Chapter 16 - Chapter 16

Tiningnan ko muna ang mga tao sa paligid at nahagip ko sa paningin si Naiser. Napa tingin din ito sa akin at ngumiti nang mapait. Alam kong simula pa lang ay gusto na nya ang kaibigan ko. Ngunit nagparaya na lamang sya para sa ikasasaya ni Nicole.

Sumunod na ako kay Cedric at nag punta kami nang Garden upang mag usap.

"You know, I still don't want to forgive you." Napayuko ako agad nang sinimulan nyang mag salita.

"It's okay, I will understa-" Pinutol nya ang sasabihin ko.

"-I still miss my Sister. But, I don't want to be immature in front of you. So, I will forgive you." Bigla akong napa angat nang tingin sa kanya at ngingiti na sana nang may idinagdag siya.

"But don't expect me that I will love you as my sister. You're still a stranger for me." Pasiring niyang inalis ang tingin nito sa akin.

Hindi ako agad nakapag salita. Sa sinasabi nya ay napatawad na nya ako pero hindi ako mag e expect na mamahalin nya ako bilang kapatid. Mas gugustuhin ko na lang sana, na ako na lang ang anak sa labas kaysa sa kanya.

Mas mahirap sa akin na totoong anak ako pero mas mahal pa nila si Cedric. Sina Kuya Jack at Aiden ay ganun din. Hindi ko malaman kung bakit parang naiiba ako sa kanila. Nararamdaman ko ang pagmamahal sa akin nang dalawa kaysa sa magulang ko.

Aalis na sana si Cedric nang yakapin ko ito na ka agad na ikinatigil nya. "I'm sorry." Yun lamang ang aking na sabi.

"Psh. Let go." Binitawan ko naman agad siya at umalis nang hindi lumilingon sa akin.

Napa buntong hininga na lang ako nang mahagip nang tingin kong si Zaiu na palapit sa akin.

"Inaway kana naman ba nya?" Umiling ako agad.

"Nag-usap lang kami." Habang tinitingnan ang papalayong kapatid ko hanggang sa hindi ko na sya nakita.

"Anong sabi?" Napa tingin ako sa kanya. Dakilang chismoso at handang makinig sa sasabihin ko.

"Ok na kami." Pabitin ko at nagulat ako nang guluhin nito ang buhok ko na agad ko naman hinampas ang kamay nya.

"Ituloy mo." Ikinuwento ko naman sa kanya, kahit wala naman talaga kaming mahabang usapan. Mahirap paki usapan ang bunso, malakas ay topakin ito at minsan ay lalayasan ka.

"Intindihin mo na lang. Wala ka namang magagawa." Wika nya matapos ko sabihin.

"Ginagawa ko naman." Napabuntong hininga ako at tumingin sa ulap. "Kung pwede ko lang sundan si Faith, bakit hindi?"

"Hindi mo nga sya ma i track. Susundan mo pa kaya?" Nangunot ang noo nya sakin bago maupo sa gilid.

Tumingin ako sa kanya at umupo sa tabi nya. "Kung palaging ganito, mas gugustuhin ko na lang akuin ang misyon ni Faith at ako ang papalit sa pwesto nya."

Mahaba pa ang naging usapan namin bago kami pumasok sa loob. Sinukat na nila ito sa akin at medyo may kaartihan ang iba kong kaibigan dahil parang ako pa ang mag b birthday.

"Pwede kana mag bihis girl." Sambit nang bakla kaya naman nag punta na akong nang cr para mag bihis.

Tinabihan ko si Nicole nang magsimula na kaming kumain. Ako, Nicole, Irish, Krisha at Chloe. May inaasikaso si Xyria kasama si Veil. Yun lamang ang narinig ko kay Nicole, dahil dalawa ang kapatid nito na lalaki.

"Napapadalas na ring wala ang bunso namin. Ewan ko ba, pinapayagan naman namin sya kung kasama lang si Xy. Dahil alam kong hindi naman nya papabayaan si Veil." Pagdadaldal ni Nicole.

"Lagi ba silang mag kasama?" Curious na tanong ko. Uminom na muna sya nang tubig bago ako sagutin.

"Actually, ang alam ko ay hindi. Pa minsan minsan lang. Hindi ko alam kung sino ang palagi nyang kasama. Hindi familiar yung babae eh. Nakikita ko lang kapag nag o overnight si Scott doon." Nang malamang magkaka anak na sila ni Scott ay doon na muna sila nag stay. Sa susunod ay lilipat na rin siya at doon na sila mag s stay sa kanilang bahay.

Tumango tango na lamang ako nang mag kwento pa sya, at sumali na rin sina Krisha. Kaya ayon ay panay ingay lamang nila ang maririnig sa dining. Kaharap namin ang mga lalaki at katapat ko si Daven.

Napapansin ko rin na naka ilang ulit na rin ang katabi ko pero hinayaan ko na lamang dahil may binubuhay na rin sya.

"Paabot nang tubig, Krisha." Sambit ni Lexord. Oo nandito sya, minsan ko na lang din silang makitang mag kasama.

Inabot naman nito ni Krisha nang tahimik. Nagkibit bakikat na lamang ako bago ituon ang atensyon sa dalawang Kuya ko.

"Kain." Sambit ko at tumango lamang sila.

"Susunod kami." Sabi ni Jack, habang hawak ang isang kamay sa Laptop nya.

Nakita kong may binulong si Daven kay Jack at tumango ito. Nagpaalam na muna si Daven bago ako hinigit palabas.

"Tunawag si Mr. Faller" Bungad nya sa akin nang maka labas kami. Seryoso ito

"Shoot"

"Kina kailangan nyan tayong maka usap. Ngayon na."