"Shan, ayaw mo ba talagang mag taxi na lang?" Jam asked as Shanelle rode her pink motorcycle. Nasira kasi ang kotse niya sa pagkaka aksidente niya at di pa ito nakakabili ng bago. "Gabi na kasi oh." Dagdag pa ni Jam. Bilang assistant na niya, responsibilidad na nito ang kaligtasan ng babae.
"Wag na. dalhan mo na lang ako ng breakfast bukas," sagot ng babae na sinuot na ang helmet nito.
Just at that moment, a car stopped in front of them. It was Gabrielle's car. Nagulat si Shanelle sa biglang pagtigil ng sasakyan ng lalake ditto.
"Mag...usap muna siguro kayo. Mauna na ako Shan," Jam patted Shanelle's shoulder at nauna na nga itong naglakad.
Di na lang nag komento si Shanelle. Di pa rin talaga niya napapatawad ang lalake and seeing him is not really a good idea because the possibility of breaking down is still bothering her. Nanatiling tahimik ang babae habang lumalabas sa sasakyan ang lalake.
"Shan," tawag ng lalake sakanya pagkalapit nito sa babae.
Tinignan lang ng seryoso ni Shan ang lalake at di siya nagpakita ng anumang emosyon. "Anong ginagawa mo ditto?" matatag niyang sambit.
"Wag kang magalit. Aalis din ako agad. Nasira ang kotse mo diba? Taking a motorcycle is not safe. Take my car instead,"anito at nakangiting inilahad nito ang car key niya.
Napatitig na naman si Shanelle sa mukha ng lalake. Those smiles that she missed. Those gestures that she loved. Di parin talaga niya maitatanggi na andun parin. Andun parin ang pagmamahal niya para ditto. Na kahit pilit nitong tinatabunan ng galit niya, nararamdaman parin niya ito sa tuwing makikita niya ang lalake.
"What's that? Break-up fee?" tinignan niya muna ang car key na inilalahad ng lalake saka sa mukha nito. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Gab sa narinig mula sa babae. He still loves her kaya sa mumunting kaya niyang gawin para sa babae maibsan man lang ang sakit na dinulot niya ditto, gagawin niya. "If it's a break-up fee, then I'll accept it." Kinuha ng babae ang car key sa kamay ni Gab saka bumaba sa kanyang motorcycle. Tinanngal na din niya ang kanyang helmet.
Nalungkot ang lalake sa inaasta ng babae sakanya. Pero wala siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat. Tanggapin na wala na ito sa buhay niya. Pero kahit na ganun ayaw parin nitong may mangyaring masama ditto. Gagawin niya lahat para mapanatili ang kaligtasan nito at ayaw na niyang mangyari ulit ang aksidenteng kinasangkutan niya.
"Is there anything else?" tanong ng babae nang napansin niya ang pananahimik ng lalake sa harap niya. Di siya sanay sa ganitong scenario with him kaya gusto na niyang matapos ito at akaalis na sa lugar na yun.
Umiling si Gab at pilit na ngumiti saka unti-unti nang tumalikod. Nasasaktan ito. Oo, kung nasaktan ang babe doble ang sakit na nararamdaman niya.
"Teka," kapagkuan ay tawag ng babae sakanya. Tumigil si Gab sa paglalakad at lumingon para Makita ang babae.
Lumapit ang babe sa kinaroroonan niya then throws the motorcycle key to him na nasalo naman niya. "Masyadong malayo sa bayan ang lugar na ito. Mag motor ka nalang."
"Salamat," ngumiti ang lalake sa kanya saka sumakay na sa motor ng babae. "Mauna na ako Shan," aniya pa saka pinatakbo na ang motor.
Shanelle takes a deep breath to suppress her tears from coming out. What the hell Shan? Move on na okay? Si Gab lang yan. Si Gab lang...
Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan. "Even the break-up fee grows legs and delivers itself to me," she murmured saka pumasok na sa loob.
Napangiti siya nang Makita ang loob ng sasakyan. So Gab's style. Bigla niyang Nakita ang car pendant na regalo niya sa lalake noong 3rd monthsary nila. Nakasabit ito sa may salamin. Hinawakan niya ito at big;a na naman niyang naalala ang nakaraan.
"Tada, this is a gift for your new car. Binili ko ito sa Japan," masayang pinakita ni Shanelle ang car pendant kay Gab na masaya naman niyang hinawakan.
"Wow, Salamat, ang ganda, kasing ganda ng girlfriend ko," anang lalake at akmang hahalikan ang babae pero tinakpan ng babae ang bunganga niya. "Nah, you're stingy. We're already a couple. Ayaw mo pa talagang magpahalik sakin."
"Brat, three months pa lang tayo ah," sambit ng babae na pabirong tinulak ang lalake.
"I also thought of waiting for 6 months before kissing you. But I've already liked you since I was eight years old," reklamo ng lalake. First love kasi niya ang babae a dahil nga magkababata sila, bata palang ito crush na niya ang babae.
"My rule is to not kiss a man who I haven't been with for six months," taas kilay na sambit ng babae sakanya.
"Nah, I told you not to compare me with your other 6 ex boyfriends. I'm different. Di ako parehas sakanila. Other than you, I will not fall in love with anyone else in my entire life," malambing na sabi ng lalake.
"AH, I know, I know," she pinches his cheeks. "Can you not be a broken record telling me that every day?"
Nakangiti na tumango ang lalake at niyakap na lang ang babae.
"Liar. You're the greatest liar Gabrielle," sambit ni Shanelle habang hawak-hawak parin ang pendant. Her tears start to well up again kaya binitawan na niya ang pendant and leaned her head on the car's seat. Why is it so hard to forget?
_______
Masayang naglalakad si Jam papunta sa bahay ni Shanelle nang umaga na iyon because as what Shanelle said last night dadalhan niya ito ng breakfast. Pagkarating niya sa bahay ng babae, pinindot niya agad ang doorbell. Pasayaw sayaw pa ito habang inaantay ang pagbukas ng pinto.
"Shan andit---" natigil sa pagsasalita ang lalake nang hindi si Shanelle ang nagbukas ng pinto kundi isang lalake na di niya kilala. At di lang bast isang lalake. He is a Greek God. Sa isip isip niya. Nanatiling nakaawang ang bibig niya habang pinagpapantasyahan ang Adonis na nakatayo sa harapan niya. Handsome. Heavenly. Fresh meat.
"Who are you?" nagtatakang tanong ni Chihoon sa lalakeng kanina pa nakatayo sa harap ng pinto at nakatitig sakanya.
Agad namang napailing si Jam para itigil ang panggagahasa niya sa lalakeng kaharap sa isipan niya.
Tumingin tingin siya sa paligid ng bahay para siguraduhing tamang bahay ang napasukan niya at bakit ibang tao ang nandito ngayon sa harap niya at hindi si Shanelle. "Ah..." sinilip niya ang loob ng bahay. "H-hindi ba ito ang bahay ni Shanelle Park?"
Tinignan siya ni Chihoon na puno ng pagtataka. Is this one of Shanelle's Ex-boyfriend? "May I ask who you are first?" tanong niya para masigurado ang suspetsa niya.
Jam cleared his throat para gawin niyang masculine ang boses niya. "Hello, I name is Jammier Yu, I Shanelle assistant. Call me Jam parang palaman. Mahilig kasi ang nanay ko sa palaman noong pinagbubuntis ako kaya pinangalanan akong Jam," confident at nakangiting sambit niya.
Napakunot ng noo si Chihoon. What the hell is this weirdo saying?
"If it's the escaped monkey from the zoo who is standing in the doorway, let him in," narinig ni Chihoon na sigaw ni Shanelle.
Malawak naman ang ngiti ni Jam na seryoso lang tinignan ni Chihoon saka binigyang daan ito papasok sa bahay.
"Come in," anito saka naglakad na papasok ulit sa bahay.
Pumasok naman si Jam at sinundan ang lalake sa paglalakad. Nakanganga siya sa pagtataka kung sino ito at kung anong ginagawa niya sa bahay ng kabigan. Tinitignan niya ito hanggang sa pagbukas niya ng refrigerator at kumuha ng inumin. Milktea? Wow sosyal naman ng Adonis na ito.
Nagpupunas naman ng buhok si Shanelle na bumaba ng hagdan para salubungin si Jam. Mas lumaki naman ang mata ni Jam nang Makita ang kakaligo lang na si Shanelle na ngayoý nakababa na ng hagdan at nagtungo sa sala.
Madali siyang lumapit ditto at umupo sa tabi niya. "S-shanshan, d-di ka ba nakatulog ng Mabuti kagabi at ngayon ka lang nakaligo?"
Pumikit naman si Shanelle at hinilot ang ulo. "Oo eh. Galaw ako ng galaw sa kama magdamag," she said na mas nagpalaki ng mata ni Jam. Oh no, wag mong sabihing nag chugchug sila kagabi ng lalakeng yun?!
Tinignan niya ang lalakeng umiinom ng milktea at parang nag slow motion ang paglunok nito sa paningin niya with his sexy Adams apple.
Napalunok si Jam saka tinignan muli ang kaibigan "M-magdamag?" Wahh... ikaw na Shanshan. Nakahanap ka na naman ng isang hunk. Sana all.
Naglakad si Chihoon bitbit ang dalawang mineral water at lumapit sa table kaharap nilang dalawa. Pinatong nito ang mineral water sa table at umupo sa kabilang upuan.
"Siya nga pala si Chihoon. Siya yung pinakilala kong boyfriend sa media. Pero di ko talaga siya bf. Sayo ko lang aaminin since sabi mo nga sayo ako pinaka close," paliwanag ni Shanelle sa kaibigan na di na maipaliwanag ang pagtataka. Mas Mabuti nang maging honest siya ditto kahit di pa niya masabi ang lahat lahat sakanya.
"Pero... why he here in house?" puno parin ng pagtataka si Jam na pinagpapalipat-lipat ang tingin sakanilang dalawa ng kaibigan at ng lalake.
"Why is he here in your house," pagtatama ni Shanelle sa sinabi ng kaibigan saka kinuha ang mineral water at uminom ditto.
"Ikaw naman lagi mo na lang ako ino auto-correct. Ano nga," reklamo ni Jam sa kaibigan.
"Nakikitira lang siya. Basta, isipin mo nalang pinsan ko siya. Basta wag kang magdadadada sag c natin kundi talsik ka na sa trabaho," banta ni Shanelle kay Jam na tinanguan ng lalake ng maraming beses. "Don't mind him. Aalis din siya in a couple of days."
Parang pamilyar ang mukha niya. Tinitigan ni Jam ang lalake na ngayoý nakataas ang kilay na sinalubong ang tingin niya. "Di ba ikaw yung library god na nagging famous sa social media ng dalawang araw na?"
Shanelle scowled at what Jam said. "Anong ibig mong sabihin?"
Nilabas ni Jam ang phone niya at pinakita sakanila ang mga posts. "Eto oh."
Shanelle grabbed his phone at binasa ang balita. Totoo nga. Nagkalat ang mukha ng lalake sa mga posts ng mga babae na nagpupunta sa library. She glared at Chihoon afterwards. "Can't you be a little bit low-key?! Wag mong sabihing gusto mo ding mag-artista?" sigaw niya sa lalake.
"Can't you delete it?" seryosong tanong ni Chihoon kay Jam na sinalo ang phone niya na tinapon ni Shanelle.
"Hindi eh," sagot ng lalake. Lumapit siya sa kinaroroonan ng lalake at umupo ito sa tabi niya. "Sa totoo lang possible yun sa aking hacking techniques. Pero ang original ay nasa may-ari parin. Pwede parin nilang I upload kung gusto nila." Paliwanag niya. IT specialist din kasi si Jam makiban sa pagiging mahilig sa mga idol stars.
"You're a hacker?" kunot noong sambit ni Chihoon.
Napangiti naman ng malawak si Jam and he flips his imaginary long hair. "A bit." Anito with matching gesture using his fingers para ipakita ang konting sinasabi niya. "Pero kung may problema ka sa computer mo, wag kang mag double think na lumapit sakin," dagdag pa niya sabay kindat kay Chihoon.
"Think twice yun hindi double think," pagtatama na naman sakanya ni Shanelle na ngayoý nagbabasa ng libro pero nakikinig parin sa pinag uusapan nila.
"Parehas lang yun gaga," inirapan siya ni Jam saka nguumiti na naming tumingin kay Chihoon.
"Thank you then," Chihoon answered and then he stands up and leaves the two of them. Pinagmasdan naman ni Jam ang lalake sakanyang pag-alis.
Shanelle is observing her friend's reaction kaya napapataas ang kilay niya. She cleared her throat to get his attention pero walang effect. Di parin naalis ang mata niya kay Chihoon na kasalukuyang nasa kusina.
"Ehemmm!!!" nilakasan niya ang pag clear sa throat niya kaya napabalik sa realidad ito at napatingin sakanya. "Jammier Yu, wag mong kakalimutan sino ang master mo."
Madali naming lumapit si Jam sa kaibigan at minasahe ang mga binti nito. "Siya ng apala Shan, may character shoot ka ngayong umaga ng 11. At saka mamayang aslas-4 ng hapon yung audition mo sa Dream High Academy para sa New Rookie Artists na sinalihan mo. Di ka mahihirapan ditto dahil bukod sa magaling kang kumanta at sumayaw, napakaganda mo din kaya sigurado makukuha ka ditto," ani Jam na patuloy sa pagmasahe sa mga binti ng babae. Alam kasi niya na gustung-gusto ng babae na nasasabihan siya ng magagandang descriptions kaya nilulubos niya ito baka sesantehin siya.
"Hmm... parang di naman challenging ang pag shoot ng movie," mayabang na sambit ni Shanelle na nakapagpabusangot sa mukha ni Jam.
"Wala ka naman talagang acting skills," pabulong niyang sabi ni Jam.
"Narinig ko yun!!!" Shanelle glared at her assistant saka dahan-dahan itong tumayo at lumakad palayo kay Jam. Napalunok naman si Jam dahil sa akala niya katapusan na niya. Kahit kasi kaibigan niya ito, amo niya parin siya.
Napangisi naman si Chihoon sa inasta ng babae saka nagdesisyong pumasok na lang sa kwarto niya. Kinuha niya ang kanyang laptop at hinanap ang post kung saan Nakita siya na nagbabasa ng libro sa library. Binasa niya ang mga comments at napangiwi siya sa mga nabasa.
"Oppa, napakagwapo mo."
"Saang library yan? Spoiler please. Group meeting please."
"Hubby I miss you. Kisses."
"What the heck are these? Disgusting," sambit na lang ni Chihoon saka pinatay na ang laptop.
Nagpunta si Chihoon sa tabing dagat kung saan matatagpuan ang lihim niyang kaibigan na naalala niyang kinupkop niya almost 90 years ago. He is also a creature who is living a long life like him.
"pasensiya ka na ngayon lang kita naalala pagkatapos kong mabuhay muli kaya ngayon lang din ako nakadalaw. Madami nang nangyari sakin pagkatapos akong buhayin ng babaeng yun," pagkausap niya ditto.
Alon lang ang maririnig dahil di naman nakakapagsalita ito. At di rin niya ito nakikita. Ang alam lang niya, ditto siya sa dagat nakatira. Naupo siya sa malaking bato at tinignan lang ang alon. "Did you know? The speed of the internet broadcast nowadays is scary. I no longer have time as my advantage para itago ang katauhan ko."
He sighs as he is looking around the area na siya lang ang nakakaalam. Ni walang mga tao ang dumadaan sa parteng iyon ng dagat. "I need to work fast to recover my memories at para hanapin ang kaaway ko. Nagtataka ka siguro kung kumusta na ang paghahanap ko. Well, I have one good news and one bad news. Bad news is that my instinct is telling me that my enemy might know I am alive now at lihim na pinapanood ang bawat galaw ko. I'll go meet someone in a bit to test my luck. Ang good news naman is that pumayag na ang babaeng yun na tu,ira ako sa bahay niya. Even though she's not very hospitable to me at first and even now, she's nice." Napangiti siya sa pag-iisip ng mga kaangian ni Shanelle.
Nanatili pa si Chihoon sa tabing dagat hanggang maghapon hanggang sa nagdesiyon na siyang umuwi.
Shanelle survived her audition that afternoon. Confident naman siya sa talent niya pero di parin niya maiwasang kabahan. Alam kasi niya na kahit anak siya ng dad niya, pagdating sa talent istrikto siya kaya nga hanggang ngayon eh di parin siya nakakatapak sa stage at nagde-debut.
Lumabas na si Shanelle sa audition hall at naglakad papunta na sana sa parking lot nang makasalubong niya si Jam na nakahawak ng binili nitong pagkain paa sakanya.
"Shanshan, kamusta ang audition? Nakuha ka ba?" masaya nitong salubong sa kaibigan.
She just shrugged. Napadako si Shanelle sa bitbit ni Jam na milk tea. "Bumili ka pala niyan."
"Di ba nga nagpabili ka sakin? Best variable daw ito sabi nung nagbenta sakin," he said grinning.
"Best variety," she rolled eyes at him para itama ang sinabi nito.
Jam pouted. "pero, bat ka pala nagpabili nito? Paborito mon a ba ang milk tea?"
Di na lang niya sinagot ang kaibigan at nauna nang naglakad na sinundan naman ng lalake.
___________
"Pokemon I'm back! We're you good today?" sigaw ni Shanelle pagkarating sa bahay. kasalukuyan naming tinitignan ni Chihoon ang collection of pictures ni Shanelle at ng ex niyang si Gab. "Oh, dinner mo," pinatong ni Shanelle ang milk tea sa harap ni Chihoon.
"Your dinner," sagot naman ng lalake at nginuso ang binili niyang chicken joy para kay Shanelle.
Binitbit ni Shanelle ang supot ng KFC saka tumingin sa lalake. "Did you go out?"
Tumango ang lalake. "May pinuntahan akong kaibigan. Nakabangga ko ang isang scientist na isang pinagsususpetsahan kong siya ang kaaway ko pero sa tingin ko di naman siya."
Napaupo si Shanelle sa tabing upuan at hinarap ang lalake. "Pano ka naman nakasisiguro na hindi siya yun?"
"Based on his reaction."
"what do you mean based on his reaction?" Shanelle tilts her head.
"If a person sees someone who has died a hundred years ago you should be able to tell his reaction from his eyes," sambit ni Chihoon na pinagpatuloy ang pagingin sa mga pictures.
"di mo ba talaga kilala sino ang kaaway mo? Baka di rin tao ang kaaway mo. Para ka naming main actor sa isang pelikula. At a crucial moment you will have an amnesia." Napapailing na sambit ni Shanelle. "Pero, talaga bang Nawala lahat ng alaala mo?"
Tumango ang lalake. "Naalala ko yung iba pero hindi yung mga importanteng bagay."
"Pft, at talagang yung mga importanteng bagay ang mga nakalimutan mo?" natatawang sambit ni Shanelle. "Sabagay wala naman akong pakialaman sa sitwasyon mo. The more I know, the more I become problematic also. Bale ang relasyon lang natin ditto ay ako ang landlord at ikaw ang tenant, maliwanag? And same goes for m---" napatigil sa pagsasalita si Shanelle ng mapansin ang tinitignan ni Chihoon which is yung mga pictures nila ni Gab.
Bigla niyang hinablot ito sa kamay ng lalake na pinagtaka naman ng isa. "Sinong nagsabi sayong pwede mong pkialaman ang mga gamit ko?!"
"Mukhang talagang mahal mo siya ah," seryosong sambit ni Chihoon.
"I love him? Tss... which eye did you see that I love him?" tumingin sa ibang direksiyon ang babae. "and this?" Pinakita niya sa lalake ang hawak na photo album. "Our pictures are always printed in two copies. One for me and one for him. I should thank you for taking this out from the drawer or I would really have forgotten to throw this away," she said at tumayo na. Tinapon niya ang album sa nakitang trash bin at iniwan na ang lalake.
"Seeing the pictures, I can tell," tinignan niya ang babae na napatigil sa paglakad paalis. "that person also really loves you."
Lumingon si Shanelle para tignan siya. "He loves me? Okay, sabihin na nating Mula sa pagiging magkaibigan hanggang sa pagiging magkarelasyon, our feelings always have remain unchanged. Once these feelings started to change, inactive gas becomes inflammable gas. The smallest spark can erupt and then boom. The explosion didn't leave anything to our relationship"
"If there's anything left in your relationship, why are you still angry?" seryoso aring tanong ng lalake.
"Angry? I AM NOT ANGRY AT ALL!" sigaw ni Shanelle na nakapagpagulat sa lalake. "With which eye did you see me angry uh?"
Napaawang ang bibig ng lalake. "Both of my eyes saw it." Sambit niya then he shrugged his shoulders.
"Hah!" At talagang sinusubukan ng lalakeng ito ang pasenya ko. "Itapon mo ang mga basura!" anito at padabog na iniwan ang lalake.
Tinignan naman ng lalake ang album saka sa babaeng paalis. He sighs. Is this how people love each other nowadays?
Kinagabihan, napansin ni Chihoon na nasa labas si Shanelle. Sinilip niya ito mula sa veranda at Nakita niya itong nangangalkal sa basurahan. Maybe she's looking for the album after all.
He sighs as he is seeing her in that state. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at kinuha ang photo album na kinuha niya mula sa basurahan kanina. Alam kasi niya na kahit masyadong galit ang babae sa ex nito, mahalaga parin ang mga alala nila sakanya.
Hinaplos niya ang album saka tumalon mula sa veranda papunta sa kinalalagyan ng babae na halos ilabas na lahat ng laman ng basurahan.
Tumayo siya sa harap ng babae na napaupo na sa lupa. He slowly handed the album to her.
Shanelle looks at him and then at the album he is holding. Nanginging ang mga kamay na kinuha nito ito mula sa lalake at niyakap ito saka nagsimulang umiyak. "Akala ko Nawala ko na ito."
Tinitignan lang ni Chihoon ang umiiyak na babae sa harapan niya.
"Tama ka. Mahal ko parin siya hanggang ngayon," sambit ng babae na yakap yakap ang album. "Tell me, am I disgracing myself?"
Tumingin sa malayo ang lalake saka ibinalik sa babae ang tingin. "Gusto mo bang lumipad?" pagkaraan ay sambit niya.
Unti-unti naman siyang tinignan ni Shanelle. Ngumiti si Chihoon sakanya at tinignan ang rooftop ng bahay niya. Dumako din doon ang tingin ng babae. She slowly stands up at tumingin sa lalake.
Chihoon walks to her and he carries her the bridal way. Nginitian ni Chihoon ang gulat na babae then jumps high to the roof of the house.
The feeling of flying is so relaxing na nakapagpabalik sa sigla ni Shanelle. Being with a monster as a tenant is not bad after all.