Chereads / MY ALWAYS AND FOREVER, BABY / Chapter 12 - SPECIAL CHAPTER

Chapter 12 - SPECIAL CHAPTER

A/N:Mga nakakasaksi sa mga delusions ni Marc, bebe. Thank you for reading my work, hit the vote or leave comments. Enjoy reading, senpais!🥰 Mwaah stay safe, always!

-clxgdrgn.

SPECIAL CHAPTER!

GULAT na gulat si Manang Lupe ng mapagbuksan niya ng pinto ang alaga niyang si Marc, ang bunsong anak nila Senyora Drei. All in a white over-all, panting and a bit scary. Lalo na nong hinananap na ng binata si Senyorita Kaele, she was rooted in place unable to answer his question, ano nga bang maiisasagot niya?

Eh matagal ng patay ang mag-ina ni Sir Marc, magta-tatlong taon na eh. Anong isasagot ko?

"Ehh ano Sir...ano kasi— "

"GD anak!" He suddenly shouted out of nowhere. "I miss you!"

Hindi niya malaman kung mapapahikbi o maaawa siya nong bigla nalamang inusal ni Marc ang pangalan ng kanyang anak, si GD. Nasaksihan niya ang sobrang kasiyahan sa mukha ni Marc, ang kanyang masisiglang tawa at mga salitang puno ng pagkasabik habang tinatahak ang daan patungo sa magarbong hagdanan, pupuntahan daw nila si Mam Kaele pero wala namang ibang taong naritito.

Ako lang naman at si Marc ang nandirito sa pintuan!

"Come anak, let's surprise your Mom!"

Wala ng iba pa, hindi niya na napigilan ang pagalpas ng luha sa kanyang mata, masakit makitang nagkakaganoon ang alaga niya, nagsusumamong makasama ang kanyang pamilya, nababaliw para sa kanyang mag-ina, makasama at ng makapiling pa.

"Oh ginoo! Malooy ka!" Napailing na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang binatang kakarating lamang.

Halos hindi niya malaman ang gagawin o pano sasabihin kay Marc na wala na rito ang kanyang pamilya, natatakot siya sa magiging reaksiyon nito kung sakali.

Alam niyang gaano magwala si Marc pag si Kaele na at GD ang usapan, ayaw niyang naririnig na wala na ang mga ito.

"Kailangan kong tawagan si Senyorito Marckuz. Ngunit baka wala ng sumagot sa tawag ko, madaling araw na kasi doon." Natatarantang usal niya habang tinatahak ang kinaroroonan ng awbatibo.

Puro voicemail lang ang tanging naritinig ko sa kabilang linya.

"Sir Marckuz sagutin niyo, please."

Nanginginig ang boses kung naipanalangin sabay hugot ng malalim na hininga dahil wala na namang sagot.

HINDI SIYA nakatulog ng gabing iyon. Sinusundan ang ginagawa ni Marc, palihim.

Binabantayan ang bawat galaw at kung ano ang gagawin nito, di kasi ako mapakali habang iniisip kong nandito sa bahay si Marc, maraming alaala ang magina niya rito.

Dito nila binuo at pinatatag hanggang gumuho at naiwan ng mag-isa ang padre de pamilya.

Naiiyak siya dahil sa nasasaksihang tagpo sa buong gabi, napakahabang oras iton para sa'kin.

Si Marc na tila kanina pa may kinakausap, laging sinasambit ang pangalan ni Kaele at GD, paulit-ulit habang panay ang tawa at salita ng salita sa hangin, puno ng pagaruga at pagmamahal.

"Ano ba Kaele, aasarin mo na naman yang anak mo!" Nakatawang pigil nito sa kung sino.

Tumatakbo siya ngayong mag-isa, humahalakhak. Nakikihalubilo siya sa dalawang wala na rito, hindi niya alam kung nakikita o ilusyon lang lahat ni Marc ang kanyang namamasdan dahil kung siya ang mag-aanalisa ay tila ba'y nandoon talaga sila Kaele at GD, ganoon sila mag-usap dati, mag-asaran ang halakhakan nilang tatlong pupuno sa buong kabahayan ng Aragon, ang mga masasaya nilang tagpo sa bawat sulok ng bahay.

Tila ba inaalala lahat iyon ngayon ni Marc habang nililibot niya ang dati nilang silid, ang dati nilang mga gamit, puno ng alaala ng kanyang masaya at kompletong pamilya.

Nakikipaglaro, nakikipagasaran dahil narin naririnig niya ang matutunog na halakhak nito, ang kanyang mga titig at sungaw ng tuwa sa kanyang mata habang umuusal ng kung gaano niya kamahal ang dalawa.

"Hahaha ang taba ching ching nga ng anak ko!" He teased while chuckling hard.

Pigil ang iyak niyang napayuko, naiisip niyang baka tuluyan ng nawalan ng pag-asa si Marc at mas pinili ng maging isang taong wala sa tamang pag-iisip.

SOBRANG pagpipigil niya ng kanyang emosyon nong makita niyang pinagsisira ni Marc ang lahat ng telepono na naroon sa bahay, lahat ng pwedeng maging daan para makontak siya si Mam Drei o kaya si Marckuz, nasira lahat ng kable.

Nawalan siya ng ideya kung papano ulit matatawagan ang kapatid nito o kahit ang kanyang ina.

Papano na 'to? Pagkastigo niya sa kanyang sarili habang sinisimot ang sira-sirang bahagi ng telepono. Wala na siyang magamit na pedeng makakontak sa kapatid at ina nito sa ibang bansa.

NAGPATULOY kinabukasan ang pagiging ganoon ni Marc, binantayan ko siya habang nagluluto siya ng almusal, he was singing and smiling wide while preparing lots of foods for himself.

At masayang-masaya siya ngayon, sobra...naninikip ang kanyang dibdib, hindi niya nakayanan pang ipagpatuloy ang pagmamasid sa binata.

Lumabas na lamang siya para diligan ang mga halamang naiwan ni Mam Kaele, inalagaan niya talaga iyon sa paglipas ng taon.

"Alam niyo bang nandito na ulit si Senyorito Marc? Nasa loob siya, nagpapanggap na masaya." Maharang pagkausap ko sa mga bulaklak.

Gusto niyang pagyabungin at mintinihin ang ganda ng hardin, habang dinidiligan niya ang mga halaman naramdaman na lamang niya tila may nagmamasid sa kanya kaya luminga-linga siya upang makatitigan si Marc na sa ngayo'y nakapamulsa sa may terasa sa kuwarto nila ni Kaele.

Napangiti siya ng hindi mawari nong kinawayan siya nito pabalik.

Ngunit hindi na naalis ang aking pagtitig sa kanya nong napansin kong masaya itong nakikipag-usap sa hangin, laughing aloud, pinagsisilbihan ang mga taong wala naman dahil bakanteng upuan lamang ang kaharap nito.

Nag-umpisang mamuo ang luha sa kanyang mga mata, naninikip ang kanyang dibdib habang minamasdan ang ganong tagpo.

"Diyos ko, ang alaga ko." She helplessly whispered out of pity with the sight of him.

Sapo ang mukhang naiusal na lamang niya ang isang daing. "Mam K-Kaele, ibalik niyo sa'min si Marc, tulungan mo siyang m-makaahon sa s-sakit, anak, GD, pabalikin niyo na dito ang a-alaga ko. M-miss na miss na namin siya."

Paos niyang nawika habang pinupunasan ang kanyang pisnging namilimbis na ang luha.

Ngunit hindi niya natagalan ang eksenang iyon at hinayaan na lamang niya si Senyorito Marc sa itaas na mag-isa. Wala siyang balak sirain ang masaya nitong anyo, matagal niya ng hindi nakitang tumawa ng ganoon si Marc, ang ngiting hindi napupuknat sa kanyang mga labi.

Ang siglang ngayon niya lang ulit namasdan matapos ang pagkasawi nila Kaele at GD.

Hindi niya kayang bawiin ang kislap sa mga mata nito, hinding-hindi niya kakayanin.

Pabalik-balik siya sa loob ng kabahayan hindi mapakali sa kaisipang hindi parin pala gumagaling ang alaga niya, si Marc.

Parang ang bilis lang ng pagdaan ng taon. He was admitted in a mental institution for almost two and a half years, labag iyon sa kalooban ni Donya Drei ngunit iyon ang kailangan sa mga panahong iyon, iyon ang dapat!

Iyakan ang buong mansiyon dahil hindi namin kinakaya ang ginagawang pagsisira ni Marc sa kanyang sarili.

Naging adiksiyon niya ang bawal na gamot, nalulong sa droga para makalimot, ilang beses niya na ring tinangkang kitilin ang kanyang buhay, iba-ibang paraan, pills, accidents, cutting himself until profusely bleeding to death. Lagi na lamang namin siyang nakikitang halos panawan na ng buhay, lanta at hindi na gumagalaw.

Ngunit may-awa ang Diyos, pasalamat nalang namin sa Maykapal na palagi may nakakakita at nakakasagip sa kanya sa bingit ng kamatayan, ilang beses niya na kaming nasasalisihan.

He lost his hope to continue living life, after he lost his pillar of strenght and source of his happiness.

Doon namin nakita ang malaking pagbabago sa kanya.

He became a different persona after Kaele's and GD's sudden death.

Lahat nagbago, binago para lamang hindi siya masaktan, makalimot kahit panandalian lamang! Lahat yata ay gumuho pagkatapos ng ilibing ang mga labi ng mag-ina.

All we can hear in this house was his screaming pain, his anger and the sound of broken glasses every night, it was toturous to hear, his pleadings and refusal to believe that his wife and son were all gone in an instant.

Kung hindi siya nakakulong sa loob ng kwarto nilang mag-asawa ay bote ng alak ang kaharap niya, until he passed out of too much alcohol and lack of rest.

Ganoon niya tinatapos ang bawat araw at iiyakan niya iyon buong gabi.

Minsan nama'y tulala lang siya sa isang sulok, kipkip ang mga laruan ni GD, umiiyak ng walang tunog, ni hikbi ay walang umaalpas. Sawi pero ayaw niyang tanggapin ang katotohanan.

Tila hindi na namin nakitaan ng sigla, ni kahit ngiti sa labi si Senyorito Marc kung hindi bote ang katabi ay nasa libingan nila ito natutulog halos gabi-gabi siyang nandoon, nananangis.

Kadalasan nama'y wala na siyang balak lisanin ang kanilang silid, hawak lamang ang litrato nilang tatlo, nagsusumamo, umiiyak nakadungaw sa bintanang nakaharap sa kalsadang mayor.

Naghihintay sa kung sino, may inaabangang darating pero sa huli'y makikita mo na lamang ang paglaylay ng kanyang balikat at ang pagbugso ng masaganang luha sa kanyang mga malulungkot na titig, ang pagkasawi na naman ng kanyang mga mata.

Nakakaawang pagmasdan sa totoo lang...

Lahat kami'y nagluluksa pero kay Senyorito Marc sobra-sobrang pasakit iyon lahat sa kanya, sobrang hindi niya kinaya o mas tamang sabihing sumuko na talaga siyang mabuhay pa, tila ba nasama ang kanyang buhay na katawan sa pinaglibingan kila Mam Kaele.

Mayroong gabing hanap kami ng hanap sa kanya, hindi siya uuwing ng halos ilang linggo, wala kaming alam kung saan siya naglalagi, nagtatagal, nagluluksa.

Wala siyang pasabi, ni walang nakakaalam kung sino ang pinupuntahan niya ng dis-oras ng gabi, magigising nalang ang lahat ng tao sa kabahayan at malalaman nalang naming wala na siya sa kanyang silid tulugan.

May isang beses na nakita na lang namin siya ni Senyorito Marckuz aa loob ng museleo ng kanyang mag-ina.

Umiiyak habang minamasdan ang mga parehabang sementong magkatabi, magkaiba ng sukat.

Naghihinagpis, nagsusumamong bumalik na sila sa kanya, nagmamakaawang sana'y ibalik na lang sila ng panginoon.

Ginawa niya ng tahanan ang libingan ng kanyang pamilya, pinipilit siyang pakiusapan ni Marckuz na umuwi na, magpahinga dahil simula nong nawala ang kanyang asawa't anak wala ng maayos na tulog si Marc, ni kain halos wala na rin.

Payat, maputla, walang kabuhay-buhay.

Ganoon siya, parang buhay ang katawan pero pinapatay na ng kalooban, pilit kinakain ng kadiliman ang kanyang sistema, kadilamang bumalot sa kanyang pagkatao pagkatapos mawala ang kanyang liwanag, ang kanyang pinakamamahal na mag-ina.

Ayaw niyang umuwi sa bahay dahil malulungkot lang daw sila Kaele pagiiwanan niya ang mga ito, hindi na daw magiging kompleto ang kanyang binuong masayang pamilya kung hindi sila nasa isang tahanan nakatira.

Sobbing as he said this full of love words to his deceased family. "I'll stay where they are, cause that's h-how our family w-works, if we live together, we'll have our u-unending forever — forever and always Kaele, GD pero bakit niyo ko iniwan? Hindi na m-masaya ang mundo nong wala k-kayo, balik na kayo please — please?"

"MAAWA KAYO i-ibalik niyo ang m-mag-ina ko! IBALIK NIYOOOO! ARGH!! Please comeback to me KAELE! GHERT DREVXIAN!" He pleaded while kneeling infront of his family's graves, sobbing hard.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Maru na nakaalalay sa kanyang balikat.

He darted his pained stare at us, helding Maru's hand, tight. "M-Marckuz ayoko na, sawang-sawa na'kong salubungin ang bukas na hindi ko kasama ang — mag-ina ko, hindi ko na talaga kaya eh. Ang sakit-sakit na kasi, pati d-dito. Suko na t-talaga ako, hindi ko na kaya, talo na ako." He painstakinly utter. Una niyang tinuro ang kanyang puso tapos ang kanyang noo, paulit-ulit, madiin.

Crying a thousand river, binubuhos lahat ng sakit sa kanyang saloobin.

Humahagulhol habang nakatingin sa lapida ni Kaele, hinahaplos ng marahan ang letra sa pangalan ni GD, sobrang lungkot ang kanyang mga mata, habang inuusal niya ang kanyang saloobin.

Hindi na namin napigilan ni Senyorito ang mapahikbi nalang ng walang tunog at napapaiwas ng tingin at napapahid ng luhang sagana ng dumadaloy saking mga mata.

"Ibalik niyo sa'kin ang magina ko, ibalik niyo ang buhay ko! Mahal na mahal ko sila, hindi ko kayang hindi sila ang katabi ko — kailangan ko sila!"

Puno ng pagsusumamo niyang dagdag habang hinihila siya ni Sir Marckuz paalis sa lugar na ayaw niyang lisanin kinailangan pa siyang daanin sa lakas ni Marckuz para maiuwi at mapakain man lamang.

Naipaling na lamang niya ang kanyang pansin nong narinig niya na naman ang malakas na halakhak ni Senyorito Marc na pumupuno sa bawat sulok ng kabahayan.

MAAGA kong nilinisan ang buong kabahayan, binabantayan ang paglabas ni Senyorito Marc sa kanyang silid, kahapon kasi'y maghapon lang siyang nakakulong doon, ang pagkaing dinala ko ay hindi man lamang nagalaw, he was just looking at nowhere, talking with somebody with so much glee, tila may nilalaro na bata, must be GD.

Hindi niya maiwasang hindi mapabuntong-hininga at maawa sa kalagayan ni Marc, he must lost his sanity, totally.

Pilit niya mang pinapaalala dito na wala nadito si Mam Kaele pero agad niya akong sinusupalpal, nililihis ang usapan. Katulad na lamang kanina na inutusan niya akong maghanda ng pagkain para sa kanilang mag-anak.

Halos mabitawan ko ang frame na hawak ko dahil doon, puno ng simpatiya kong nasundan ng tingin si Marc, papalayo na tila may kalong-kalong na bata.

Papunta sa direksiyon ng pool kung saan sila dati madalas tumambay pag walang trabaho si Marc, mahilig kasing lumangoy si GD, pero si Marc lang ang nakakasama sa kanya, ayaw kasi ni Mam Kaele sa tubig na malalalim.

Hindi ko mapigilang hindi mapahugot ng malalalim na buntong-hininga, nagmamasid sa lalaking masayang nakikipagusap sa hangin, tila may inaalalayan pa sa ngayon.

Nakasunod lang ako ng tingin sa isang tabi habang sinusuot ni Marc ang mga swimming safety gears ni GD dati lahat lang ng mga iyon ay diretso sa lapag o di kaya nama'y nahuhulog sa tubig, nakalutang lahat. Wala naman kasing mapaglagyan ang mga iyon.

Wala na kasi si GD dito, wala na ang anak niya, patay na.

Hanggang sa nagtampisaw siya dong magisa sa malalim na pool, humalakhak at tila may hinahabol na kung ano, may kinakausap na kung sino, sigurado siyang sila Kaele iyo dahil basi palang sa mga matatamis na salita ni Senyorito malamang si Mam nga iyon, ganon sila kavocal sa kanilang pagmamahalan.

Minsan asaran lang ang mauuna pero maya-maya naglalambingan na silang dalawa hanggang nakikisali na si GD at mauuwi na iyon sa malalakas na tawanan nila kagaya ngayon.

Kuhang-kuhang nito ang tagpong umaandap sa kanyang balintataw.

Parang kahapon lamang ang saya-saya nila panoorin pero ngayon magisa nalang ang dating tatlo, tatlong taong nangarap ng matagal na magsasama, panghabang-buhay ngunit sadyang napakaikli non para sa kanila.

Maikling panahon lang ang pinahintulutan ng Maykapal.

Napakaiksi lamang pero ang ibinunga nito'y habang-buhay na pagkawasak ng taong pinatikim ng panandaliang kasiyahang iyon, naiwan siyang mag-isa, nagluluksa, nananangis sa kanyang mag-ina biglaang lamang binawi sa kanya.

"GD bwahahaha inaasar mo na naman iyang nanay mo!" He shouted chuckling hard, lively.

Hindi niya maiwasang hindi panindigan ng balahibo, nanlalamig ang kanyang kamay at tila namamanhid na rin ang kanyang nanginginig na kamay na may bitbit na juice at snacks para lamang kay Marc.

Tuwang-tuwa ang nakaguhit sa kanyang mukha ni walang halong pagkukunwari ang kanyang malalakas na halakhak na pumupuno sa sulok ng pool area.

Naiiling na lamang siyang minamasdan ang alagang pinagkaitan ng panahon para makasama ng matagal ang mag-ina niya kaya naman ito nalang ang nakita niyang dahilan para makasama pa ng matagal ang dalawa, nakakaawa.

She sigh deeply, whispering. "Sana ibalik ang ganitong sigla ni Senyorito Marc pero yung normal na siya at tuluyan ng gumaling."

He deserved to be happy, ilang taon naring namaalam sila Mam Kaele panahon narin sigurong iahon na niya ang kanyang sarili sa kumuno'y na matagal na niyang nilulubugan.

Isang piping panalangin bago niya nilisan ang lugar at muling pumasok sa loob para humanap ng paraan pano ipapaalam kay Sir Marckuz na nandirito na si Marc sa dati nitong tahanan. 

Sana, sana talaga — sa madaling panahon!

HINDI niya sinasadyang masagi ng kanyang siko ang malaking vase collection ni Mam Drei, kanina pa kasi siya sa pintuan nakikinig, nagkikisimpatya sa pasakit na dinadanas ni Marc na ngayo'y umuusal ng mga salitang animo'y nakikinig at nakakausap nito ang kaniyang may-bahay.

Natataranta niyang nabungaran ang mga basag na piraso sa kanyang likuran, lalong kumabog ang kanyang dibdib.

Panandaliang naestatwa ako sa aking kinakatayuan, hindi alam kung ano ang gagawin. Malakas ang sasal nito habang pilit niyang hinahamis ang mga bahagi ng nabasag na paso, para lamang marinig ang boses nito.

"Yaya Lupe that vase is Mom's favorite." Mas lalong lumakas ang tahip ng puso ko.

Lagot talaga ako nito!

"Are you hurt?!" Tinig iyon ni Marc mula sa pinto.

Nanginginig sa kaba ang mga daliri ko, napatingin ako kay Marc na siyang nakatitig din sa'kin, naghihintay ng sagot.

"A-ai s-sorry po, Sir M-Marc. Hindi ko po kasi nakita kaya nasagi ko po, uhmm...tanghali na kasi Sir baka kako gusto niyo ng kumain." Utal na naisagot ko.

Pilit iniiwas ang aking nakiki simpatyang mga tingin. "Uhhmm lilinisin ko muna tong nabasag ko, Sir."

He smiled, widely. "Sige Yay, bababa na po kami ni Kaele."

Hindi ko inaasahan ang isasagot niya sa'kin kaya naitulos ako sa'king lugar at manghang napatingin sa kanya, mas nakakagulat pag kinausap niya na ako patungkol sa magina niyang siya lang ang nakakakita.

Halos matigil ang aking paghinga dahil sa pangalang sinambit nito, si Mam Kaele na naman.

Nong nailapat na pasara ang pinto ay bumukal na ang mga tubig sa mata ko.

Hindi ko na napigil ang hindi mapahikbi ng malakas, naninikip ang dibdib niya, nanunundot ang tila maliliit na karayom at nikikisimpatya sa bigong damdamin ni Marc.

Nanginginig ang mga dariling pinupulot niya ang mga malalaking piraso ng nabasag na paso, maingat pero naroon ang pagmamadali.

Napadaing na lamang ako sa kawalan. "Kaele, hija sana bigyan mo ng liwanag ang isipan ni Marc at ng hindi na siya patuloy na nagdurusa sa kadilimang matagal na siyang hindi nilulubayan, maawa ka anak, maawa ka sa asawa mo."

Halos pabulong niyang panalangin, ang luha'y pumapatak diretso sa malamig na sahig.

Dagling tumayo ako nong bumukas ulit ang pinto, humigpit ang hawak ko walis at naghihintay ng sasabihin niya.

Si Marc ulit ang nabungaran ko. "Yay hindi po ako nagagalit, pasensiya na po."

Pinunasan ko ang luha sa'king mata, pilot kinakalma ang humahalagpos kong damdamin.

Naghayag pa ito ng hindi pagkagalit sa'kin bago inabot niya ang isang lumang pahayagan. Nangiginig ang kamay na inabot ko iyon, nanghihina.

Habang tinitingnan ang pagsara ng malaking pinto.

Naibalik ko ang aking luhaang mata sa dyaro, nalukot iyon sa higpit ng aking pagkakahawak.

MAG-INA PATAY SA KINASANKUTANG AKSIDENTE! ISANG KOTSE AT TRUCK NAGBANGGAA—

Iyan agad ang bumungad na salita sa'kin, hindi ko na pinatapos ang sumunod, si Kaele at GD ang laman ng pahayagang iyon, ang kanilang kalunos-lunos na kinahinatnan, naging usap-usapan iyon sa buong bansa.

Ang hikbi niyang lalo ng lumakas, kipkip ang lumang balita na iyon ay nanaog siya ng hagdanan.

Sa isip ay pinaalalang ayaw ni Marc na makita ng kahit anong makakapag-alala dito na wala na ang kanyang mag-ina.

"Malooy ka dolor!" She sobs as she burned the old newspaper, kung saan patunay na wala na ang dalawang taong pilit ibinabalik ni Marc ngayon dito sa bahay...

ANG MAMANG sorbetero ay nakitang kumaway sa kanya ang isang pamilyar na bulto, isang lalaking nakangiti habang nakatingin dito sa gawi niya, naalala niya ito. Kumaway rin siya pabalik, namumukhaan niya ito. Sila ang maganak na palaging nandirito sa parke, may isa silang anak na lalaki na suki ko sa aking sorbetes.

Nangunot ang kanyang noo, matagal kasing nakamasid sa gawi niya ang naturang lalaki, tila may tinatanaw pa bukod sa kanya.

Ngunit ilang taon na din ang lumipas simula nong huli ko silang nakitang magkasama, tapos ngayon mag-isa nalang siyang nakaupo don sa bangko na palagi nilang inuukupa noon, nagmamasid sa kanyang paligid, tila may inaalala.

Hindi na naalis sa kanya ang aking tingin, minasdan ko siya ng maigi dahil tila may mali sa kanyang ikinikilos, meron talaga.

Minsana'y ngingiti, nakikipag-usap sa kung sino pero wala siyang katabi.

Hanggang tumakbo na siya, tila may hinahabol, masayang hinahabol ang hangin.

Ang mga batang naroon ay napatigil sa paglalaro at inoobserbahan siya, nanunuri. "Habulin mo ako! Habulin mo ako, baliw! Sira-ulo! Bwahahaha.... BALIW! MAY SALTIK!"

Isang batang lalaking ang malakas na sumigaw at nagsitawanan ang ibang bata na nakakita sa kanya, nagsilapitan at nakipaglaro at tinutukso nila ang lalaking masayang tumatakbo sa ngayon, nakikipaghabulan sa batang tinutukso lamang siyang baliw.

Ngunit ang lalaki ay tawa-tawa habang may sinusundan na kung sino. "KAELE GD GOTCHA! ANO KAYO NGAYON HA? HULI! Hahahaha kala niyo ha? Yeah! ILoveyou!"

Lalong natatawanan ang mga bata, nanaawang nailing nalang niya ang kanyang ulo.

Napakamot na lang siya ng ulo sabay iling. Saan na kaya ang mag-ina niya? Mag-isa siya ngayon ngunit tila nababaliw na? Bakit kaya?

Napangiwi na lamang niyang inalis ang kanyang tingin nong may lumapit ng customer sa kanya. "Kuya pabili po, isang nasa apa! Gusto po manga lang lahat ha? Pede po?"

"Sige ba hija!" Nakangiti niyang tugon at binalewala na ang binatang hanggang sa ngayon ay nakakikipagkulitan sa mga batang naroon.

ANG CREW ng naturang fast-food chain ay naiwang naka-tanga habang sinusundan ang gwapo nilang customer na sinupalpal siya, she was giving him that flirty smile pero hindi niya aakalaing babarahin siya ng ganon ka-bars.

Napapalatak siyang bumalik sa counter, medyo naasar siya sa sarili kaya nagreklamo siya sa kasama niyam

Nagtaka siya ng tumawa ng malakas ang kasamahan niya sabay batok sa kanya.

"Gaga ka! Mukhang may tililing naman ang natipuhan mo, Alena. Hindi mo ba nakita kaninang siya ang tinitingnan ng ibang mga kustomer natin? Umoder ba naman ng napkadami tapos siya lang palang mag-isa ang kakain, hindi mo na nakitang kinakausap niya ang hangin kanina? Hahaha sinusubuan pa amps! May sayad talaga." She laughs while patting my shoulder.

Nanlaki naman ang mga mata ko, hala siya! "Aning iyon? Talaga ba? Kaya pala kanina nong sabihan niya akong nandito ang asawa niya tinuro niya si Kuya Manuel, ang guard natin akala ko binibiro niya lang ako." Napakamot tuloy siya ng kanyang batok.

Bago niya ako iwanan ay natawa ulit siya habang tinitingnan ako. "OO kaya huwag ka diyang magkering-king. Umayos ka ayon oh may liligpitin ka?!"

"Haisyt sayang naman, ang gwapo ni Sir!" Bulong-bulong pa siyang naglalakad. "Hindi halata ah, infairness."  

HALOS magkadabali na ang leeg ni Lupe sa pagtanaw sa tarangkahan kung meron bang hihimpil na sasakyan, kanina pa kasing umaga nawawala si Senyorito Marc, pagising niya kanina wala na sa kwarto nito ang alaga hanggang ngayo'ng malalim na ang gabi, kinakabahan siya at baka napano na iyon, wala rin sa garahe ang kotse nito.

Kinakabahan siya sa bawat segundong lumilipas, kung bakit kasi hindi siya nagising nong umalis ito?

Nakahinga siya ng maluwag nong marinig niyang may kumakatok sa pinto, kumuha kasi siya ng maiinom na tubig.

Dali-dali niyang tinakbo ang dahon ng pintuan, pinihit pabukas para makita ang mukha ni Marc, maraming bitbit na supot. Hangang ibinigay niya sa'kin ang iba, halos mabitawan ko ang pagkakahawak non nong sinabi niyang pasalubong iyon galing sa mag-ina nito.

Nasundan ko nalamang siya ng aking tingin habang binabagtas ang hagdanan patungo sa kwarto nila, dahil ayon dito patutulugin lang niya ng maayos ang anak niya.

Naglalakad na tila may kahawak-kamay, ngingiting babaling sa kanyang gilid at kakausapin sabay tatawa.

"Malooy ka dolor! Pamayara na ang akong ginaalagaan, oh! Ako eon ta naeu-oy magtan-aw kana! Hasta hin-uno ra man? Pamay-ra eon si Marc, maueoy ka ginoo." She silently pray in her native dialect.

"ARAAAAY!" Someone screams aloud.

Nahihintakutan siyang napatakbo sa itaas nong marinig niya ang malakas na sigaw ni Marc, tila nasaktan.

Nangangatog ang tuhod niyang kinakalampag ang pinto, alam niyang nasa loob ito.

Ano ang nangyari sa kanya? Bat ayaw niyang buksan ang pinto? Pinihit niya iyon pilit pabukas pero ayaw!

Nagumpisa na siyang mataranta. "Marc! Hijo? Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw? Buksan mo ito! HIJO! MARC ANONG NANGYAYARI SA'YO?!"

Kinakabahan siya dahil baka kung ano ang ginagawa nito sa loob.

Dahan-dahang pumihit pabukas ang siradura, niluwa nong si Marc, duguan.

"OH DOLOR MALOOY KA!" I exclaimed, napaawang ang mga labi ko sa pagkagulantang.

Tumutulo na kasi ang rumaragasang dugo galing sa kanyang pisngi, nakita niya ang blade na alam niyang siyang may gawa non.

Ang pulang likido ay kumakalat sa sahig ng banyo, pagtak-pagtak iyon dahil sapo ng kanyang kamay ang may sugat niyang mukha, pilit inaampat ang dugo na umaagos ngunit mas dumadami pa iyon.

"Ikukuha kita ng first aid!" I hurriedly get the medicine kit, nasa baba iyon, natataranta man ay kinuha niya iyon ng mabilisan.

Pagbalik niyang agad niyang nilapatan ng tuwalya ang sugat nito para maampat ang sobrang pagdurugo.

Para lamang mapaalis ni Sir Marc nong gagamutin ko na ang kanyang sugatang pisngi, inaawat niya ang kamay ko at pilit kinuha ang medicine kit. 

Si Kaele nalang daw ang bahala sa kanya pero panong si Mam Kaele eh kami lang dalawa ang nandirito ngayon.

He was staring at one side tapos kinakausap niya ng masinsinan. Naitakip ko na lamang ang aking nangingig na kamay sa'king bibig para di niya marinig ang aking pinong hikbi.

Atubiling lumabas ako doon at naghintay sa labas ng banyo, nakikinig.

Puro KAELE, KAELE, KAELE lang ang pangalang naririnig ko.

Pinapakalma ang dibdib kong rumaragasa sa kaba, nanginginig ang mga dulo ng daliri ko.

Naghintay ako don hanggang lumabas na si Sir Marc ilang sandali ang lumipas, smiling pero mababanaag ang lungot sa kanyang mga mata, namumula dahil narin sa pag-iyak.

I hear his faint sobs inside, tila nahihirapan.

"Y-yay! Nandiyan pa pala kayo!" Sabay pahid ng matang may bakas pa ng luha.

Sinuri ko ang kanyang sugatang pisngi, sinisigurong maayos na nalapatan ng lunas ang sugat nito.

He's faking it again, hiding his true pain, suffering alone. "Okay na ako, look ginamot ako ni Kaele, no prob!"

Nasundan ko lamang siya ng tingin, may band-aid na nga ang kanyang pisngi. Wala na rin ang dugong umaagos kanina.

Hindi ko napigilan ang bibig ko. "M-Marc alam natin parehong wala na ang mag-ina mo...wala sila dito ngayon— "

Agad niya akong binigyan ng nagbabantang tingin, naggagalawan ang kanyang mga daliri, tila nagpipigil.

Nagpatuloy ako, pinipigilang manginig ang boses. "Wala na sila, hijo. Palayain mo na ang mag-ina mo! Matagal-tagal na rin ang panahong nawala sila, kailangan mong bumangon. Kailangan mong maging matatag at tanggapin na wala na sila. Para rin naman iyon sa kaayusan mo Marc."

Nagsusumamong hayag ko habang minamasdan ko ang unti-unting pagdidilim ng kanyang anyo.

"Naghihintay kami sa pagbabalik mo kaya't sana'y wag mo ng paasahin ang sarili mong babalik pa sila Kaele at GD dahil hinding-hindi na iyon mangyayari kahit kailan. Parang awa mo na tama na hijo, bumalik ka na sa'min. Nandito pa kami, sila Marckuz at Mam Drei naghihintay sa paggaling mo..."

Napabuntung-hininga siya, malalim. Ilang beses bago ako nakakuha ng sagot mula sa kanya. "Yay Lupe wala akong sakit, hindi ako baliw! Saka hindi ako iiwanan ni Kaele. Nandito sila, kasama ko!"

Yan lamang ang isinagot niya at tinungo na ang silid na tambayan nila ni Kaele noom.

I can hear his broken pleas, shattered glasses, his loud screams. Nagwawala na naman siya sa loob, gawain niya ito dati.

Lalo na't pinaalala ko sa kanya na patay na ang kanyang mag-ina. "Marc! Sana naman makaahon ka sa pinaglibingan mo sa sarili mo! Hindi ka diyan nababagay, wag mong pahirapan ang sarili mo."

"WALA AKONG PAKIALAM! KAILANGAN KO ANG MAG-INA KO! SILA LANG! SILA! HAYAAN NIYO KAMI!"

He shouted back, cracking voice.

"Si Kaele at GD lang ang kailangan ko, sapat na sila para ipagpatuloy ang walang kwentang buhay na'to. Kaya wag mong sasabihing wala na sila! Hindi ako maniniwala!" Humagulgol siya ng iyak.

"Diyos ko!" Iyan nalamang ang pahisteryang naiusal ko sa hangin at nakikinig na lamang sa mga kalansing ng mga bagay sa loob.

NARINIG ko ang malamyos na tinig ni Marc habang kinakanta niya ang paboritong tugtog ni Kaele, kanina pa siya nakatingala sa quadrado nilang larawan nong kanilang kasal, ang mga litrato nilang tatlo at ngayon nga'y nililibot niya ang buong sala na tila may isinasayaw sa saliw ng kanyang mabining kanta. Nasasaksihan ko ang pagtulo ng masaganang luha sa kanyang mga mata kahit may ngiti man ang kanyang mga labi makikita ko parin ang pangungulila sa kanyang mga mata. Ang lungkot na sumusungaw dito kahit pa pinipilit niyang kalimutan ang sanhi non.

"Your just too good to be true, can't take my eyes of you...."

Matapos kasi ang engkwentro nila sa loob ng silid ni Marc ay iniiwasan na siya nitong lapitan, palagi siyang nagkukulong sa kwarto, may kinakausap sa hangin.

Wala naman sana siyang ibang ginagawang nakakasakit sa kanya pero parang mas lumalala siya ngayon, kasi dati alam pa niyang patay na ang kanyang mag-ina kasi ngayon alam kong buhay na buhay sa kanya ang dalawa. Mas masakit makita ito, mas ramdam ko kung gaano siya nasasaktan at nagluluksa sa pagkawala ng magina niya. Hindi ko siya masisisi dahil nasaksihan ko noon kung gaano niya inalay ang buong pagkatao niya sa kanyang asawa't anak, kung gaano niya pinaghirapan ang lahat ng tinatamasa nila noon para sa ikakaginhawa ng buhay nila. Ang mga tawanan at masasaya nilang tagpo na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan, kung gaano nila pinaparamdam sa bawat isa ang kanilang pagmamahal.

Na kahit simple lang ang kanilang araw-araw ay iyon ang maliligaya nilang mga sandali, ang buo pa sila. Sinusubaybayan ang paglaki at pagiging pilyo ni GD, ang mga kalokohan ni Mam Kaele pag-kasama na ang dalawang pinaka importanteng lalaki sa buhay niya. Ganoon sila ka perpekto tingnan, hinahangaan ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan, puro at dalisay ang pag-ibig. Ngunit lahat talaga ng perpekto ay minsan sa huli ang bawi, sa huli ka pasasakitan. Kaya nga ngayon ay binawi na lahat kay Marc, dalawa lang iyon pero sila ang pinakamahalaga niyang pag-aari, kanyang pinakamamahal. Sabay siyang iniwan sa kawalan, sa karimlan. Kaya hindi man nakakapagtakang mas pinili na ni Marc ang maging ganto, maging isang baliw para lamang makapiling muli ang ninakaw sa kanyang mga sandali na makasama ng matagal ang kanyang asawa't anak.

"I love you baby and if it's quite all right. I need you baby..."

Pinipiga ang kanyang puso, masakit nakikiramay sa sugatan, talunang puso ni Marc pero pilit nilalaban ang kanyang kagustuhang makasama ulit ang kanyang mag-ina, kahit isa na lamang iyon sa kanyang mga ala-ala, imahinasyong tila totohanan sa kanyang mga mata.

Ganto pala ang tunay na pagmamahal, kahit masakit na'y isisige parin dahil ayaw mong mawala sayo ang kakarampot na pag-asang hangang sa huli ay kayo, na pareho niyong maabot ang hangganang inyong dulo.

"I love you very much, Kaele kahit kailan wala ng iba pa. Ikaw at ikaw lang ang babalikan ko. Sayong-sayo lang ako, pangako."

Ang luha ko'y namilimbis na ng marinig ko ang kanyang pangako, may pagsusumamo sa kanyang tinig habang sinasabi niya ang mga katagang iyon, nahihirapan. 

He started humming again a very sad song while sobbing. "Nang pusong pinipili ang pagkalinlang keysa pagkasawi! Huwag mong aminin ang katotohanan..."

Nabato na siya sa gitna ng sala, tila ba'y alam niya ang katotohanan sa ngayon, makikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, ang pagkabigo sa kanyang boses. Hindi ko mapigil ang sarili kong aluin siya, yakapin ng mahigpit dahil alam kong nagluluksa ang kanyang kalooban sa ngayon.

He started crying loud, full of misery. "Yay ang sakit-sakit parin! I miss them so — so much!"

"Hijo tama na! Palayain mo na ang mag-ina mo, nasa mabuti na silang lugar. Ikaw ayusin mo na ang sarili mo para din sa kanila, ayaw ka nilang nakikitang nahihirapan, patuloy na nasasaktan. Harapin mo ang buhay na walan na sila, makakaya mo ito, Marc. Kakayanin mo!"

He shakes his head defiantly. "Hindi Yay, I tried but I am always failing. Babalik at babalok pa rin ako sa mga alaala nila, namin. Gusto kong balikan lahat iyon, maranasan ulit na makapiling sila, mayakap ng mahigpit na mahigpit! Dahil miss na miss ko na sila, sobra-sobra na ang sakit sa dibdib ko. Sa mga dalangin kong tila hindi naririnig ng panginoon, I wanted to end my misery, gusto ko ng makasama ang mag-ina ko!"

Ang luha ko'y nanagana narin sa'king pisngi. Ramdam ko ang paskit sa kanyang anyo. Ang luhaan niyang mga mata at ang kanyang miserableng boses, puno ng pagsamo. "Shhhh! Tiwala lang sa paniginoon anak, Marc. May plano siya para sa'yo, sa inyo."

"Gusto ko lang ang mag-ina ko! Ibalik niyo si Kaele at GD! Sila ang buhay ko!" He begs repeatedly in pain. 

KINABUKASAN ay wala na akong Marc na nabungaran, hindi ko alam kung san siya nagtungo o kung babalik pa siya dito. Mabuti na lamang at napasyal si Sir Kaiden dito kanina, natawagan na namin sila sir Marckuz pati si Mam Elicia na hinahanap din si Sir Marc sa ngayon, nagkagulo na ang lahat sa kakahanap sa kanya.

Hanggang isang araw umuwi na dito sila Mam Drei, hindi rin nagtagal ang umalis na sila pa-isla, nandon daw si Sir Marc ngayon.

At ngayon nga'y narito siya ulit sa institution, sa isang silid na pamilyar na pamilyar na sa'kin. Madalas kasi kaming bumisita dito noon ni Mam Drei bago pa sila mangibang bansa para magpagamot.

"Ilabas niyo ako dito! Ano ba! Elicia sabing hindi ako baliw, mga tangina kayo. Hayaan niyo ako sa mag-ina ko! I only want Kaele and GD, sila lang. Hindi ko kayo kailangan! Hindi ko kayo kilala! Nilalayo niyo ako sa kasiyahan ko, ibalik niyo ang mag-ina ko! KAELE! GD! BUMALIK NA KAYO PLEASE! I NEED YOU!" Kanina pa siya sigaw ng sigaw at nagwawala sa loob ng kanyang silid.

Si Mam Drei at Sir Marckuz ay napabuntong hininga, hilam ang luha sa kani-kanyang mga mata. Puno ng paghihirap at simpatiya habang tahimik lang nakikinig sa atungal ni Marc sa loob, ang kanyang galit dahil ibinalik siya ulit dito, kung saan hindi niya malayang makakasama ang kanyang pinakakamamahal na mag-ina.

Si Mam Drei ay naging emotional na, she was begging Dr. Elicia. "Wala na bang pag-asang gumaling ang anak ko Elicia?! Parang awa mo na ang anak ko, si Marc...paggalingin mo! Ang sakit-sakit ng makitang siyang nagkakaganito." 

We suddenly heard him humming that familiar song. "Magsinungaling ka please. Di ko matitiis ang mundong itong hindi kita kasama. Pwede bang maawa ka sa'kin, wag mo naman diretsuhin patalim na alam kong parating. Huwag mong aminin ang katotohanan di ko kakayanin at ayokong masaktan..." he sobs loudly as he bangs the door.

Then added in a broken tune. "Nang pusong pinipili ang pagkalinlang keysa pagkasawi! Huwag mong aminin ang katotohanan... Hindi ko kakayanin at ayokong masaktan....baka pwedeng pagbigyan, pagbigyan, pagbigyan..."

THE END!

#TANKYOW! KEEP READING AND PLEASE SPREAD GOOD VIBES💓 KEEPSAFE PO! HOPE YOU ENJOY MARC'S PAIN AND LAMENTATION.