Chapter 29 - Chapter 29

"Please talk to me,"

"I'm sorry," Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap, hindi ko malaman kung bakit sya umiiyak.

Maari bang dahil nasaktan ko sya dahil sa paglihim ko? Siguro nga ay pwede na akong matawag na selfish kung ganoon. Ngunit nasa Rules namin iyon kaya hindi ko pu pwedeng sabihin muna.

Saglit pa kaming nag usap at nayakapan ni Zaiu bago ako umuwi sa mansyon ni Daven. Mabilis akong umakyat ng kwarto namin at hinalungkat ang walk in closet nya.

Hinanap ko ang mga picture frame na nakalagay sa gitna ng maliit na lamesa ngunit hindi ko makita iyon. Binuksan ko ang mga cabinet nya ay doon ko lamang iyon nakita.

Nagtataka kung bakit doon napunta iyon o sinadya nyang itago na lamang. Napa kunot ang noo ng wala itong laman kundi frame lamang. Napa buntong hiningang nabitawan ko ito at saktong nahulog sa puting carpet kaya hindi ito nabasag.

Nagpunta ako ng basement sa hindi ko malaman ang dahilan ay bigla akong kinabahan, madalas nakikita kong nandito si Daven kaya naman sa kuryosidad ay binuksan ko ang pinto nito at bumaba gamit ang flashlight.

Nang makapa ko ang ilaw ay agad kong itong binuksan, muling nag taka dahil sa dami ng picture frame doon at naka takip ito mula sa puting tela.

Bubuksan ko na sana nang may marinig akong tunog ng sasakyan mula sa itaas kaya naman dali dali kong pinatay ang ilaw at umakyat paitaas.

"Daddy!" Sigaw nang batang lalaki kaya naman itinago ko ang susi bago pumuntang living room.

"Daven?" Sambit ko at nagtaka kung bakit naka balik agad ito ng maaga.

"I'm sorry, if you're suprised with my little boy." Buhat buhat nito ang batang lalaki na kulay abo rin ang mga mata at itim na itim ang buhok.

"It's okay." Sambit ko nang lumingon sa akin ang bata.

"Who is she, daddy?"

"She's my.." Umiwas ito ng tingin sa akin at bahagyang namula ang tenga nito. "A friend of mine." Dagdag nya.

Hindi ko malaman kung bakit nadismaya ako sa aking narinig. Umiwas din ako ng tingin at pumunta ng kusina upang makapag luto ng Sinigang.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang may maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko. "W-what are you doing?" Nauutal na sabi ko.

Narinig ko naman ang mahinang pag tawa nya bago ako niyakap patalikod. "I miss her"

Napatigil ako doon ngunit hindi ko pinahalata, hindi malaman kung anong ire react ko sa sinabi nya.

"Then, meet her" Yun na lamang ang na sabi ko at nagsimula nang mag luto.

"I already meet her, now." Biglang umakyat ang dugo ko sa mukha at ramdam ko ang nag iinit sa mag kabilang pisngi ko.

Pasimple akong gustong makawala sa kanya ngunit mas hinigpitan lamang nya ang pag yakap sakin.

"Please, Let me go." Dahil hindi ako makapag focus kung nandyan ka sa tabi ko at pinapanood akong mag luto.

"I'm sorry," Kumunot ang noo ko ng may halong tampo ang boses nya, tatawagin ko na sana sya ng maka alis ito agad.

Nang matapos sa pagluluto ay inihanda ko ang kakailanganin bago sila tawagin.

"Hello, po. Thanks po sa pagluluto," Ngumiti lamang ako ng tipid sa bata bago sya ipag sandok.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya, binalot ng katahimikan ang kusina dahil wala ni isa sa amin ang nagsasalita.

Binilisan ko ang kain ko at agad na inilagay iyon sa lababo ngunit nagulat ako ng nasa tabi ko na sya, inangat nito ang plato gamit ang maliit nyang kamay. Kinuha ko iyon at mabilis na hinugasan pagkatapos ay nakipag usap ako sa kanya.

"What is your name, little boy?" Tanong ko habang naka tingin ito sa paligid.

"I'm Raven po." Simpleng sagot nya bago nya ako tinapunan nang tingin.

"Do you want to play?"

"Sure po, but.."

Hinintay ko ang magiging sagot nya. Pinagkatitigan na muna nya ako bago nya ako hawakan sa kamay.

"Can i call you a Mom?"