamay.

"Of course. I gladly accept," nakangiting sambit ni Riza na tinanggap ang kamay ni Justin.

At the party, a lot of socialites attend. Aside from the students and the performers, yung mga matataas na miyembro ng soociedad ay nandun, kabilang na ang media.

Shanelle and Chihoon entered the red carpet also. Shanelle waves her hand habang nakaangkla ang isang kamay sa braso ng lalake. Nakita siya ng ilan sakanyang mga kaklase and they were mesmerized by her beauty and also because she had a guy beside her.

Talaga namang naka move-on na ang media at ang mga tao sa naging relasyon niya kay Gabrielle Lee simula din noong umalis na ang lalake sa Touch5 at piniling maging ordinaryong pulis.

Shanelle posed at the photobooth area as the cameramen took photos of her. Pagkatapos niya dun, hinabol niya si Chihoon na iniwan siya habang nagpapa-picture. She hugs his arm. "Don't wander around," aniya dito. "Everyone has a designated seat. Were supposed to be together."

"Shanshan!" tawag ni Riza sakanya pagkakita niya dito. "Woah, napakaganda mo naman ngayon," nakangiting sambit ng babae.

"Miss Riza, you're even more beautiful today," sabit ni Chihoon kay Riza.

"Mr. Chu, Miss Park, hello," ani Justin na lumapit na din sakanila.

"Hello Mr. Hubert," nakangiting sambit ni Shanelle dito. "Thank you so much for offering such a big event to our students here at DHA. My dad and I are very thankful."

Ngumiti lang si Justin. "Feel free to enjoy yourselves tonight," aniya sa dalawa.

Dahil na din sa madaming bisita, iniwan na ni Riza at Justin ang dalawa.

_______________________

"Ladies and gentlemen, our next performer the daughter if Dream High Academys Chairman, Miss Shanelle Park!" masiglang pagpapakilala ng emcee kay Shanelle.

Masigabong palakpakaan ang maririnig sa buong hall as she went outside wearing her beautiful smile. "Thank you everyone! I would like to offer this performance to all of you," aniya saka nagsimula nang sumayaw through EXOs song Love Shot.

Binigay lahat ni Shanelle ang makakaya niya because its her dream to be on stage before. Now that she is on the stage dancing, she can feel that her dream came true. Tinignan niya si Chihoon mula sa audience na nakatingin din sakanya. Maybe you are my dream that will never come true.

With her smooth body moves and feels, nabigyang katarungan niya ang kanta at madaming tao ang napahanga niya. Chihoon who is watching from the audience smiled at her performance. Even though darating ang araw na mawawala ako, you can still be fine. You are lovely Shanelle. And you deserve every happiness in the world.

Pagkatapos ng performance niya, nagpunta sina Shanelle at Chihoon upang kumain. Nilingon ni Shanelle si Chihoon na nilagyan ng pagkain ang plato niya. "Oy, di ba youre unable to digest solid food?" tanong niya dito.

"Kailangan kong umarteng normal na tao para di ako paghinalaan," sagot ni Chihoon dito. "Later, I'll find a place to spit it out and I'll be fine."

Ngumiti si Shanelle. "Good thing you aren't a giraffe." Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Chihoon. "People who waste food will be a toilet in their next life," aniya pa.

"Anong pinag-uusapan niyo?" nakangiting sambit ni Riza na nakalapit na pala sakanila.

"Holding such a creative banquet will allow people to care about these students emotional growth," sambit ni Chihoon sakanya.

Tumango si Riza na nakangiti. "Justin is pretty good at philanthropy work."

"So, nagbago na ba ang isip mo?" birong sambit ni Shanelle sa kaibigan.

"Really? E di ibibigay mo na din ba si Chihoon sakin?" biro ding balik ni Riza dito.

Bigla namang niyakap ni Shanelle ang braso ni Chihoon. "Absolutely not!"

Riza chuckled. "By the way, anong dinala mo para sa auction?"

"It's a secret. Makikita mo mamaya and have your eyes brightened," nakangiting sambit ni Shanelle.

Nakangiti naman si Justin na pinapanood ang tatlong nag-uusap. Bigla naman niyang Nakita si Professor Lee kaya pinuntahan niya ito. "Professor Lee! Its an honor to meet you," sambit niya dito at nakipag toast. "Naalala ko na ang una nating pagkikita ay sa medical school. You are the best medical professor. Thank you for coming to this party."

Professor Lee bowed a bit. "I came in place of our hospital director. Nagpunta siya sa isang meeting so he couldnt make it. So I---"

"Don't worry, dont worry. His reasons are not important. I'm really thankful," sambit ni Justin na nakangiti. "Please excuse me. Kung may mga problema ka in the future, you can just call me," aniya saka iniwan na ito.

___________

"Ladies and gentlemen the auction is starting now," Justin announced. Umupo na nga ang mga taong natira for the auction kasama na dun sina Shanelle, Chihoon at Riza. "Good evening everyone. Welcome! Its an honor to have you all here to attend our Hubert Corp's special charity evening banquet. Tonight, all proceeds from the auction will be donated to the students of Dream High Academy who are in need of help in their studies." The people clapped their hands. "So, I've decided to host this nights auction event. We will now start the auction. I will announce the first product."

May babaeng nag-abot kay Justin ng first product nila. "The first product is a jade bracelet. The auctioneer is Miss Rizalane Kim." Tumayo si Riza at ngumiti sa mga taong nandun. "This is a jade bracelet that Rizalane wore when she won the best actress award for the first time. It's a very special jade. Its said that this bracelet has the same inscription as the one wore by Empress Dowager Cixi. So, whoever wins the auction should be very lucky. The auction starts now. The starting bid is $500,000. Every raise cant be less than $50,000. The bidding starts now."

A man raised his bid. "$800,000." Napalaki ang mata ni Shanelle sa narinig. A woman aso raised her bid. "One million!" Mas lumaki na naman ang mat ani Shanelle. "One million, anyone? Going once, going twice." A man raised his bid. "1.5 million. Going once. Going twice. Sold!"

"Kung alam ko lang, dinala ko din sana ang ancient artifact," bulong ni Shanelle kay Chihoon.

"What did you end up bringing?" tanong ng lalake dito.

Sumimangot siya. "Don't ask." Marahas niyang nilingon ang lalake. "Kung walang may gusto sa I o-auction ko, you have to buy it, okay?" Malungkot na sambit niya. "Okay? It's not like you dont have the money."

"Di naman problema sa pera to," sagot ni Chihoon. "The problem is that people might think I have a bad taste."

"Benevolence is the most important here. Please...please I won't ever force you to eat cake again." pagmamakaawa ni Shanelle dito. "Please, I'm begging you. Help me out."

Nangingiti na lamang si Chihoon sa babae. "Not unless you promise me one thing," anito.