CHAPTER 07
MARC WYND
"DO I deserve to have you Kaele?" Tila walang kasiguraduhang naiusal ko sa kanya habang nakamasid kami sa walang katapusang kalawakan, veiwing the starry starry night with infinite glittery stars, the moon shines dimly, pandaliang tinatakpan ng mga kalat-kalat na ulap ang kalangitan. I darted my gaze up, sighing and waiting for her reply ng hindi siya sumagot ay binalingan ko siya ng tingin. She's intently looking at me, may masuyong ngiti sa kanyang magandang mga labi.
"Do I?" I repeated, she nodded.
Held my hand, tightly. "Of course, sayo lang ako sumaya ng sobra, Marc."
"Then why?" I querry, trembling.
Nilayo ko ang tingin ko sa kanya at kusang ibinalik sa kalangitan. Tila mas gusto kong marinig Niya ang aking pagsusumamo, ang aking kalungkutan.
"Then why? Bakit tayo naging ganito?" I plead.
I added helplessly, muttering. "Bakit parang isang pagkakamali ang makasama kayo, why? All I ever wanted is to be with my family, sa inyo. Then why does it always so impossible to be with you, now?"
Dahil kung kailan ang saya-saya na namin, doon pa nagsimulang may magkamali, magkanda-letse ang lahat.
I left and now ang hirap na nilang makasama, ang hirap na nilang maabot. Kasalanan kong umalis ako pero hindi ko parin matanggap ang rason ng aking paglisan noon. I left them because I needed to, hindi ko kinaya.
She messed my hair tulad ko'y may nakasungaw ding isang malungkot na ngiti sa kanya, I can see how her eyes shine and got misty.
Malalim na napabuntong-hininga habang hawak ang kamay ko. "Dahil may sariling plano ang Diyos para sa'tin Marc, hindi lahat ng ating ginusto ay gusto Niya rin. Sometimes he has a better plan, mas may deriksiyon kaysa sa naplano na natin. Hindi mo lang natin iyon naasahan kaya masyadong masakit."
"Bakit sa'kin pa?" I pleaded again, gusto kong malaman kung bakit, dahil ang sakit na. "I've been good to you, sa lahat ng taong nakakasalamuha ko pero bakit pakiramdam ko'y pinaparusahan ako at kayo ang naging bitag Niya. Ang sakit na Kaele, bumalik na kayo please." I begged.
Dahil gaano man kami kasaya ngayon, alam kung bukas makalawa ay mawawala na naman sila sa'kin. Hindi ko sila kayang pigilan, hindi na nila ako makakasama ng matagal.
Masuyong braso ang yumakap sa'king leeg, sinubsob ko ang aking mukha at hindi na napigil ang pagbuhos ng aking emosyon.
My tears shed, cry harder dahil alam kong hindi kami magtatagal. She gently caress my hair kaya mas lalong humulagpos ang aking damdamin.
She continues. "Just trust in him, alam nating hindi na tayo pwede." She whispered kaya lalong nanikip ang dibdib ko, tila ba'y tinutusok ng libo-libong karayom. "Isang bagay lang ang pakakatandaan mo, Marc. Mahal na mahal ka namin hindi-hindi iyon mawawala."
Halos hindi na ako makahinga dahil sa lakas ng hagulgol ko. Tila ninanam ng mga tenga ko ang katagang binitiwan ni Kaele, minememorya ng utak ko ang kanyang malamyos na tinig.
I cupped her face, pinagsawa ko ang aking paningin na matitigan ang kanyang magandang mga mata, ang kanyang pantay na kilay, ang tila manika niyang ilong, kanyang mapupulang mga labi. I kissed her temple gently, it lingers. The pain, longing.
I close my eyes to savor this moment, I then softly whispered. "S-Sobrang mahal ko rin k-kayo."
Kahit na ngayo'y kalaban ko ang oras at pagkakataon. Hinding-hindi ko susukuan ang mag-ina ko, gagawin ko ang lahat para hindi sila umalis sa tabi ko, gaano man iyon kaimpossible o kahit gaano pa iyon kahirap.
I can endure the pain, I can settle for this set-up basta huwag lang nila akong iwan.
"Just stay Kaele, kailangang-kailangan kita!" I pleaded again, almost cracking up. I saw her eyes change into unknown emotion, tila inaarok ang damdamin ko and I am serious. Sila lang ang kailangan ko para mabuhay, wala ng iba pa. "Stay please."
She inhaled a deep sigh, nakatitig sa mga mata ko, smiling. "Nandito lang naman kami, ikaw ang kailangan lumayo Marc, ayusin mo ang buhay mo. Happy anniversary, babe." Giving me a light peck.
She then left me, parang mas nananakit ang puso ko dahil sa isinagot niya, ayoko!
I maybe a hard headed fool but that would be the last thing on my mind, I wouldn't want to be fixed. I couldn't, it will be my destruction, I will be losing my sanity if that happen, kaya no, never in my wildest dream.
Dahil pagpinili kong ayusin ang kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon, tuluyan ng mawawala sa'kin si Kaele. Napasabunot ako sa buhok at malakas na napasigaw sa frustasyon!
"This is all your fault!" Kastigo ko sa aking sarili. Hindi nagtagal ay biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa, I pick it up.
Tiningnan kong sino ang caller, I frowned after reading her name. Doc. Elicia!
I eagerly cancelled the call. Nilinga ko pa ang likuran sa takot na makita ni Kaele. "She wouldn't like it!" I murmured.
___
KINABUKASAN ay maaga akong nagising, nakatulugan ko na ang maupo at nagmamasid sa kalawakan kagabi, maganda ang Eiffel tower sa umaga pero mas pag sa gabi ngunit hindi nito naibsan ang kalungkutan sa puso ko, panghihinayang para sa'ming dalawa. I just got drunk and spend hours staring at the infinite sky, inaalala ang mga binitiwang salita ni Kaele, kung gaano ako ka walang deriksyon ngayon. Ang mga katagang tila ginigising ang kamalayan ko sa totoo namin sitwasyon.
So I drown myself to bitter taste of the alcohol, then.
Hindi ko na ulit siya nilapitan, hinayaan ko lang silang matulog katabi ng anak namin. Hindi ko na rin ipinagpilitan ang gusto ko, wala pa rin namang magbabago.
Nilalabanan ko ang sarili kong matulala sa isang tabi, iisipin ko na naman ang mga bagay na masakit. So I busy myself making our brunch, meron kasi kaming sariling kitchen hindi man kalakihan pero kumpleto sa gamit and ingredients. I made waffles for GD, fried rice, chix and pork adobo and boiled egg, paborito kasi to ni Kaele. Hindi na ako nagluto ng gulay kasi parehong ayaw nila ng masustansiya.
Hindi nagtagal ay naupo na silang dalawa sa hapag kainan. Agad kong inasikaso si GD pilit iniiwasan ang mariing titig sa'kin ni Kaele, ayokiong salubungin ang mga mata niyang may bahid ng lungkot.
"Daddy did you cry?!" Natigil ako sa pagsandok sa sinangag nong pinuna ako ni GD, he's intently examining my face. "You have puffy eyes po."
Dahil sa sobrang iyak ko to kagabi pero siyempre hindi ko iyon sasabihin sa kanya. "No baby, napuyat lang si Daddy kakatingin — tingala sa stars."
Namilog agad ang mga mata niya at manghang napausal. "Talaga Daddy? I want to be a star too, kasi your looking up at me then. Me and Mommy will be the brightest." Kusang natigil ang kamay ko at napatitig nalang sa anak ko, na masayang umuusal ng mga kataga. "You Daddy will be the moon dahil kahit anong mangyari hindi kami lalayo sa'yo ni Mommy Kaele, we will shine the brightest into the starry skies together to light up the darkest gloomy night, diba Mommy hindi natin iiwan si Daddy?!" He smiles broadens as he asked his Mom.
Kusang humapdi ang mga mata ko at nanginig na ang mga kamay ko at hindi sinasadyang nasagi ko ang baso sa aking harapan, ang kalansing ng pagkabasag ang lumikha ng ingay ngayon. It was broken, like me. Shattering all over the places the shard pieces, durog, wasak at di na ulit mabubuo.
Why am I hearing this coming from my son's mouth?
Naitakip ko ang mga kamay ko sa aking mga tenga, no! NO! AYOKO! Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na bubog, ang biglaang pasugid ng kirot ang nagapaggising ng aking kamalayan, I am bleeding. Nasugatan ako sa kamay, saw how blood gush into my fingers. Nanlamig ang buong katawan ko, no no no nanginig sa takot dahil sa dugong kumakalat na sa sahig, medyo napalalim ang hiwa sa kamay ko. Nandidilim ang aking paningin, gusto kong itigil na'to. Iniaabot ko ang kamay ni Kaele, pilit kong inaabot. Hanggang madampian iyon ng isang malambot na bagay.
"Stand up Marc, I will clean your wound." She whispered na agad kong sinunod. I walk near the faucet, soak my bloody hands into the running water hanggang maampat ang dugo, I was taking a deep heavy breath, hindi maiwaski ng isipan ko ang sinabi ni GD, na tahimik na sa ngayon. Hindi nagtagal ay nalagyan na ng betadine and bandaid and sugat ko. "There, huwag mong saktan ang sarili mo Marc."
Naiwas ko nalang ang aking paningin, tila may mas malalim pa siyang pakahulugan sa kanyang mga kataga. "I am okay, Kaele. Kakayanin ko ang sakit." I stubbornly replied back.
Nilakad ang pagitan namin ni GD at naupo na ulit sa lamesa, resume eating. "You okay Daddy?"
"I am baby!" I said, pero halos pabulong. He then held my hand, gripping it tightly. Napatingin tuloy ako sa magkahugpong naming mga kamay.
He mumble in emphazise. "Daddy, promise me hindi mo sasaktan ang sarili mo? I don't like seeing blood po. Magingat po ikaw, ayoko pong nakikitang nahihirapan kayo." He even caress my hand after saying that words. "I love you Daddy Marc, please do take care of yourself too, hindi lang po kami ni Mommy ang dapat inuuna niyo, please po. Try to be happy too."
Hindi na ako sumagot pero habang sinusubo ko ang kanin ay sige sa pagagos ang masaganang luha sa aking mga mata, niyuko ko lamang ulo ko para itago sa anak ko ang aking paghikbi, nilulukumos ng mga simpleng kataga na iyon ang puso ko, tila inuusig ng anak ko ang aking kamalayan.
Nanahimik lang kami, tila ba wala ng gustong buwagin ang katahimikan sa bawat sulok ng kwartong to, tila mas pinaparamdam sa'kin na tama ang sinasabi ng anak at asawa ko.
I felt the sudden vibration in my pocket, must be my phone.
Doc. Elicia again, fvck. Napatingin ako kay Kaele na nakamasid na sa'kin ngayon. I hardly inhaled my breath as I stared back at her cold eyes.
"Answer it, Marc!" She exclaimed hearing her voice quite off.
I don't want to, hinyaan ko lang na magingay ang telepono ko. Ayoko siyang kausapin, ginugulo niya ang buhay ko — namin! It was a biggest mistake, knowing her would be one. Nagngingitngit na ang kalooban ko, can't she mind her own life? Bakit kailangan niya pang tawagan ako, sirain na naman kung anong meron kami ni Kaele?
"Sagutin mo, Marc. Don't make me mad!" She added sternly, nakikita ko ang pagkaasar sa kanyang mga mata. Malalim akong napabuntong-hininga dahil wala na akong ibang magagawa pa. "Go, answer her."
Fvck! I defeatedly stood up and accept the call, nagpakalayo-layo ako sa mag-ina ko. I don't want them to hear my fvcked-up life and talking to this woman over the phone will ruined my life again.
"Can you please leave me alone, Elicia!" I shouted in rage.
Napapalatak ang nasa kabilang linya. "Well why, hello to you, too Marc." She sarcastically fired back.
"Tigilan mo na ako, masaya na kami nila Kaele and GD!" Pinagdiinan ko ang bawat kataga na binibitawan ko.
"That's bullshit Marc!" She cursed me, I listened to her speech, it was endless. Paulit-ulit ang mga salita, ginigisa ako, pinapamulat sa katotohanan. But I am surely deaf of her pleas, ayoko nga. "Ano ba Marc wake up, bumalik ka na dito! See me please!"
Mariin kong naipikit ang aking mga mata at napasabunot sa buhok. "Never, Elicia never nagkamali ako noon pero hindi ko na ulit iiwan ang pamilya ko! So stop calling me and let me be." I hiss to her, totally pissed. Naggagalawan ang mga daliri ko dahil sa sobrang galit, gritted my teeth as I hear her nonsensical words. That's bullshit, not true!
"I will look for you Marc, sisiguraduhin kong babalik ka sa pangangalaga ko!" She warns at binabaan na ako ng tawag.
I frustratedly scream, bakit ba ayaw nila akong maging masaya? Why would she interfere again, bakit guguluhin na naman niya ang paniniwala ko? Ang pamilya ko?
Dali-dali kong tinakbo ang distansiya namin ni Kaele noong makita ko siyang nakatayo sa may isang gilid, I buried my face in the hollow of her neck.
"Ayoko Kaele, ayoko sa kanya, nilalayo ka niya sa'kin!" I uttered in fear, hinigpitan ko ang pagkakayapos sa kanya.
"Ayaw ko, ayaw!" Paulit-ulit kong sinasabi iyan. "Hindi kita iiwan!"
"I know you wouldn't pero kailangan mo Marc. Mas maalagaan ka niya!" Agarang iling ang tanging nagawa ko.
"Ayoko sabi eh, kayo lang ang kailangan ko!" I shouted back. Why would she push me away? Ayaw niya na din bang makasama ako? Nagsasawa na ba siya sa presensiya ko? Ayaw niya na akong tanggapin dahil nagkamali ako?
She caress my cheeks, gently pacifying my raging nerves. "Hindi Marc, alam mong nandito lang kami para sa'yo hindi ka naman namin iniwan. It just that you also needed to find yourself, ikaw ang nawawala ngayon Marc, winawala mo ang sarili mo dahil sa pagmamahal mo sa'min. Hindi iyon maganda, matuto karing mahalin ang sarili mo. Matuto kang...." tila dinadala ng hangin ang sunod niyang ibinulong sa tenga ko, kinokomperma ang matagal ko ng ikinakaila.
I was rooted in place and unmoving, barely breathing as I cry hard in silence. I saw how gloomy her eyes, hindi na siya kumikinang habang nakatingin sa'kin gaya ng dati pagtinititigan niya ako pabalik.
"Hindi na ba talaga puwedeng ayusin to, mahal? Sana huwag mo kong..." My voice trailed off. Nanghihinang nailugmok ko ang aking katawan sa malamig na tiles, tila ba dinadagdagan nito ang panlalamig ng aking buong katawan nong makita kong marahang umiling si Kaele habang umiiyak, ayaw niya na din?
And at that moment I knew my heart was instantly died and buried in a deep grave, tila tumigil ang lahat sa mundo ko.
"Y-Your now l-leaving m-me, t-too?" Utal kong naiusal habang himpis ng luha ang mata ko, nanlalabo na nga siya sa paningin ko.
"I have to Marc. Para rin to sa'yo." She answered firmly, napailing ako at hindi naiwasang matawa hanggang nauwi na sa halakhak, loud and fake. This life I have is a joke! I brush away the my tears briskly.
I shook my head in disagreement, caressing her cheeks, lightly. "No baby, d-don't l-leave me. Parang awa mo n-na, hindi k-ko pa kaya..."
"Kailan mo kakayanin Marc ha?"
Umiling ako dahil hindi ko iyon gagawin, no ayoko. "H-Hindi ko talaga k-kayang m-malayo sa inyo eh."
I heard her faint sobs. "M-Marc please, p-palayain mo na kami."
*****
clxg_drgn
A/N:masekit talaga siya sa heart ko, beh! Ayoko mang pasakitan si Bebe Marc ko pero need talaga eh.😭😭