Chapter 31 - Chapter 31

"Hey babe, I'm home." Nakangiting salubong ko sa kanya, tumayo agad ito at niyakap ako bago halikan sa labi. Tinugon ko naman iyon ngunit panandalian lang.

"Nagluto ako, hinihintay lang talaga kita." Hinalikan nya pa ako sa noo bago mami pumunta ng kusina.

"Hmm, ang sarap naman magluto ng magiging future hubby ko." Sambit ko sa kanya ng tikman ko ang ulam na niluto nya.

"Thanks for you, babe. You teach me how to cook." Kinurot ko sya sa tagiliran at agad naman nyang hinawakan ang tagiliran nya at umaktong nasasaktan.

Natawa ako doon. "Nagiging expert kana sa pagluluto mo, dapat nga ako yung nagluluto para sayo, pero ikaw itong naunang naka uwi galing ng trabaho."

"Don't worry, babe. It's okay and I will never stop loving you."

Nang makarating kinabukasan sa office ay nakita ko si Zaiu, sinundan nya ako hanggang office ko.

"Desiree,"

Lumingon naman ako sa kanya. "Yes?"

"Uhh, Can i still court you?" Kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa pagtataka. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak nya at palagi syang ganoon.

"Zaiu, alam mo namang may boyfriend na ako, at si Daven iyon. Mahal na mahal ko at mahal din ako." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon. Siguro ay minsan, kailangan ko rin ipamukha sa kanya iyon para mag tigil na sya.

"Pwede pa syang mag sawa sayo Desiree, minsan ay sinabi mo na rin noon na nawawalan na sya ng oras sayo." Seryosong sabi nya ngunit hindi ko na muli syang pinakinggan.

"Makaka alis kana." Habang kaharap ko ang kompyuter ko, wala syang nagawa kung hindi umalis.

Naka hinga naman ako ng maluwag doon at nag focus na lang ako sa trabaho ko.

Nang sumapit ang lunch ay agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang pumasok si Daven sa office ko. Agad naman kaming naghalikan dahil sa pagka miss ng isa't isa.

"Lunch?" Ngumiti ako at tumango bago ay sabay kaming umupo na magkatabi.

"Thanks for this lunch babe,"

Rice and fried chicken ang kinain namin, umorder na muna sya dahil late na kaming nagising kaninang umaga. Magkatabi lang din naman ang building namin kaya minsan ay nakaka punta sya at ganoon din ako.

Nag usap lamang kami habang kumakain, minsan ay sinusubuan ko sya at ganoon din sya sakin. Magtititigan kami at sabay na matatawa sa ginagawa namin.

"I'll go now." Hinalikan nya ako sa noo at labi.

"Hintayin kita mamaya." Tumango ito bago buksan ang pintuan at umalis.

Kinagabihan ay inayos ko na ang gamit ko at pinatay ko na rin ang kompyuter. Pagkalabas ko ay nandoon na naman si Zaiu, naka sunod sa akin.

"I'll wait for you," Sinubukan pa nyang hawakan ang kamay ko ngunit agad ko rin itong iniwas at dumistansya sa kanya.

"And?" Pambabara ko sa kanya at kaunti na lang ay baka kung ano na ang masabi ko.

"Ihahatid na kita pauwi sa inyo,"

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya, tumigil din sya at nasa lubong ko ang matamis na ngiti nya sa akin. Naghihintay sa sasabihin ko.

"Pwede bang tigilan mo na ako?" Almost 2 years ay ganito na sya, nagsimula iyon ng manligaw na sa akin ni Daven. 3 years na kaming magkakilala ni Zaiu at 2 yrs naman si Daven and yes. Mas nauna kong nakilala si Zaiu ngunit kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

"I'm sorry if naging torpe ako noon, Desiree. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag papalapit ka sa akin noon, hindi mo alam na palagi kitang tinitingnan at binabantayan mula sa malayo? Desiree, kailan mo ba ako mapapansin?" Halos maiyak na sya sa kanyang sinabi.

"Magkasama na tayo noon Desiree, ngunit dumating lang yang si Daven, at mula noon ay hindi kana sumasabay sa akin pag uwi dahil nakuha na nya ang atensyon mo. Alam mo ba ang pakiramdam na parang inagaw ka nya sakin, ang Desiree ko. Ngayon ay hindi na ulit kita pa pakawalan pa. please give me a 2nd chance para patunayan ko sayo na mahal na mahal kita." Hinawakan nya kamay ko at tumulo ang kanyang luha. Wala akong reaksyon sa mga sinabi nya.

"Pasensya kana, pero si Daven lang talaga ang gusto at mamahalin ko. Alam kong masakit para sayo, at alam ko rin na malalagpasan mo ito. Kilala kita at alam ko na wala kang gagawin na masama upang mapaghiwalay kami, dahil kapag nangyari iyon ay hindi ko na alam kung mapapatawad paba kita." Kinalas ko ang paghahawak nya ng kamay sakin bago ako tumalikod sa kanya.

May takot sa puso ko at malakas ang kutob ko na para bang may pina plano sya, ngunit nag daan ang mga ilang araw ay hindi na muli syang nagpa ramdam sakin.

Pagkalipas ng isang taon ay nagpasakal din kaagad kami ni Daven, tuwang tuwa ang mga magulang namin at doon ko din naging closed ang kapatid nyang si Nicole, Leigh at Veil.

Nang malaman din na magkaka anak kami ay hindi na nya ako pinag trabaho, lalo pa syang naging clingy at protective sa akin, nang malapit na rin ang kabuwanan ko ay halos hindi rin ito pumasok upang alagaan at bantayan ako.

Halos sya na ang nagluluto at naghuhugas nang pinaka inan namin. Masyado din akong emosyonal nung time na yon ngunit inintindi naman nya ako.

Minsan ay gusto kong nasa tabi ko sya at parang ayoko na mawawala sya saglit. Para akong bata at ayaw na iwan ng magulang noon

Hanggang sa dumating si Raven...

"Thank you so much, my wife." Umiiyak kaming pareho at nandito sa Hospital dahil kakapanganak ko pa lang sa unang anak naming dalawa.

"Welcome to the world, Baby Raven Alistair S. Gomez" Hinalikam ko ang anak ko sa noo habang nasa tabi ko naman ang asawa ko.