Chereads / Animated Love / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Pagkauwi ni Shanelle galing sa shoot, dumiretso siya kaagad ng kwarto niya at naligo saka bumaba. Natagpuan naman niya si Chihoon na nagluluto. Wahhh I didn't think that he can look more handsome wearing an apron. Napangisi siya saka lumapit dito. "Monster Chi. Dahil ba sa tagal mo ng nabubuhay sa mundo ay natutunan mo nang magluto ng porridge? Para sakin ba yan?" di nagsalita ang lalake kaya pinapanood na lang ang lalake.

Napangisi naman siya ng mas malawak sa nakita. "I see, it's your first time making it right?" Hinawakan naman ni Shanelle ang kanyang pisngi. "I knew it. I have a special place in your heart," she giggled at kinuha ang isang bowl saka tinikman ito.

Para namang napatigil ang mundo ni Shanelle at napatigil siya sa paghigop dahil sa napakasamang lasa ng porridge na gawa ni Chihoon.

Tinitignan naman ni Chihoon ang reaction ng babae. "It's my first time doing it so it might taste bad," aniya.

Nagpigil naman si Shanelle na masuka sa harapan niya kaya tinago niya ang masamang lasa nito sa pagngiti ng pilit sa lalake. Saka patakbong pumunta sa ref at kumuha ng tubig.

Nagtataka naming nakatingin lang si Chihoon sakanya. Is it that bad? He tilts his head.

Inubos ni Shanelle ang isang bottle ng mineral water saka nanghihinang lumapit kay Chihoon. "On which planet did you learn to make dark cuisine?"

Kinuha ni Chihoon ang cookbook na binabasa niya kanina. "Sabi dito rice, water at salt ang kailangan sa paggawa niyan. Cook for one hour. What did I do wrong?"

"Ilang scoops ng salt ang nilagay mo niyan?"

"The book says on the less side, so I put less than the rice," he said.

Napataas naman ang kabilang gilid ng labi ni Shanelle at parang may imaginary hammer na pumukpok sa ulo niya. Nalintikan na. "Alam mo ba na ang amount ng asin na nilagay mo diyan can already preserve me so I won't rot for 200 years? Shutang ines mo naman. Para mo na akong pinakain ng solong asin. Even a dummy like Gabrielle knows..." napatigil siya sa pananalita nang marealize kung sino ang binanggit niya. She pursed her lips sa umiling. "Linisin mon a lang dito," aniya saka naglakad na paalis.

Chihoon shrugged his shoulders saka nagsimulang maglipit. Suddenly he received a txt. Tinignan niya ito at Nakita niya ang picture ng isang painting kung saan nakatayo siya sa isang lumang bagay at yun ay kuha maybe 30 years ago. Napangiti siya. Malapit ko na siguro siyang mahanap.

__________

"Boss napadala ko na sakanya ang picture ng painting at ang location and time ng meeting bukas," the guy said to his boss.

"Good, tomorrow we will pull the net. It must be done perfectly without anything amiss," the boss said na tinanguan naman ng assiatant niya.

_________

Kinabukasan, pagkagising ni Shanelle, bumaba siya sa kusina at Nakita na naman niyang may niluluto si Chihoon habang binabasa ang cookbook niya.

Dali-dali itong lumapit sa kinaroroonan ng lalake at tinignan ang binabasa nito. Napatawa siya. "Oy, Monster Chi, natamaan ba talaga ang pride mo at di mo matanggap ang failure mo? Ang tagal mo nang nabubuhay sa mundo pero hanggang ngayon di mo parin alam gumawa ng simpleng porridge?"

"Di naman ako cook, why does that matter," sagot ng lalake na di siya tinitignan. "Now, talking about you, you're an actress but you can't act."

Napasimangot bigla ang babae sa sinabi niya. "H-hoy! Below the belt na yan ah? At saka anong hindi marunong? M-magaling kaya ako!" taas noo niyang sambit sa lalake.

Tinalikuran siya ng lalake kaya sinundan niya ito. "I will go filming now! Manatili ka dito at magluto ng porridge maghapon! Hmp!"

Tumalikod siya pero lumingon din agad. "I'm telling you, don't you dare set my house on fire or else I will take your life!"

"I've got in touch with the painting owner. I will meet him later," seryosong sabit ng lalake na busy parin sa ginagawa.

"Tsk, tsk, tsk. The male protagonist suffering from amnesia. Best luck for you. Fighting!" she glared at him for the last time saka na siya tumalikod.

________

At the filming site, an avid fan of Shanelle is secretly watching her as she is shooting a scene. "Woah, ang ganda talaga ng idol ko." He is busy looking at him when someone grabbed his shoulders. "Ate? Anong ginagawa mo?"

"AT ako pa talaga tinanong mo niyan? Anong ginagawa mo dito ha? Halika nga," his sister pinches his ears and he pulled him.

"ah, ate! Masakit, ah, aray, ate!!!" sigaw niya dahil sa pagpingot nito sa tenga niya.

"Nag cutting class ka na naman! Noong isang araw nag cutting class ka para umupo sa ospital ngayon naman para sundan ang isang artista?!" Pinalo niya ang balikat ng kapatid. "Aron James alam mo ba na ilang beses ka nang bagsak sa college entrance test? Magseryoso ka naman sa buhay!"

"Di naman ate! Ginuguardyahan ko lang naman ang idol ko. You know guarding love," he said na nag i-imagine pa.

"Guarding love?!" pinagpapalo niya ang kapatid. "Alam mo bang para ka nang stalker sa ginagawa mo?! Pervert ka ba ah?!"

"Ate!!! Aray masakit na! tama na ate, uuwi na ako!"

"Dapat lang! uupakan talaga kita!" Napahilot siya sa ulo saka pinanood ang kapatid na kumaripas na ng takbo.

Sa filming site, nakaupo si Shanelle sa bench katabi si Jam habang inaantay ang shoot niya. She tilts her head nang maramdaman ang tibok ng puso ni Chihoon. Monster Chi is within the sensing range. Tumingin tingin siya sa paligid kung andun siya pero di niya ito Nakita. He's not here to visit, right? Teka, wag mong sabihing andito siya para pagtawanan ang pag-arte ko? Shanelle wag kang matakot. Ipakita mo sa monster na yun na magaling kang umarte.

Pumunta na nga siya sa shooting venue kasama si Jam na pinapayungan siya.

"Okay, 3,2,1, Action!" sigaw ng director.

"Aren't you clear that you changed me into a monster?" sabi ni Shanelle while delivering her line. "Moreover, don't you know how much I have done for you?" na tinuro pa ang ka actingang aktor.

Napangiwi ng di halatado ang actor na kaharap niya sa sama ng pag-arte ng babae. "Since you have done so much, this part doesn't matter anymore," anang actor na puno ng emosyon ang mata. Hinawakan niya ang kamay ng babae at hiniwa nito ng kutsilyo.

"Ahhh!!!" napasigaw si Shanelle dahil sa paglabas ng dugo sa kamay niya. Totoong nahiwa siya. Totoong kutsilyo ang pinanghiwa ng actor sakanya.

Nabitawan ng actor ang kutsilyo at napanganga. Umiling-iling siya dahil di niya inaasahan na totoong kutsilyo ang nagamit sa filming.

"Why does it bleed? Anong nangyari?!" napatayo na rin ang direktor sa nangyari. Tumakbo ang mga staff upang alalayan si Shanelle na dumadaing sa sakit ng kamay.

"It's really bleeding! How come?" nagpa panic na ang mga staff sa pag-asikaso kay Shanelle.

"Quickly! Quickly! Take her to the hospital!" sigaw ng director kaya nagmadali silang itakbo si Shanelle.

On the other hand, Chihoon is walking to where they will meet with the painting owner. Nahanap niya ito at nakitang nasa isang di pa nabubuksang establishment. Pumasok siya sa loob at tumingin tingin sa paligid. Walang katao-tao sa loob nito.

He opens a glass door at pumasok sa loob nun. Naglakad lakad siya upang hanapin kung nasaan ang taong ka meet up niya. Hanggang sa nakarating siya sa isang elevator. He pushed the button open at pumasok sa loob.

Suddenly he felt pain in his chest. Iba ang tibok ng puso ni Shanelle as if she's in danger. "Shanelle..." He pushed the button to open the elevator pero di ito bumukas. He pushed it again, still walang nangyari.

Nagsimula na siyang kabahan at tumingin sa paligid niya. Bigla ding sumara bumaba ang isang hidden door and traps the elevator door from opening. Then the elevator started to shake, and cold air started to fill the elevator.

Sinubukan niyang suntukin ang pintuan ng elevator pero di ito natinag. He looks for hid phone pero wala itong kasigna-signal. What the hell is happening? Buong lakas niyang binuksan ang pintuan ng elevator pero may mas matatag pa na pintuan na nakaharang sa harapan niya.

Nagsimula na ding lumamig ang paligid. He knows it. His body is not immune to the cold. Manghihina siya pag malamig and eventually his body will weaken until he dies. He tries to lift the door up from the ground pero dahil sa nilalamig na ang katawan niya nawawalan na din siya ng lakas.

He looks at the ceiling kung saan nanggagaling ang binubukang malamig na hangin ng elevator nang akita niya ang CCTV. He's watching me.

_________

"Boss this building is not yet open to the public. There won't be anyone coming in or out," the guy told his boss na busy sa panonood sa nanghihina ng si Chihoon.

"Increase the distance. Don't let anyone get near," the boss said. "The less people know about this, the better it is."

"Okay boss," the guy said at iniwan na ang amo.

The boss drinks wine as he looks at Chihoon. "Arrogant monster. After you have frozen for a day and night, I'll drain all of your blood again. Tignan natin kung kaya mo pang makapagyabang." He chuckled lightly.

On the other hand, Shanelle has been treated at the hospital at nagamot na din ang kanyang sugat. Galit na galit naman ang director dail sa nangyari.

"What the hell happened? You're the prop director. You're supposed to prepare the dagger with a sealed blade, how come it was real?!" nanggagalaiti sa galit ang director sa nakayuko na ngayong prop director.

Umiling iling ang prop director. "Direk, hindi yun ang kutsilyong prinepare ko. Di ko di alam ang tungkol dun."

Hinilot ng director ang noo niya. "Ikaw ang prop director. If you don't know, then who will huh? Should the lighting director know? Or the sound director?"

"M-maybe it was some crazy fan or some actor na galit kay Miss Shanelle ang may gawa nito Direk," nanginginig ang boses na sagot ng prop director.

"At talagang ---"

"Direk, direk, andito na si Shanelle," Jam said na inaalalayan si Shanelle na lumakad.

"Wag mo na siyang pagalitan Direk. Baka di naman talaga niya kasalanan. Okay nama na ako," Shanelle aid nang makalapit sila sa kinaroroonan ng dalawa.

"Eh, okay na ba ang kamay mo? Anong sabi ng doctor?" nag-aalalang sambit ng director.

"Di naman daw malalim ang sugat Direk. Wag lang daw muna isasawsaw sa tubig magiging okay din to. Pero ang shooting..." malungkot na sambit ni Shanelle dahil sa pag-iisip na made-delay ang shoot ng film dahil sa kanya.

"Wag mo ng isipin yun. I'll film with the others. Ipahinga mo ang sarili mo para gumaling ka agad. Tumawag na din ko ng pulis para imbestigahan ang nangyari," sagot ng director. "Sige na, umuwi ka na muna at nang makapagpahinga ka."

"Salamat Direk, mauna na kami," Shanelle said at naglakad na sila ni Jam papunta sa sasakyan niya.

Habang nasa daan pauwi, nagtaka naman si Shanelle. She feels something weird at the way her heart beats. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Ano kayang ginagawa ni Monster Chi?

Di niya alam na sa elevator, sobrang nilalamig na ang lalake at napapaligiran na din siya ng puting usok na nagbubuga ng lamig sa paligid. He is hugging himself pero wala parin itong naitutulong upang maibsan ang lamig na nararamdaman.

Patuloy paring dinadama ni Shanelle ang kanyang dibdib sa lakas parin ng tibok nito. Nang madaanan nila ang isang lugar naramdaman niya ang paghina ng tibok ng puso na nararamdaman niya kanina. "Stop the car," anas niya kay Jam na sinunod naman ng lalake.

She openend the window at tinignan ang paligid. I don't hear any heartbeat sound. Could it be that Monster Chi is within hundred meters?

"Shanshan, gusto mo bang lumabas?" tanong ni Jam sakanya.

Umiling si Shanelle at umayos na ng upo. "Wag na. gusto ko ng umuwi at magpahinga," aniya.

Sa kabilang dako, a suspicious person entered the hospital where Shanelle was treated at kinuha ang bulak na puno ng dugo na pinanlinis nila ng sugat ni Shanelle kanina.

_________

The boss is also busy watching how Chihoon fights the coldness of the elevator. He saw him looks at the camera. Bigla niyang sintok ang camera kaya lumabo na ang screen ng laptop niya.

"Ayaw mong Makita ko kung pano ka mag panic ah? Then let's just see each other tomorrow."

______

At Park's residence, nakaupo naman si Shanelle sa sofa at kumakain habang nanonood ng TV. She is watching an entertainment news kung saan nire-report ang pagkaka aksidente niya sa set.

"We heard that Miss Shanelle Park was injured on location due to someone switching the prop knife with a real knife. Thankfully it was just a scene scratching the palm. If it had been a scene piercing the heart, we can't imagine the consequence."

Tsk. Walang kwentang reporting at talagang gusto pa nila na masaksak ako?

"Yes, indeed. It was an unlucky year for Miss Shanelle Park. We suggest to Miss Shanelle to find a master that will help her calm her fate."

Napaismid naman si Shanelle.

"But I heard that the police went to the scene this morning and by the afternoon they found the suspect. The suspect is known to be Miss Shanelle Parks big fan!"

Nainis na si Shanelle sa pinapanood kaya pinatay na niya ang TV. "What? Unlucky year? I've lived for 21 years at lahat ng taon ay unlucky year ko! At saka ano bang problema ng mga fans ngayong mga panahon? Mahirap ba kayo? Wala bang pera ang pamilya nyo sa pagpapagamot mo ng sakit mo sa utak? Either way, just take the crazy pill and pervert pill three times a day with warm water and after meal, understand?" pagkausap niya sa imaginary fan niya na siyang suspect sa nangyari sakanya.

Bigla naman siyang nagulat nang biglang humangin ng malakas. Napansin niyang nakabukas pala ang bintana niya.

________

"Ilang bese ko bang sasabihin di nga ako ang mga gawa nun kay Miss Shanelle. Mali kayo ng inarestong tao," reklamo ni Aron James sa mga pulis na kaharap niya. Dinakip kasi siya ng mga ito sap ag-aakalang siya ang nagpalit ng kutsilyong ginamit sa shoot kaya nasugatan ang babae. "Miss Shanelle is my goddess, why will I do such ferocious thing? Nagpunta lang ako sa set to pick up some props para ikalat sa social media pero di ako ang nagpalit ng kutsilyo."

Nagkatinginan na lang ang dalawang pulis dahil sa wala silang maauhap nap ag-amin sa lalake.

_________

Tingin naman ng tingin si Shanelle sa kanyang phone para tignan ang oras. Hanggang ngayon kasi ay di pa umuuwi si Chihoon. "Bakit kaya di pa bumabalik si Monster Chi? Di kaya pagkatapos niyang makipagkita dun sa painting owner, bumalik na ang ala-ala niya tapos nakapahiganti na siya at umalis na?" bigla naman siyang napasimangot. "Teka, napakawalang modo naman ni Monster Chi kung ganon. Dapat sinabi din niya muna sakin na aalis siya bago siya umalis diba? Bakit bigla na lang siyang umaalis tapos naiwan ako ditong nag-aalala." She tilts her head sa nasabi. Nag-aalala? "Wait, am I worrying about Monster Chi? Ano namang klase ng biro yan. Saka pwede naman siyang lumipad over eaves and walks on wall diba? Nobody can do anything to him."

Tumango tango pa siya na parang sigurado.

Sa loob naman ng elevator unti-unti nang nawawalan ng lakas si Chihoon sa sobrang lamig na nararamdaman. Napaupo na lang siya at sumandal sa dingding. Namumutla na din ang kanyang bibig.

_______

Bigla namang napabangon si Shanelle sa pagkakahiga nang may bigla siyang naisip. "It can't be. Don't tell me Monster Chi got tricked? Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Napaka gullible niya. How can he trust the words of a cheater easily? This cheater is pretty awful even cheating a hundred-year-old person! Di pwede to baka kung napano na yun," she hurriedly took her jacket saka nagmadaling lumabas ng bahay.

Pinapakiramdaman niya ang tibok ng puso niya habang naglalakad. Why is Monster Chi's heart beats so weird? Wala namang nangyaring masama sakanya diba?

Madilim na at wala na masyadong tao sa paligid. She is looking around hanggang sa nakarating siya sa isang unopened building. Dito niya kasi na track ang signal ng phone ng lalake. "This looks like a lifeless building. Bakit naman sila magkikita dito?"

sinubukan niyang i-dial ang lalake pero di niya ito makontak. "Not in service? Is he in the elevator?"

Pinakiramdaman niya ulit ang tibok ng puso niya. Monster Chi is not trapped in the elevator, right?

Dali-dali siyang naglakad papunta sa loob ng building. Naglakad siya sa loob at naghanap ng elevator. Wala namang katao-tao dito at mukhang wala ding sign na may nagpupuntang ibang tao sa lugar na iyon. Napansin niya na nagpupundi ang mga ilaw sa paligid.

She tilts her head at tumakbo hanggang sa narating niya ang elevator. "So, dito nga ang lugar. Pwede na pala akong maging secret agent," she grinned at pinindot ang button ng elevator. Walang nangyari. She pushed it again pero ganon parin.

Kinatok niya ang pinto. "Monster Chi? Monster Chi andiyan ka ba? Kung ganon magsalita ka!" Kinakatok niya parin ang pinto. "It's so gloomy in here. Nakakatakot." She is looking around. Aalis na sana siya ng marinig niya ang boses ni Chihoon.

"I'm here," ani Chihoon sa mahinang boses.

Napalaki naman ang mata ni Shanelle at sinubukang silipin siya sa baba ng pinto. "Monster Chi!" kinatok katok niya ang pinto. "Okay ka lang ba jan? anong nangyari sayo?!" nag-aalala niyang sambit.

"I-it's so cold," sagot ng lalake na nanginginig na ang katawan sa sobrang lamig.

"Teka! Tatawag ako ng pulis!" Kinapa-kapa niya ang phone pero napaisip siya. "Di ako pwedeng tumawag ng pulis. Isa siyang halimaw." Tinago niya ang phone. "Antayin moko! Ililigtas kita!" tumakbo siya uoang tumingin ng pwedeng gamitin para maligtas ang lalake.

She saw a cabinet, binuksan niya ito at Nakita ang isang axe. She gets it at sinubukang i-lift uo ang pinto mula sa baba. Buong lakas niya itong itinataas pero di niya kaya. "Ouch," natanggal na din ang bandage ng kamay niya.

Pero sinubukan niya paring itaaas iyon. She used her remaining strength para maitaas yun at naitaas naman niya ng konti. Enough to feel the cold air coming from the elevator. "Woo, ang lamig, parang freezer naman dito," she rubs her arms.

Sumilip siya sa maliit na siwang sa baba ng pinto at Nakita niya si Chihoon na nakaupo at para ng naninigas ang buong katawan. "Monster Chi, who did you offend?! Bakit ka nila pinapahirapan?!"

Napasandal siya sa dingding dahil sa pagod at hinihingal na din. "Wala na halos akong lakas. Di ba malakas ka naman? Di ba pwedeng itaas mo na yan sa sarili mo?"

Walang sumagot sakanya. Tumingin ulit siya sa pinto. Don't tell me... SInilip niya ulit ito. "Monster Chi di ka pa kayang protektahan ng superpowers mo sa lamig?"

Nakita niya itong tumango. "Ano nang gagawin natin niyan?" naiiyak nang sambit ni Shanelle. Kahit kasi halimaw ang lalake ay siya parin ang masterpiece niya. Ang gawa niya at pinaghirapan iyang buuin. "H-hang in there. Iisip ako ng paraan."

Tumayo siya at tumakbo para magtingin sa paligid. Fire. I need to make a fire. She tried to open every door she can see pero lahat ng yun naka lock. What to do? What to do?

Balisang-balisa na siya sa paghahanap. Bigla naman siyang nakakita siya ng mga kahoy sa isang sulok. She hurriedly gets those at nilagay sa isang malaking timba na nasa bodega. She also found a match at mga old newspaers kaya dali-dali niyang binuhat ang mga iyon papunta sa elevator kung saan na trap si Chihoon.

She hurriedly made a fire thanks to her girl scout skills. "Prince Chihoon wag kang matutulog," sambit niya habang pinapaypayan ang apoy at inaantay na uminit. "ANtayin lang nating uminit ang apoy."

Nagpatuloy si Shanelle sa pagpaypay. Sobrang hinang hina na rin ang kamay niya at nangangawit na din ito. Bumababa na din ang talukap ng mata niya.

"Monster Chi, sinasabi ko sayo, wag kang masyadong magtiwala sa mga internet friends mo." She said yawning pero patuloy parin siya sa pagpaypay. "You don't even know if it's a human or a dog who is sitting in front of the computer. Also, dapat lagi kang magdala ng hot pack saan ka man magpunta. Alam mo naman palang mahina ang katawan mo sa lamig."

Naririnig naman ni Chihoon ang mga sinasabi ng babae. Pinagpapawisan na din siya. Natalo na ng init ng apoy ang lamig sa elevator. Unti-unti na ding bumabalik ang lakas niya.

"Don't you even you what a hot pack is?" narinig niya pang sabi ng babae. "It is something that will immediately heat up as long as you stick it on yourself." Narinig niya itong tumawa. "Pero isipin ko palang ang itsura mo na puno ang katawan mo ng hot pack..." she laughs. "Nakakatawa."

Chihoon lifted the edge of the door at malaks niyang tinulak pataas. Nagulat naman si Shanelle kaya napatayo siya bigla.

Lumabas si Chihoon na basang basa ng pawis ang katawan. "Woah, a monster is really a monster. Naka recover ka agad." Shanelle said grinning nang Makita ang paglabas ng lalake.

Dahil naman sa panghihina pa ng katawan, napayakap si Chihoon sa babae na kinagulat ng isa. "T-teka, Ch-chihoon." She helps him get up at inalalayan siyang lumakad para makauwi.

_______

The phone of the boss rang habang nanonood siya ng isang pelikula. Sinagot niya ito at napatayo siya bigla sa masamang ibinalita sakanya ng assistant. "Anong sabi mo? Nakatakas siya?!"

"Sorry boss. Makakahanap parin tayo ng ibang pagkakataon para mapatay siya."

"Tanga! Sa tingin mo ba maloloko pa natin siya?! We've already startled the snake in the grass." He takes a deep breath. "Sa ngayon wag ka munang gumawa ng anuman."

"Okay boss."

Tinapon naman ng boss ang phone niya sa dingding.

__________

"Hatching," Shanelle rubs her nose with tissue again. Kanina pa siya bahing ng bahing dahil sa pagkakasipon dahil sa nangyari kagabi. She was exposed to so much cold and so much heat kaya nagkasipon siya. Great Shanelle napakagaling mo kasi. Mula sa pagtakbo at pag set-up ng fire, ngayon naman sinipon ka na. Bumahing na naman siya kaya kumuha na naman siya ng tissue.

Nagising naman si Chihoon sa narinig na pagbahing bahing ni Shanelle mula sa kanyang kwarto. Tumayo siya at kumatok sa pinto ni Shanelle.

"Wag ka na mag thank you. I already regret saving you," narinig niyang sambit ng dalaga mula sa loob ng kwarto nito.

"Let's talk," sagot ng lalake sa mahinahong boses. He opens the door at pumasok siya sa loob ng kwarto ng dalaga.

Hinarap ni Shanelle ang lalake. "Anong pag-uusapan natin?" tanong niya sa lalake. "I don't even want to know anything about you. Getting tricked is your problem. I will be thankful if you will find another place to stay in for good." She said.

Di naman sa pinapaalis niya ang lalake. Ayaw lang niya na ma involve siya sa problema nito. Marami na siyang pinoproblema ngayon at dumagdag pa siya kaya naisip niya na mas mabuting umalis na lang ito dito. Total wala na siyang pakialam sa kung anong sabihin ng mga tao sakanya. Masama na din naman ang tingin ng mga tao sakanya kaya ayaw na din niyang ipagtanggol ang sarili niya at hayaan na lang silang isipin ang gusto nilang isipin ukol sakanya.

Di sumasagot si Chihoon. Hinahayaan lang niya ang babae na sabihin lahat ng gusto niyang sabihin. "Tapos sabi mo pa na poprotektahan mo ako? Protect my foot. Ako pa pala ang magliligtas sayo. Ugali nyo ba talagang mga lalake to? Ang mag promise pero makakalimutan din kaagad ang pinangako? Di naman kayo makukulong sa pagtupad sa pangako nyo diba?"

Tahimik lang na nakikinig ang lalake sakanya. Napapangiti na lang siya sa isip niya dahil sa pagrereklamo ng babae. "tapos ngayon may sakit na ako. Nasugat ang kamay ko, may sipon ako at di na ako makapasok sa trabaho."

That's it. Chihoon walks to the girl at hinawakan ang kamay niya. He pushed her to the bed and kissed her.

As what he did before, he bits his tongue at hinayaang malunok ng babae ang dugo niya. This is his way of healing her. And for compensating her for saving him.

Malalaki naman ang mga mata ni Shanelle sa biglang paghalik ng lalake sakanya. Di siya makagalaw. What the heck is happening? Is he... is he kissing me?! At ano yung nalunok ko? Tubig? Dugo? Dugo?! Malakas niyang tinulak ang lalake. "Y-you!" Sasampalin sana niya ang lalake pero nahawakan nito ang braso niya. "Bitawan mo ako! How dare you!" pilit niyang tinatanngal ang pagkakahawak ng lalake sa braso niya.

Kinuha ng lalake ang kamay ng babae at tinanggal ang benda nito. Wala na ang sugat niya. Shanelle looks at it at nagulat sa nangyari. "Wh-what..." she touches her right arm na nahiwa at wala na nga kahit anong bahid ng sugat ang nakikita dun. Tinignan niya ang lalake. This is the way he saved me nung naaksidente ako? Is this it?

"What happened?" nagtataka niyang tanong sa lalake.

"I will protect you," sagot ng lalake sakanya.

"I was asking, wh-what happened here?" pinakita niya ang naghilom na sugat niya. Napansin niya ang dugo pa sa may labi niya. She drips her fingers in it saka tinignan ang dugo na nakuha niya dito.

"People's wounds take time to heal. Pag biglang gumaling ang sugat mo, baka mas magtala ang mga tao. You also know what happened yesterday. Under those circumstances, there's no way I have given you any bloo---"

"Stop." She takes a deep breath. "Let's list all your special abilities. First, you are the fastest living organism on the planet. Secondly, you are the only being on Earth aside from birds, bats, mosquitoes, flies and airplanes that can fly. Wait, does that count as flying? Di naman kasi mataas ang nalilipad mo." aniya nang maalala ang paglipad nilang dalawa papuntang rooftop.

"It's not really flying. It's through the lungs filtering out the hydrogen in the air. Then fill up all the cells in the body and jumps to heights. Saka di sa di ako nakaka jump ng mataas. Masyado ka lang mabigat."

Napasimangot ang babae sa sinabi niya. "Psh, oo na nakuha ko na gaya ng mga hydrogen balloons na binebenta nila sa lansangan. And may I remind you, this young lady's fitness is very controlled, no excess weight, or whatsoever," ani Shanelle. Chihoon just shrugged his shoulders. "ALrighT! Third, your blood is a miracle blood that can heal or cure illnesses. So, after the car accident, not only did I not die, I even recovered completely. Bat di mo yan sinabi ng mas maaga sakin ah?"

"SInabi ko sayo nun. Di mo lang na gets yung explanation ko sayo dati. Saka sa tuwing magsasabi naman ako sayo para kang rabbit kung tumakbo with your ears sealed."

Napaubo ang babae sa sinabi ni Chihoon. "Th-then, you should grab my hand at isigaw mo sakin yun! Di ba nga mahilig ka namang manood ng mga drama, e di dapat gayahin mo yung mga lalake dun where the man keeps on saying "Listen to me, listen to me" tapos yung babae ang sagot eh "I don't want to hear it, I don't want to hear it". Then para na silang repeating machine, cycling the same dialogue." Dire-diretsong sambit ni Shanelle.

"Kelan naipalabas yang drama na yan? Sounds pretty interesting," nangingiting sambit ni Chihoon.

"For example, ikaw at ako kung inoobserbahan sa malayo ay paramg nasa isang drama. But from looking at actual events, this is actually one of a horror film. Psh."