Chapter 26 - Chapter 26

Nagkatitigan kami at parang ayoko ng marinig pa sa sasabihin nya. Hindi naman ako pwedeng lokohin ng boss ko at paniguradong naramdaman ko ang sensiridad nito at ang pagka seryoso ng boses nito.

"Don't be afraid, My Lady. I'm always watching you from afar." Umikot na ito ngunit parang ayaw pa rin gumalaw ng katawan ko. Parang nawala na lang din bigla ang gutom ko dahil mismo alam nya ang kahinaan ko.

Hindi ako pwede magpa talo na lamang sa kalaban at kinakailangan ko mag plano at kumilos nang mabilis. Hindi pwedeng madamay si Zaiu dito at mas gugustuhin ko na lang na maging normal ang buhay nya kaysa sa akin.

"Be careful to gray eyes, My Lady. Because he's too dangerous for you." Huling sambit nito bago umalis at ako na lang ang natitira sa dining room na naka tulala.

Halos marinig ko na ang orasan dahil sa sobrang tahimik, pinili ko na lang din kumain dahil sayang naman kung i d display lamang ito dito.

Kumuha ako nang carbonara at iyon lamang ang kinain ko. Naramdaman kong papalapit si Russellville kaya tinapos lo na rin agad ang kinakain ko bago uminom ng wine.

"So,?"

"Nothing, can we go back to the Philippines now?" Seryosong sambit ko sa kanya kasabay ng pag tayo ko.

"Not yet, Ms. Smith. You need to know what is the secret of your life... fam." Hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas nang Dining Room.

"Where are we going?"

"Shh."

Nilagay ko ang daliri ko sa finger print upang mag bukas ito. Isang malaking library at pumasok kami doon.

"Didn't you know, he's here in Italy?" Pabulong nito sa akin at nagtaka naman ako sa kanya.

"Who?" Hindi naman pwedeng si Daven dahil ang sabi ni Boss ay hindi naman daw nya ininvite ito.

"Oh, I forgot that you didn't know him." Pumasok kami sa isang pinto at pagbukas ay kwarto na iyon.

Isang gwapong lalaki at may ka edaran na din na nakatingin sa labas ng bintana at parang malalim ang iniisip. Hindi ko malaman kung bakit parang wala akong maramdaman na kaba, ash gray ang buhok nito at mukhang 6ft ang tangkad nito. Halos kasing puti ko ang matanda nang dahan dahan na humarap ito sa amin.

"I'll leave you two, here. Sorry Ms.Smith." Tumungo ito at agad din na umalis.

Hindi ko na sya magawang pansinin dahil nakipagtitigan lamang ako.

"Who are you?" Hindi ko malaman kung saan nanggaling iyon at yun lamang ang lumabas sa bibig ko.

Nagtaka ako na parang naging malungkot ang mata nito. Tulad ni Boss ay lumapit rin ito at hinawakan ang buhok ko nang biglang kumislap ang mata nito. Gray din ang mata nito.

"Come."

Parang wala sa sariling lumapit ako sa kanya at nagulat ng bigla akong nitong niyakap. Magaan ang pagkakayakap at wala sa sariling napa yakap din ako sa kanya.

Sa hindi malaman na ay parang naging emosyonal ako at gustong maiyak pero pilit kong tinatago ang nararamdaman ko na ito.

"I feel your pain." Nagtaka na naman ako sabay nang pagkalas nito nang yakap sa akin.

"I don't understand you," Hindi rin malaman kung ano ang itatawag ko sa kanya

"Nevermind, Come and I will introduce you to my young son." Tumango na lamang ako at sinunod sya, lumabas kami ng Library at nauuna sya.

Umakyat kami sa elevator at pinindot ang 3rd floor. Agad din kaming lumabas dahil mabilis ang pag andar nito.

"My young son, Open the door."

Binuksan nang batang lalaki ang pinto. Parang mga 18 or 19 pa lang ito at nagulat ako nang sa akin sya naka tingin hanamg nakakunot ang noo.

"This is my young son, Philip, and This is Arzalea Desiree Smith."

Parang sasabog na ang ulo ko sa kakaisip kung bakit kilala rin ako, sa pagkaka alam ko ay wala sila dito noong makalipas ang dalawang taon.

"Hi, Welcome to Italy" Parang nahihirapan na sambit nya.

"Thank you."

Nagkatinginan pa muna silang dalawa bago nila ako inalok na pumunta ng Garden upang doon makipag usap saglit. I feel so comfortable and I don't know why. O baka naman nakasanayan ko na rin kaya ganito ang nararamdaman ko. Ang problema ko lang ay marami na naman akong iisipin kasabay pa nito.