Chapter 20 - Chapter 20

Mabilis akong pumunta nang Starbuck upang kitain si Mr. Faller. Sino paba ang pala utos? Siya lang naman.

"Kinakailangan kita pumunta sa Canada." Hindi na ako nagulat doon. Dahil minsan ay pinapunta na rin nya ako sa ibang bansa tulad sa Italy upang mahanap ang kalaban namin na sobrang yaman at kung saan saan nagtatago. Ibang bansa pa.

"When?"

"After your brother's birthday."

Kinabahan agad ako sa hindi malaman ang dahilan pero pinilit ko pa rin maging kalmado. Napa order ako nang chocolate cream dahil sa pagka seryoso ni Mr. Faller

"Kailangan natin mahanap ang lalaking ito." Inilabas nya ang kanyang brown envelope at ipinakita ang isang lalaki na naka sumbrero, may itsura pero parang matatakot ka kapag tinitigan mo ang mata. Makinis ito at aakalaing inosente dahil sa itsura.

"He's a 23 yr old. A serial killer in Canada. Willson Grensan. Gumagala ito kapag hating gabi at pinapatay ang basurang tao." Nangunot ang noo ko kay Mr. Faller at mukhang natawa sa itsura ko. "Huwag mo sanang ma misinterpret, Ms. Smith. Hindi ang mga tao na nasa Canada ang pinapatay nito, kundi ang mismo ring kalaban nila." Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

"Kinakailangan natin mahuli iyan sa madaling panahon. Pero huwag kang mag alala at susunod ang nobyo mo sa Canada. Mauuna ka lamang at magpapadala na rin ako nang tauhan doon. Hindi ko rin kayo hahayaang ipahamak kahit alam kong risky ito. Sasabihin ko ang plano matapos ang selebrasyon nang iyong kapatid."

Matapos ang pag uusap namin ay bitbit ko ang inumin nang makalabas ako doon. Nilagay ko muna sa bulsa nang jacket ko ang cellphone at walet. May zipper ang bulsa na iyon kaya comportable ako.

***

Nagulat ako nang maka salubong ko sa Xy at ganoon rin sya.

"Kamusta, ate?" Nakangiti ito pero ramdam ko ang oekeng ngiti na iyon. Nangunot din ang noo ko na parang puyat na puyat ito.

"Ayos naman, ikaw ba?" Talagang tumigil pa kami sa bandang gilid nang mall upang mag kamustahan.

"I hope, I'm okay." Pilit na ngiti nya kaya nilapitan ko sya.

"You will be fine." Bulong ko sabay yakap sa kanya pero natanaw ko ang lalaki na nakatingin sa amin at papalapit dito.

Saktong pagkalas namin ay nagulat ako nang hinawakan nito si Xyria sa bewang at taas noong tumingin sa akin.

"I'm Veil, You're my Sister's friend.. right?" Deretsong sambit nang batang ito.

"Yes, It's nice to meet you." Pormal na sabi ko dahil kahit kaibigan ko ang Ate nito ay hindi ko rin ka close ang bunso.

Naka suot ito nang pantalon na itim ang t shirt na puti. Naka jacket naman ito na kulay itim. Black and white din kumbaga. Nahalata ko naman sa itsura ni Xy ang pagka ilang.

"Take your time, the two of you. I need to go." Sambit ko parang ang awkward naman kung makikisabay pa ako at halata ang ilang ni Xy.

"Ingat, Ate." Pilit na ngiti nya habang si Veil naman ay mas inilapit pa sa kanya. Natawa ako nang palihim.

"Take care too." Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa bago umalis.

Bumili na muna ako nang regalo sa birthday ni bunso at mamahaling watch ang binili ko para sa kanya. Sana ay ma appreciate o matanggap nya ito bilang pambawi na rin sa kanya.

Nagsimula akong mag text kay Daven/Tanda ngunit hindi nito sinasagot ang mga text ko. Kumunot ang noo ko dahil doon, napakatahimik nang bahay nya at wala akong kasama kung hindi katulong.

Dumaan ang ilang araw at kinabukasan ay birthday na nang kapatid ko, kaya mas lalo akong naging busy upang ma katulong sa paghahanda. Hindi gaanong ka bongga dahil sinasabi rin nya na binata na sya. Natuwa kami doon pero mas lalo lang kumukunot ang noo nya kapag inaasar siya nila Mom.

"I will invite my friend's"

"No problem anak." Bumuntong hininga si Mommy. "Kung nandito lang sana ang Ate Faith mo ay mas magiging masaya at kumpleto tayo." Dagdag nya pa.

Hindi ko aakalaing masasabi nga iyon at mismong sa harap ko pa. Tiningnan ano nang dalawang kapatid ko pero mas pinili ko na lang hindi kumibo at pilit na lang na ngumit sa kanila matapos ay dumeretso na lang sa kwarto upang mag kulong.