Chapter 28 - Chapter 28

"Mission Failed" Bungad samin ng mga kasamahan ko at mismong si Erick ang nagsabi noon. Isa sa mga kasama bilang miyembro ng grupo na ito.

"That's impossible," Yun lamang ang lumabas sa bibig ko at tiningnan naman nya kaming lahat.

"I'm so sorry desire, but he's not a serial killer in Canada. That's their trapped and Mike pretend to be a serial killer in a month ago."

Napabuntong hininga ako sa nalaman, hindi na rin dapat ako mag taka dahil pansin ko noon ay hindi na maganda ang kutob ko at alam kong may mali na noon pa.

Muling pagka kamali na hindi ko pinansin ang kutob ko noon, pero mabilis ding mahahalata dahil madali din sya naming nahuli at halatang hindi praktisado sa training nila. Sadyang nag plano sila at alam na alam nila ang galaw namin ngunit mukhang nagulat sila sa pagdating namin doon ni Daven at ka adad silang nag plano gamit ang isang lalaki.

Matapos ang pag uusap ay agad akong umuwi sa Makati Manila upang makapag pahinga at makapag isip. Hindi rin natuloy ang plano namin noon dahil mukhang umatras sila bigla.

***

"Hindi tayo pwedeng mapalagay na lamang ng dahil natahimik sila panandalian, lalo na ang nagmamasid tuwing madaling araw noon ay bigla rin itong nawala. Hindi rin tayo pwedeng maka sigurado kung kakampi na ang mga iyon o kalaban din natin. Ngayon ay magpahinga ka muna at pag uusapan natin ang plano sa susunod." Sambit ni Mr Faller sa Skype. Dito lamang kami nakaka pag usap dahil hindi siya pwedeng makita ng mga kalaban at baka ipapatay lamang sya bigla.

"I agree. Thank you Mr Faller,"

"You're welcome," Ngiting wika nito bago pinatay ang tawag.

Sinubukan kong tawagan si Zaiu ngunit hindi ito sumasagot. Mabilis kong isinara ang laptop at nag bihis upang puntahan sya.

**

Kumatok ako sa pinto ngunit matagal bago nya ito buksan. Mula nang ma hospital sya ay mas pinili nyang magkaron ng sariling apartment.

"Za-"

"-Why are you here?" Kalmado ngunit masama ang tingin nito sa akin.

"I just want to talk to you." Matagal nya akong tinitigan bago bumuntong hininga at nilawakan ang pag bukas ng pinto.

Pumasok ako ng wala syang sinabi, inikot ko ang paningin saglit bago tumingin sa kanya.

"Look, I'm so sorry-"

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad," Nilagpasan nya ako bago buksan ang TV sa sala at nanood.

"I know you're mad at me, but please.. can you listen-"

"- Just spill it, Desiree, Ano pa ba ang hindi ko nalalaman tungkol sayo?!" Hindi na ako nagulat nang pagtaasan nya ako ng boses.

Hindi ako naka sagot pero nakatitig lamang ako sa mga mata nyang parang may galit sakin. Mahirap nga naman ilihim pero ito ang kinakailangan kong gawin

"We're best friend's in year's Desiree, akala ko ay kilala na kita! Ang akala ko ay wala na tayong taguan ng sikreto pero bakit malalaman ko na may hawak kang baril,"

"Look, I just want to protect you-"

"-Protect me from what?!" Putol na naman nya sa sinasabi ko. Huminga ako ng malalim upang mapa kalma ko ang sarili ko, hindi ako sanay ng sinisigawan nya nang ganito.

'"I'm sorry, but.." It's none of your business. Gusto kong dugtungan iyon pero hindi ko magawa.

"You may leave now," Pumunta sya sa pinto at binuksan iyon, hinihintay na makalabas ako pero hindi ako gumalaw.

"Please, kung pumunta ka lang dito para sa wala, makaka alis kana at huwag ka nang bumalik pa dito." Hinigit nya ako palabas at nang maka labas ako ay padabog nito isinara ang pinto.

Napahilamos ako sa mukha at napa upo sa sahig. Kinakain ako ng konsensya ko, ngunit hindi ko pwede sabihin kung ano o sino ako.

Gusto kong mabuhay nang normal, iyong walang iisipin at kakalabanin. Iyong kaunting problema ay maaring masolusyonan. Hindi ang humarap sa kamatayan at makipaglaban. At hinding hindi ako mag sasakripisyo para lamang mailigtas ang importante sa akin mula sa kalaban.