Chereads / Animated Love / Chapter 28 - Chapter 27

Chapter 28 - Chapter 27

Shanelle was sitting at the back of her car na dina-drive ni Jam going home after her shoot. She was smiling widely as she was reminiscing the way Chihoon touch her lips nung uminom siya ng juice niya. His soft hands, his sweet smiles and his twinkling eyes.

Napapatingin naman si Jam sa nakangiting babae sa likod niya. Napapaangat ang gilid ng labi niya sa parang baliw na kaibigang ngumingiti mag-isa. Mukhang may naka move on na. Wahhh, simul ana naman ng isang nakakainis na panahon ng buhay ni Shanshan.

Bigla naman niyang naalala yung Nakita niyang mag-ina na kasama ni Chihoon nung isang gabi na sunduin niya sana ito saka niya ibabaling ang tingin kay Shanelle na di parin nawawala ang ngiti. Nailing na lang siya mag-isa.

Jam parks the car in front of Shanelle's house at binuksan ang pintuan para dito. Nakita naman niya itong nag-a-apply ng make-up. "Shanshan, di ba ugali mo nang tanggalin ang make-up mo pagkauwi para di madamage ang skin mo at di tumanda agad?"

"Sinabi ko ba iyon?" manghang tanong ni Shanelle.

"DI mo lang sinasabi. Lagi mo iyon ginagawa," nagtatakang sambit ng kaibigan sakanya.

Shanelle closed her powder saka nakaawang ang labi na lumabas sa sasakyan. "Then was I always so untidy at home?" biglang sigaw ni Shanelle na nakapagpagulat kay Jam.

Tango lang ang sagot ni Jam sakanya.

Ginulo ni Shanelle ang buhok. "This sh-"

"Beep!"

"Fu-"

"Beep!"

"This is completely go---"

"Beep!"

Napahilamos si Shanelle sa mukha niya.

"Shanshan, bat ka nagmumura?"

Tinignan ulit ni Shanelle ang mukha sa salamin ng powder niya at inayos ang buhok. "May sinabi ba ako?"

Jam sighs. "Oo naman meron! Shanshan, isa kang goddess, bakit naman magmumura ang isang goddess? Saka tigilan mo na ang pag gusto kay Kuya Chihoon. Di ka nun magugustuhan."

Napatigil naman si Shanelle sa pagpahid sa mukha nya. Hinarap niya ito and she throws the powder straight to his face. Mabuti nasalo ito ni Jam bago pa tumama sa mukha niya.

Matatalas ang mata na tinignan siya ng babae. "Jammier Yu, don't you think that your attitude is so problematic? Anong biro ba ang sinasabi mo diyan? What? I like him? Don't you know that monsters and humans go in different way?"

Huminga ng malalim ang lalake. "Kung ganon, tandaan mo yan palagi. Aalis na ako."

"Uminom ba iyon ng maling gamot?" Shanelle murmurs at pumasok na sa loob ng bahay.

_______

Kasalukuyang magkasama sina Gab at Troy sa isang jogging field that morning.

"I'm just routinely reporting our progress in finding the dormant corpse," ani Gab.

"Wrong. It should be the awakened corpse," pagtatama naman ni Troy sakanya.

"Ang tinanggap kong kaso ay tungkol sa dormant corpse," sagot ni Gab na bahagyang nilingon si Troy. "Or you can cancel the investigation on the previous case and resubmit it at the police station."

"If I resubmit, will you still investigate?" tanong ni Troy dito.

"We will suggest you see a psychiatrist."

Troy pursed his lips. "Then how is the progress coming along for the dormant corpse?"

"No progress," diretsang sagot ni Gab.

Napaawang naman ang labi ni Troy. "Wahh, you're the most problematic person I've met."

"That's right. You handle everything else with your silver tongue. If you want to deal with me, you need evidence."

"Psh, then I will find evidence," confident na sagot naman ni Troy.

"I'll wait for your good news then" sagot ni Gab na tiningnan ang phone niya. Napatigil siya nang Makita ang track ng sasakyan ni Shanelle. "Jin Lu International."

"Jin Lu? Alam ko yan yan yung street malapit sa cottage," sambit ni Troy.

"Right, the cottages."

"The time is..." tinignan ni Troy ang tracker. "12th of February in the morning."

Napalaki ang mat ani Gab. "12th?" Hinarap niya si Troy. "Troy, mauna na ako. May emergency akong gagawin. I will contact you later," aniya at tumakbo na paalis.

__________

Kasalukuyan namang nasa crime scene si Chihoon. He is wearing his gloves while looking at the place as if imagining what really had happened in the place. He saw the picture frame on the floor kaya kinuha niya ito at tinignan. Binalik niya ito muli sa floor saka pumunta sa may kwarto.

The room is messy as if someone barged in at ginulo ang mga gamit. He went to the kitchen and opened the fridge. Tinignan niya ang laman saka sinara ulit ito nang walang makitang clue.

Suddenly he saw a bottle of milk placed at the sink. Mukhang naimunan na ito kasi hindi puno. He took one bottle of milk from the fridge and compared the two.

He then went to the sala and think of the most possible scenario of the crime. Dumating ang milkman. The lady opened the door and took the milk. She went to the fridge and put it in. The man went to pay for the milk. Pagdating niya sa may pinto, sinaksak na siya ng suspect. Then sinunod niya ang asawa nito.

Lumakad si Chihoon papuntang kusina. The suspect opened the drawers to look for something. Then he saw the picture frame. He took it and looked at it. Pero hindi yun ang hinahanap niya.

Lumakad ulit si Chihoon papuntang kwarto. The suspect went to the room para hanapin ang hinahanap niya. Nakita niya doon ang hinahanap niya, maybe the picture of that man with his mom. Lumabas ulit siya and took the money from the man's wallet para mapalabas na burglary ang nangyari. Then he left. One thing I'm sure of now is that...that man is behind this. The picture. The man in that picture might be the man I'm looking for.

_________

Kasalukuyan namang nakatingin si Gab sa investigation board niya. He was looking at Shanelle's tracker record which Chihoon drove the past days. "Si-ling Park. Pai-mei company. Shen-yi community. Right, Shen-yi community. It was the same day. Pumunta muna siya sa Pai-mei company. Saka siya pumunta sa Shen-yi community." Kinuha niya ang case report. "6 years ago, the victims were in Shen-yi community. Building 6."

Bigla niyang kinuha ang phone niya at denial si Jackson. "Jackson may lead na ako. Pumunta ka sa sidewalk ngayon na. Magkita tayo dun."

_________

Nasa bahay naman si Shanelle at kasalukuyang nanonood ng model rampage sa TV habang kumakain ng mansanas. Sakto namang pumasok sa loob si Chihoon galing sa crime scene.

"Di ba may filming ka ngayon? Tapos na ba?" tanong ni Chihoon nang Makita niya ang babae.

"Filming went smoothly kaya natapos agad," sagot naman ng babae.

Kumuot ang noo ng babae saka hinarang si Chihoon para di siya makaalis. Parang aso niyang inamoy ang damit nito. "The smell of coffee with caramel? Ang pagkakaalam ko ayaw mo sa kape. Anong ginawa mo sa coffee shop?" taas kilay nitong tanong. Nang di sumagot ang lalake, kinuha niya ang braso nito at inamoy ang manggas ng jacket niya. "Disinfectant? Di ka naman nagkakasakit bakit ka pumunta sa ospital?"

Piningot ni Chihoon ang ilong ng babae para paalisin ito sa harap niya. "50 points. Coffee shop is right. Hospital is wrong. Pumunta ako sa crime scene kanina."

"Ano na namang ginawa mo doon?"

"Searching for something," anito saka tinalikuran na ang babae.

____________

"Dahil lang sa isang picture pumatay siya ng daawang tao?" Shanelle asked Chihoon habang umiinom siya ng kape. Di kasi niya pinatahimik ang lalake hangga't di niya sinasabi ang totoo. "Tao ba talaga yang kaaway mo?!"

"To be ahead of me, papatay siya in order to silence and hide all evidences," sabi ng lalake. "Mukhang di natin dapat minamaliit ang taong to." He put some coffee in his cup saka inamoy ito.

"Di ka naman umiinom ng kape, bakit naglagay ka sa baso mo?" sambit ni Shanelle na nagtataka sa ginawa ni Chihoon.

Tinignan ni Chihoon ang babae. "To relax."

Seryosong tingin ang ginawad ni Shanelle dito. "Mula nung makilala kita, who knows what kind of exotic things will happen in the next moment!"

Bigla namang nagulat si Shanelle nang biglang may nag doorbell.

"Wag kang matakot," sambit ni Chihoon. "It's useless to hide from those who should show up. Remember, you never went to Villa #56. It was me who went there alone, understand?"

She slowly nods saka pumunta at binuksan ang pinto. It was Gab and Jackson.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ng babae sakanila.

"May bago kaming clues at kailangan namin ang cooperation ni Prince Chihoon Chu with our investigation. Kailangan niyang sumama sa amin sa presinto," sambit ni Gab dito.

Lumapit naman sakanila si Chihoon. Nag-aalalang tinignan siya ni Shanelle.

___________

Di mapakali si Shanelle sa pag-aantay kay Chihoon sa harap ng conference room ng police station. Nakikita niya sila sa glass wall pero di niya marinig ang pinag-uusapan nila.

"In the morning on the fifth of last month, nagpunta ka sa Shen-li community," panimula ni Gab. "Anong ginagawa mo dun?"

"May hinahanap akong tao."

"Sino?"

"One hundred years ago, a family heirloom was lost. It's a Ming dynasty phoenix jade. My family didn't stop searching for it for many generations. Then, last month, I accidentally came across a news about this jade. Someone entrusted the Auction House to sell the jade. Kinontak ko ang auction house and tried to get back what was once our family's jade. My ancestors had also other artifacts. Di ko alam if they were also with the original seller. Kaya ko siya hinahanap, pero nalaman ko na lumipat na sila ng tirahan."

"You're saying that you haven't met with the deceased couple?" tanong ulit ni Gab.

"Tama ka. Di ko pa sila Nakita."

Sinuntok ni Gab ang table sag alit. "Kasinungalingan!"

Seryoso at kalmado parin si Chihoon na tumingin sakanya. "I didn't lie."

"The time of death is 6:30 to 7:30 in the morning of the twelfth. At 7: 30 in the morning, your car was parked on the street near the villa area. Pano mo ipapaliwanag yun? Is that also a coincidence?" nanggagalaiti na sa agalit na sambit ni Gab.

"It's a coincidence. Opposite of that place is Jin Lu International. I went to the café in the upper level to buy some snacks for my girlfriend. Kung di ka naniniwala sakin, pwede mo siyang tanungin."

Napatayo si Gab sa inis at lumakad papunta sa may bintana.

"Teka lang," sambit ni Chihoon. "Is it because you're a cop, di na ba illegal na maglagay ng tracker sa isang private car?"

"On someone else's car, it's illegal. But that car was mine," anito at lumabas na ng room.

Napapangiti naman si Chihoon dahil dito.

Gab went to get a coffee saka lumapit kay Shanelle na nakatulugan na ang paghihintay. "Shanshan, umuwi ka na pag naubos mo itong kape," sabi ni Gab na nakapagpagising sa dalaga.

Seryoso naman siyang tinignan ng babae. She gets the car key from her bag at tinapon niya sa lalake na nasalo naman ng huli. "Take it away. Lahat ng bagay na binigay mo sakin, your love, your car. I really don't deserve any of it."

"Shanshan. Has blinding love also blinded your eye?" malungkot na tanong ng lalake.

"Oo. It not only covers my two eyes," aniya saka tumayo at hinarap ang lalake. "but has made them blind! Nababaliw ako pag nahihiwalay sakanya kahit isang oras lang. Di ako makakain. Di ako makatulog. And my tears won't stop falling. It's like getting an incurable disease. Pumunta nga din ako sa isang simbahan last week to be able to bear him two children. A boy and a girl. Pag man may babaeng tumingin sakanya sa mga kalsada, I'd become jealous to the point of craziness." Tinignan niya ang lalake sa mata. "But, is that a crime? Gabrielle Lee, we grew up together. Am I such a hopeless woman in your eyes?"

Di makapagsalita ang lalake. He's hurt. He's hurt that after hurting the girl he loves the most, she is now loving someone more than how she loves him in the past. Unti-unti siyang tumalikod dito. "Umuwi ka na muna. We'll hold him for 48 hours at most. Kung wala namang problema sa kaso, palalabasin naming siya. The law does not carelessly convict a good person. It will not also let go of a bad person," anito saka tinalikuran na ito.

"You jerk! Wait!" sigaw ni Shanelle na nakapagpatigil sa paglalakad ni Gab. "Hindi ka pa nagso-sorry sakin. How dare you put a tracking device on the car to spy on me huh? Is being a police officer so great?"

Huminga ng malalim si Gab para pigilin ang luha niya sa pagtulo saka nagtuloy-tuloy na sa paglakad. I'm sorry Shanshan. It's because this is the only path that I can't afford to lose.

_________

Jackson went to the auction house para pakatotohanan ang statement ni Chihoon.

"The jade that Mr. Chu, wishes to buy looks like an inheritance from his ancestor. He did entrust me to contact the auction house to buy it back," sambit ng committee na nakausap niya.

Pinuntahan naman ni Charm ang babaeng pinunthan ni Chihoon dati na nakatira na sa dating tahanan ng mag-asawang namatay.

"That mister wanted to locate the previous renter," sabi ng babae. "Gusto niya daw makontak ang isa niyang kamag-anak. He doesn't seem like a bad person."

___________

Di mapakali si Shanelle sa bahay niya sa pag-iisip kay Chihoon na nasa presinto pa.

Nakatingin lang naman si Jam sa kanyang relo para orasan ang cup noodles niya. "Ding-dong. Mas masarap ito pagkatapos ng 3 minutes," anito na tinignan ang palakad-lakad na si Shanelle. "Shanshan, pwede ka nang kumain."

Seryoso naman siyang tinignan ni Shanelle. "Ang Kuya Chihoon mo ay nasa presinto pa for 24 hours now tapos nasa mood ka pang kumain?"

"Wala namang pinatay si Kuya Chihoon ah," sagot naman ni Jam na kumakain. "Saka kung gusto niyang umalis dun, walang makakapigil sakanya."

Nagpameyeang ang babae. "E di malalaman ng buong mundo na isa siyang halimaw?!"

"Wala namang makakahuli sakanya," prente paring sambit ng lalake.

"E di anong mangyayari sakin pag umalis siya, aber?"

Umiling na lang si Jam at tinuloy ang pagkain.

"Right, pag may problema dapat kong kausapin si Riza," kapagkuan ay sambit ni Shanelle at kinuha ang phone niya.

____________

Kasalukuyan namang nasa isang tea shop si Riza nang maka receive ng tawag galing sa Mom niya. She doesn't want this engagement thing with Justin pero dahil sa kagustuhan ng magulang niya kaya napilitan siya.

Bigla naman siyang Nakita ni Troy kaya nilapitan niya ito. "Beautiful lady," anito na nakapagpagulat sa babae. "you're drinking your afternoon tea alone. Bakit wala kang kasama?"

"Ikaw pala," she said na tinanggal ang sunglasses niya.

"Yeah, coincidences are better than invitations," sambit ni Troy na umupo na sa harapan ng babae.

"Wrong. It should be missing is better than meeting," sagot naman ni Riza.

Troy leaned his hands on the table. "I feel honored. Is Miss Riza thinking about me?"

Riza just chuckled at what he said.

"You laughed. Nakita ko kanina na parang malungkot ka. To be honest, I'm a little bit worried. Miss Riza, who even after twisting her ankle, is still able to walk steadily on high heels. Pero bakit ganyan ang aura mo ngayon?"

Seryoso siyang tinignan ng babae. Bigla na namang nag-ring ang phone niya at Nakita niyang ang mom na naman niya ito. She sighs at sinagot yun. "Mom. I agreed to the engagement then because we had an agreement. It was for our own benefit. When I have someone I really like, kahit homeless man yan, you can't stop me. Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ngayon? I haven't gotten to the point that I have to sell myself for money." She took a deep breath. "Wala namang problema. I just want to calm myself. Thanks mom," she said at binaba na ang tawag.

Seryoso namang nakikinig si Troy sa pakikipag-usap ng dalaga sa mom niya. Napatawa naman bigla si Riza sa kaseryosohan ng tingin ng lalake sakanya.

"Di mo ba yun napapanood sa TV?" tanong ng babae sakanya. "Halos lahat ng dramas ay may ganitong eksena. Alright, this idol drama's female lead will go wandering now," anito saka tumayo na. "Bye."

Napangiti naman si Troy and he decided to go after her. "Hey, let me treat you to a meal," aniya saka dumiretso na sa kotse niya. He opened the car door for her.

"No need. I don't want to gain weight," pagtanggi ni Riza sa alok ng lalake at naglakad na.

"This secret I just heard," sambit ni Troy na nakapagpatigil sa paglalakad ni Riza. "sounds very incredible. For someone like me to keep a secret, I'll need a fee. Otherwise, who knows what I might accidentally slip." Huminga ng malalim si Riza saka hinarap ang lalake. "C'mon. let me take you to a place."

Sumama nga si Riza sakanya

___________

Kanina pa dina-dial ni Shanelle ang number ni Riza pero di niya ito makontak. "Monster Chi is locked up at the police station, how dare Rizalane turn off her phone at such an urgent time!" inis na sambit ng dalaga.

"Shanshan, tama na yan. Buong araw mo na siyang tinatawagan. Mag exploding na yang phone mo niyan," Jam said as he watched her dialed Riza's number again.

Shanelle just glared at him.

__________

Riza is standing at the edge of Troy's car habang nasa isang hindi pamiliar na lugar sila. Gabi na kasi at malas na nasiraan naman sila ng kotse sa daan.

Troy was trying to get a taxi pero wala namang tumitigil na sasakyan.

"Di ko alam kung anong nangyayari ngayon," sambit ni Troy na nilingon ang dalaga na di na maipinta ang mukha. "While eating, you lost your phone, then on our way back, the car breaks down."

"Tama ka. Tapos sobrang late na din," Riza said na bahagyang nilingon ang lalake.

"Even though saying this makes me feel very sorry towards you, but I still think today wasn't that bad," sabi naman ni Troy. "Dahil sobrang masaya ako."

Napangiti ang babae. "It's fine. Usually men would always feel lucky when they met me and be happy," aniya na niyayakap ang sarili. Napatingin naman siya bigla sa balikat niya ng ipatong ni Troy ang jacket niya dito.

"Salamat sa pag-intindi," ani Troy na nakatingin na sakanya. "I wonder if today I would have the honor to invite Miss Riza to watch the sunrise with me?"

Tinignan naman siya ng babae na nakangiti. "Can I reject?"

"I'm afraid you can't," he said smiling.

Pinanood nga ng dalawa ang pagsinag ng araw.

___________

Pinuntahan naman ni Shanelle si Riza sa bahay niya the next day. Kumatok siya sa pinto pero walang sumasagot. Sakto namang dumating ang sasakyan ni Justin at Nakita si Shanelle na kinakatok ang pinto ng bahay ng fiancé.

"Miss Shanelle, good morning," bati ng lalake dito.

"Mr. Hubert, good morning, kasama mo ba si Riza?" tanong niya dito.

Umiling ang lalake. "Pumunta din ako dito para hanapin siya."

Shanelle tilts her head. "Riza is not with you? Kung ganon nasan kaya siy? Di ko siya makontak kahapon pa."

"Kaninang umaga tumawag ang mommy niya sakin telling me that they had a small argument yesterday," sagot ng lalake dito. "Wala din siya dito sa bahay niya maghapon and couldn't be contacted until now."

"Ang sinasabi mo ba ay lumayas sa bahay si Riza?" seryosong turan ng dalaga.

"She will be fine, ihahatid na lang muna kita sa bahay mo. Mahirap kumuha ng taxi dito," Justin said.

"Then I'll accept your offer," Shanelle said at pumasok na sa sasakyan ng lalake.

Habang nasa daan, patuloy niya paring dina-dial ang number ni Riza pero di parin niya makontak ito. "Ibig mo bang sabihin ay nag-away si Riza at ang mom niya dahil sa engagement niyo?" tanong ni Shanelle dito.

"Kahit di sinabi ng mom niya, but I believe so," sagot naman ng lalake sakanya. "Alam mo namang ang kasal naming is purely business, right?"

"I know a little bit."

"Ang akala siguro ng mom niya nagkakasundo na kami kaya gusto na niya na magpakasal na kami for real."

"Di pa nagkakasundo naman na kayo?" bahagya niyang nilingon ang lalake.

"If it was, then she wouldn't run away," malungkot na sambit ng lalake.

Napangiti ng alanganin si Shanelle. "That's because Rizalane can't see the good in such a generous man like---"

"Love is much harder than charity," pagputol ni Justin sa sasabihin ng dalaga. "By the way, you went to Riza's house for other things, right?"

"M-may problema lang si Chihoon kaya gusto ko sanang humingi ng tulong kay Riza," sagot ng babae sakanya.

"ANong nangyari kay Mr. Chu?"

Umiling ang babae. "Nothing special. Just a small case."

"Nakikita kong mabuting tao si Mr. Chu. Saka, tinutulungan niya ako palagi pag nasa taekwondo center ako. Kaya pag kailangan niya ng tulong, I am here to help too," sambit ni Justin.

Napangiti naman si Shanelle. "Mabuti naman at nagkaroon ng kaibigan si Chihoon na katulad mo Mr. Hubert. Last time, he said that you are an innovative philantrophist."

"Talaga? Thank him for the compliment then," nakangiting sambit ng lalake.

"about last time na tinakot ka niya sa set, Chihoon really felt bad about it."

"It's okay. Dahil yun sa frail kong katawan. Di kasalanan ni Mr. Chu yun. But, is Mr. Chu really normal?" kapagkuan ay sambit ni Justin.

____________

Sa presinto, Chihoon seemed to be asleep dahil nakapikit ang mga mata niya while sitting down. Di siya gumalaw sa kinauupuan niya since they confined him at the station. Kinuha din nila ang phone niya and they put it at the other room.

"Kumain ka na. Gugutumin mo talaga ang sarili mo for 48 hours?" sambit ni Jackson sakanya.

Di naman sumagot ang lalake. Bigla namang nag-ring ang phone ni Jackson. "Hello? Mom? Ano? An arranged blind date? Nasa trabaho ako ngayon," bulong niya sa mama niyang kausap sa phone. "You brought her to the police station? Alright. Antayin mo ako sa entrance. Punta na ako diyan," anito at lumbas na sa room.

Bigla namang binuksan ni Chihoon ang mata nang makaramdam siya ng kakaiba sa dibdib niya. Kakaiba ang tibok nun. Pinagana niya ang matalas niyang pandinig para pakiramdaman ang paligid. He heard his phone rang sa kabilang kwarto.

__________

Shanelle is dialing Chihoon's number while feeling afraid. "Don't come over!" sigaw ng dalaga na takot na takot habang dina dial ang number ni Chihoon. Nauntog siya sa salamin ng kotse dahil sa pagewang-gewang na takbo nito. Naiiyak na sa takot si Shanelle. "Don't come over! Don't come over!"