Chereads / Animated Love / Chapter 25 - Chapter 24

Chapter 25 - Chapter 24

Shanelle doesn't want to cooperate because she doesn't want to cause trouble. There's no way I can find the dormant corpse on my own. Napahinga ng malalim si Troy sap ag-iisip ng susunod niyang gagawin.

Kinuha niya ang phone at denial si Gabrielle. "Hello? Detective Lee? May gusti sana akong sabihin sayo."

___________

Umuwi sina Shanelle at Chihoon sa bahay nila bitbit ang mga pinamili nila. "Last time, di mo man lang inexplain sakin na pumunta ka pala sa supermarket para ipagluto ako," sabi ni Shanelle at kinuha ang apron. "You made me misunderstood. Kaya may kasalanan ka din dun. Pag magkasama ang dalawang tao, trust isn't always the most important. Communication is."

"Alam ko. Pero last time di mo din ako hinayaang magpaliwanag," sagot naman ni Chihoon na tinanggal ang jacket niya at pinatong sa upuan.

Shanelle pursed her lips dahil alam niyang totoo yun. "Never mind. So, you're okay cooking by yourself?"

"Memorize ko na ang recipe kaya di mo na kailangang mag-alala," sagot ni Chihoon na inaayos ang mga ingredients.

Napangiti si Shanell at sinuot kay Chihoon ang apron na hinayaan naman ng lalake. "What are you doing?" ani Chihoon ng bigla siyang yakapin ng babae.

"Tying an apron," she said as she tied the apron at Chihoon's back habang nakayakap siya dito.

"Do people these days always tie apron like this?" nagtatakang sambit ni Chihoon.

"Of course. May problema ba dun?"

"Di ako makakaluto habang nakayakap ka sakin ng ganyan," reklamo naman ni Chihoon.

Bigla namang na-realize ni Shanelle ang ginagawa kaya mabilis siyang lumayo sa lalake. "G-go cook. Go," anito na di makatingin sa lalake.

Chihoon tilts his head saka nagsimua ng magluto.

Nangingiti naman si Shanelle. "Monsters are monsters. They feel so good," she is giggling habang nakatalikod sa lalake. "Parang gusto kong mag ampon ng mas madaming katulad niya."

Bahagya naman siyang nilingon ni Chihoon dahil sa pagkarinig ng sinabi ni Shanelle. Umangat ang labi nito dahil sa nagbabadyang ngiti.

Pagkatapos magluto ni Chihoon hinanda na niya ang mga pagkain sa table. "Kahit di sila mukhang masarap, pero sinunod ko naman lahat ng instructions," ani Chihoon na umupo na din.

Kumuha siya ng kutsara at kumuha ng kaunti. "It shoudn't taste bad. Try it," anito as he feeds her.

Why do I feel that he's the prince of black-market cooking? Ngumiti siya ng pilit sa lalake pero di parin binubuksan ang bunganga sa isinusubo ng lalake.

"You're not having any?" tanong ng lalake.

But his gaze is impossible to reject. What to do? Lumunok ang babae. "I-I'll eat." Kahit labag sa loob ng babae ang kainin ang luto nito, she closed her eyes and opened her mouth at kinain ang sinubo nito. Nilunok niya ito at biglang napaangat ang kabilang gilid ng labi niya sa lasa ng niluto ng lalake. Pinilit niyang ngumiti saka tumingin dito. "Pretty good. You've improved."

"Eat some more then." Napalaki ang mga mata ni Shanelle ng lagyan ng lalake ang pinggan niya ng madaming ulam. Pilit  na ngiti na lang ang ginawad niya dito. Patay.

__________

Kasalukuyan namang nasa may plaza si Troy na inaantay ang pagdating ni Gab. Dumating naman ito after a few minutes.

"Bakit ba ang late mo dumating?" naiinis na sambit ni Troy. "Do you really not looking forward in solving the dormant corpse case?"

"Looking forward to it?"

Napatayo si Troy. "Kung yung dormant corpse ay talagang nabuhay, in the world of science…no. I mean it is a big event among all humankind."

"Maybe. Pero sa lahat ng scientific terms na sinabi mo sakin, wala talaga akong naiintindihan. But I still think that this awakening of the dormant body is too outrageous. But to avoid any midnight calls from you, I had to play along and tell you to give up on it."

"Teka lang. Di ba dapat maghahanap ka muna ng evidence bago ka mag-give up na lang? sige na tulungan mo na ako," ani Troy at mahinang tinutulak si Gab para maglakad.

"Pag talaga isang araw na admit ka sa isang mental hospital, di na ako magtataka," nailing na sambit ni Gab na sumabay na lang sa paglalakad dito.

Pinuntahan nila ang matandang kaisa-isang nakakita sa nangyaring aksidente ni Shanelle. At siya din ang nagbabantay sa dormant corpse bago ito mawala sa ice coffin.

"Tungkol pa rin ba ito sa nangyaring aksidente? O sa nawawalng dormant corpse?" tanong ng matanda na pinatong ang ginawang kape para sa dalawang lalake.

"This dormant corpse…is very special," sabi ni Troy.

"Naku, Malaki ang hirap nitong si Gab sa pag-iimbestiga sa dormant corpse. Pag nahanap niyo ito, dapat magpasalamat ka sakanya," the old man chuckles.

"I definitely will. I even gave up my girlfriend to him," ani Troy na tinignan si Gab na marahas naman siyang nilingon na kinatawa ng isa.

"He's joking," Gab said seriously sa kausap na matanda.

"Regarding the accident, nasabi ko na ang lahat kay Gab. Nung makarating na ako sa museum that time, di ko na din alam kung ilang oras ang lumipas pagkatapos ng pagkakawala ng dormant corpse kaya di ko alam kung nanakaw ba ito o kung sino ang kumuha. Tumawag lang ako ng pulis tapos umalis na ako nung dumating na kayo," anito.

Tumango si Gab. "Regading the car accident, di ba sabi mo may crazy pervert kang Nakita?"

Siniko siya ni Troy. "Akala ko ba pumunta tayo dito tungkol sa dormant corpse?"

"I guess, I'm getting there, kid," ani Gab at tinignan ulit ang matanda.

"Oo, meron nga pagdating ko dun, may Nakita akong lalake na hinahalikan ang babaeng biktima ng aksidente. Balak ko siyang paluin noon ng kahoy dahil imbis na tulungan ang babae e nag take advantage lang siya. Pero nung bumalik ako na bitbit ang kahoy, Nawala na siya," sambit ng matanda. "Ang nakakapagtaka, yung damit na nakasuot sa dormant corpse na Nawala, pareho yun ng suot ng lalakeng yun."

Napalaki ang mata ni Troy sa narinig. Does it mean… "N-nakita mo ba ang mukha nung lalake?"

Umiling ang matanda. "Nakatalikod siya noon saka madilim noon sa parteng yun dahil malapit sa kagubatan ang nangyarihan ng aksidente."

"Kakaiba ba siya sa ibang tao?" tanong ni Gab.

"Panong kakaiba?" balik tanong ng matanda.

Napalaki ang ngiti ni Troy sa narinig. That hits! So, totoong nabuhay ang dormant corpse? Ang tanong bakit niya hihalikan si Shanelle? What for? Anong kinalaman ni Shanelle sakanya? Unless… may kinalaman din si Shanelle sa pagkabuhay niya.

__________

"It was dark then, and men's suit are often similar. Possible na coincidence lang yun," sabi ni Gab habang pauwi na sila ni Troy. "That doesn't mean that the pervert is the revived dormant corpse."

"Isipin mo, how many perverts will kiss an unconscious woman after a car crash? Ano bang gagawin ko para maniwala ka sakin?"

"Pag Nakita ko na yung nabuhay na dormant corpse sa harapan ko," sagot naman ni Gab.

"I don't think he can be called the dormant body. He should be called the immortal monster," sambit naman ni Troy na tumigil sa paglalakad. "That monster is different from normal human beings. After his blood was all drained, he fell into a state of false death. Isipin mo na lang ang nangyari sa aksidente, the amount of blood and the severity of Shanelle's injuries doesn't match. But I suspect na sobra ang natamong sugat ni Shanelle ng araw na yan. Naniniwala ako na may kinalaman si Shanelle sa pagkabuhay niya. Maybe because of her blood or something deeper than that. Tapos gusto ng monster na yun ang magbayad ng utang na loob kaya binigay niya din ang sariling dugo kay Shanelle. So I suspect na sa dugo ng monster na iyon ay may repair enzyme na di pa nadidiskubre ng kahit na sino that has the ability to heal wounds at high speed," mahabang hypothesis ni Troy.

Napapailing naman si Gab dahil hindi talaga pumapasok sakanya ang explanation ni Troy. "That's a very daring guess and a very interesting one. But, let me tell you that I am a police officer. Not someone who makes ridiculous suppositions. Sige, sabihin na nating totoo ang sinasabi mo, then where's the proof?"

"You're a cop and it's your duty to find evidence. Di mo ba gusto na ma-solve ito? Tignan mo, ang nawawalang dormant corpse at ang aksidente ni Shanelle ay magkaugnay kaya mas may direksiyon na ang imbestigasyon mo."

Huminga ng malalim si Gab. "The duties of a cop don't include suspecting art creation."

"Art comes from life!"

Umiling si Gab at tinalikuran na si Troy.

___________

Kinagabihan, pagkatapos uminom ng gamot ni Gab, dumiretso siya sa investigation board niya. Such a bizarre story. But why does my instinct tell me that this story is the only explanation?

Gab dials Shanelle's number.

___________

Shanelle was suffering from severe stomachache when she receives the call from Gab. "Hello, Gab. May problema ba?" malalaks ang hiniga ni Shanelle na sinagot ang tawag.

"Bakit ganyan ang boses mo?"

"Okay lang ako. Masakit lang ng konti ang tiyan ko. What's the matter?"  nakangiwi si Shanelle na nakahawak sa tiyan niya.

"Ipapaalala ko lang sayo na wag kang lumabas sa gabi. Kung lalabas ka man, isama mo si Jam. Kung may kakaiba ka mang nakikilala o may kakaibang nangyayari sayo, tawagan mo ako agad."

"What do you really want to say?"

"Iisipin mo siguro na nababaliw na ako kasi sa tingin ko din nababaliw na ako, but I really think that the missing dormant corpse was awakened, and he is the one who healed your injuries sa aksidente mo. I don't know the details, but I guess, may ginawa ka upang mabuhay siya or something."

Bigla namang napabangon si Shanelle sa narinig. H-how come he knows about it?

"Di ko alam kung maniniwala ka sakin, kasi even myself di na ako naniniwala."

"Okay, okay. Pero kailangan ko na talagang magpuntang banyo." Binaba niya ang phone saka nakangiwing bumaba siya sa kama niya.

She tried to walk to the bathroom, pero napaupo siya dahil sa panghihina. "Uck! How can I not believe it? Of course, I know he was revived." Hinawakan na naman niya ang sumasakit na tiyan. "AT mamamatay na din ata ako sa dark cooking niya."

Bigla namang bumukas ang kwarto niya at pumasok si Chihoon. Dali-dali niyang dinaluhan si Shanelle na nakaupo sa floor. "Okay ka lang ba? Di ba maganda ang pakiramdam mo?"

Inihiga ni Shanelle ang ulo sa balikat ng lalake. "Dalhin mo na ako sa ospital. Sa tingin ko mamamatay na ako sa food poisoning. I'm dying soon," nanghihinang sambit niya. "But you don't need to blame yourself. I also don't need the special treatment. Because I want to save my third kiss to my future boyfriend---"

Bigla naman siyang hinalikan ni Chihoon. Pumapalag si Shanelle pero di pinakawalan ni Chihoon ang bibig ng dalaga hanggang sa unti-unti na ding kumalma si Shanelle at tumugon sa halik ng lalake. Naramdaman din ni Chihoon ang mabilis na tibok ng puso ng dalaga na nakapagpatigil sakanya sa paghalik dito.

"Your heartbeat is so fast, and your face is so red. You are indeed a woman," nakangiting sambit ng lalake na hawak hawak parin ang ulo ni Shanelle.

"Of course, I'm a woman. I'm a goddess," nakatulala parin na sambit ni Shanelle. Pero bigla din siyang lumayo sa lalake ng maalimasmasan. "Sinabi nang di ko kailangan ng special treatment eh. Di ka ba nakakaintindi ng human language? Bastard Troy came to see me at si Gab sinabihan ako na nabuhay ang dormant corpse. They are totally like Sherlock Holmes and Watson embodiments. It's just a matter of time bago nila malaman ang tungkol sayo."

Nakangiti lang naman si Chihoon na nakikinig sa babae. "What if they will drag me to test my blood one of these days dahil sa palagi mo akong nililigtas?" patuloy na pagsasalita ni Shanelle.

"At most, I'll take you with me at a deep forest and you live as a boar."

She rolls her eyes. "I really can't communicate with you. Bakit naman ako sasama sa deep forest kasama ka? Are you super rich? Naku, kung di lang ako naniniwala sayo iisipin ko talagang nagnakaw ka sa isang bangko."

"Gusto mong malaman saan ko kinuha ang pera?"

Bigla namang napalingon si Shanelle sakanya at ngumiti ng maluwag.

________

Shanelle dressed like a primitive woman at nagpunta sila sa isang museum na parehong-pareho sa dating bahay ng lalake. They will take a photoshoot there, at si Chihoon ang cameraman. The reason, through the pictures, Chihoon thought to get clues about his past by getting snap shots of the place at nakisali lang si Shanelle as his model.

Shanelle was feeling good as she poses different pose na kinukuhanan naman ng lalake. Napapahinga naman ng malalim si Chihoon sa klase ng mga pose ng dalaga na dapat sana ay pang old people ang pag pose niya. "People back then will not strike that pose," Chihoon said as Shanelle posed like a sexy star.

"I'm a modern person, you know. Why would I adapt to your tastes?"

Nilapitan siya ng lalake. "Wag kang maglaro. I'm here to get back my memories."

"Liar. Sabi mo sasabihi mo sakin saan mo kinuha yung pera," nakasimangot na sambit ng babae. "Okay. Pano ba dapat ang gagawin?"

"Nakakilala ako ng mag-ina sa Taekwondo center and I felt a great sense of familiarity. As if I met a pair like them a long time ago and I save their life too. People like me who forgets the most important things have something called episodic amnesia. At isa sa mga treatments is to replay the past. The place I used to live in has already been shut down kaya humanap ako ng isang lugar na kapareho ng mukha to find the feeling. So, please be serious," mahinahon paring sambit ng lalake.

"Okay, okay. In order to solve your problem," nagpunta sa isang gilid si Shanelle at nag pose na naman na parang nasa lumang panahon talaga siya.

Tumagal pa ng ilang minute ang photoshoot nila hanggang sa napagod na si Shanelle kaya tinigil na nila. "One hundred years ago, tumira ka sa isang bahay na kapareho nito?" tanong ni Shanelle sa lalake. "It must have been a wealthy manor. Madami sigurog babae ang umiyak at sumigaw na gusto ka nilang pakasalan. Oh right, crime of passion. Baka naman nalaman ng asawa mo na isa kang halimaw at…" she gestures like she hit hits his neck.

Hinawakan ni Chihoon ang kamay ng babae at ibinaba. "It can't be. I'm sure I haven't had a wife. If I were to marry someone, I wouldn't have compromised her. Pero yung dati kong tiniraham, there were no female items whatsoever."

"Kung di babae…maybe you married a man?" Shanelle tilts her head.

"Can you please maintain normal thinking?"

"Mula nung makilala kita, I haven't been able to maintain normal thinking," she said pouting.

"I don't have that kind of interest."

"You don't have that type of interest with me?"

"I don't have any interest with anyone."

Napangiti si Shanelle. "Men are always saying that."

Tumingala naman si Chihoon. "look, only the stars and sun in this world is something that existed since I was born." Napatingin si Shanelle sakanya. "The handsome man turned grey and the beautiful withers in a matter of quick time. A long life will kill off all inclination and passion."

Shanelle taps his shoulder. "Wag kang malungkot. As long as you live, there's bound to be good things."

Ngumiti ang lalake. "There's good things to happen as long as I live?" He shrugged at nauna nang lumakad. "May ipapakita ako sayong ibang lugar."

Nagmadaling lumakad ang babae para maabutan siya. "Saan?"