Chapter 32 - Chapter 32

Panay ang hikbi ko at hindi ko napigilang itutok ang baril na hawak ko sa kanya. Ngayong naalala ko na ang lahat dahil sa mga kwento nya ay para akong pinaglaruan ng naging kaibigan ko noon.

"I'm sorry, Desiree. Hindi ako nakapag isip ng tama at basta nag desisyon. Sana mapa tawad mo pa ako, please." Halos lumuhod na rin ito habang umiiyak.

"Anong karapatan mong umiyak?" Seryosong sambit ko habang tumutulo ang mga luha ko sa mag kabilang pisngi ko.

"Desiree-"

"Naghirap ako sa loob nang tatlong taon at walang maalala, sorry? Are you kidding me?" Sabay sabay ang pag tulo ng luha ko. "Sa loob ng tatlong taon ay mas lalo akong naghirap ng dahil sayo!" Pinaputok ko ang baril sa gilid nya. "Ikaw ang may dahilan kung bakit naghihirap din si Daven ng dahil sayo! WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN! MARAMI DIN AKONG NAGING KAIBIGAN NOON NA NAWALA SAKIN DAHIL SAYO! LALONG LALO NA SA PAMILYA KO AT HANGGANG NGAYON AY HINDI KO PA RIN MAHANAP ANG DADDY KO!" papuputukin ko pa sana ulit ang hawak kong baril ng may umawat sakin. Lalo akong napaiyak ng pamilyar sa akin kung sino iyon.

Akala ko ay hindi nya magagawa iyon noon ng dahil hindi na sya nagparamdam pa. Akala ko ay natauhan na sya at tinanggap na nya na hindi ako mapupunta sa kanya kahit kailanman. Pero nagkamali pa rin ako at tumama ang kutob ko noon.

Bigla kong naalala ng pag gising ko noon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at hindi alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko at sa mga taong nasa paligid ko noon.

"Shh, don't show your weakness, love" Inalalayan nya akong tumayo, at ang mga tauhan ni Daven ang lumapit kay Zaiu upang bugbugin at hindi na maka alis pa.

Wala sa sariling napa yakap ako sa kanya at doon umiyakm Niyakap din nya ako ng mahigpit at pilit akong pinapatahan, ngunit hindi ko magawa dahil sa sakit ang hirap na nalaman ko.

"I'm sorry," Panay ang hingi ko ng tawad sa kanya habang umiiyak ngunit Panay 'ayos lang' at 'it's okay' ang sinasagot nya sa akin.

Makalipas ang ilang oras ay tulala na lamang ako, hindi ko din alam ang sasabihin ko at nakaramdam ng hiya dahil sa inakto ko kanina.

"You should rest now." Wala akong sinabi, dapat ay matuwa ako ngunit marami ang gumugulo sa isip ko.

Kinagabihan ay tulog na si Daven at ng nagpunta ako sa kwarto ni Raven ay hindi ko na naman maiwasang mapaiyak.

"I'm so sorry, baby. Hindi ko man lang pinansin ang sinabi mo nung isang araw kung pwede mo ba akong tawaging mommy. Pero ngayon ay sasagutin ko na. And yes, baby." Bulong ko sa kanya habang natutulog sya. Hinawakan ko ang buhok nito at hinihimas ang ulo nito upang hindi magising.

"Gusto ko na kayo makasama ni Daddy mo ngunit may problema pa si mommy e, pasensya na ha? ayokong madamay kayo sa magulong buhay ko at gusto ko nang matapos ang misyon ko upang makasama ko na kayo nang wala akong iniisip na problema at ikakapahamak nyo." Pinunasan ko ang luha ko bago ko hinalikan noom si Raven.

"Isa lang ang maipapangako ko sa inyo." Hinawakan ko muna sya sa mukha. " Babalik ako ng buhay at mag uusap kami ng daddy mo. Babalikan ko kayo dahil alam kong hihintayin nyo ako."

'Mahal na mahal ko kayo at hanggang sa muli'