Chereads / Animated Love / Chapter 47 - Chapter 46

Chapter 47 - Chapter 46

"Did you get a new drama?" sambit ni Gab kay Riza habang nasa grass land garden sila ng bahay ni Riza where they decided to have a barbeque party with Troy.

"Yep," sagot ni Riza na nakangiti habang nakaupo sa swing at binabasa ang script ng new drama niya. "But this time, I'll have to act with Shanelle. I think being an evil second lead is more challenging."

"You mean Shanshan finally becomes the main lead?" nakangiting tanong ni Gab habang sine set up ang barbeque grill.

"Sabi ng producer gusto muna niyang Makita ang popularity ni Shanshan after our last movie airs, then decide on the lead for Hello Daddy Long Legs," sambit ni Riza.

"How can the producer be so controlling?" seryosong nilingon na naman ni Gab ito. "Shanelle is really working hard."

Riza chuckled. "Ayaw na ayaw ni Shanshan when people say she is working hard. She is living from her face."

Nakita naman ni Gab ang paparating na si Troy. "Riza, what's going on between you and Troy?"

Natahimik naman si Riza saka tumayo at nagpunta sa harapan ng table at naupo sa isang upuan dun. "Nothing special. The man is unmarried, and the lady is unwed. If he wants to chase me, he can."

"Anong pinag-uusapan niyo?" sambit ni Troy nang nakalapit na habang may bitbit na wine at tatlong wine glass. Pinatong niya ang mga ito sa table.

"Wala naman," sagot ni Riza.

Umupo si Troy sa katabing upuan at binuksan ang wine.

"The meat seems fine already. Gutom na ako," sambit ni Riza kay Gab habang busy pa sa pag luto.

"Anjan na," sambit ni Gab saka binibit ang mga chicken barbeque sa table nila.

Tumayo naman si Troy upang tulungan si Gab sa paglagay ng ketchup sa mga niluluto. Lihim naman na kinuhanan ni Riza sina Troy at Gab ng litrato ngunit sakto namang tumingin si Troy sakanya.

__________

Sa kabilang dako, nakaupo naman si Shanelle sa waiting area, habang nagsa-shopping si Chihoon. She is wearing her mask para walang makakilala sakanya. Nakahawak siya sa phone upang tignan ang social media account niya. Bigla naman niyang Nakita ang post ni Riza. Picture yun ni Troy at Gab na naglalagay ng ketchup sa chicken barbeque.

Napalaki ang mga mata ni Shanelle. "With someone's ex-boyfriends. Bbq at the garden and champagne is nice?" pagbasa ni Shanelle sa caption. Marahas na binaba ni Shanelle ang phone. "Woah this little b*tch is having a BBQ with my ex-boyfriends at di manlang niya sinabi sakin? Dont make me repost this so youll get all the hate from fans!" aniya na tinignan na naman ito.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng fitting room at lumabas doon si Chihoon wearing the clothes he fit.

"Mr. Chu how do the clothes fit?" tanong ng saleslady habang nakatingin si Chihoon sa salamin. "This really suits you."

"What do you think with having two more cuff-links?" tanong ni Chihoon kay Shanelle pero di siya tinignan ng dalaga dahil nakafocus siya sa phone niya. "hey," sambit niya ulit.

Nag-okay sign lang si Shanelle pero sa phone ang tingin. Nagsukat pa si Chihoon ng ilang damit habang bahagyang nililingon ang babae na nasa phone parin ang focus ng mata.

Biglang tinapon ni Chihoon ang mga damit na bibilhin niya sa lap ng babae na nakapagpagulat naman dito. Nilingon siya ng babae habang nagsusukat na naman ng mga jackets saka hinawakan ang tinapon ng lalake sakanyang jacket.

Tinapon na naman ng lalake sakanya ang nagustuhang jacket. Kumuha pa ito ng isa at tinapon na naman kay Shanelle. Malalaki naman ang mga mata ng dalaga na tumingin sakanya pero nginitian lang siya nito.

"Send those three I tried to my home. Use the card of this Miss," sambit ng lalake sa saleslady at naglakad na naman. Mas napamulagat naman si Shanelle dito. Tinanggal niya ang mask saka hinarap ang lalake.

"Doesn't taking responsibility for me includes buying clothes for me?" sambit ng lalake na bahagyang nilapit ang mukha sa babae. "hmm?"

Napa closed fist naman si Shanelle sa pagpipigil saka ngumiti nalang ng pilit dito. "Buy, buy, buy, buy, buy." Tumayo siya at sinundan ang lalake. "Saan na naman tayo pupunta?"

"Di mo ba narinig? I bought three outfits. I need three pairs of cuff-link to go with them," sambit ng lalake na dire-diretso lang ng lakad.

"I'm paying for those too?" takang sambit ni Shanelle habang mabilis na sinusundan ang lalake sa paglalakad.

"Didn't you say you'll satisfy my every wish to compensate my wounded heart?" sambit din ng lalake na mabilis na naglalakad.

Napatigil sa paglalakad si Shanelle saka nag pout. Chihoon looks at her in his peripheral view at napangiti saka tumuloy na naman sa paglalakad.

Napapikit ng mariin si Shanelle sa dobleng pagtitimpi. Saka ngumiti na naman. "Buy, buy, buy," aniya at hinabol ang nakalayo ng lalake.

Pumunta si Chihoon sa accessories store at pumili ng mga gusto. He bends down to look at the rings. Napatingin naman si Chihoon kay Shanelle mula sa salaming andun. Bored na bored na ang babaeng kanina pa nakatingin sa phone. Napangiti na naman si Chihoon.

They also went to the shoes store. Pinahawak niya lahat sa babae ang mga nagustuhang sapatos. Even bags and caps na binili niya pinahawak niya lahat sa babae na halos matakpan na ang mukha sa dami ng pinapabitbit niya.

Napapabuga na ng hangin si Shanelle sa sobrang inis pero kailangan niyang magtimpi at pagdusahan ang pagbibirong ginawa sa lalake kagabi.

Nakahalukipkip si Shanelle habang nasa counter na sila at bayaran lahat ng pinamili ni Chihoon. Para pa ngang nahihirapan ang mga cashier sa pag compute dahil sa dami ng pinamili ng lalake. They showed the total amount to them. Sinagi sagi naman ni Chihoon ang braso ng dalaga upang ilabas ang card niya. Tinignan siya ni Shanelle. Nilapit ni Chihoon ang mukha dito. "Pay," aniya then he pats her shoulders at nauna ng maglakad.

Marahas na tinanggal ni Shanelle ang mask saka matalim na tinignan ang likod ng lalake. Bigla namang lumingon ang lalake kaya napangiti agad si Shanelle. "I'll pay. I'll pay," aniya saka nilabas ang card.

Pagdating sa isang cakeshop na pinuntahan nila, siya na naman ang nagpila para sa pagbili ng pagkain nila. Lupaypay na ang balikat ni Shanelle dahil sa pagod. Napaliit naman ang mata niya ng makitang prenteng nakaupo ang lalake habang nagse-selfie. Napa closed fist na naman siya habang matalim na tinitignan ito.

Bigla naman siyang nilingon ni Chihoon kaya bigla na naman siyang napangiti. Nag kibit balikat si Chihoon saka tinuloy ang pag-selfie.

Hawak-kamay naman sila sa pagpasok sa sinehan pagkatapos nilang kumain. Madilim kaya di halos Makita ni Shanelle ang dinadaanan kaya muntik pa siyang natapilok. Buti nahawakan siya agad ng lalake. Nginitian siya nito saka inalalayan sa pag-upo.

Bahagyang nililingon ng babae si Chihoon habang naka focus ang mata nito sa panonood. Nilingon naman siya ng lalake. She smiled at him at ganun din ang lalake sakanya.

Bigla namang nag ring ang phone ni Chihoon. Kinuha niya ito at sinagot. "Hello? Its me. I got it." Tumayo siya at iniwan si Shanelle.

Tumayo din ang babae at sinundan ito.

"Dont worry. Stay home, I'll be there soon," pagkausap paron ni Chihoon sa kausap.

Hinarap naman siya ni Shanelle ng seryoso. Chihoon patted Shanelles head. "Alam kong pagod ka na. Umuwi ka na at magpahinga. Something came up. I'll come home later."

Marahas na tinabig ni Shanelle ang kamay ng lalake na nakapatong sa ulo niya. "Narinig ko lahat. Bakit ka pupunta sa bahay ng Cara na yun pagkatawag niya palang sayo? Anong relasyon mo sakanya ha?!"

"Wala kaming relasyon. Umuwi ka na muna," sagot ng lalake dito.

"No. if theres nothing then you should bring me with you!" seryoso paring sambit ng babae.

Napatango nalang ang lalake. "Okay, kung yan ang gusto mo. If you're not afraid of dirt, then come."

Nagpunta nga ang dalawa sa apartment nila Cara. May mga loan sharks dun na nag-aantay sa paglabas ng mag-ina. May mga red paints din sa lahat ng dingding na puro pag-aalipusta at pagmumura sa di makabayad ng utang na babae. Kanina pang umaga nag-aantay ang mga yun sa paglabas ng mag-ina kaya di rin makalabas sina Cara at Michael.

Nagyayakapan lang ang mag-ina sa loob ng bahay nila habang kanina pa may kumakatok na mga lalake sa labas ng bahay nila. Madami nading mga curse flyers na nakadikit sa labas ng pintuan ng bahay nila.

Dumating sina Chihoon at Nakita ang naglakat na mga red paints sa dingding at mga curse flyers sa paligid. Nangingiwing sumusundod si Shanelle still being careful para di malagyan ng pinta ang katawan. Umakyat sila sa hagdan paakyat sa bahay nila Cara. Biglang napahawak si Shanelle sa railings ng hagdan at nagulat ng may pinta pala yun. Pati yung sapatos niya may pinta na din kasi pati yung hagdan nilagyan nila ng pinta.

Chihoon pulled her towards him saka tinignan ang kamay niya. "Sabi ko na sayo na madumi dito." Sumilip ang lalake ng bahagya sa taas saka tumingin ulit sa babae. Kinuha niya ang mask ng babaee at siya na ang nagsuot sa mukha ng dalaga. He also takes off her sunglasses from her shirt at sinuot din to sa mata niya. Then he holds her shoulders. "Dito ka lang muna. I'll solve the problem first, maliwanag?"

Napatango nalang ang babae kaya tumalikod na si Chihoon. "T-teka!" biglang sambit ng babae kaya napatigil si Chihoon sa paglalakad at nilingon ito. "Don't accidentally kill them."

Tumango ang lalake sakanya saka umakyat na ito. Hinarap ni Chihoon ang mga lalake na busy sa paglalaro ng mobile games. Tinanggal ni Chihoon ang mga nakadikit na flyers sa mga dingding saka tinignan ang mga ito na napatingin na din sakanya. Tinapon ni Chihoon ang mga flyers sa mga lalake.

Napatayo ang tatlong lalake. "Ikaw ang gumulpi sa kasama namin noong nakaraan noh?" sabi nung isang lalake na tinutukan ng kutsilyo si Chihoon.

Nagugulat naman si Shanelle nang makarinig ng mga malalakas na suntok at sipa at marinig ang mga malakas na iyak ng mga taong nagulpi ni Chihoon. Napapangiwi naman siya habang naririnig ito.

Bigla naman siyang napatabi nang Makita ang pagtakbo ng tatlong lalake paalis habang hawak hawak ang mga katawang nagulpi. Nakita naman niya ang paglapit na din ni Chihoon sakanya. "Come up," anito kaya sumunod siya paakyat sa bahay ng babae.

Tinanggal ni Chihoon ang mga flyers sa pinto saka siya kumatok. "Ako na to," aniya kaya pinagbuksan sila ni Cara. Pumasok nga ang dalawa sa loob.

Sumilip naman si Michael mula sa dingding at saktong nagkatinginan sila ni Shanelle. Bahagyang binaba ni Shanelle ang sunglasses para mas Makita ito. Mukha namang natakot si Michael kaya napatago na naman siya.

Napangiti si Shanelle at inayos na naman ang pagkakasuot ng glasses niya. Dumating naman si Cara na may dalang dalawang baso ng tea. Pinatong niya ito sa harapan ng dalawa. "Pasenya ka na Miss Park. Michael is a bit introverted," sambit ni Cara dito. "Please have a tea."

"Thanks," sambit ni Chihoon.

"Di ako makapaniwala na si Miss Park na napapanood ko lang sa TV ay kilala pala ang trainer ng anak ko," sambit ulit ni Cara.

Napangiting tinanggal ni Shanelle ang glasses niya. "I'm his girlfriend," aniya saka nilingon si Chihoon.

"kaya pala kahit ang daming nagkakagusto kay Mr. Chu, wala siyang pinapatulan sakanila," ngiting sambit din ni Cara. "Meron pala siyang magandang artista na girlfriend." Napatungo si Cara. "I'm sorry to bother Mr. Chu before. Nung last time kasi na sinundo ko si Michael sa center, hinabol kami nung mga lalakeng yun. Mr. Chu helped us."

"Okay lang," nakangiting sambit ni Shanelle. "Its our Chi---"

"SInabi ko na ito ng maraming beses. Kahi di man ako, kung may nakakita man sainyong iba di rin sila mapapanatag," sambit ni Chihoon. Dont take it into your heart. "Pero di solusyon na lumipat kayo ng tirahan para di nila kayo mahanap. Utang naman yun ng asawa mo, di dapat kayo ang mag suffer nun. You should consider resolving this with a lawyer. I can find a lawyer for you."

Napapatango naman si Shanelle habang nakikinig habang tinitignan ang pinta sa kamay niya na mukhang matutuyo na.

"Mukhang yun na nga lang ang paraan," sambit ni Cara.

"Pwede ba akong makigamit ng bathroom?" kapagkuan ay sambit ni Shanelle.

Tumayo na nga si Shanelle at nagpunta sa bathroom ng bahay. Napabuga siya ng hangin saka tinanggal ang pinta sa kamay. "I'm sorry to bother Mr. Chu before," ulit niya sa sinabi ni Cara kanina. "Thank you, Mr. Chu, for helping us. Psh."

Bigla namang humarap si Michael sakanya na nakapameywang. Nagulat naman si Shanelle dahil dito.

"Ugly woman!" sambit ni Michael sakanya.

Napalaki ang mga mata ni Shanelle dahil sa sinabi ng bata. Napapikit siya ng mata upang pakalmahin ang sarili saka nginitian ito. Nagpunas siya ng kamay saka pumunta sa harap ng bata. "Anong gusto mong gawin ha batang paslit?"

"Ugly woman stop bothering my trainer. I want my trainer to be my dad!" sambit ni Michael na matalim na nakatingin sa babae.

"Ha! If you want a dad tell your mom to find a boyfriend. That guy inside is mine already. I'm sorry," ngiting sambit ni Shanelle.

"Liar, my trainer likes my mom. Our teacher says that if a boy likes a girl, hell protect her. My trainer is protecting my mom and me every day."

Humalukipkip si Shanelle. "Tama naman ang teacher mo. But there's another situation where a man is protecting a girl. And that's helping a damsel in distress." Binuksan niya ang hawak-hawak na lollipop. "So, your mom's situation to be protected is because of this. Don't misunderstand, okay?"

Binalak kunin ni Michael ang hawak hawak na lollipop ni Shanelle ngunit mabilis na nailagay ni Shanelle ito sa kanyang bunganga.

"Ha!" ani Michael na nag position in a taekwondo position saka sinipa sa binti si Shanelle na nakapagpalaki sa mga mata ng babae.

_________

"Dapat sinabi mo sakin noon pa na hinahabol pala sila ng mga debtor so you took them home," ani Shanelle habang naglalakad sila ni Chihoon pauwi.

"You never asked me," sagot naman ni Chihhon dito.

"You can just explain it yourself!"

"Wala naman akong ginagawang masama, bakit naman ako magpapaliwanag?" sambit ni Chihoon.

"You deserve not having a girlfriend at all Psh," Shanelle said in frustration.

Hinarap niya si Shanelle. "E sino ka niyan?"

"Ako? Im a monster hunter sent by god," sambit ni Shanelle saka ngumiti ng malapad.

Hinawakan naman ni Chihoon ang ulo ng babae saka ngumiti. "Stop being so proud. I didn't take my revenge yet," aniya saka naunang lumakad. "Nothing is certain yet." Umupo siya sa isang bleacher.

Napalungkot naman ang mukha ni Shanelle. "Monster Chi. P-pag ba nahanap mo na yung taong yun, anong gagawin mo? Papatayin mo ba siya?"

"I think so. Tormenting him so hes rather be dead than alive is not my style," sagot ng lalake.

Tumabi si Shanelle dito. "Then have you ever though that that person is living under the disguise of a human? Pag pinatay mo siya, you'll turn into a murderer. Di ka man nila mahanap at mapatay pero di ka naman na mabubuhay ng normal kasama ko gaya ngayon." Natahimik ang lalake. "Kahit ganun, papatayin mo parin ba siya?" Di siya sinagot ng lalake kaya napabuntong-hininga siya. "Forget it." Tumayo ang babae. "I talked too much. Alam ko naman na pinapakisamahan mo ako at kinakasama dahil lang sa paghihiganti mo." Lumakad na siya na iika ika.

Tumayo din si Chihoon. "Anong nangyari sa sa leg mo?" aniya at hinawakan ang balikat para mas Makita ito.

"Wala yan," sambit ng babae saka tinabig ang kamay niya.

Hinawakan ni Chihoon ang kamay ng babae para pigilan ito mula sa paglakad then he bends down para tignan ang namumulang binti ng dalaga. Hinawakan niya ito that made Shanelle flinched. "I was just hit somewhere," sambit niya.

"If I get kicked by a kid, I won't admit it either," biglang sambit ni Chihoon that made Shanelle pout.

"Napakalakas naman kasi ng batang yun. You didn't have to take teaching seriously. He kicked quite good," ani Shanelle dito. "A basta wala na akong pakialam. Umuwi na tayo. Pagod na ako," sambit pa niya saka naglakad na.

Bigla siyang sinundan ni Chihoon and carried her bridal way. Napangiti naman si Shanelle dahil dito. Just his simple gestures can make her heart flutter. "This vehicle is nice. I'm satisfied," aniya pa habang ine-enjoy ang pagkarga ng lalake sakanya.

"Don't get carried away," sagot naman ng lalake.

___________

Kasalukuyan namang nasa international mail production sina Gab at ang kanyang team upang isagawa ang kanilang entrapment operation. They are dressed as mailman while putting the bait photo inside the white envelope at nilagay sa gilid ng isang cabinet.

Gab is currently at the control room at pinapanood ang mga nangyayari sa loob. They will lure the enemy inside the mailing room pag kukunin na niya ang larawan na nasa cabinet. He raised his radio. "Cat officers on the mouse hunting team report your positions. Did you discover any problems? If you hear this, please report. Over."

"Tabby cat here, got it. Everything is normal so far," sambit ni Jackson.

"White cat here, got it. Everything is fine at the southern part of the warehouse. Over," sambit naman ni Charm.

"Yellow cat here, got it. Everything is fine at the entrance of the warehouse," sambit naman ng isa.

"Black cat here, got it. Everything is fine at the stairs and staircases."

"All those undercover, maintain your position. Report your status every 10 minute," sambit ni Gab.

"Detective Lee, nandito yung formal lists ng mga empleyadong nandito ngayon," sambit ng manager ng warehouse at inabot ang listahan kay Gab.

"Salamat. Nandito na ba lahat?" tanong ni Gab.

"Hindi pa. We've also hired some part-timers. Pagdating nila saka palang sila mag sign in," sagot ng manager.

"Okay, I got it. If the target isnt coming in two hours, I'll arrange the officers to go undercover as mailmen."

(Next Chapters will show how Shanelle chooses between friendship and love. I know that its hard to choose between the two. Kayo ba?)