Chereads / Animated Love / Chapter 39 - Chapter 38

Chapter 39 - Chapter 38

Madaling araw na ay gising pa si Chihoon dahil wala pang umuuwing Shanelle. Tinignan niya ang phone at nakitang alas 3 na ng madaling araw. Malakas na pinatong niya ang cellphone sa table.

___________

Kasalukuyan namang nasa isang hotel si Shanelle at dun sila natulog ni Jam pagkauwi sa Japan. Galaw siya ng galaw sa kama dahil sa di makuhang tulog kaya napaupo na naman siya. Kinuha niya ang cellphone at nakitang mag-aalas singko na. Dahil ba sa napadami ako ng inom ng kape?

__________

Chihoon spent the morning alone. He prepared breakfast thinking na uuwi si Shanelle pero walang umuwi magdamag. Dinama na naman niya ang dibdib. "Normal naman ang heartbeat ko. Walang nangyari sakanya. No need to worry Chihoon," pagkausap niya sa sarili. "Pero saan siya nagpunta?"

_________

At the police station.

"Jackson," tawag ni Gab sakanya. "The evidence for this case is good. You can turn it on," aniya at binigay ang isang folder sakanya. "Not bad. Dapat ka ng maisali sa promotion list ngayong taon."

"Nah, syempre sayo ako nagmana. Madami akong natutunan sayo kahit na mas nauna akong naging pulis sayo," sagot naman ni Jackson sakanya.

"Stop being such a smooth talker," natatawang sambit ni Gab dito. "Madami tayong natagpuang ebidensiya laban dun sa contract killer, pero wala tayong mahanap na ebidensiya dun sa car chase ni Shanelle at Mr. Hubert. Sigurado ka bang chineck mo na lahat?"

Tumango si Jackson. "oo. Nahalughog namin lahat ng nasa loob ng bahay."

"Di kaya may ibang taong pumunta dun bago tayo nagpunta at kinuha ang ebidensiya?" napapaisip na tanong ni Gab.

"Hindi rin. Kasi nung nagpunta tayo naka lock ang pinto from the inside," sagot ni Jackson dito. "This person might have OCD. He probably didn't finish up his work, so he didn't take anything for souvenirs."

Tumango si Gab. "Siya nga pala, may balita na ba dun sa mga nakuha nating bagay dun?"

Umiling si Jackson. "Wala eh. Sinabihan ko na ang ilang tao ko to look into it, but nothing came up. Baka di nila kailangan ng pera. Pero kung di nila kailangan ng pera, bakit sila nagnakaw?"

"Something's not right. Yung pagnanakaw ng suspect ay mukhang distraction lang. The mess created was just to hide what was really lost," ani Gab. "Jackson, kunin mo ulit yung number ng kapatid ng biktima."

_________

"Shanshan, di ka ba nakatulog kagabi?" tanong ni Jam kay Shanelle nang Makita niya itong nakapikit ang mata na nakaupo sa sofa.

Nagmulat naman ng mata ang babae. "Okay lang ako."

Umupo si Jam sa harap niya. "Di ba talaga natin tatawagan si Kuya Chihoon sa kung nasaan tayo?"

"No," direktang sagot ni Shanelle na nakapikit na naman ang mata.

Lihim na nilabas ni Jam ang phone pero napansin iyon ni Shanelle. "I said No!"

Napangiti nalang si Jam saka binuksa ulit ang phone. Sakto namang nag ring ang phone niya. tinignan ito ni Jam. "Shanshan, tumatawag si Kuya Chihoon. Gusto mo bang ikaw ang sumagot?"

Kinuha ni Shanelle ang phone saka pinatay ito then she gives it again to him. "take it away."

"Shanshan, di ka pwedeng magkaganito," seryosong sambit ni Jam sakanya. "Sagutin na natin ang tawag ni Kuya Chihoon. Baka nag-aalala na iyon."

Tumayo si Shanelle at seryoso siyang tinignan. "Jammier Yu. Please understand this. Una, ikaw ay assistant ni Shanelle Park. Pangalawa, nakikitira lang siya sa bahay ko. Hindi ko kailangang sabihin sakanya lahat ng ginagawa ko. Naiintindihan mo ba?"

__________

Chihoon is busy browsing the net to look for the activities of Shanelle. He searched for Shanelle's social media account. At dun nalaman niya na nasa ibang bansa ito. Marahas niyang sinara ang laptop.

Sumakay naman na sina Jam at Shanelle sa taxi pauwi. "Driver, sa airport po," sambit ni Jam pagkasakay nila.

"Shanshan, makakauwi na din tayo sa wakas," sambit pa ni Jam na nilingon ang babaeng nakapikit sa tabi niya.

"Pagkababa ng eroplano, may iba pa ba tayong schedule?" tanong ni Shanelle dito.

"Shanshan, di ka na nga nakapagahinga ng Mabuti kahapon. Hikab ka nga ng hikab sa event kahapon."

Tinignan siya ni Shanelle. "Meron ba o wala?"

"Wala," diretsong sagot ng lalake sakanya.

"Then, lets go shopping pagdating natin."

Napapabuga ng hangin si Jam sa mga inaasta ng kaibigan.

____________

"Table, wardrobe, bed, I want it all," sambit ni Shanelle sa saleslady. Dumiretso kasi sila sa isang furniture center pagkauwi. Turo lang ng turo ang babae sa mga nandun.

"Shanshan bakit mo binibili ang mga yun?" sunod lang naman ng sunod si Jam sakanya.

"I don't care. I want also this bed," turo na naman niya sa iang bed. "This, this one, and the white one," aniya pagkarating sa clothing section. "Those shoes, that green one, that one with flowers. That bag, this," turo lang siya ng turo.

___________

Sa kabilang dako nasa isang bodyguard company naman si Chihoon. Balak niya kasing mag hire ng bodyguard para kay Shanelle para pag umalis na siya malalayo siya sa kapahamakan.

"Mr. Chu, they have healthy souls, agile techniques, and incredible strength," pagpapakilala ng manager sa mga nakahilera niyang mga bodyguards for hire. "They are our company's bodyguards. Take a look. Sino sakanila ang nagugustuhan mo?"

Tumayo si Chihoon saka lumapit sa unang bodyguard. "Too short," aniya saka lumipat sa ikalaw. "Too tall," lumipat naman siya sa ikatlo. "Too skinny," lumipat naman siya sa ikaapat. "Too... ugly," lumipat naman siya sa ikalima at pinakahuli.

"Mister Chu. Siya ang pinaka magaling sakanilang lahat. Madaming mga babae ang nag hire na sakaniya noon. His rating is 5 stars," sambit ng manager.

Tinignan siya ni Chihoon saka umiling. "Forget it. I don't like his blood type," saka tumalikod na.

"Sa tingin ko di ka nandito para mag hire ng bodyguard. You are here to mess around," pahabol na sambit ng manager.

Lumapit silang lahat sakanya upang gulpihin and they all ended up get beaten up.

__________

"jam," tawag ni Shanelle nang nasa sasakyan na sila. "Di ba nanalo ako noon ng 1st place sa otaku popularity?"

"Yep. Ang layo ng agwat ng popularity mo kesa sa 2nd place."

"Ibig bang sabihin hundreds and thousands of men were worshipping me?"

"Oo, kung isasali mo yung mga perverts magiging million na."

Napaayos ng upo si Shanelle. "E di meron bang lalake na hindi magkakagusto sakin?"

"Syempre wala, maliban nalang kung lalake din ang gusto niya."

Napangiti si Shanelle sa narinig. "Then, Jam, are you willing to marry me?"

Biglang napapreno si Jam sa narinig kaya napahiga si Shanelle sa upuan.

Nakaawang ang bunganga ni Jam na tinignan si Shanelle mula sa salamin ng kotse. "Shanshan, nag-away ba kayo ni Kuya Chihoon? Di ba sabi mo na di mo seseryosohin ang relasyon niyong dalawa? You being like this...Jam will be sad."

Lumaki ang mga mata ni Shanelle dahil sa diretsong English niya na tama ang grammar. "Jamjam, anong nangyari sa English mo? Bat naging okay na?"

"Napanod ko lang yun sa TV kahapon. Kinabisado ko lang," sambit ni Jam na nakapagpangiwi kay Shanelle. "Mukha kasing brokenheartedness ka eh. Nagtatrabaho ka ng sobra, nagsa shopping ka ng sobra, umiinom ka ng sobra---"

"Shut up! I am heartbroken. Tara inom tayo Jammier."

__________

"Shanshan, uwi na tayo," sambit ni Jam sa babaeng kanina pa walang tigil sa kakainom. Ngumiti ang babae sakanya na halatang lasing na. "Shanshan, okay ka lang ba?"

"jamjam, ikaw lang ang mabait sakin," she said na pupungay pungay na ang mata. "Ang pangit ng ugali ko pero di mo ako iniiwan," aniya na hinawakan pa ang kamay ni Jam.

"he he," ngiting alanganin ni Jam saka unti-unting tinanggal ang kamay sa pagkakahawak ng babae. "Wag ka ng malungkot Shan. Kaibigan mo ako at ako ang number 1 fan mo. Andito lang ako palagi sa tabi mo."

"I'm not heartbroken. I'm happy," sambit ni Shanelle. "Go. Request the song The Skies Are Pink After a Breakup!"

Napaisip bigla si Jam. "W-wala namang ganong kanta Shan."

Pinalo ni Shanelle ang table kaya nagulat si Jam. "Stop saying nonsense! My sky is pink! Hurry up! Go!"

Napilitan namang tumayo si Jam. Pagkatalikod niya, natumba na ang ulo ni Shanelle sa table. Nag decide na si Jam na tawagan si Chihoon.

"Kuya Chihoon! Tulungan mo ako!" sambit niya pagkasagot ni Chihoon sa tawag.

_________

Pagkapasok ni Chihoon sa bar, luminga siya sa paligid. Pinagtitinginan naman siya ng mga babaeng nandun na hangang hanga sa angkin niyang kakisigan.

"Kuya Chihoon!" tawag ni Jam sakanya pagkakita dito.

Lumapit si Chihoon sa kinaroroonan nila at Nakita si Shanelle na nakatulog na sa table dahil sa kalasingan.

"Kuya, wag kang magalit," sambit ni Jam dito.

Lumapit si Chihoon kay Shanelle at inayos ang buhok nito saka binuhat.

________

"Monster Chi..." mahinang sambit ni Shanelle na ngumingiti habang natutulog. Nandun na kasi sila sa sasakyan pauwi.

Nilingon ni Jam ang babae na nasa backseat. Si Chihoon na kasi ang nag drive kaya siya na ang naupo sa shotgun seat. "Mabuti na lang dumating ka Kuya. Kundi diko na alam pano ko iuuwi si Shanshan," sambit ni Jam. "Di ko talaga maintindihan. Bakit ba kayo nag-away? Kahit naman may ginawa si Shanshan na mali, dapat pinagbigyan mo na lamang siya. Tutal isandaang taong gulang ka naman na."

Chihoon looks at Shanelle at the backseat through the mirror. Naalala niya yung sinabi niya nung nakaraan. Nung tinanong niya kung gusto niya ito. Naalala niya kung pano niya nasaktan ito sa mga sinabi niya. Naalala niya kung pano tumulo ang luha niya dahil sakanya. But I don't have choice but to do it. For her safety. And I will leave her...very soon.

___________

Pumasok si Chihoon sa kwarto ni Shanelle upang dalhan ito ng tubig pero Nakita niyang wala ito sa kwarto niya. He went to the garden at Nakita niyang andun ito at nakaupo sa reclining chair. Pinatong niya ang baso ng tubig sa table and he bends down to look at her. Nakapikit ito.

Unti-unti namang nagmulat ng mata si Shanelle ng maramdaman ang presensiya ni Chihoon pero pumikit din ito. "Monster Chi bat di ka pa umaalis?" sambit niya sa mahinang boses. "Tama ka. You've already lived for one hundred years, madami ka ng nakitang iba't ibang klaseng babae. Bakit ka naman magkaka interes sakin? A goddess like me is stingy, and has a bad taste, also likes to curse. Nakipag date na ako for about seven to eight times. None of them resulted to anything good. Isa ka din sakanila. I was born unlucky anyway, you can just leave without worries. Hide in the deep forest. Don't let others find you. Stay for a few decades. Ah, thats not right. If Im fortunate, perhaps, after a few years, I will die from my bad luck. I will totally be broken off from you."

Bubuhatin sana siya ni Chihoon dahil sa sobrang kalasingan nito nang maramdamang parang mainit ang balat niya. dinama niya ang noo nito. "Stop talking nonsense. May lagnat ka." Bubuhatin niya sana ulit ito nang magsalita na naman ang babae.

"Monster Chi. Women these days are just useless. They won't turn back unless they will hit the wall. Clearly, other people won't care at all, but they still suffer." Nanatili lang nakapikit si Shanelle at nagsasalita lang na tinuturo ang lalake kahit di niya nakikita. "Monster Chi...bakit di ka pa umaalis? Di na kita kailangan. You've seen enough." Ngumiti ng mapakla ang babae.

Pumikit ng bahagya ang lalake saka nilapit ang mukha sa nakapikit na babae and kissed her.

"Mmm!" pumalag ang babae pero hinawakan ni Chihoon ang kamay niya. Naramdaman nalang ni Shanelle ang pagdaloy ng dugo ng lalake sa lalamunan niya.

She tried to push him pero di niya nagawa. Pinagsalop ni Chihoon ang kanilang kamay as he kissed her passionately. Not just to heal her. But to at least express how special she is in his heart.