"KUMUSTA ang iyong tulog?"
Ngayon lang ako nakabangon. Hindi kasi ako makatulog ng mabuti kagabi dahil sa unang pagkakataon ay nakatabi ako ng isang lalaki sa iisang kwarto. Hindi man kami literal na nagtabi sa pagtulog ay kahit papaano'y naiilang ako. At siguro dahil na rin sa sinabi niya kagabi kaya hindi ako nakatulog kaagad-agad.
Wag mo nga'ng isipin iyon, Aellia!
Suway ko sa aking isipan.
"Pasensiya ka na, Heneral kung ngayon lang ako gumising."
Mahinahon kong sabi.
"Kumain na tayo."
Sabi niya na parang natatawa.
Hindi ko alam kung bakit siya natatawa ngayon eh wala namang dahilan para tumawa siya.
Teka---
"Pupunta muna ako ng banyo!"
Dali-dali akong pumasok sa kubeta saka tiningnan ang aking mukha sa salamin, pinagmasdan ko ito ng mabuti saka nagmadaling naghilamos.
Tama nga ana aking kutob kung bakit siya natatawa kanina. Sa sobrang gulo ng buhok ko at may panis na laway sa gilid ng aking bibig ay ang laki pa ng eyebags ko!
Hindi ko alam kung ilang beses niya nang nabubungaran ang aking itsura sa tuwing ako'y gigising pero sa susunod na pagkakataon ay magiging presentable na ang mukha ko para hindi na niya akong pagtawanan pang muli.
Pagkatapos kong mag-ayos sa banyo ay saka ako lumabas pero muntikan na akong matumba sa gulat dahil sa nakikita ko ngayon.
Nakahubad lang naman ang Heneral sa aking harapan at nabubungaran ko ngayon ang mala-pandesal niyang abs!
Maghunos-dili ka nga, Aellia!
"Hindi ka ba komportable? Pasensiya na at medyo naiinitan kasi ako. Isusuot ko na lang muli."
"Huwag!"
Nagkatinginan kami ng Heneral pagkatapos lumabas sa labi ko ang mga salitang iyon.
"Ang ibig kong sabihin, kung naiinitan ka ay walang problema sa akin!"
Alam kong sa mga oras na ito ay namumula na ang aking mukha.
SA BANDANG huli isinuot muli ng Heneral ang kaniyang damit pang-itaas, hindi sa bigo akong makitang muli ang kaniyang mala-pandesal na abs ay ang akin lang baka'y naiinitan siyang talaga at gusto kong komportable siya sa kaniyang ninanais.
Kunwari ka pa, Aellia!
"Hindi kaya!"
Malakas kong naibigkas at huli na para bawiin ko iyon. Nagtaka naman ang pagmumukha ng Heneral pero sinabi ko na lang na gutom na ako basta't ganito ang ugali ko.
Nagpatuloy na lang siya sa kaniyang pagnguya at medyo tahimik ang paligid habang kami ay kumakain. Tanging mga kubyertos lamang ang nagbibigay ingay sa aming almusal.
"Gusto ko sanang humingi ng dispensa sa lahat ng aking nagawang kasalanan sa iyo, Aellia."
Muntik na akong mabilaukan nang marinig ng dalawa kong tenga ang kaniyang isinabi. Nagulat ako nang humingi siya ng dispensa at mas lalo na nang ibinigkas niya ang pangalan ko.
"Ayos ka lang? Ito tubig."
Kinuha ko kaagad ang basong laman ng tubig saka inilunok ang pagkaing bumara sa lalamunan ko.
"Okay lang ako, nagulat lang ako dahil humingi ka ng tawad at isa pa ngayon ko lang narinig na ibinigkas mo ang aking pangalan. Bago sa akin ang lahat kaya medyo hindi ako handa na marinig iyon."
Ngumiti naman siya pagkatapos kong magsalita. Ito rin ang unang pagkakataon na nasilayan ko nang tunay ang kaniyang pag-ngiti habang kaharap siya.
"Alam kong ito ang magiging reaksiyon mo, hindi rin kita masisisi lalo na't lahat ng pinagdaanan mong hirap ay sa akin nagmula. Inaamin kong naging madahas ako sa iyo pero hindi ibig sabihin na ikaw ang Propeta ay hihingi kaagad ako ng tawad sa lahat ng ginawa ko sa iyo. Ang ibig kong sabihin, maging ikaw ay Propeta man o hindi ay hihingi pa rin ako ng tawad dahil alam ko naman sa aking sarili na hindi mabuti ang aking pinakitang kaugalian kaya sana ay mapatawad mo ako."
Ramdam ko naman ang sinseridad sa kaniyang mga sinasabi at napatunayan din naman ng ilan sa palasyo na may mabuting kalooban din ang Heneral.
"Napatawad naman din kita, Heneral lalo na nang malaman ko galing kay Reyna Dahlia na ikaw ang nagligtas sa akin mula sa mga halimaw at alam kong ikaw din ang nagbantay at nag-alaga sa akin noong ako ay wala pang malay habang nakahiga lang sa kama ng tatlong araw. Aaminin ko noong una ay hindi ko ininda ang tulong mo sa akin pero kalaunan at lalo na ngayon na humingi ka ng tawad ay napatawad na kita ng lubusan. Kaya sana wala nang ilangan sa ating dalawa magmula ngayon."
Nakangiti kong inilahad sa kaniya.
"Maraming salamat, Propeta."
Propeta?!
Parang kanina lang ay tinawag niya ako sa aking pangalan.
"Huwag mo na akong tawaging Propeta, Heneral. Hindi kasi talaga ako sanay at saka hindi ba at tinawag mo na ako sa aking pangalan kanina?"
"Kung iyon ang iyong gusto, Aellia."
Balik niya namang sagot sa akin habang siya'y nakangiti rin.
Mas ngayon ko lang naiintindahan ang mga tao sa palasyo na sa likod ng kaniyang mukha ay may nakatagong malambot na puso pala ang Heneral.
"Muntik ko na rin makalimutan, magmula rin ngayon ay huwag mo na akong tawagin sa pangalang Heneral."
"Ha?! Pero hindi pwede iyon, hindi ba't patakaran sa palasyo ang tawagin kang Heneral?"
"Falco na lang."
Kaswal niyang sabi habang nagpatuloy kumain.
"Payag ako na tawagin kang Falco pero uulitin kong muli, dapat magmula rin ngayon ay Aellia na ang itatawag mo sa akin."
"Walang problema, Aellia."
Sagot niya.
Kalaunan naman ay nagpatuloy na kaming kumain. Ramdam kong wala nang ilangan sa pagitan naming dalawa. Sana ay magtuloy-tuloy na ito.
NAGPATULOY kami ni Falco sa paglalakbay dito sa bayan. Kanina pa kami ikot ng ikot pero kahit isang bakas ng hinahanap naming lalaki ay hindi pa namin mahagilap.
"Pasensiya ka na Falco kung hindi ko pa nahahanap ang lalaking iyon, tinaguriang Propeta pa naman ako pero sa tingin ko ay hindi bagay sa akin ang posisyon."
"May tamang oras ang lahat kaya huwag kang mawalan ng pag-asa."
Huminto ako saglit at pumaharap sa kaniya.
"Ikaw ba talaga ang Heneral?!"
Tanong ko habang naka-pamewang. Alam ko rin na nagtataka ang kaniyang mukha.
"Alam mo bang napakalayo ng Heneral sa nakilala ko dati at sa Heneral na kaharap ko ngayon?"
Natatawa kong sabi.
Hindi lang talaga ako makapaniwala na napakalambot ng awra niya magmula kanina habang nag-aalmusa kami.
"Mas gusto mo ba ang madahas kong ugali?"
Tanong niya na ikinagulat ko. Hindi ako makapagsalita sapagkat naging seryoso siyang bigla.
"Biro lang."
Siya naman ngayon ang tumatawa. Sumabay din ako sa kaniyang pagtawa.
"Ginulat mo ako!"
Sabi ko na lang habang nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Falco! Falco!"
Sabay kaming napatingin ni Falco sa taong tumatawag sa kaniya.
"Ama."
Balik tawag ni Falco sa taong sakay ng kalesa.
"Bakit nandito ka sa bayan? At saan ang tungo mo?"
Pinahinto ng lalake ang kaniyang kabayo saka kami nagkatinginang dalawa.
"Iha?!"
"Manong?!"
Sabay naming tanong.
Ito iyong Manong na hinatid ako ng bayan dati kung hindi ako nagkakamali.
"Magkakilala kayong dalawa?"
Tanong ni Falco sa kaniya at sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya kinagat ko na lang ang aking kuko dahil sa kaba.
"Siyempre kilala ko siya! Pero maiba muna tayo, mag kasintahan na ba kayo ngayon?"
Tanong niya kay Falco.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Lintek na!
"Manong! May importanteng lakad ba kayo? Baka nagmamadali kayo."
Iniba ko kaagad ang usapan dahil nakakahiya pag nalaman ni Falco ang mga sinabi kong kwento kay Manong.
"Hindi naman ako nagmamadali iha--"
Naputol ni Manong ang kaniya sanang sasabihin dahil biglang nagsalita si Falco.
"Ama, ano iyong sinasabi mong magkasintahan?"
Tiningnan ko si Manong at nagmamakaawang nagbigay senyales na huwag sabihin iyong sinabi ko sa kaniya dati. Mukhang nakuha naman kaagad ni Manong ang gusto kong iparating kaya nawalan ako ng tinik sa dibdib ko.
"Wala iyon, Falco. Pero bakit nga ba nandito ka sa bayan?"
"May hinahanap kaming tao, Ama."
Biglang sumakit ang tiyan ko kaya nagpaalam muna ako kay Falco na pupunta muna ng banyo.
"Gusto mo bang samahan na muna kita?"
Tanong niya sa akin.
"Hindi na. Alam ko naman kung saan, mas mabuti na rin na umalis muna ako para makapag-usap kayo ni Manong."
Bago ako umalis ay thumbs-up muna ako kay Manong at pinakita sa kaniya ang zip mouth na senyales. Nakita ko namang nag thumbs-up din siya kaya umalis akong nakakahinga nang maluwag.
"Ang sakit na talaga ng tiyan ko."
Tumakbo kaagad ako ng mabilis.
"Kainis!"
Sa tingin ko ay dahil ito sa nakain kong dumplings kanina. Naparami kasi ako ng kain.
Pagkatapos kong magbawas ay bumalik kaagad ako sa pwesto kung saan nandoon sina Falco at Manong.
"Umalis na si Manong?"
Tanong ko kay Falco.
"Kanina pa siya nakaalis."
Sagot niya.
Mukhang wala namang sinabi si Manong sa kaniya tungkol sa ikwinento ko dati.
Mabuti naman!
"Pero saan kayo nagkakilala?"
Tanong niya habang naglalakad kami ulit.
"Sa labas ng palasyo. Tumakas na ako ng mga panahong iyon at nakisuyo ako sa kaniya na sumakay sa kaniyang kalesa."
"Ganoon ba? Ikwinento mo rin ba kung paano kita nilagawan dati?"
"Oo-- Teka lang! Sinabi ni Ma--"
Ngumisi muna ito sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad. Ako naman ay nakatunganga dahil sa gulat. Pero nangako si Manong sa akin na hindi niya sasabihin kay Falco ang patungkol sa pabiro kong isinabi na niligawan niya ako dati.
"Mali ang akala mo, Falco! Pakinggan mo muna ako!"
Tumakbo kaagad ako at sinundan siya ng mabilis.
Anak ng!
INABUTAN na naman kami ng dilim sa pag-iikot. Sa huli, bigo na naman kaming makita ang hinahanap namin.
"Gutom ka na ba?"
Tanong sa akin ni Falco.
"Medyo."
Sagot ko lang ng mahinahon.
"Huwag kang mag-aalala, makikita rin natin ang lalaking iyon."
Kaagad na pahayag ni Falco. Nararamdaman niya sigurong nag-aalala ako.
"Sana nga. Bigo na naman akong makita siya sa ikalawang araw natin dito. Pasensiya ka na ulit, Falco."
Ginulo lang niya ang buhok ko na parang bata. Bumuntong hininga na lang ako ulit.
Habang naglalakad ay may nakita akong sumisilaw sa isang eskinita, pero pagpikit ko lang ng ilang segundo at minulat ko uli ang aking mga mata ay biglang nawala ito.
"Falco, teka lang. Dumaan muna tayo dito."
Turo ko sa eskinita.
Nagtataka man siya ay sinundan niya pa rin ako.
"May naaninag kasi akong sumisilaw pero biglang nawala."
Sabi ko habang kami ay naglalakad.
Pagdating namin sa lugar ay wala kaming nakita kahit isang tao.
"Sigurado ka ba at dito mo nakitang may sumisilaw?"
Tumango ako.
Pero baka at guni-guni ko lang iyon kaya nagpasya akong umalis na lamang kami.
"Sino kayo?!"
May sumigaw at nagulat kami dahil may tao pala. Hindi lang namin napansin ng mabuti dahil masyadong madilim dito sa eskinitang pinuntahan namin.
Hinarap siya ni Falco at laking gulat ko dahil siya iyong host sa larong nilaro ko noong isang araw. Pero bakit puno ng pasa ang mukha nito? Tumuyo na rin ang dugo nito sa labi.
"Bakit bugbog sarado iyang mukha mo?"
Tanong ko pero tinarayan niya lang kami.
"Wala kang pake. Umalis na kayo dito."
"Wala pa lang pake ha! Tayo na Falco, hayaan nating maghirap siya diyan."
Kinuha ko ang braso ni Falco at nagsimulang naglakad patalikod, pero sa ilang hakbang lang namin ay umubo ito ng malakas.
Hindi ko mapigilang mag-alala kaya binalikan ko siya. Nakita ko rin na umuubo pala siya ng dugo.
"Falco! Tulungan natin siya. Mukhang nahihirapan siya sa kaniyang sitwasyon. Dalhin natin siya sa malapit na pagamutan dito sa bayan."
Hysterikal kong sabi.
Kinarga kaagad siya ni Falco sa kaniyang likod pero pilit itong nagpupumiglas.
Nagulat yata siya dahil bigla ko siyang kinutongan sa ulo.
"Huwag ka nang mag-inarte. Tayo na Falco."
Ano kaya nangyari sa lalaking ito bakit ganito ang kaniyang isinapit ngayon?