Chereads / Animated Love / Chapter 26 - Chapter 25

Chapter 26 - Chapter 25

Shanelle and Chihoon went to Chihoon's old place. Chihoon calculated the place from the entrance to find something. Pinapanood naman siya ni Shanelle. Iniabot ni Chihoon ang camera sa babae kaya hinawakan ni Shanelle ang camera nito.

Chihoon counted his steps until he came to the right spot. He took a shovel and started digging the ground.

"Anong hinahanap mo?" nagtatakang sambit ni Shanelle sakanya. Di naman sumagot ang lalake. Patuloy lang ito sa pagbungkal ng lupa hanggang sa may maramdaman na siya mula sa edge ng pala.

He took an old wooden box from the ground at tinanggal ang natitirang lupa dito. Binuksan niya ito.

Nanlaki naman ang mata ni Shanelle ng Makita ang laman ng box. "You…you…you're too scary!" anito na tinuro ang lalake. She took what's inside the box. It was a green jade bracelet. Tinitignan ni Shanelle ito ng Mabuti at kinikilatis kung totoo ngang jade ito. "I-ilang ganito ang tinatago mo dito?" nagtatakang tanong ng babae.

Nilingon ng lalake ang paligid saka tumingin sa babae. "Enough to open a private museum," anito.

Para namang nagging ginto ang mga mata ni Shanelle sa narinig.

_________

Sa lab, binabasa naman ni Troy ang pamphlet tungkol sa nawawalang dormant corpse. "Few hundred years…obsolete knowledge… completely out of touch with the modern world. Saan kaya siya magtatago?"

"Teacher Troy, nahanap mo na ba ang taong kumuha ng dormant corpse?" ani Arlene pagkalapit niya sa lalake.

"I think we will soon," he said. "Teka, di ba sabi mo pumunta ka sa isang birthday party? Bat bumalik ka agad?"

"ANo, last time kasi nung nagrequest ang school ng investment, kinuha nila ang ilang files ni Professor Lee. Kakabigay lang sakin nung Professor ng Physics College para ibalik ang mga ito kay Professor Lee. He said that it contained ID's and such. Baka daw kailanganin ni Professor Lee ang mga ito," Arlene said na hawak-hawak ang brown envelope.

"AH, pwede mo na lang ibigay sakin. nandito ang ID niya?"

Tumango si Arlene at iniabot ang envelope kay Troy. "Di ko nakikita ngayong mga araw si Professor Lee. I'll have to trouble Teacher Troy with this. Then, I'm going now. Bye Teacher Troy," she said at umalis na sa lab.

Napaisip naman si Troy. Di ba nasa business trip si Professor Lee? How can he not have his ID? He tried contacting his phone pero out of coverage ito. He decided na puntahan na lang ito sa bahay niya.

____________

Shanelle is busy digging the sand habang nasa tabing-dagat sila ni Chihoon. Sinama kasi siya ni Chihoon dito. "If you have more gold bars or antiques, mapapasakin sila pag nabungkal ko sila," aniya na binubungkal ang damp sand gamit ang isang kahoy.

Nakaupo lang naman si Chihoon sa malaking bato habang tinatanaw ang malawak na baybayin.  "Let me introduce you my landlord, Miss Shanelle," pagkausap ni Chihoon sa kaibigan niya habang ang mata ay nasa nagbubungkal na si Shanelle. "She has the intelligence of a caterpillar and will fall into a manhole on a normal day. She guards her money even in her dreams."

"Hatching!" biglang bahing naman ni Shanelle. "Someone might be talking about me behind my back," anito na pinunas ang pawis gamit ang kamay.

Napangiti naman si Chihoon sa narinig mula sa dalaga. "Although she looks like a little dumb pero kailangan ko ang tulong niya. Professor Lee and the research center must be handled carefully. As for contacting the people who wanted my video, ayoko ring gumamit ng violence. Pag naman nahanap ko siya, he might just be a middleman. The most likely candidate as of yet should be the one who first sold the jade. That was my mother's relic. Di ko naman ibebenta ang jade na iyon. So, anyone who had my jade is very likely the one who sold it and sucked my blood dry. Kailangan kong makuha ang addres ng taong ito. This is exactly why I need her."

"I found it! I found it! A shell!" sigaw ni Shanelle na nakatayo na.

____________

Nakarating naman si Troy sa bahay ni Professor Lee. "Professor?" anito na kinato ang pinto. On his third knock, the door opened on his own na para bang hindi ito nai-lock.

Maingat na pumasok si Troy sa loob ng bahay. "Professor? Professor?"

Di niya alam na may misteryosong lalake na nasa room ni Professor Lee at kina copy ang lahat ng files ng professor.

Nakita ni Troy ang mga pinagkainan ni professor Lee sa sala. "Eating junk foods again," ani Troy saka nilinga ang paligid. "Professor?" patuloy na tawag niya.

Narinig naman ng lalake ang boses ni Troy. He closed the computer at nilabas ang kutsilyo niya.

Patuloy naman sa paglalakd si Troy upang hanapin ang professor sa loob ng bahay pero di niya ito Makita. Hanggang sa nakarating siya sa kwarto nito. "Nasan kaya siya?"

Nakatago naman ang lalake sa dingding ng kwarto at handa na niyang isaksak sa likod ni Troy ang kutsilyo niya. Pero…

"SInong nandiyan?" anang isang boses kaya lumabas si Troy sa kwarto at bumaba para tignan ang nagsalita.

"Ah, hello," sambit ni Troy pagkakita sa isang guard na siya palang tumawag sakanya.

"Isa ka siguro sa mga estudyante ni Professor Lee. Nakikita kitang nagpupunta dito dati," sambit ng guard.

Tumango si Troy. "Gusto kong Makita si Professor Lee kaya nung Nakita kong nakabukas ang pinto, pumasok na lang ako. Akala ko nandito siya sa kanyang bahay pero parang wala naman siiya."

"Nakalimutan na naman niya sigurong ni-lock ang pinto. Lagi niyang ginagawa ito," the guard said na bahagyang nilingon ang pinto. "Bakit kaya di mo siya tawagan?"

"Ginawa ko na po. But he's not available. Lagging ganito si Professor. Madalas siyang careless sa mga ganitong bagay. So, I might as well trouble you to look after him," sagot naman ni Troy sakanya.

"Trabaho ko naman yun talaga. Bakit di mo siya tawagang muli?"

Tumango si Troy. "Okay po. Salamat."

Lumabas na nga sila sa bahay ni Professor.

Binuksan naman muli ng lalake ang computer ng professor at tinuloy ang ginagawa.

__________

Bumaba naman si Professor Lee pagkarating sa bahay ng matandang witness sa nangyaring aksidente.

"Hello," bati ng professor sakanya.

"Hello, sino kayo?" sagot ng matanda.

Professor Lee handed his business card to him.

"Stem Cell Resurrection Center? Oh, Hello Professor Lee," masayang bati ng matanda sa professor. "Kahapon pumunta din dito si Detective Lee kasama ang isang estudyante niyo din sa center."

"Pumunta din dito kahapon si Detective Lee?" tanong ni Professor Lee.

"Kilala mo siya?"

"Oo, siya ang detective na nakaatas sa kasong to," sagot naman ni Professor. "The other one should be my student. Ano ang tinanong nila kahapon? Nandito ako para tignan if they missed something."

"Tinanong nila ako tungkol dun sa pervert na Nakita ko sa aksidente nung isang babae. Di ko din naman Nakita ang itsura niya. kaya di rin ako nakatulong," sagot naman ng matanda. "Pero, ang sabi ko yung shirt nung lalake dun sa aksidente ay kapareho nung shirt nang nawawalang dormant corpse."

"W-wala ka ba talagang natatandaan sa kung anong itsura ng pervert na iyon?" tanong ng professor.

"Wala talaga eh."

Professor Lee just sighed.

___________

Shanelle posted on her social media account with a caption:

'Just found put that my boyfriend is super rich. He just gave me an antique. Tatanggapin ko ba?'

Makalipas lamang ang ilang Segundo ay madami nang nag comment.

C1:  Seeing that your online ID is "Prettiest in the Universe", I can tell that you need to take your medicine.

C2: I feel bad for you. My ex-boyfriend used to give me a bunch of branded-name bags. After testing them, not even one of them is real. We broke up. Hugs and kisses.

C3: Hurry up and marry him.

C4: Crazy couple have happier lives.

C5: Rich people nowadays are very low-key. I want to tell everyone that my dad is actually the king of Arabia.

Napapataas ang gilid ng labi ni Shanelle sa mga nabasang comments. "These ignorant fools. Wala man lang talagang naniwala sakin." Kinuha niya mula sa table niya ang box ng jade saka binuksan ito. "Magkano kaya ito pag binenta?"

Bigla naman siyang bumangon at pinuntahan si Chihoon na kasalukuyang nakaupo sa harapan ng TV at nanonood.

"Nakapag-isip-isip na ako. I cannot be greedy," ani Shanelle at pinatong ang box sa lap ng lalake. "Di ko yan matatanggap."

"Okay, I can sell it then use it to fund your talent agency business," Chihoon said na ang tinutukoy ay ang planong ipatayo ni Shanelle na talent agency niya.

Napalawak naman ang ngiti ni Shanelle. "Really?!"

Tumango ang lalake.

Bigla namang niyakap ni Shanelle ito sa sobrang saya niya at hinalikan niya ito sa pisngi. "I'm going to call my construction company right now! Thanks!" anito at patalon-talon na lumakad pero bigla ding tumigil saka nilingon muli ang lalake. "Siya nga pala, narinig ko sa isang katrabaho ni Gabrielle na naka day-off daw siya. The opportunity is here! Let's go on a mission! Let's go!" sigaw niya pa saka lumakad na pabalik sa kwarto niya.

Bigla namang hinawakan ni Chihoon ang pisngi niya na hinalikan ng dalaga at naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Napaangat ng konti ang labi niya.

__________

"Thanks for your concern Doctor Zhang," sabi ni Gab na kausap ang doctor niya sa phone. "Pero ayoko din na may makaalam na iba tungkol dito. I won't do anything about it either. Alam ko ang ginagawa ko. Konti na lang ang oras ko. I don't want to spend it on this," aniya saka binaba na ang tawag.

Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa di mapigilang pagtulo ng luha niya. Bigla namang may kumatok sa pintuan niya kaya pinunas niya ang mata at pinuntahan niya ito. Nagulat naman siya ng Makita na si Shanelle pala iyon.

Pinakita ni Shanelle ang bitbit na supot ng pagkain saka nagtuloy-tuloy sa loob. Naalimasmasan naman si Gab kaya sinara niya ang pinto at sinundan ang dalaga sa loob ng bahay.

"This is my dad's special pickled veggies!" nakangiting sambit ni Shanelle sakanya saka dumiretso sa kusina.

Sinusundan naman siya ni Gab. Ngumiti siya dahil sa namimiss na presenya nito. Bago pa man kasi sila maging magkarelasyon, they became best of friends dahil nga sa magkababata sila. They had so much memories together.

Shanelle prepared the foods. "You got lucky today," napansin naman ni Shanelle ang di maalis na tingin ng lalake sakanya. "bakit? Seeing your little sister Shanshan here makes you so happy that you can't even breath?"

"Yeah, I can't breathe," nakangiting sambit ni Gab na di inaalis ang tingin sa babe na naghahanda ng pagkain.

Nilingon naman siya ng babae. Di alam ni Gab sa isang tenga ni Shanelle ay may communicating device para ma contact niya ang mga kasabwat sa plano na sina Jam at Chihoon.

"Sinabi na ni Shanshan ang code words na 'can't breathe'," Jam said na hawak hawak ang laptop niya sa labas lang din ng bahay ni Gab.

Tumango si Chihoon at mabilis na tumalon si Chihoon papunta sa kwarto ni Gab. He used his specially built glasses para Makita ni Jam ang mga nasa loob ng kwarto.

"Secured na ang visuals," anito ng Makita na sa screen ng laptop niya ang kwarto ni Gab.

"Successful entry," sambit naman ni Chihoon. Nakita niya sa CPU ng computer ang isang USB na sa tingin niya ay kasalukuyang ginagamit ni Gab.

"Maswerte tayo yung ID card niya ay nasa table," sabi ni Jam. "Gawin mo ang sasabihin ko Kuya."

Naupo na nga sa upuan ni Gab si Chihoon at hinarap ang computer ni Gab.

Naririnig naman lahat ni Shanelle ang mga sinasabi ng mga kasama. Gab suddenly hugs her from behind at pinatong ang baba nito sa balikat ng dalaga.

Nagulat naman si Shanelle sa ginawa ng lalake. "What's wrong? Were you drinking?" sambit ng babae.

"Just pretend I was drinking," sambit naman ni Gab na pinikit ang mata at dinama ang presenya ng babae sa tabi niya.

"May nangyari ba?" tanong ng babae na nao-awkward-dan sa sa ginagawa ng lalake. Kumalas siya sa pagkakayakap ng lalake at hinarap ito. "SInasabi mo lang ba na naka day-off ka pero ang totoo niyan ay napatalsik ka talaga sa trabaho? Diba kuya mo yung captain? Wah, wala ba siyang puso?"

Napangiti naman si Gab sa tinuran ng babae. How he misses her scolding and rants. "Walang kinalaman si kuya dito, wag kang mag-alala. Wag na iyon ang pag-usapan natin. It's so rare that I take days-off, so this is the perfect time to have some French wine my friend brought back."

Napatango naman si Shanelle. "Okay. Let's drink."

Login to Metropolitan Operative System. Nakaharap lang si Chihoon sa harap ng comouter. He typed the user ID pero kailangan ng dalawang password para maka log-in. "Jam, kailangan ko ng isa pang password."

"Nakikita ko. Oh my gosh," sambit ni Jam na kinakalikot din ang laptop. "Pag nagkamali tayo ng isang beses mag automatic lockdown ang system ng isang oras."

Bigla namang nabulunan ng wine si Shanelle sa narinig mula kay Jam. Napangiti naman si Gab sa pag-ubo ng dalaga. "No one's competing with you, you know," inabutan niya ito ng tissue.

Kinuha ito ni Shanelle at pinunasan ang bibibig. "Pupunta lang ako ng washroom ah. Antayin mo ako," sabi ni Shanelle saka tumayo at nagpunta sa CR. "Hello Jammier, bat di mo alam na kailangan pala ng dalawang password?" pagkausap ni Shanelle kay Jam mula sa communication device.

"Dahil isa lang naman akong mabait na mamamayan ng bansa na hindi nakikipaglaro sa mga pulis," sabi ni Jam.

Napahawak sa ulo si Shanelle. "Damn it. Noon, ginagamit ni Gab ang birthday ko even sa front door niya. What can it be now?"

Napatingin naman si Chihoon sa picture frame sa table ni Gab. It was him and Shanelle's picture. "Kelan ang birthday mo?" tanong ni Chihoon sa babae.

"September 11. Teka, don't act rashly!"

"Don't worry. I trust my instincts," Chihoon said at tinype ang birthday ni Shanelle.

Napansin naman ni Gab na paramg may kakaiba sa bahay niya. He grabbed the wine bottle at naglakad ng unti-unti papunta sa kwarto niya.

Mabilis namang nag-loading ang computer system. Napansin naman ni Chihoon na mukhang paparating na si Gab sa kwarto.

Nakita ni Shanelle si Gab na naglalakad papunta sa kwarto niya kaya napapahawak siya sa dingding ng CR.

Inaantay naman ni Chihoon na matapos ang loading ng computer system. "Password Accepted. Begin Plan B," sambit ni Chihoon.

"AHHHHH!" sigaw ni Shanelle nang buksan na sana ni Gab ang pinto ng kwarto niya kaya napatigil si Gab. Bigla namang umupo si Shanelle sa sink para huminga ng maluwag.

Mabilis na sinara ni Jam ang laptop niya at umakyat sa hagdan papuntang unit ni Gab.

"Okay ka lang ba Shanshan?" mabilis na dalo ni Gab sakanya dahil sa bigla niyang pagsigaw.

"Ah? Ah, wala naman. Mejo madulas lang sa floor kaya muntik na akong madulas," sambit ni Shanelle.

Huminga naan ng maluwag si Gab. "Mag-iingat ka kasi."

Bigla naman silang nakarinig ng katok. "Tignan ko lang kung sino yun," sambit ni Gab saka iniwan si Shanelle.

"hello Kuya Gab, nandiyan ba si Shanshan?" bungad ni Jam pagkabukas ni Gab ng pinto.

"Nasa washroom siya," sagot ni Gab sakanya.

Lumabas naman si Shanelle mula sa CR at hinarap si Jam. "Bakit ka nandito?"

"May shoot tayo ngayon. Di ba sabi mo bababa ka na pagkatapos mong mai-deliver ang prickled veggies?" maang-maangang tanong ni Jam.

Bigla namang napatampal si Shanelle sa noo. "Nakalimutan ko nung Nakita ko na yung wine. Aalis na kami Gab ha?" anito na hinarap si Gab saka kumaway.

Kumaway din si Gab na nangingiti. "This girl is so careless. What is she going to do in the future?"

Pumasok naman siya sa kwarto niya at nakitang nakabukas ang bintana nito. Nakita din niya na nakahiga na ang picture frame sa table niya.

Tinignan niya ito saka inayos ng pagkakatayo.