Chapter 15 - Chapter 15

Napatigil ako sa malalim na boses nito ngunit ang hindi maintindihan sa aking nararamdaman ay parang nawala man lang ang aking kaba at naka harap ako ng abo na mata nito.

Nahigit niya ako sa bewang ko nang ganoon kabilis kaya hindi ko aakalaing makukulong ako sa bisig na kung sino man ang lalaki na ito.

"Let me go." Halos pabulong kong sabi. Kahit madilim ay ramdam ko ang ngisi nya sa likod ko. Hindi naman ganoon kahigpit ang hawak nito sa akin.

"Kill the boss." Napakunot ang noo ko at lumakas ang hangin na saktong pagkawala nya nang mabilis. Mabuti na lamang at na balanse ko ang sarili ko kung hindi ay malalim ang huhulugan ko.

Lumingon lingon pa ako sa gilid bago pulutin ang cellphone kong nabitawan bago bumalik sa baba.

"Desiree?" Tawag na pa tanong sa akin ni Tanda. Hawak na rin ang cell phone at naka on ang flash light, hingal na hingal ito na para bang nakipag habulan

"I'm here." Nang matapatan ako nang ilaw ay nasilaw pa ako. Nagulat ako nang bigla ako nitong niyakap. Ang higpit.

"Pinag-alala mo ako." Halos pabulong nyang sabi. Naghahabol hininga pa rin.

"Huwag ka nang mag-alala. Nandito na ako." Tinapik ko ang balikat nya bago ako kumalas. Ako na ang gumawa dahil mukhang wala pa siyang balak bitawan ako.

Nang maalala ang nagsabi non ay hindi ko malaman kung sini ba ang boss na sinasabi noon. Imposible na si Mr. Faller dahil masyadong tago ang tao na iyon.

"Let's go." Natauhan na siguro sya kaya naman hinila na nya ako palabas. Kinausap pa muna namin ang tauhan ni Mr. Faller bago kami naka alis doon.

"Saamin muna ako dederetso." Sabi ko sa kanya nang maka sakay sa sasakyan nya. Tumango naman ito na para bang naiintindihan agad ang pahiwatig ko.

Tahimik lang kami sa byahe at nang maramdaman ang pag vibrate nang cellphone ko ay binuksan ko ito.

Jack: Where are you? Kailangan ka dito ASAP

Aiden: Sis, We need you here.

Mom: Honey, Where are you?

Zaiu: Nandito kami ni Chloe sa inyo Nasaan ka?

Chloe: Sis, Kailangan kang sukatan para sa birthday nang kapatid mo. Need mo na pumunta dito.

Naiser: Nandito sina Nicole. Nasaan ka daw ?

Halos lahat ay tinatanong kung nasaan ako. Nireplyan ko na rin ang lahat para hindi na sila mag isip pa. Napa buntong hininga ako at mukhang mas mahihirapan dahil wala na itong atrasan.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Tanda habang nag d drive. Mukhang napansin ang pagiging ma problema ko.

"O-oo naman " Hindi ko alam kung bakit nautal pa ako. Ako na yung nahihiya sa sarili ko kung ganoon.

Hindi naman sya sumagot na. Nang maka rating kami nang mabilis dahil sa walang traffic ay namaalam na rin ako sa kanya bago ako pumasok. Nag usap pa silang dalawa ni mommy kaya naman nauna na ako.

Pagmumukha ni Cedric ang bumungad sa akin, kaya napatigil ako. Binuksan nito ang gate bago umalis rin kaagad. Ako na lang mismo ang nagsara, hindi malaman kung nasaan ang katulong.

Gustong gusto ko siya kausapin. Pero dahil sa mukha pa lang nya kanina ay parang wala sya sa mood.

"Nandito na ang hinihintay." Sagot ni Krisha habang ngumunguya nang pagkain.

Nag sukat na rin ako. Nagtalo pa sila ni Chloe kung anong kulay ang mas bagay sa akin. Sa huli ay si Krisha pa rin ang nanalo, kulay dark blue iyon at may glitters na puti. Tinerno nang gray na takong.

Matapos non ay pumunta muna ako nang kusina upang uminom nang tubig. Hindi ko inaasahan na nandito si Cedric.

"Can we talk?"