Chapter 18 - Chapter 18

Nagulat ako nang bumulong sya sa tenga ko.

"Oo." Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa tunog ay parang hindi pa ako sigurado. Narinig ko ang tawa nito bago ulit lumagok.

"He's lucky." Biglang sambit nito. Kung minsan ay nagsisigawan kami o nagbubulungan para marinig ang isa't isa.

Hindi siya swerte sa akin. Ako ang mas ma swerte sa kanya, dahil noong naghihirap ako ay nandyan siya palagi sa tabi ko. Maski minsan ay wala ako sa mood at nasisigawan ko na sya nang hindi ko namamalayan ay pilit nya pa rin akong inintindi.

Kibit balikat ko na lang syang sinagot at tiningnan ang orasan sa relo ko. "Kailangan mo nang umuwi." Hila ko sa kanya, mabuti na lamang at nagpahila.

Muntikan pa kaming matumba dahil sa bigat nya. Huminga ako nang malalim bago mag salita. "Masyado kang mabigat, try mo balansehin ang sarili mo, dahil mahihirapan tayo pareho palabas." Ako na ang nag bayad sa ininom ni Daven. Kaunting kamustahan pa kami nang kambal bago kami mauna.

Nang sa wakas na nakapasok na yung buong katawan nya sa loob nang sasakyan ay pumasok na rin ako sa drive sit. Hindi ko aakalain magiging driver pa ako sa araw na ito.

Mabilis kaming nakarating nang bahay nya at alalang alala ang katulong nila dahil malalagot daw kaila Tita.

"Maraming salamat hija."

"Walang anuman po." Nang maisara na nila ang pinto ay parang doon ko lamang naramdaman ang pagod. Inangat ko ang salamin nang kotse ko at ayos pa naman ang itsura ko.

"Hello?" Sambit ko nang tumawag na naman sya.

"Where are you?"

"I'm on my way there, kita kits." Ako na ang pumatay nang tawag at nag focus sa byahe.

Mabilis akong nakarating kahit na may traffic doon. Dumarami ang nagkaka banggaan kung kailan gabi.

"Hey-"

Nagulat na lamang ako nang bigla ako nitong yakapin at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"What happened?" Tanong ko sa kanya pero mas ikinagulat ko ang sinabi nya.

"I'm going back to U.S kinakailangan kong manatili nang dalawang taon doon. Ilang desth threats na rin ang natatanggap ni mom kaya sa madaling panahon ay kinakailangan namin bumalik upang maging ligtas kami."

Gusto kong mapaiyak dahil maski sa kanya ay mayroon din. Mag kaibigan kami pero ni minsan ay lagi naming ina update ang isa't isa kung ano ang nangyayari sa amin.

"I'm sorry." Yun lamang lumabas sa aking bibig at mas niyakap sya nang mahigpit.

"Wala kang kasalanan. Pasensya na Desiree, Alam ko naman na marami ka rin ginagawa pero mas naisingit mo pa ang oras mo sakin."

"No, that's not true. Hindi ba ang sabi mo ay kailangan ay update tayo sa isa't isa." Hinawakan ko ang magkabilang pisingi nya.

"Pero nawawalan na ako nang oras-" Itinutok ko ang daliri ko sa bibig nya upang manahimik sya.

Hindi ko malaman ang gagawin ko, mas hilig nya baliktarin ang sitwasyon. Ako yung wala nang oras sa kanya pero mas inaako nya yung kakulangan ko. Ma swerte talaga ako sa kanya pero hindi ko dapat iyon binabalewala.

"Mangangako ako na i t text kita doon at palagi akong mag u update sayo. Okay?" Tumango naman sya at ngumiti. Nakita ko na naman ang ka gwapuhan nang best friend ko.

"Mangangako rin ako na i u update din kita."