Chereads / Animated Love / Chapter 44 - Chapter 43

Chapter 44 - Chapter 43

"That...I dont know," sagot ni Troy kay Gab sa tanong niya. "We are just only receiving his money periodically every year. It's a money transfer from abroad."

Tumango ng bahagya si Gab. "I'll look into it. But if he intentionally hides..." Bigla namang nag-ring ang phone niya kaya sinagot niya muna ito. "Hello. Go ahead. Okay. I know. Withdraw," aniya saka binaba na ang tawag saka tumingin ulit kay Troy. "Nagpadala ako ng ilang tauhan sa bahay ni Professor Lee pero may nauna na daw nagpunta dun bago sila. Alam mo ba na may secret family lab sa bahay ng professor? Pagdating ng mga tauhan ko dun it was already burned down."

Umiling lang si Troy. "Destroying the evidence?"

"Bago mahanap yung monster, mas mabuti na di muna ito kumalat sa iba. Otherwise, either well be thought as lunatics, or well bring danger to that monster," sambit ni Gab.

"Gab, pwede na ba naming isunod ang parte na ito?" sambit ng isang kasamahan ni Gab na pulis na pumasok na sa office ng professor.

"Sige," sagot ni Gab

__________

Shanelle was currently lying down at Chihoons chest. Nilingon niya ng bahagya ang mukha ng lalake na nagbabasa ng libro saka napangiti. She was still at the hospital after what happened to them.

"Nagugutom ka ba?" tanong ni Chihoon dito.

Umiling lang si Shanelle at mas siniksik pa ang mukha sa dibdib ng lalake. "Di ako nagugutom."

"Ikukuha kita ng pagkain," sambit ni Chihoon saka tatanggalin sana ang mga braso niyang nakapulupot sakanya pero mas hinigpitan ni Shanelle ang paghawak dun.

"Don't..." sambit ng babae na nakapikit.

Napangiti si Chihoon. "Pag di ka kakain, baka magkasakit ka pa."

Shanelle pouts saka nilingon ulit ang mukha ng lalake. "Then will you still let me hug you like this later?"

Nag-isip muna si Chihoon saka unti-unting tumango na nagpangiti sa dalaga.

Binilhan nga ni Chihoon si Shanelle ng porridge and he is currently feeding her like a baby. He blows it a bit saka sinubo ang kutsara sa bunganga ng babae na di tinatanggal ang pagkakatitig sakanya.

Nakatitig lang si Shanelle sa lalake habang sumasandok ito ng isinusubo sakanya. "Would you fulfill any request I ask of you right now?" tanong ng babae.

"Meron pa bang mas strange kang iuutos sakin maliban sa pagsubo ko sayo?" tanong ni Chihoon dito.

Ngumiti lang ang babae saka nag-isip.

After a while, nakababad na ang mga paa nila sa batya ng mainit na tubig. Yun kasi ang request ni Shanelle dito. Shanelle is hugging Chihoons arms while letting her feet play in the water together with Chihoons feet. "Woah...so comfortable. First time ko tong maranasan after coming back to life from that winter cold room," ani Shanelle habang nakatitig sa mukha ni Chihoon. Napangiti naman si Chihoon dito. "Monster Chi, napaka gentle mo ngayon."

"Sobra ba akong masungit dati?" tanong ni Chihoon na nakatingin din sa babae.

"No. I just feel that your entire body is glowing right now," sagot ng babae dito na di inaalis ang tingin sa mukha ng lalake.

Chihoon waves his hand in front of Shanelles face. Kinuha naman ni Shanelle ang kamay ng lalake at hinawakan.

"Are you frozen to dumbness?" tanong ng lalake.

"Monster Chi...I'm saying the truth," Shanelle said not removing her eyes off him. "I think I like you even more." She leaned her head on his shoulders saka ngumiti ng malapad.

Tinanggal naman ni Chihoon ang kamay niya na hawak hawak ni Shanelle. "Im...going to add more hot water," bigkas niya saka tumayo at kinuha ang batya ng tubig. Nakahinga naman siya ng maluwag ng wala na siya sa room. Umiling-iling siya saka nangingiting umalis.

Nakangiti lang naman si Shanelle na pinapanood siya sa pag-alis. Kinuha niya ang phone saka tinawagan si Riza. "Surviving a disaster means something good will come soon. Rizalane Kim, I'm awake," masayang balita niya sa kaibigan.

___________

Boss pushed Professor Lee on the ground after he gets him from the hands of the police. "Alam mo ba na muntik mo ng sirain ang mga plano ko?!" galit na sambit niya.

Gumagapang naman palikod si Professor Lee na takot na takot habang naglalakad palapit sakanya ang Boss.

"Binalaan na kita na wag kang gumawa ng mga bagay na di ko iniuutos pero di ka nakinig sakin!" sambit pa ng Boss sakanya.

"No...N-no.." Professor pleaded.

"Dahil ba matanda ka na di na rin gumagana ang memorya mo?! Do you want me to remind you?" Pinakita ni Detective Lopez ang pagtanggal sa isang daliri ng kanyang ex-wife.

Umiling-iling naman ang professor saka niyakap ang paa ng Boss.

"Next time, di nalang daliri ang tatanggalin ko."

"P-patawarin mo ako. Nagmamakaawa ako," iyak na pagmamakaawa ng professor habang nakayakap sa paa ng Boss. "Wag mong saktan ang pamilia ko. Nagmamakaawa ako... Annie is very sick. Ayokong may mangyaring masama sakanya. Kaya ginawa ko yun kay Prince Chihoon. Naisip ko na pag nakuha ko siya I could solve all problems. Nagmamakaawa ako. Wag ang pamilya ko."

"A lot of people died because they were too presumptuous," tinanggal niya ang paa sa pagkakahawak ng professor. "You are a biology teacher. What you do is research. Not to be a killer. Meron kaming kumpleto sa kagamitan na research lab dito. Bibigyan kita ulit ng blood sample ng halimaw. Don't go anywhere and just think of a way to kill the monster completely. Dont test my limits. Or else I will send all your family members to heaven to reunite."

_____________

Nakahiga na naman si Shanelle sa dibdib ni Chihoon habang nakayakap din ang lalake sa mga balikat niya. Napapaisip naman si Chihoon. Is he trying to test me by always doing something to Shanelle? Or is he trying to find out more of my weaknesses? Tinignan niya ang nakapikit na babae sa dibdib niya. He gently caresses her hair. Napangiti siya habang tinitignan ang napaka inosente nitong mukha. You are indeed my weakness Shanelle.

Kinabukasan, busy si Shanelle sa pagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng yoghurt nang pumasok si Chihoon. Napatingin naman si Shanelle ng umupo ang lalake sa bed.

"SInabi ko na sa dad mo na di na niya kailangang agahan ang pag-uwi galing sa business trip niya," sambit ni Chihoon.

"Mabuti naman. At ng makapag-enjoy pa siya dun ng mas matagal. Kundi makakarinig na naman ako ng panenermon galing sakanya," sagot naman ni Shanelle na napabusangot ang mukha.

Chihoon smiles. "He is just worried for you. Mamayang hapon may check-up ka pa. There shouldn't be any problem. Pupunta lang ako sa presinto saka kita sasamahan pauwi."

Para namang masunuring bata na tumango si Shanelle. "Okay. Makikinig ako sa lahat ng sabihin mo."

___________

"Mr. Chu, tignan mo itong policy to see if there's wrong," sambit ni Charm kay Chihoon saka iniabot ang isang folder sakanya na naglalaman ng kanyang statement. "Kung wala namang problema, then youll just need to sign your name at the bottom right hand corner."

Kinuha naman ni Chihoon yun at binasa saka pinirmahan saka binalik ito sa babae.

"Thank you very much for your cooperation, Mr. Chu," sambit pa ni Charm.

"Para naman ito sa kaligtasan ni Shanelle. Sana din mahuli na ninyo ang suspect," nakangiti namang sagot ni Chihoon dito.

"Don't worry. We will do our best."

"Kung meron pang problema, just contact me anytime," Chihoon said saka lumabas na sa presinto. Sakto namang dumating ang sasakyan ni Gab kaya napatingin siya dito.

Lumabas si Gab sa sasakyan niya at hinarap si Chihoon. "Can I invite you to a cup of tea?"

____________

Nagpunta nga ang dalawa sa isang teashop. "Kung tungkol ito sa kaso, you can just go back and check the testimony I gave," sambit ni Chihoon.

"Mr. Chu, dont you think its strange? First being tailgated, then arson occurred. At ngayon naman ay kidnapping," ani Gab. "Ang dami ng nangyayari kay Shanelle that is very worrisome. Also, the #56 Villa murder case, youre not completely exempted from being a suspect either. Is it also related to Shanelle?"

"Kayong mga pulis ang dapat mag-iimbestiga kung related ba ito o hindi," seryoso namang sagot ni Chihoon. "I"m very thankful this time dahil sa pagmamadali mong iligtas si Shanelle at ako. But I'm sorry that I cannot answer your question."

Napangiti si Gab. "I'm not asking you this dahil gusto ko ng kasagutan galing sayo. Kung meron ka mang dapat sabihin sinabi mo na sana yun noon pa. Inaamin ko. I was a bit biased against you. Natatakot kasi ako na masaktan si Shanelle. But after I opened the refrigerator room, and saw Shanelle in your arms, protecting her with your lifeI knew then that I was wrong. You...love Shanelle, right?"

Unti-unting tumango si Chihoon. "Of course."

"Shanelle and me grew up together. Para nga akong tauhan niya eh," napangiti si Gab habang inaalala ang nakaraan nila ni Shanelle. "We played house when we were little, and I played the role of the police. Sabi niya na gustung-gusto niya ang mga pulis nun, because they were upright and allowed others to feel safe. Chairman Park always wanted her to be a celebrity dahil nga sa ang business nila ay isang talent company. My mom always wanted me to be a celebrity too, but my dad is against it dahil gusto niyang mag pulis ako. In the end, we both chose what we like. Not what our parents like for us."

"You are a very upright police officer," sambit naman ni Chihoon.

"Thank you. Pero di ko ito sinasabi sayo bilang isang police officer, but as Shanelles friend, or you can say, her follower. I can tell, Shanelle relies on you a lot." Pinagsalop niya ang dalawang kamay saka tumingin ng seryoso sa lalake. "Prince Chihoon, wala akong pakialam kung ilang sikreto man meron ka, I just hope that no matter what happens, you are able to firmly protect Shanelle and stay by her side, and give a sense of security, not letting her get hurt. Can you do that?"

__________

Shanelle and Chihoon is currently inside the car while theyre on their way home. "Ano namang sinagot mo kay Gab?" tanong ni Shanelle nang ikwento ni Chihoon ang nangyari dito.

"I told him to mind his business," sambit ni Chihoon na bahagya siyang nilingon.

"How can you kill off the little follower's earnest hope like that?" Shanelle said pouting.

"He is not a little follower; he is your ex-boyfriend."

"You're jealous," malapad ang pagkakangiting sambit ni Shanelle. "You're lying. You must have definitely patted your chest, ahem, ahem, 'I don't need you to worry. I will protect my woman'," aniya saka tumawa.

Chihoon chuckled as well saka nilingon ang tumatawang babae.

"Monster Chi..."

"Hmm?" sagot ni Chihoon na sa daan na ang tingin.

"Naisip mo ba kung anong mangyayari kung sakaling hindi dumating ang mga pulis agad tapos mamamatay nalang tayo dun sa lamig?" tanong ni Shanelle na nakatingin sakanya.

Bahagyang nilingon ni Chihoon ang babae saka binalik sa daan ang tingin. "Maybe only you would be frozen to death. I wouldn't."

Shanelle scoffed. "Yeah. Yeah. You are Mr. Strong. Geez. Kahit mamatay ako, I will be resurrected once I am thawed out," she said and rolls her eyes.

"What you said is correct. Smart," sagot nalang ng lalake dito.

Shanelle slits her eyes. "At di ka ba talaga natatakot na bumalik sa pagiging dormant corpse at pagpiyestahan na naman sa museum?"

"Kung mangyari man yun, e di mag-aantay na naman ako ng isang unlucky na tao na magaling mag sketch na i-sketch ulit ang mukha ko," he said para mas inisin ang babae.

"At talagang sinabi mong unlucky ko? Hmp! Ungrateful being," aniya na sa harap na binaling ang tingin. Pero bigla din siyang napaisip at napatawa. "Pftt. Hahahaha!"

"Bakit ka tumatawa?" tanong ng lalake dito.

She cleared her throat saka nilingon ang lalake. "naisip ko kasi. Pano kung yung taong nag sketch sayo at bumuhay sayo gamit ang dugo niya ay hindi isang babaeng tulad ko, pero isag napakapangit na tao, tapos naaksidente din siya, ikikiss mo din ba siya?"

"E di naisip mo din ba kung yung dormant corpse na humalik sayo ay isang napakapangit na nilalang..."

Bigla namang napasimangot si Shanelle at parang bumaliktad ang sikura niya sa narinig.

"Monster Chi slow down! I'm getting carsick!"

_________

Kinagabihan, nakaupo si Shanelle at Chihoon sa sofa. Shanelle is holding her ipad at nagbabalat naman ng mansanas si Chihoon.

"Within half a year, four accidents... Sinasabi dito na ako daw ay isang real-life actress ng Final Destination," sambit ni Shanelle na binabasa ang mga balita ukol sakanya. Napangiti naman siya saka hinawakan ang baba ni Chihoon saka hinarap ito sakanya. "Di lang nila alam that Im raising a thousand-year-old monster, that can cure dead gods," aniya na malapad ang pagkakangiti.

Tinabig ni Chihoon ang kamay ng dalaga. "It's 100 years old. Don't make me sound that old. And I'm a human. Thank you."

Nahiga naman si Shanelle sa sofa saka hinawakan na naman ang ipad. Binigay naman ni Chihoon dito ang mansanas na natapos na niyang balatan. "Eat. Im leaving."

"To where?" seryosong sambit ni Shanelle.

"Going back home," sagot ni Chihoon na nakatayo na.

"Dito ang bahay mo," sambit ni Shanelle habang ngumunguya ng mansanas. "It can't be that you're going back to Jammier Yu's little ant hole. Nakalimutan ko palang sabihin sayo. Tinawagan ko na si jam na dalhin ang mga gamit mo dito. It should be the time..."

Bigla namang may nag doorbell. Ngumiti si Shanelle. "It's already here."

Napilitan namang buksan ni Chihoon ang pintuan at naiwan ang nangingiting dalaga.

Pumasok si Jam na akay-akay ang luggage ni Chihoon. "Kuya Chihoon, dinala ko na dito lahat ng gamit mo at ang iba mo pang kailangan," sambit ni Jam. "Alam kong sobra ang paghihirap mo sa bahay ko nitong mga nakaraang araw. Mula ngayon, enjoyment mo nalang ang tumira dito sa bahay ni Shanshan. Wag ka ng mag-alala," nakangiting sambit pa nito saka pinakita kay Shanelle ang nakasupot na Tupperware. "Shanshan, eto yung bento na ginawa ni Kuya Chihoon nung nakaraang araw. Talagang tinira ko ito para sayo. Kainin mo ito para mamaya."

Bigla namang napasimangot si Shanelle. Tumayo siya at ibinalik yun sa mga kamay ng lalae. "Ginawa ni Chihoon to para sayo. Dapat ibalik mo ito sa bahay mo para kainin."

Ibinalik din ni Jam ito sa kamay ng babae. "Shanshan, dinala ko na ito para sayo. Kaya tanggapin mo na."

"Hindi. Sobrang halaga nito kaya dapat kainin mo," sambit ni Shanelle at binalik na naman yun sa kamay ng lalake.

Nangingiti naman si Chihoon sa ginagawa ng dalawa. "Bakit kaya di nalang kayong dalawa ang kumain niyan? Gusto ko ding Makita kung gumaling na ako sa pagluluto."

Napalaki ang mga mata ng dalawa sa narinig at sabay na nilingon ang nakangiting lalake. Saka sila nagkatinginan na naman at napalunok ng laway.

___________

Troy is currently at the DHA field watching soccer practice that evening. He gets his phone at tinignan ang number ng Professor. Naalala na naman niya yung huli nilang pag-uusap. How he told him that it is for Annie. And that everything he does is for her. I should have detected sooner and tried everything to stop him.

___________

Pumasok si Shanelle sa kwarto niya na hawak hawak ang tiyan dahil sa pananakit nito. "Uckk ...That little prince of dark cuisine," aniya habang nakayuko na lumakad papuntang kama niya. humiga siya habang ngiwing ngiwi na minamasahe ang tiyan na sumasakit.

Bigla namang nag-ring ang phone niya. "Hello?" sagot niya sa tawag ni Troy.

"Kumusta ang pagpapagaling mo?"

"Okay na ako. Nasa bahay na at naghahanda na para magpahinga," sambit niya na nakangiwi.

"Gab said na wala naman daw masamang nangyari sayo kaya di na kita dinalaw pa sa ospital."

"Mas mabuting di ka na nagpunta dun. The rate I go to the hospital these days, I'm not really a good candidate for visits," sagot niya dito. "Siya nga pala nakalimutan kong mag thank you sayo. Sinabi ni Gab sakin na ikaw daw ang nakaisip ng password upang mapalabas kami ni Chihoon."

"I can only say it was luck. My teacher likes to use anniversaries as passcodes."

"Then in that case, kailangan ko siyang pasalamatan ganon?"

"You should know...Annie developed a severe illness. So my teacher has been constantly looking for that dormant body. This time, in kidnapping you, he must have forced into no other options to study you who have been saved by the monster."

Nilipat ni Shanelle ang phone sa kabilang tenga niya. "I don't accept any excuses in committing a crime."

"Shanelle di ako nakikipag usap sayo in behalf of him."

Naibaba nalang ni Shanelle ang phone dahil sa sadyang masakit na ang tiyan niya.

________

Kinabukasan, habang nag-aagahan, busy si Shanelle sa pagtipa sa phone niya habang si Chihoon ay nagbabasa ng libro habang umiinom ng gatas. Biglang umilaw ang phone ni Chihoon pero bago niya makuha yun ay napunta na ito sa kamay ng babae. "bat mo binabasa ang txt message ko?" tanong ng lalake dito.

"What is there that I can't see?" sagot naman ng babae.

"Give it to me," ani Chihoon na nilahad ang kamay.

"Tsk," tinaliman siya ng tingin ni Shanelle. "Stingy person. Ako ang nagsend ng message na iyon."

Ibinaba na nga ni Chihoon ang kamay kaya napangiti ang babae saka ipinakita ang phone sakanya. "Here. This is the cellphone wallpaper that this goddess specially took for you." Tinignan naman ni Chihoon yun at picture nga ni Shanelle ang nakalagay na wallpaper niya. "How is it? Kneel down and thank me!"

Kinuha ni Chihoon ang phone sakanya.

"Wag mong papalitan ah? ichecheck ko yan araw-araw," banta ni Shanelle dito. Napangiti naman ang babae ng binaba lang ni Chihoon ang phone at di pinakialaman ang nilagay niyang wallpaper.

___________

At the police station, Gab is coughing while looking at his screen.

Nakita naman siya ni Jackson kaya nilapitan siya nito. "Kelan ka pa nagkasipon?" tanong nya dito. "May gamot ako sa sipon. Gusto mo bang ikuha kita?"

Napangiti si Gab. "Okay lang ako. There's no need to. Siya nga pala, niresearch mo ba yung sinabi kong international mail na para sakin?"

"Yun nga din sana ang sasabihin ko sayo. I already called to ask yesterday morning. May CD sa mail na sinend ni Miss Kan. It is being held by customs kaya wala tayong narereceive hanggang ngayon. Pero inexplain ko na sa customs na importanteng ebidensiya yun. Baka maideliver na yun mamayang hapon."

Napatango si Gab. "O sige."

"There's that Professor Lee as well. Hes really a big hypocrite. Mula nung mawala siya para na siyang naglahong parang bula. Kahit yung van na kumuha sakanya di na rin mahanap," sambit ni Jackson. "Nagpadala na tayo ng arrest warrant pero walang response. Wala ding record ng anumang transaction ang bank accounts niya. He's probably hiding in someones home."

"Para sa isang tao na may abilidad na I raid ang isang police car, ang magtago sakanya ay hindi na din problema."

Bumuntong hininga si Jackson. "Kasalanan ko. Dapat sinundan ko nalang ang sasakyan nila."

"Wag mong isipin yun. Di mo yun kasalanan," sagot ni Gab.