Huminga ako nang malalim at pilit na inaalis iyon sa isipan ko. Nagka bungguan pa kami ni Daven at agad nya akong inilayo sa kanya na para bang naiinis na.
Nag peace sign na lang ako sa kanya bago sya bumaling sa cashier na halos mamula na ang mukha sa kakatitig kay Daven.
Matapos bayaran ay umuwi na kami ngunit dumeretso ako sa bahay namin at pumayag naman sya.
"Hey sis." Ngising salubong sa akin ni Naiser at pinagtaasan ko sya nang kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Sis, ang tawag nya sa akin at hindi ko alam kung bakit. Pero hindi kami magkapatid, kundi mag kaibigan lamang.
"Bumibisita at tinulungan si Tita." Taas baba ang kanyang kilay.
Binangga ko siya at pumasok ako sa loob. Lalagpasan ko na sana ang kusina nang mapansin ako ni mommy.
"Honey, Did you eat?" Umiling lamang ako sa kanya tska ako dumeretso sa kwarto ko.
Nang makalabas agad ay tiningnan ko ang katapat kong kwarto. Kinuha ko ang susi at binuksan iyon. Gusto kong maiyak dahil wala na ang may ari nito. I miss you Gabriella Faith Smith. My younger sister.
I hope you're the one who survive in a mission.
Please give me hope..
Lumabas na ka agad ako at naka salubong si Cedric. Masama ang tingin nito sa akin na hindi ko na rin ipinagtaka.
"It's your fault." Malalim ang tinig ng boses nito at halatang matagal nang pinipigilan ang galit.
"It's not my fault." Simpleng sambit ko.
"Kung hindi dahil sa misyon na yan ay hindi sya mawawala dito! It's your fault! I won't never forgive you if she won't come back here!" Padabog syang umalis at natulala na lang ako. Alam kong pinipigilan nyang saktan ako at natutuwa pa rin ako doon.
Alam kong miss na rin nya ang kapatid nya dahil sila ang magkalapit kaysa sa akin. Hindi ko magawang mag selos dahil doon. Masyadong mabait si Faith at tinanggap nya ang misyon kay mom kahit na alam nyang delikado doon. Pinilit ko pa noon na ako na lang ang aako ngunit hindi sya pumayag.
Gusto ko mang mainis sa sarili ko pero wala na akong magagawa dahil nangyari na noon.
Pumunta ako sa kwarto ni Jack at pabagsak na humiga sa kama nya.
"Inaway kana naman ba nya?" Tanong nya na hindi ko na ikinagugulat.
"Sanay na ako sa kanya kapag uuwi ako rito." Pairap kong sambit tsaka pumikit.
"He's still acting like a child."
"He's just 15." Nakapikit na sambit ko. "Kaya minsan ay bibihira na lang akong umuwi dito. Dahil alam kong mas matutuwa sya kapag wala ako." Pinigilan ko ang aking emosyon at tumingala sa ceiling.
"This is your home." Wika nito habang nagbabasa nang libro.
"I don't think so."
Nagulat ako nang may kumatok kaya naman pinagbuksan ito nang kapatid ko. Sumalubong ang ngisi ni Naiser.
"Guy's Baba na kayo at kakain na raw." Umalis ito agad na may matching pa sayaw pa.
Tiningnan ako nang kapatid ko. "Let's go?"