Pinakita ni Troy ang kanyang invitation card sa guard ng entrance para sa gaganaping symposium. Tumango naman ang guard pagkabasa ng card saka giniya ang lalake sa papasukan nito.
Lumakad nga si Troy papunta sa elevator. He pushed the button at pumasok sa loob. Bago naman sumara ang elevator ay may lalakeng biglang pumigil sa pagsara nito kaya bumukas ulit ito. Nagtaka si Troy nang Makita ang mukha ni Rizalane sa labas ng elevator kasama ang kanyang bodyguard.
Pumasok ang babae at tumabi kay Troy. "Just wait there," anito na ang kausap ay ang kanyang bodyguard.
"Which floor?" tanong ni Troy na di tumitingin sa babae.
"Top floor, thanks," sagot naman ni Riza na diretso din sa harao ang tingin.
Pinindot nga ni Troy ang top floor button saka umayos ulit ng tayo.
Napapalingon naman sakanya si Riza dahil sa tahimik na aura nito. "Anong ginagawa ni Mr. Nicolai Troy Jung dito?" kapagkuan ay tanong ng dalaga.
"Meeting. And is Ms. Rizalane Kim here to have a date with her fiancé?" balik tanong naman ni Troy sakanya.
"Check the books. This hotel is my familys," diretsang sagot ng babae.
"Kim family is already wealthy. But you still will build alliance through marriage too. Indeed, the rich values money the most," sagot din ng lalake sakanya.
"Of course. It should be highly valued. Tignan mo na lang ang extravagant décor ng hotel na ito." Napatingin naman si Troy sa paligid ng elevator. "The servers are all topnotch with best looks and physique." Napapangisi ng bahagya ang lalake habang nakikinig sa babae. "Also, these 24-hour zero-fail elevators all cost money too. Researchers like you are the luckiest, bahagyang nilingon ni Riza si Troy. All you have to do is wait people to give you money."
"You're right. Everyone has their thing," sagot na lang ng lalake.
Bigla namang yumanig sa looob ng elevator kaya natapilok si Riza. "Ahh!"
Thanks to Troy's fast impulse, nahagip niya agad ang bewang ng babae para di siya matumba. Napakapit naman si Riza sa mga braso ng lalake saka napangiwi sa natamong sakit sa paa dulot ng pagkakatapilok niya.
Napaangat naman ang labi ni Troy in amusement habang nililinga ang paligid. "So, this is your zero-fail elevator?"
Rizalane slits her eyes habang nakayakap parin sa braso ng lalake. "I'm going to dismantle this elevator!"
Troy laughed.
"Why are you laughing?" naiinis na tinignan ni Riza ang mukha ni Troy.
"I'm laughing at how peculiar fate is. The city is so big, and you and I are not even acquaintances, yet were trapped inside the elevator," anito na tinignan ang babaeng sobra kung makakapit sakanya.
Napaawang naman ang labi ni Riza saka dali-daling humiwalay sa pagkakalapit sa lalake. "Ahh," bigla naman siyang napakapit sa dingding dahil sa sakit ng paa. "Dapat pala chineck ko muna ang horoscope ko ngayong araw bago umalis," napapakagat si Riza sa labi niya dahil sa sakit.
Nakita naman ni Troy ang paa ng dalaga. "You sprained your foot. Tanggalin mo muna ang heels mo."
Humalukipkip parin ang dalaga. Stop joking. "Women without high heels are like soldiers without weapons," anito na pinilit tumayo ng maayos.
Napangisi si Troy. "I though your weapon is money."
"In your mind, Shanelle might seem mean, and me, lover of money over life," aniya na napapayuko sa sakit na nadarama.
Bigla namang bumukas ang elevator. "Miss Kim are you okay?" tanong ng isa niyang bodyguard.
"I'm fine," sabi ng dalaga at hinakbang ang paa pero napakapit na naman sa dingding sa sakit. Kahit na ganon, pinilit niya paring lumakad palabas sa elevator.
Napapaawang naman ang bunganga ni Troy sa inaasta ng babae.
Pagkarating ni Troy sa venue ng symposium, naglakad siya papasok. Nung malapit na siya sa pinto, bigla siyang tinawag ng isang researcher na nakakilala sakanya.
"Eh? Troy?" habol sakanya ng lalake.
Lumingon sakanya si Troy. "Senior!" They manly hugged each other. "Kelan ka po dumating galling States?"
"Kahapon. I came with Professor Steven. Pero kailangan ko ding umuwi bukas," sagot ng lalake sakanya. "Pero, nasan si Professor Lee?"
"Ah, nasa business trip po siya."
"Oh, kumusta naman kayo ngayon, any new discoveries?"
"New research, there is. But, its a long story. Won't go into it," nakangiting sambit ni Troy. "Kayo po, any progress on the human refrigeration system?"
Napailing ang lalake. "Stuck in the same place. I wish that the human refrigeration system can be like the computer system. That maintaining cell can live in the lowest temperature. Yun bang isa sanang pindot sa button then it can rise again."
"That is an interesting comparison Senior. Pushing a button is quite essential," sagot ni Troy sakanya.
"Pushing a button? Nah, that was just a counterforce. Like a kelp that has been dried. Ibabad mo siya sa tubig and then it will expand like its resurrecting. Of course, kelp is not a good example, actually kasi di naman siya nabubuhay talaga. If its a human refrigeration system that maintains life, the temperature is that button. Sa tamang temperature lang, it can resurrect completely. If you think resurrect is the right term, we can call it awaking since it never died."
Bigla namang napaisip si Troy. Cell life? Resurrection? Never died?
"Troy? Troy, okay ka lang?" tinapik ng lalake si Troy dahil sa biglang papanahimik niya.
"Ah, Senior, pasensiya na. May bigla akong naisip. I have to make a call," kapagkuan ay sabit ni Troy.
"Walang problema. Magkita na lang tayo mamaya sa symposium," sabi ng lalake.
Nagmadali ngang lumakad si Troy at bumalik sa elevator. The body drained of blood. Revival of frozen cells. The disappearance of the corpse. The accident. The traces of blood. No. this sort of thinking is too crazy. I really cant believe it. What to do? Kailangan kong mag-isip.
_________
Pagkalabas ni Shanelle sa dressing room, Nakita niya si Chihoon at si Riza na nag-uusap sa mataas na bahagi ng building. At anong pinag-uusapan ng dalawang yan? Kelan pa sila nagging close? Umupo siya sa isang bench at naglaro na lang sakanyang phone.
Bigla namang tumabi sakanya ang director. "Shanshan, may kailangan akong idiscuss sayo," anito.
"Say it," sagot ng dalaga na malalakas ang pindot sa phone niya na parang galit na na galit ito. Bigla naman niyang na-realize ang klase ng pagtrato niya sa director kaya unti-unti siyang lumingon dito saka ngumiti. "Director, say it."
"Ah, di ba nga napagkasunduhan naman na natin na magiging parte si Chihoon ng cast. Ang image niya bilang big boss ay napakalakas ng impact." Napapatango naman si Shanelle sa sinasabi ng director. "I've discussed this with the screen writer, and we decided to include a section wherein he interacts with the lead actress."
"Wasn't it that the role of the Big Boss is to break up the OTP? Ano namang klaseng scene ang idadagdag?" tanong ng dalaga.
"Ah, well...well..." inayos ng director ang glasses niya. "well, the violent Big Boss treats the leading actress menacingly. That is...it'll look like a passion, but not really a passion."
Napatingin sa ibang direction ang babae at napasimangot. "Kiss scene?"
"Actually...yes."
Nilingon ni Shanelle ang director. "I..."
"It's only acting," malambing na sambit ng director at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Di ba nga propesyonal kang actress? For the sake of making our drama more amazing, you will be most willing, right?"
Napapapikit si Shanelle at naka closed na ang fist niya. Tinignan niya ang masayang pag-uusap nila Riza at Chihoon sa taas ng building saka tumingin sa director. "You should ask him yourself. Pag di siya pumayag, di rin ako papayag."
Napatingin naman si Chihoon sa kinaroroonan ni Shanelle kasama ang director. "What's wrong? Nag-away ba kayo?" tanong sakanya ni Riza.
"Will she be angry for a long time?" tanong ng lalake sakanya.
"No. she has a small brain capacity. Magiging okay siya after cooking her for a meal," nakangiting sambit ni Riza.
"A meal?"
Tumango si Riza. "Sabi nga sa kasabihan, the best way to a woman's heart is through her stomach."
Bigla namang dumating ang director. "Riza, Chihoon, may ididiscuss ako sainyo."
Napapataas naman ang labi ni Shanelle sa pagtingin sa pag-uusap ng director kasama sina Riza at Chihoon. Di man niya naririnig pero alam naman niyang di papayag ang lalake. Sa arte ba naman niya diba? "Kahit pumayag si Chihoon, di naman papayag si Riza diba?" Tumango siya na parang sigurado sa iniisip. "I know her the best."
Bigla namang nag okay sign ang director sakanya mula sa taas. Napalaki ang mata niya sa Nakita. What the hell?! So...pumayag siya?
_______
Dahil sa sinabi ni Riza, nagdesisyon nga si Chihoon na pumuntang grocery store para mamalengke ng iluluto niya para kay Shanelle. Tinitignan niya ang listahan ng recipe saka luminga-linga upang hanapin ang mga iyon.
Pumunta siya sa fruits section at kumuha ng dalawang klase ng pear. Pareho naman silang pear. "Ano kaya sakanila ang kukunin ko?"
Napansin naman ng isang matanda ang pag-aalinlangan ng lalake sa kung anong klaseng pera ang kukunin niya. "Binata, di mo alam kung anong bibilhin?"
"Gusto kong bilhin yung pear na para sa bata," sambit ni Chihoon na nilingon ang matanda.
"Pear na para sa bata? Yang snow pear ang bilhin mo niyan, sagot naman ng matanda sakanya. Wag mali ang bilhin mo, baka pagalitan ka pa ng asawa mo."
"Salamat po," nakangiti namang sambit ni Chihoon saka kumuha ng snow pear.
Habang naglalakad siya sa meat section, naka receive siya ng txt. Binasa niya ang mensahe at nakitang si Shanelle yun.
Shanelle: Nasan ka?
Chihoon: Supermarket.
Binulsa na niya ang phone pagkatapos replyan si Shanelle. Napagawi naman ang paningin niya sa isang matanda at binatang nag-aaway.
"Gusto mong tumakbo kasama ang pera ko?" galit na sambit ng matanda. Siya yung matanda na nakausap niya kanina. Nakikipag-agawan pala siya sa isang snatcher. "Di ka ba tinuruan ng magulang mo na wag magnakaw?" anito pa habang pilit binabawi ang wallet sa binata.
Bigla naman siyang tinulak ng lalake kaya nauntog ang matanda sa semento at nawalan ng malay. Dali namang lumapit si Chihoon sa lalake at malakas niya itong tinapon sa mga boxes ng gatas kaya napahiga ito.
"K-kuya, wag mo na akong saktan. Di na ako magnanakaw," sambit ng lalake pero nilapitan parin siya ni Chihoon at pinatong ang paa sa tiyan ng lalake.
"Maging magalang ka sa mga matatanda dahil darating ang panahon na tatanda ka rin."
"A-alam ko, alam ko. Tama na po," pagmamakaawa ng lalake.
"Anong nangyayari dito?" tanong ng mga salesperson kasama ang guard.
Nagpaawa naman ang lalake. "Ang lalakeng yan ninakawan ang lola tapos nananakit din ng ibang tao!"
_______
Dali-daling bumaba si Shanelle sa taxi pagkarating niya sa presinto. Naitawag kasi sakanya ni Jam na nasa presinto si Chihoon dahil sa pananakit sa ibang tao.
Eksakto namang lumabas si Jam sa loob. "Anong nangyari? Bakit nahuli si Chihoon sa papanakit ng tao? At saka bakit ikaw ang tinawagan nila at hindi ako?"
"Shanshan, isa-isa lang pwede? Ayaw lang siguro ni Kuya Chihoon na guluhin ka kaya sinabi niya sa mga pulis na ako ang tawagan at hindi ikaw, sagot ni Jam sakanya. Pero yung ex-boyfriend mo di ako pinatahimik at gusto paring tawagan kita. May rason siguro bakit nanakit si Kuya Chihoon."
"Theres no point in saying that!" inis na sambit ng babae saka nagmadaling pumasok sa loob.
________
"Currently, the grandma is unconscious," ani Gab na kasalukuyang ini-interview si Chihoon. "So, Nakita mo na inaaway ng biktima ang matanda? Nong Nakita mo na sinaktan ng lalake ang matanda, may iba bang nakakita sa nangyari?" seryosong sambit ni Gab kay Chihoon.
"Wala," tipid na sagot naman ni Chihoon.
"Kung gusto mong maging Good Samaritan, stopping them would be enough. Bakit mo pa kailangang saktan ang biktima?"
"I didn't use force to hurt him," sagot ng lalake.
"Nasugatan ang biktima. He has broken three bones," seryoso paring turan ni Gab.
"It can only prove that I miscalculated the force I used. I said it before, that was unintended."
"It looks like you have a dishonest personality," sagot ni Gab.
"Nagsasabi ako ng totoo," pagtatanggol parin ni Chihoon sa sarili.
Matagal silang nagkabanggaan ng tingin as if there is a laser bean between them.
Bigla namang may kumatok sa pinto.
"Gab, labas ka muna," turan ni Jackson.
Lumabas nga si Gab at Nakita niya ang di mapalagay na si Shanelle sa labas.
"M-musta si Chihoon? Nasaktan ba siya?" nag-aalalang tanong ni Shanelle.
"Bakit di mo muna tanungin ang kundisyon ng taong sinaktan niya?" mahinahong turan ng lalake.
"Di mananakit si Chihoon ng walang dahilan," pagtatanggol ng dalaga kay Chihoon.
"Previously, he injured the leading actor because of jealousy. Now he broke a persons bones in the supermarket," naiinis na ding sambit ni Gab dahil sa panananggol na ginagawa ng babae kay Chihoon. "Shanshan, saka ka na lang ba matatauhan pag nakahiga ka na sa ospital dahil sakanya? Pag may nangyaring masama sayo dahil sa pakikipaghiwalay ko sayo, di ko mapapatawad ang sarili ko."
Seryoso siyang tinignan ng babae. "Napaka weird naman ata ng logic mo. I dont think theres anything complicated here."
"He's not suitable for you," seryosong turan ni Gab.
"But I love him," salubong ni Shanelle sa tingin ng lalake. "Pano ba yan? Sa mukha mo hindi siya karapat-dapat para sakin at may violent tendencies pa. Pero alam mo, pag nag tantrums ako, he'd rather break my door instead na hayaan lang akong umiyak. I just love him. That's how I love someone Gabrielle. Bastat hindi niya ako iiwan, hindi ko din siya iiwan."
"You're really..." bigla namang napaubo si Gabrielle sa biglang pagtaas ng boses niya.
Marahan namang tinapik ni Shanelle ang likod ng lalake. "bakit bigla-bigla kang umuubo? Saka pumapayat ka na din. Even if you work so hard, no need to overreact."
Bigla siyang tinabig ni Gab at dali-daling nilagpasan siya. Nagulat naman si Shanelle sa asta ng lalake.
Tumigil si Gab sa paglalakad at pinunas ang dugong lumabas sa bibig niya nang di tumitingin sa babae. "You'd better value your time and take that person away," anito saka naglakad na paalis.
Tumakbo si Gab papuntang Cr at dun umubo. May lumalabas na ding dugo sa ilong niya kaya pinunas niya ito saka napatingin sa sarili sa harap ng salamin.
_______
Mabilis namang sinalubong ni Jam sina Shanelle at Chihoon pagkalabas ng huli sa presinto. Di pinapansin ni Shanelle si Chihoon kaya nauuna itong maglakad sakanya. Di rin niya pinansin si Jam at tuloy-tuloy ito sa paglalakad.
"Kuya, anong problema ni Shanshan?" tanong ni Jam kay Chihoon.
"She's fine. Dont mind her," sagot na lang ng lalake sakanya.
Tumigil sa paglalakad si Shanelle at hinarap si Jam. "Jammier," binato niya sakanya ang car key na nasalo naman ni Jam. "Kunin mo ang sasakyan ko."
Tumalima naman ang lalake at iniwan ang dalawa.
"Di ka na ba talaga makapagpigil?" tanong ni Shanelle pagkaalis ni Jam. "Wala ka ba talagang common sense? Pag may ganitong pagkakataon, dapat tumawag ka nalang ng pulis at wag nang makialam. Bakit kailangan mong manakit?"
"Pag ikaw, pagkatapos ng car accident mo at ang ginawa ko lang ay tumawag ng pulis, baka di pa sila nakakarating patay ka na," turan naman ng lalake sakanya.
Lumapit sakanya ang babae. "Okay. I am a cold-blooded animal. Okay? Alam mo ba ang naramdaman ko ng marinig kong nasa presinto ka? I am scared to death!" She pursed her lips saka tumingin sa ibang direksiyon. "And you even caused me to lose face in front of Gabrielle Lee. You caused me trouble."
"Forget it," ani Chihoon at nilagpasan ang babae.
Pinigilan naman ng babae ang braso niya. "Forget what? What do you want to do?!"
Lumingon si Chihoon sa babae. "Forget it means that I dont want to drag you into this and dont want to care about you anymore."
"That's great. I actually want to forget it," salubong niya sa titig ng lalake saka niya tinalikuran ito.
Nilingon siya ni Chihoon. He sighs. Dinama niya ang dibdib niya at naramdaman ang pagkislot nito. Is Shanelle hurting? Or is it me?
.________
Nanonood si Shanelle ng TV sa bahay habang inaantay ang pag-uwi ni Chihoon. Wala pa kasi ito hanggang ngayon. He gets her phone at hinanap sa contacts niya ang number niya, but she cant seem to dial it. Binaba na naman niya ito. "Kung ayaw mong umuwi e di wag! Wala na din akong pakialam sayo! Wag ka ng babalik!" naiinis na sambit ng babae.
________
Nakaupo naman si Chihoon sa malaking bato sa tabing dagat. "Don't blame me for not coming to see you. Busy ako ngayong mga araw. See? Im specially coming to see you. Im staying here with you tonight."
________
Busy naman si Professor Lee sa pag conduct ng study sa blood sample na binigay ng boss sakanya nung nagkita sila. Naalala niya pa ang sinabi nito.
"This is that monsters blood sample. I met with you and gave you such an important thing. Wala ka bang itatanong sakin?"
"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ni Professor Lee sa boss.
"Back then, when I decided to support your research, its not just because I admire your skills, but most importantly, its your love towards your daughter. We have been always taking what we want, and this goes for this time as well. That monster did not die even after draining his blood, you must use this blood sample to find a way to totally kill that monster and his secret to immortality. Remember to not be curious about that monster. Bad things happen to people when you get curious"
________
Kasalukuyang nasa dressing room si Shanelle habang pinaglalarauan ang kanyang ball pen. Magdamag kasing hindi umuwi si Chihoon at di niya alam kung saan ito nagsusuot.
"Shanshan, kape mo," sambit ni Jam at pinatong ang kape niya sa table.
Kinuha naman ito ni Shanelle at ininom ng diretso. Bigla naman siyang napabitaw nang mapagtantong mainit ito. "Uck," kinuha niya ang yoghurt niya at yun na lang ang ininom niya.
"Shanshan, bakit napaka inattentiveness mo ngayon?" tanong ni Jam sakanya. "Di pa ba kayo bati ni Kuya Chihoon?"
"Dont mention him," binaba ni Shanelle ang iniinom na yoghurt.
"Nagfi-film na siya ngayon nung kiss scene kasama si Riza. Di kaya mas magagalit ka pag Nakita mo yun?" Jam tilts his head.
"Today?" nagtatakang nilingon siya ni Shanelle.
"Oo, di pa ba nila binigay sayo ang filming content?"
Kinuha ni Shanelle ang papel na nasa harap niya at binasa ito. Bigla naman siyang tumayo at dali-daling lumabas ng dressing room.
Sumilip siya sa likod ng kurtina at Nakita niya na in-action na nga ang dalawa. Lumakad siya para mas Makita ito. Riza and Chihoon are staring at each other saka unti-unting lumapit sila sa isat-isa. Napalaki ang mata ni Shanelle sa sobrang intimate ng aura ng scene. Pati ang background music nila ay napaka intimate din.
Hinawakan na ni Chihoon ang mukha ni Riza at unti-unting nilapit ang mukha sa babaeng ka-aktingan. Pati ang director ay napatayo na rin sa nakakakilig na scene nila. Maglalapat na sana ang labi ng dalawa nang
"Cut!!!"
Napatigil si Chihoon at napatingin sa sumigaw. Pati ang director ay napapadyak sa pagkatigil ng magandang ambiance na sana ng scene.
Tumingin ang director sa sumigaw. "Sino ang sumigaw?!" galit na bulyaw niya sa mga crew na andun.
Bila namang napatingin ang director kay Shanelle na nakataas pa ang kamay nito sa ere pagkatapos sumigaw ng Cut. Dali-dali niyang hinarap ang dalaga at pinameywangan. "Shanshan, anong ginagawa mo? Ikaw na ba ang director ngayon para sumigaw ng Cut ha?"
Expectation vs. Reality
Expectation:
Galit namang winasiwas ni Shanelle ang kamay. "E ano ngayon kung ikaw ang director? Pwede mo na bang palitan ang script sa kahit anong oras mo gustuhin? You make my boyfriend kiss my bestfriend!"
Napapalakad naman patalikod ang director dahil sa lakas ng sigaw ng dalaga. "Wala akong pakialam kung director ka man! Bat di nyo na lang I angle yun para magmukha silang naghalikan? Or else I will smash you with a machine! sigaw parin ng dalaga."
Reality:
"Shanshan?! ANong ginagawa mo?!" sigaw ng director sa babae.
Para namang napipi si Shanelle at di siya makaapuhap ng salita kaya pinagsalop na lang niya ang mga kamay at nag-bow sa harapan ng director. "I'm sorry. I shouted wrongly."
Nakatingin naman sakany si Chihoon. Napapangiti naman si Riza.
"G-go on," sambit pa ni Shanelle saka nakabusangot ang mukhang umalis sa set.
Humihinga siya ng malalakas ng makalabas sa set. Sinundan naman siya ni Chihoon.
"B-bakit ka lumabas? Nasa loob pa si Riza," awkward na sambit ni Shanelle.
Chihoon takes his phone at pinabasa ang txt ni Riza sakanya.
Riza: Take lil sister home to eat with you this weekend.
Pagkatapos Mabasa ni Shanelle ay tumalikod na si Chihoon.
"Ey, teka!!"
Tumigil naman sa paglalak si Chihoon at nilingon ang babae.
"Saan ka nagpunta kagabi?"
'Where I went has nothing to do with you," diretsang sagot ni Chihoon sakanya.
"I-I am your girlfriend and I am a female celebrity. Your actions will probably bring me problems," pilit na salubong niya sa tingin ni Chihoon. Ayaw man niyang aminin pero nagsisimula na siyang magkaroon ng pakialam sa buhay ng binata.
"Then why dont you just break up with me?" seryoso ding sambit ni Chihoon.
Napakunot naman ang noo ni Shanelle. "Monster Chi, you..." napalunok siya saka kinagat ang labi. "A-about the kiss scene just angle it so that it looks like a kiss!"
Napataas lang ang kilay ni Chihoon sakanya saka niya tinalikuran ito. Napangiti naman si Chihoon pagkaalis niya sa harapan ng babae. Cute.
________
Marahas na hinihiwa ni Shanelle ang steak niya habang kumakain silang dalawa ni Riza after ng taping nila.
Napapatingin naman sakanya ang kaibigan. "Next week, we will be shooting the stills for the main characters. And now youre turning grief into appetite."
"Gutom lang ako," sabi ng isa na di tumitingin sakanya.
"Anong nangyayari sa inyo ni Chihoon? Whose fault is it?" tanong ni Riza dito.
"Of course, its his fault! Nagpunta siya ng umaga sa supermarket para mag grocery tapos nanakit ng ibang tao tapos nawalan pa ako ng mukhang ihinarap kay Gabrielle!"
Riza sighs. "Are you serious? Your Chihoon went to the supermarket to buy you food to eat. I even made the menu."
Bigla namang napatingin sakanya si Shanelle.
"He's such a caring man, why are you even complaining?"
"It can't be. Hes the Prince of dodgy ingredients." Nakakunot ang noon na sambit ni Shanelle.
"Be honest. Are you worried and scared to lose face in front of Gabrielle or are you worrying about Chihoon?" nakangiting tanong ni Riza kay Shanelle.
"Wh-whos worrying about him?" tumingin sa ibang direksiyon ang babae. "He can even break bones, what is there to worry."
"E di bat di ka pa makipaghiwalay sakanya? After all the number of women waiting for him is lined up from here to the river."
"Psh," Shanelle rolls eyes on her.
"Not to mention his lips. It is the lips of a legendary kissable lip," nakangitin pang sambit ng kaibigan na mas nakapagpasimangot sa mukha ni Shanelle. "However, the kissing skill..."
"Don't force me to break our friendship relationship Rizalane Kim," pagpuputol ni Shanelle sa sasabihin ng kaibigan.
"Are you really angry?" taas kilay na sambit ni Riza saka siya tumawa. "Okay, okay. Di na kita iinisin. Okay naman ako sa mga kiss scenes. But your Chihoon protected his body for you and innocently requested for kiss positioning."
Napangiti si Shanelle sa narinig. "Pero number fan mo siya. His online ID is Fanclub Team, Leader."
"Woah, your Chihoon entered my Fanclub?"
Tumango si Shanelle. "Yep. he even paid the fees."
"Okay then, I will give him discount," Riza giggled.
Shanelle rolled her eyes. "I thought youll give it to him for free." Tinignan niya ang plato niya at napalaki ang mata niya. "N-nasaan na ang karne dito? Oh my Gosh Ill get fat!"
Napangiti si Riza. "Will you consider going to my place to drink wine and get some massage?"
"Good idea!" masiglang sigaw ni Shanelle saka tinawag ang waitress. "This lay here is paying!" anito na turo kay Riza.
Napanganga naman si Riza dahil siya na naman ang pinagbabayad nito.
_______
Umiinom si Chihoon ng yoghurt kasama ang isang bata na tinuturuan niya sa center habang inaantay nila ang Mama niya.
Napapatingin ang bata sa orasan habang nasa bunganga niya ang straw ng yoghurt na iniinom. Ilang araw nang sa center natutulog si Chihoon at hindi umuuwi sa bahay ni Shanelle.
"Don't worry Michael," darating na ang Mama mo maya-maya lang, pampalubag loob ni Chihoon sa bata.
Tumango lang ang bata. Maya-maya lang ay dumating na nga ang mama ni Michael.
"Mama!" masayang sambit ng bat ana sinalubong ang ina.
"I'm sorry trainer for troubling you," Cara, Michael's mom, said.
"Are you in trouble?" tanong ng lalake kay Cara.
"Wala naman. Nag overtime lang," nakangiting sambit ng babae sakanya.
"Michael is obedient," sabi ni Chihoon na ginulo ang buhok ng bata.
Kakarating lang din ni Jam upang sunduin si Chihoon sa center. Sakto namang Nakita niya si Chihoon na lumabas kasama ang isang babae at isang bata.
"Oh, right. We really brought problems to you," sambit ni Cara. Nilabas niya ang isang Tupperware na may pagkain at inabot kay Chihoon. "This is a snack made for you to try."
Inabot naman ito ni Chihoon. "Salamat."
Umalis na nga ang mag-ina pero nanatili paring nakatayo si Chihoon. Its like this feeling is familiar. The feeling of warmth. The feeling of having a family. As if it happened to me before.
Napapanganga naman si Jam habang pinapanood sila. Bumaba si Jam at naiinis na lumapit kay Chihoon. "Sino ang babaeng yun?" tanong niya dito.
"Bakit galit ka?" kunot-noong tanong ni Chihoon.
"Tinatanong mo bakit ako nagagalit? Nandito na nga kami ni Shanshan, bat naghahanap ka pa ng ibang tao?"
"Ano bang sinasabi mo diyan?" nagtatakang tanong ng lalake.
Huminga ng malalim si Jam. "Masakit magsalita si Shanshan,oo. Pero totoo na nag-aalala siya sayo. Kaya pinadala niya ako upang tignan kung saan ka natutulog dahil di ka umuuwi sa bahay niya. Ang bait mo sa ibang babae. Di ka man lang ba naaawa kay Shanshan? Saka maliban kay Shanshan, ako lang ang nakakaalam ng tunay mong katauhan. Bakit ang bait mo dun sa batang yun? Di ka man lang ba naaawa sa akin?"
"Jammier I don't think I should feel sorry for you," sagot ni Chihoon. "Are modern humans unable to control their possessiveness?"
"Possessiveness? Tama ka. Parang nung bata ako. Kinuha ng mama ko ang transformer na laruan ko at binigay sa batang kalaro ko. Umiyak ako at di pinansin si mama ng tatlong araw. Kasi gustong-gusto ko yun at ayaw kong ipahiram o ipamigay sa iba. Yung mga bagay na kaya mong ipahiram o ipamigay ay ang mga bahay na hindi mahalaga sayo. Ganito ang nararamdaman ng normal na tao."
"Pero para sakin di kayo naiiba sa mag-inang yun."
Nasaktan naman si Jam sa sinabi ng lalake. "Kuya, pwede mo yang sabihin sakin. pero wag mong sasabihin yan kay Shanshan. Mahina yun. Kahit masasampal yun saka lang niya mararamdaman ang sakit ng sampal pagkatapos ng ilang araw." Huminga siya ng malalim saka tinignan ang center. "Pano naman makakatagal ang isang tao sa pagtira dito? Bumalik ka na sa bahay para di na rin magdamag na manood si Shanshan ng TV at antayin ka hanggang mag-umaga. Magpapanggap na lang akong walang Nakita. Mag-ingat ka kuya," aniya at iniwan na ang lalake.
________
"Today, I'll stay with you," ani Chihoon na ang kausap ay ang kaibigan niya sa tabing dagat. Naglalakad siya sa dalampasigan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. "Di naman sa wala akong bahay. Sometimes, I also need to keep distance. Ayaw kong isipin ng iba na pag-aari nila ako. I don't want to be someones possession. Pag di ako bumalik, they will feel na may Nawala sakanila. Tapos late na sila matutulog sa gabi. Di ko alam kung totoo yun o hindi."
Umuwi si Chihoon ng gabing yun at Nakita na natutulog si Shanelle sa sofa habang nakabukas pa ang TV. Nilapitan ni Chihoon ang babae. Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV saka niya binuhat ang babae papunta sa kwarto niya. inihiga niya ito ng maays saka niya kinumutan. Tumalikod na siya pagkatapos.
Nagising naman si Shanelle pero likod na lang ng paalis na lalake ang Nakita niya.
Pagkagising ni Shanelle dali-dali siyang bumangon at bumaba thinking na bumalik na si Chihoon. Pero pagbaba niya walang Chihoon siyang Nakita. She was disappointed. She didn't know why but she is missing his presence.
________
Maaga namang pumunta si Jam sa bahay ni Shanelle. "Ready ka na ba Shanshan? We will go daddy's home," sabi ni Jam.
"If you can't talk properly, then talk less," Shanelle rolls her eyes. Antayin moa ko sa sasakyan. "Magbibihis lang ako," anito saka bumalik sa kwarto niya upang magbihis.
_______
"After recording, you came to discuss business," sambit ni Justin kay Rizalane habang pinipirmahan ang isang kontrata. "My fiancé is really a wife huh." He puts down the ballen saka tumingin sa babae. Binigay niya sa babae ang napirmahang kontrata.
Nakangiti namang tinanggap ng babae ito. "This means that our company really values the cooperation with Huberts Corporation. I came by myself. There are some provisions to the protocol, but you wont be bargaining them with me, and thats my reward," aniya.
Napangiti ang lalake. "You're really direct."
"Ang isang businesswoman ay bumabangon ng maaga para kumita," she drinks her coffee. "Gaya ng kasal natin. Its a profit, isnt it?"
"Pag talagang papakasalan mo ako, pwede na akong mag retire," Justin said chuckling.
"talking about your health, youre really in the state to retire early," sambit ng dalaga dahil palagi ngang nagkakasakit ang lalake. "You have to work out. Pag talagang papakasalan kita at palagi kang magkakasakit ng ganyan, baka pagsuspetahan pa ako na nilalason kita," she said jokingly.
May bigla namang kumatok sa pinto. "Come in," sambit ni Justin.
Pumasok ang secretary ni Justin. She bowed at Rizalane saka tinignan si Justin. "Sir, a colleague from the PR has heard that Mr. Red Hubert has returned from abroad not too long ago," anito na ang tinutukoy ay ang pinsan ni Justin. "Should we notify him for the meeting?"
"He came back? did you contact him?" seryosong sambit ni Justin.
"Di namin siya makontact Sir kaya pinuntahan kita dito, if you have any ideas."
"Okay, I got it. Ako na ang bahala," sambit ni Justin.
The secretary bowed saka lumabas na.
"I'm sorry where did we stopped at?" balik tinging sambit ni Justin kay Rizalane.
Nginitian siya ni Riza. "We were talking about your health problems. I might end up carrying a wrongful accusation."
"Nah, at least my cousin Red Hubert will pester you to no end," he said and sips on his coffee.
"Siya ang Chairman ng Hubert Corp, di ba?" tanong ni Riza.
"Oo, siya nga. Dahil nga sa illegitimate child ako, kaya iniisip niya na ako ang kumuha sakanya ng Hubert Corp. Pag man may nangyari saking masama, at sayo mapupunta ang Hubert Corp, mas maiisip niya na mas Nawala na sakanya ang lahat. Pero naiinggit din ako sakanya. He has stocks but he doesnt need to be in the public and he doesnt need to manage anything. Puno siya ng kamisteryosohan sa buhay. Actually, kahit ako di siya ma contact."
"You can't contact him?" nagtatakang sambit ni Riza. "What a complicated pair of cousins. Fortunately, tayo ay sa pagpapakasal lang naiipit."
Justin chuckled. "Pero, wala kang dapat alalahanin sa kalusugan ko. Nagsimula na din akong magpractice ng taekwondo at the place recommended by Miss Shanelle."
"Akala ko sinasabi mo lang yun. Di ko alam na tototohanin mo pala talaga."
"Ayoko namang palagi kang nag-aalala sa kalagayan ko kaya gusto ko ding mag-effort on my own," he smiled at her. "By the way, Miss Shanelle and Mr. Chu's relationship is stable, right?"
"Di lang stable, napaka sweet din nila sa isat isa," nakangiting sambit ng dalaga habang ini-imagine ang ka-sweetan ng magkasintahan.