Chereads / Animated Love / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Nanatiling nakanganga si Jam hanggang sa pag-upo niya sa sofa sa loob ng bahay ni Shanelle. Seryoso namang nakatingin sakanya sina Shanelle at CHihoon na magkatabing nakaupo sa harap ni Jam.

Nagkatinginan silang dalawa at parang nag-usap ang mga mata saka nagkatanguhang pareho.

Tumayo si Shanelle at lumapit kay Jam. Umupo siya sa tabi niya. "Jammier Yu ang Nakita mo ngayon-ngayon lang ay nangangailangan ng dalawang bagay," panimula ni Shanelle sa di parin gumagalaw na lalake. "Una, you should shut your mouth like a clamshell. Yung wala kahit na sinong makakaalam o makakadiskubre. The second is to put you and your secret in a petrol drum at punuin mo yun ng semento para kahit sino ay walang makatibag."

Nanatili lang tahimik si Jam. Di siya nagsalita dahil na rin sa sobrang pagkagulat niya. Tahimik din si Chihoon na tinitignan siya. Shanelle waves her hand on Jam's face. "Oy, Jam. Jammier Yu. Jam!" patuloy na pagtawag ni Shanelle sakanya dahil sa nanatili itong walang kibo.  Nagulat naman si Shanelle ng biglang hawakan ni Jam ang kamay niya.

Tinignan siya ni Jam saka nilipat ang tingin kay Chihoon. "Ng-ngayon lang…y-yung Nakita ko…"

Tumango naman si Chihoon sakanya. No need to hide it anyways. "What you saw was real," sagot niya sa lalake.

Tinignan naman siya ni Shanelle at bahagyang sinuntok ang tagiliran niya to make him stop talking.

"You still want more trouble eh?" bulong niya sa lalake.

Huminga ng malalim ang lalake. "Sinabi ko na sayo nab aka may makakita satin, but you insisted on playing. Sisihin mo dapat ang sarili mo wag mo ibunton sa ibang tao ang sisi."

"E di… dapat bago ka lumipad dapat sinigurado mo muna na walang tao dun diba?" salubong naman ni Shanelle sa titig ng lalake. Ayaw niyang magpatalo dito.

"I said I wasn't flying."

"Ha! Of course, you are not flying! Even fleas jump higher than you!"

"Then I'm very sorry. If I jump holding your I.Q. next time then I'm sure I'll jump higher than a flea," bwelta naman ni Chihoon sakanya.

Tumayo si Shanelle at tinuro siya. "So, you think that I have no I.Q.?" napatawa siya ng mapakla. Tinignan niya si Jam. "This… this dead monster dares to curse me telling me I have no IQ?!"

Pinagpapalipat lipat lang ni Jam ang tingin sakanilang dalawa.

"I'm just saying the objective fact only," sambit ulit ni Chihoon.

"Ikaw yung monster na Nawala lahat ng dugo at sinumpa ng halos isandaang taon na binuhay ko at pagkabuhay mo wala ka ng maalala ukol sa kung sino ang kaaway mo! Tapos sasabihin mo ako lang ang walang IQ?!"

"Oh, right, e pano naman yung isang tao na sobrang unlucky sa lahat ng bagay? Who after crying drums of tears revived a corpse? Wow, your life is sure a joke." Taas kilay na sambit ni Chihoon.

"You!" pulang pula na ang mukha ni Shanelle sa inis.

Napatigil naman ang dalawa ng mapansin si Jam na nakangiti ng malawak na nakatingin sa kanilang dalawa. "So coolness!!!" sigaw niya. "Brother!!!" sambit pa niya at tumakbo papunta kay Chihoon na dali namang iniwasan ng isa kaya sa lupa humalik si Jam.

_________

Kasalukuyan namang binabaa ni Professor Lee ang email ng research sponsor niya.

Sponsor: I have known about the dried corpse coming back to life for a long time already. Don't act rashly. That monster is not someone you can catch. I know better way to handle him.

Professor Lee: I need to meet you, if that's okay.

He sends his message saka tinanggal ang eyeglass at inilot ang sentido. Tinignan niya ang picture ng kanyang anak sa tabi niya. Malapit na anak. Mapapagaling ka n ani Papa.

_________

Napapangiti naman si Jam dahil sa kakaibang nalaman. He now starts to idolize Chihoon dahil di lang ito gwapo napaka astig pa niya.

Kasalukuyan siyang nakaharap sakanyang laptop nang biglang masagi ng paningin ang isang nagva-viral na video. "The real monster shows up at the real midnight filming." Basa niya sa caption ng video. "Ano to?" inopen niya ang video at Nakita ang isang lalake na naka silhouette ang mukha na tumatalon talon sa mga matataas na walls. "Masama to. Nakuhanan sa camera si Prince Chihoon."

Dali niyang pinatay ang laptop at umalis ng bahay. pumunta siya agad sa bahay ni Shanelle. Nagkalat na din ang video at nakita na ito ng maraming tao.

Pabalik balik ng lakad naman  si Shanelle dahil sa nalaman.

"Sabi ng website editor pag daw umabot sa 50 million ang views niya ilalabas daw nila ang mas malinaw na kuha nito na makikita ang mukha ng lalake," sabi ni Jam. Napansin naman ni Jam ang kanina na pa baliang si Shanelle na palakad lakad. "Shanshan pwede ba tumigil ka na sa paglalakd?"

Nagpameywang ang babae. "I'm already worried to death here! Pag pinakita ang mukha niya e di malalaman ng buong mundo na may pinatira akong halimaw sa bahay ko!" Tinignan niya si Chihoon. "AT ikaw naman, nakakuha ka ba ng madaming energy sa pag inom ng maraming gatas at nakuha mo pang makipaghabulan sa mga pusa?!" Di naman sumagot ang lalake. Umupo ulit siya sa tabi ni Jam. "Teka, diba mahirap namang abutin ang 50 million views?"

"Oo, usually pag may 5 to 10 million na views ka na popular na ang video mo. Nung Makita ko ito kanina nasa thousands pa lang naman ang views," sagot naman ni Jam.

"Pero… the views have already reached 30 million," sambit ni Chihhon na tinitignan din ang video.

Nagkatinginan sina Shanelle at Jam at sabay na napatungo ang ulo.

Napangiti naman si Chihoon sa asta ng dalawa. "Wala namang dapat ikabahala. There's no law sentencing a person keeping a hundred-year-old person."

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" inis na sambit ni Shanelle sakanya saka tumingin kay Jam. "Di ba magaling ka naman sa IT?  Can't you attack their server?"

"Sabi ko naman sayo noon pwede kong i-hack ang computer system pero hindi sa original document. Saka krimen din yun. Ayoko namang makulong," he pouts his lips.

Tinignan ulit ni Shanelle si Chihoon. "A-ano kaya kung magtago ka muna? Ipagpaliban mom una ang paghihiganti mo. M-maghanap ka muna ng pagtataguan!"

"Can't," aniya na di tumitingin sa babae. "May re-run ngayon ng paborito kong movie yung movie ni Miss Riza ngayong hapon," sambit niya.

Napapikit naman si Shanelle sa inis. Incorrigibly obstinate monster!

_______

Busy naman si Troy sa panonood ng video na nagva viral habang kumakain sila ni Professor Lee.

"Ano ba yang pinapanood mo diyan?" tanong ni Prof. Lee sakanya.

"Nah, a lover of photography's little game of deceiving people," sabi niya at pinatay na ang phone saka nagsimulang kumain. "Siya nga pala prof. yung fund natin for next year's research ay naibigay na. di ko alam na ganun kabilis ang proseso nun. Akala ko na dahil sa pagkawala ng corpse sa museum aynawala na din ang kumpiyansa sa atin ng sponsor natin. Siya nga pala prof, sino ba yung sponsor natin? Madaming taon na ang nagdaan pero hanggang ngayon di ko pa siya nakikilala."

"He's probably a fanatic lover of medicine. I don't really know," sagot ni Prof. Lee habang kumakain. Pati kasi siya ay di pa nakikilala kung sino ang sponsor nila. He is just communicating with him through email. Bigla naman siyang napaubo kaya kumuha siya ng tissue.

"May sakit ka ba Prof?" nag-aalalang tanong ni Troy sakanya.

Umiling si Prof.Lee. "Wala to. May sipon lang ako."

"Nagtrabaho ka na naman siguro magdamag Pof. Pag-uwi ni Annie ngayong summer pag Nakita ka niya na gugol na gugol sa trabaho baka aalis din siya agad." Di naman sumagot ang matanda. "Sorry, professor. I didn't mean anything else."

"It's okay. Tama ka naman. Yun ang rason bakit ako iniwanan ng asawa't anak ko. But this time it will work. Troy, ikaw ang pinakamagaling na estudyante ko. Pag nagtulungan tayo sa research na ito we could change the future of human species."

Tumango si Troy. "Okay prof. but, you should still rest well."

"Di ka ba naniniwala sakin? iniisip mo ba na di yun mangyayari?"

"Di naman sa ganon prof. Ang akin lang alagaan mo parin ang sarili mo. Pag di mo inalagaan magco-collapse ang katawan mo at mas lalong mawawalan ng saysay ang pagkumpleto natin ng repair enzyme."

Napabuntong hininga nalang si Prof Lee dahil alam niyang tama naman ang sinabi ng estudyante.

______

Nakangiti si Chihoon na nakaupo sa sofa habang pinapanood ang movie ni Rizalane na paborito niyang panoorin. Nagging fan na kasi siya ng babae dahil sa galling nitong umarte.

Katabi niyang nanonood ang laptop niya at Nakita niya ang bilis dumami ng views ng video niya.

Bigla naman niyang pintay ang laptop ng Makita niya ang pagbaba ni Shanelle sa hagdan. Binalik niya ang tingin sa pinapanood habang si Shanelle ay nagmadaling lumapit sakanya.

The movie where Rizalane starred is a cliché story kung saan akidente niyang nasabuyan ng wine ang damit ng isang costumer sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho kaya minura siya nito. Dumating naman ang lalakeng bida at niligtas siya saying that Rizalane is her woman and that he will put the guy's company into bankruptcy dahil sa pamumura niya sa babae.

Napatigil naman sa paglalakad si Shanelle nang mapansing masarap na nanonood si Chihoon habang siya ay namomroblema dahil sa posibleng pagkalat ng mukha niya sa internet.

"Di ka ba talaga ninenerbyos kahit konti ha? At may gana ka pa talagang manood lang diyan?" nakapameywang sa sambit  ni Shanelle.

"I am," he answered not minding looking at her. "Yung lalakeng bida sa pinapanood ko ay may balak na patayin si Miss Riza syempre kakabahan ako."

Napanganga si Shanelle sa kawalang pakialam ng lalake sa nangyayari at talagang mas kinakabahan pa siya sa pagkamatay ni Rizalane sa pelikula kesa sa actual na problema. "Then do what you want," inis na sambit niya at tataluran n asana niya ito nang Makita ang pinapanood ng lalake. "Alam mo ba yang pelikula na yan ay walang logic or whatsoever. Yan, yang kwintas na suot-suot ni Rizalane diyan ay bigay pa ng kanyang lola. Alam mo ba na napakamahal niyan at kayang bilhin ang kahit sampung restaurant? Kaya niyang pabagsakin ang Empire Corporation into bankruptcy herself! Yang bidang lalake diyan isa lang siyang patatas diyan. Saka tignan mo, bakit lahat ng bidang lalake sa mga pelikula ang nagugustuhan lang ay ang bidang babae? Pano naman ang mga supporting actress lang? walang logic ang pelikulang yan!" reklamo ni Shanelle.

Napalingon naman si Chihoon sa nagra-rant na babae. "At isa pa," pagpapatuloy lang ng babae. "You don't even have the right to appear on the script. No memory and no friend. You won't be able to handle the script. You can only talk to the animals."

Tinignan siya ng nagtataka ng lalake. What the hell is this woman talking about again? Bakit ba sa tuwing magsasalita ang babaeng to ay mapapaisip ako kung ano ang pinupunto niya?

Nanatili lang siyang nakatingin sa babae kahit na narinig niyang may nag doorbell.

Shanelle blinks her eyes nang di parin sumasagot ang lalake. "Tapos na akong magsalita," sambit niya sa lalakeng nakatingin lang sakanya.

"The doorbell has been ringing for a while now. May our Supporting Actress go and open the door?" sagot na lang ng lalake sakanya.

She scoffed at him. "Psh," tumalikod na nga siya at pumunta para buksan ang pinto.

Napapangiti na lang si Chihoon sa inaasta ng babae. He can't help to look at how cute she is sometimes.

"Shanshan, dalian mo na at magbihis. May offsite shoot tayo ngayon tapos magpapa make-up ka pa," reklamo ni Jam sakanya nang Nakita niya na do pa talaga bihis ang dalaga thinking na may shoot sila ngayon.

Sinundan niya ang babae na naglakad palapit sa sofa nang mapansin ni Jam nandun si Chihoon. "Kuya!" mabilis siyang nagpunta sakanya that he even pushed Shanelle away just to get near him.

Muntik namang mahulog si Shanelle sa pagkakatulak sakanya ni Jam. "Jam! Bwisit ka!"

Di naman pinansin ni Jam ang pagsigaw ni Shanelle at umupo lang sa tabi ni Chihoon. "Kuya nung last time sabi mo na gusto mong uminom ng fresh na lychee juice, I is brought for it you," sabi niya na inabot ang juice sa lalake.

"I bought it for you yun gago," pagtatama na naman ni Shanelle sakanya.

Nag roll eyes lang sakanya si Jam saka binalik ang tingin kay Chihoon na inabot na ang juice na binigay niya. "Natatakot ako na baka di na kita Makita pa muli pagkatapos ng araw na to," sabi pa niya na nakapagpangiwi kay Shanelle. "Wag mo sanang kakalimutan si Jam!" sabi pa niya at niyakap ang mga binti ng lalake.

Napayakap naman si Shanelle sa sarili niya sa pandidiri sa kachansingang ginagawa ni Jam kay Chihoon.  Nangingiti naman si Chihoon sa lalake.

Di na kinaya ni Shanelle ang sweet moment ng dalawa kaya tumakbo na siya paalis.

_______

"Hello, what's your name?" tanong ng website manager sa lalakeng dumating sakanyang opisina.

"I'm Detective Ian Lopez, I manage a small detective firm," sabi ng detective na binigay ang business card a director na kinuha naman ng director. "I was commissioned by someone to come and discuss some business with you."

"Which advertising firm?" nakangiting tanong ng director sakanya.

"My commissioner wants 36 seconds of a high resolution of a certain video."

Naupo naman ang director sa swivel chair niya saka niya tinignan ang lalake. "People in this field are crazy these days to come up with these. Detective Lopez, how much can your client pay?"'

Napangiti ang detective.

_________

"Tell him in two days, it will be 50 million dollars for sure," dikta ng website director sa assistant niya na siyang nakikipag chat sa may-ari ng video na may HD version. Gusto kasi nilang bilhin sakanya ang HD version ng video. "I offered him 50 million dollars for exclusive buyout fee. Tell him to send the HD video."

Tumango naman ang assistant niya at ginawa nga ang pinapasabi ng amo.

Unknown: When are you releasing it?

Yan ang chat ng taong yun na nakapagpaisip sa director. "Tell him it's not his business when will we release it."

Unknown: then I'll just sell it to someone else.

Tinignan ng babaeng assistant ang amo. "What he wants is money anyways at sabi naman ni Detective Lee na pwede pang pag-usapan ang price. So, we should just tell him we won't be releasing it."

Napatango ang director sa sinabi ng assistant. "Sige." Yun nga ang sinabi nila sa taong yun.

Unknown: Then I will contact the buyer directly.

"That bastard. He got a big appetite eh?" inis na usal ng director.

_________

Sa filming set, busy ang mga staffs na ayusin ang pagdadauan ng shooting that day.

"Rizalane, Shanshan, come here," tawag ng director sa dalawang babae na nakaupo sa bench.

Tumayo naman ang dalawa at lumapit sa director.

"tell the filming director to go up," the director instructs the male staff. "From here," iminustra ng director dito ang gagawin.

"Direk," tawag ni Shanelle sa lalake.

"Ah, sasabihin ko sainyo ang tungkol sa filming natin ngayon. We'll film this scene from the second-floor rooftop. Kailangan mong itulak doon si Rizalane later on. Tapos darating ang male lead natin para iligtas siya. Tapos Riza, ikaw naman ang magtutulak kay Shanshan. Naintindihan niyo?"

Napatango si Shanelle pero hindi si Riza. Alam niya kasi na takot si Shanelle sa matataas na lugar. "But…Shanshan…"

"Okay lang. Go on Direk," pagpapatigil niya kay Rizalane.

Tinignan niya ang kaibigan at umiling ito para di na lang sabihun sa director.

"Shanshan you have to do a perfect rotation in air, tapos mahuhulog ka sa isang box. Napakaimportante ng scene na ito kaya galingan mo okay?" bilin pa ng director sakanya.

Tumango ang dalaga kaya iniwan na sila ng director. Pumunta na ang dalawa sa bench upang gawin ang make-up nila.

"Eh, don't try to be so tough. Pwede ka namang kumuha ng stuntman mo," sambit ni Rizalane sa kaibigan.

Shanelle rolls her eyes. "Ikaw nga na main actress di ka kumukuha ng stuntman e di nakakahiya na ako pa ang gagawa nun?"

"Di mo naiintindihan Shan. Ako gustong gusto ko ang tumalon sa mga buildings."

"Ha, such a strange hobby," Shanelle murmurs.

"Shanshan, Riza, your turn," sigaw ng director.

"Okay!" masayang sambit ni Shanelle at tumayo na. Nag-aalala naman siyang tinignan ni Riza. Napailing na lang ito na sinundan ang kaibigan.

Nag-ready na nga ang dalawa at pumuntang rooftop.

"Okay, 3,2,1, action!"

"What do you want to do?" Riza said na naglalakad palikod as what the script says.

Kinakabahan man si Shanelle she maintained her posture. Ang mga mata niya ay nasa ibaba kaya mejo nalulula siya kaya ito napapalunok.

"You…dare to go after my man then you need to prepare to die," kinakabahan ang boses niya na sinasabi ang mga linyang yun.

Nagsisimula na din siyang kabahan dahil sa taas ng rooftop na yun sa ibaba.

"Cut!" sigaw ng director. "Shanshan! Ikaw ang magtutulak kay Riza so stop acting like you're about to jump off and kill yourself, okay?"

"Sorry direk, ulitin mo natin!" sigaw na sambit ni Shanelle.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang sambit ni Riza sakanya.

Tumango na lang ang babae saka huminga ng malalim.

Natapos naman ang shoot na yun na nagging ok ang lahat.

Next scene na ay yung pagtutulak sakanya ng male lead pababa nng rooftop.

"You dare to push her?" sabi ng actor na kasalukuyang tinutulak si Shanelle. "She's my woman!"

"No, don't!" sambit ni Shanelle na ang mga mata na ay nasa baba ng rooftop. Malalakas na ang hininga niya at sobrang lakas na din ng tibok ng puso niya.

"I will kill you!" sabi ng actor.

_________

Kasalukuyan namang nasa taekwondo center si Chihoon at tinuturuan ang mga bata. "Stand straight," sabi niya sa mga bata pagkatapos nilang gawin ang stunt na tinuro niya. "Ready, go." Sabi niya at sabay sabay na nag bend ang mga tuhod ng mga bata with their fists on their sides. "One, two…"

Bigla namang naramdaman ni Chihoon ang pananakit ng dibdib niya. What's happening? Napalunok siya sa sakit nito kaya napahawak siya ng mahigpit sa dibdib niya. Shanelle…

Nagmadali siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Shanelle. Nakita niya itong nasa rooftop at may tumutulak sakanyang lalake. Sino yun? Bat niya itinutulak si Shanelle?

Pumunta siya sa likod upang walang makakita sakanya and he jumps to the rooftop. Nagmadali siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan nila at biglang sinuntok ang lalakeng gustong tumulak kay Shanelle.

He hugs Shanelle para di siya mahulog.

Napanganga naman ang director at mga staff sa nangyari dahil sa pagkamangha at pagtataka kung sino ang lalakeng sumuntok sa actor at niyayakap si Shanelle na para bang parte parin iyon ng script.

Shanelle blinks her eyes. Anong nangyari? Tapos na ba ang shoot?

Tumingin naman sa paligid si Chihoon at Nakita niya ang mga nagtatakang mukha ng mga tao sa paligid nila. Di parin niya tinatanggal ang pagkakayakap niya sa dalaga. "Sabihin mo sakin bakit gusto kang patayin ng lalakeng yan?" narinig ni Shanelle na sambit ng lalake. "Mga tauhan ba ng lalakeng yan ang mga taong to?"

"Kill? Kill what?" Nagtatakang tanong ni Shanelle. Napalaki naman ang mata niya ng marealize kung anong nangyari. Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap ng lalake at kinutusan niya ito. "Kill my butt! I'm filming right now, you idiot!" pabulong na sigaw niya sa lalake. "Idol drama. Di ba nga yun ang madalas mong panoorin a bahay?"

Napanganga naman si Chihoon. Filming? So this is just a filming?

"Okay ka lang ba?" sabi ng mga staff sa actor at inalalayan siyang tumayo. "hey stop filming!"

"Direk, diba dapat sinisigaw mo na ngayon ang Cut?" tanong ni Jam sa nakanganga paring director at di makapaniwala sa mga nangyayari.

"O-oo nga. Cut!" sigaw ng director saka tumakbo din sa kinaroroonan ng mga actors niya.

"Yan na. pinapahamak mo ako," Shanelle said.

"W-what's happening!" sigaw ng director.

Shanelle covered Chihoon's mouth with her hand para di magsalita ito ng kung anu-ano. "From now on, you can't talk. Kahit na anong sabihin ko tumango ka lang naintindihan mo?" bulong niya dito. "Nod!"

Napilitan namang tumango ang lalake. Nagtataka namang nakatingin si Rizalane sakanilang dalawa. What's happening? Sino tong lalakeng kasama ni Shan?

__________

Rizalane is looking at this two people in front of her while holding hands with each other. Kasalukuyan kasi silang nakaupo sa bench at nagpapahinga.

"Explain," Rizalane said sa nakangiting si Shanelle.

"Siya yung pinakilala ko sa press dati na bf ko. Narinig niya kasi na may scene kami ngayon ng main actor at sobrang nagselos siya kaya pumunta siya dito and it caused misunderstanding. Pero talagang mabait naman siya, diba?" tinignan niya si Jam na nakatayo sa tabi nila.

Tumango-tango naman ito para sakyan ang sinasabi ng babae.

Tinignan ni Riza si Jam at tinanguan din siya ng lalake. Kumukunot ang noo ni Riza sa mga sinasabi ng babae pero parang totoo naman ito.

"So, your boyfriend is in martial arts?" tanong ni Rizalane sakanya.

"Yes! Instructor siya sa isang martial arts center at talagang gusting-gusto siya ng mga bata!" aniya saka tinaas ang braso ni Chihoon at tinapik ang muscles niya. "DIba ang astig niya? Alam mob a noong naospital ako lagi niya akong dinadalhan ng mga bulaklak. Sobrang seet niya talaga," inakbayan pa niya ang lalake at nilapit sakanya.

Nanatili namang tahimik si Chihoon gaya ng gusto ng babae di siya nagsalita.

"Then Mr. Prince Chihoon Chu shouldn't you explain something?" tanong naman ni Riza sa lalake. "Even just because of jealousy, you can't just assault someone on location. Kaka-break lang niya sa bf niya tapos baka mas Malala ang chismis na namang kakaharapin ni Shan pag nagkataon lalo nasabi niya na ikaw ang bf niya sa press dati." Nanatili parin namang tahimik ang lalake pero nakangiti ito sakanya. "Wala ka bat aalagang balak magsalita or do you feel that I don't qualify to say anything about other people's relationships?"

Magsasalita na sana si Chihoon pero tinapakan ni Shanelle ang paa niya telling him not to talk. Tinikom nga muli ni Chihoon ang bunganga niya.

"Mabuti at di Malala ang nangyari sa actor. Sinabihan din siya ng director na palagpasin nalang ang nangyari kaya pinalagpas ito ng manager niya. At ikaw Shanshan," sabi niya sa babae. Malaki naman ang ngiting iginawad ng babae sakanya. "Shanelle Park kahit sino mang maging bf mo just please take care of him, ok? Wag mo ng hayaang maulit pa ito." Mabilis namang tumango ang babae.

Huminga ng malalim si Riza saka tumayo na at umalis.

"Can I talk now?" tanong sakanya ng lalake pagkaalis ni Riza.

"talk," sabi ni Shanelle na naiinis parin dito dahil sa nangyari.

"Ang ganda pala ni Miss Riza sa personal," sabi niya.

Masamang tingin naman ang ginawad ni Shanelle sakanya dahil sa sinabi niya.  "Alam mo ba, I originally thought you were here to help me solve problems. I never thought you will be my problem. Alam mo ba na konting clicks na lang sa video mo magiging wanted ka na sa mga mata ng tao?"

"Think of it positively," prenteng sagot lang ng lalake sakanya.

"Are you really not worried at all?" tinignan niya ang lalake.

"Worried about what?"

Napatango na lang ang babae. "Tama, wala ka namang dapat ikabahala. At most you have to go back to the deep forest and be the king of the jungle. Tapos ako magiging isang criminal na nagtago ng isang halimaw at hindi lang yan I will also carry the baggage of having dated a monster. Maybe I will become humanity's public enemy."

"Wag kang mag-alala pag nangyari yun isasama kita sa deep forest at ikaw ang magiging queen of the jungle," nakangiting sambit ng lalake.

Mas sinamaan naman siya ng tingin ng babae. Nakita naman ni Shanelle ang director kaya hinatak niya si Chihoon papunta sa kinaroroonan niya.

"Director?" nakangiti niyang sambit nang liningon siya ng director. "Ah, I'm taking my boyfriend to say sorry to you." she grabs Chihoon's head at pinilit na iniyuko yun para mag-bow sa harapan ng director.

"Wala yun. Di ko naman kasi alam na may takot ka pala sa matataas na lugar. Next time pag may mga ganitong sitwasyon gumamit ka nalang ng stunt double mo."

Napalaki naman ang mat ani Shanelle. "Woah, ang bait mo naman Direk! It's all good as long as I don't get possessed by evil spirits while acting."

"Ha?" nagtatakang sambit ng director. Minsan talaga out of the universe ang mga sinasabi ni Shanelle. "By the way, Shanshan, may sasabihin sana ako sayo."

Tumango naman si Shanelle saka sumama sa director sa iang sulok. "Ano yun direk?"

"Shanshan, ano ulit yung trabaho ng boyfriend mo?"

"Ah, isa siyang instructor sa isang taekwondo center. Bakit po?"

Nakita niyang lihim na nag 'yes' ang director kaya napakunot ang noo niya. "I didn't think this newbie would be so good. Kasi di ba nga sa film natin, there is this extraordinary big boss character. I think your boyfriend will be suitable. Mga three days lang naman yun."

"Ah?! You want him to act?!" gulat na sambit ng babae. Tinignan naman niya ang lalake na pinapakialaman na ang camerang ginagamit ng camera man. "It's not suitable Direk."

Huminga naman ng malalim ang director at inayo ang pagkakasuot ng glasses niya. "Well, we can negotiate the paycheck."

Parang nag twinkle naman ang mga mat ani Shanelle pagkarinig sa pera. "Direk, pag-usapan na natin ang role niya." Nakangiti ng sambit niya.

_________

"Boss, I've already have contact with the man online tungkol sa bagay na pinapagawa mo sakin," Detective Lopez said as he is talking to his boss on the phone. Yes, siya ang assistant ng boss niya na gusting patayin si Chihoon. "Pero Boss, alam mob a talaga na siya yun dahil lang sa isang malabong video?"

"He's an old fatal friend. How would I misidentify him?" sagot ng boss mula sakanyang telepono. "Kahit magkanong halaga, don't let him be shown to the public. Don't let anyone know his existence."

"Okay boss. May iba ka pa bang gutong ipagawa sakin?"

"Gustong makipagkita sakin ni Professor Lee. Arrange it."