Chapter 11 - Chapter 11

Dumating ang araw nang 'Sabado' at kaarawan nang kaibigan naming si Irish at Israel sa kanilang kasal.

"Kinakabahan ako mga sis." Sapo ang dibdib habang inaayusan siya.

"Normal lang yan, ano kaba?" Taas ang kilay na sabi ni Krisha.

"Gosh! Feeling ko ako yung nasa posisyon mo sis." Natawa naman silang tatlo sa sinabi ni Chloe.

Masaya ako sa kaibigan ko. Hindi man palaging mag kasama ay ay atleast may mga pinagsamahan kami. Tumatanda na kami at alam ko iyon. Ngunit dahil sa trabaho ay masyado akong stress at hindi na muna iniisip ang mag mahal muli.

"Good luck." Simpleng sabi ko at nginitian nang tipid sa Irish nang mag tama ang tingin namin.

Nang kami na ang na ayusan ay hindi ko napigilang tingnan ang itsura ko sa harapan nang salamin. Natural ang aking mukha at natural ang kulay abo nito. Tama nga ang sinasabi nilang tahimik ako. Natural sa akin iyon kung hindi naman ako pansinin nang mga tao o kung hindi man nila ako kinakausap ay hindi ko rin sila kakausapin. May pagka pula ang aking labi. Malinis ang aking kutis at minsan lang dapuan nang pimples sa mukha. Itim na itim ang i straight kong buhok at may pagka singkit ang aking mata.

Matapos ayusan ay nagpunta ako kay Irish upang matingnan ang damit pang kasal nito. Kulay puti ito na may halong ginto sa ibaba. Off shoulder ang gown na iyon at may bulaklak na gold sa itaas hanggang pababa nang damit nito.

Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito at sobrang laki nang pagkaka gastos. "Bagay na bagay sa'yo. Natural sa ganda mo ang pang kasal mong dress." Panimula ko na ikinalingon nya.

"Salamat, Desiree." Niyakap ako nito at niyakap ko na rin sya pabalik.

"Magiging Mrs kana." May halong lungkot ang tinig ko na iyon na ikinagulat niya.

"Aww, don't worry sis. Boto ako sa inyo ni Daven." Kinindatan ako nito at tiningnan ko naman sya nang blanko.

Natawa ito at nag peace sign. Matapos iyon ay kanya kanya kaming sakay. Hindi kami sabay sabay dahil may mga sariling sasakyan din kami. Binuksan ko na ang sasakyan ko at nagmaneho na paalis. Dahil kailangan mas mauuna kami sa bride. Maid of Honor naman si Krisha, hindi na bago iyon.

Nang makarating nang simbahan ay marami nang tao sa loob at ang iba ay nasa labas dahil kararating lang. Natanaw ko naman ang sasakyan ni Daven at saktong pag baba nito ay natanaw ako.

"Wait!" Sigaw nito nang mag tangkang lalagpasan siya. Humabol ito at sabay na kaming pumila dahil nandito na naman ang partner ko.

"Mabuti at hindi ka na-late." Bulong ko sa kanya na ikinatawa nito.

"Of course." Nagkibit balikat na lamang sya at nang nagsimula ang tugtog ay isinabit ko ang braso ko sa braso nya bago pumasok sa simbahan nang may ngiti sa labi.

Muntikan pa akong masilaw sa camera nang kami ang ma picturan. Agad din kaming nag hiwalay dahil iba ang pwesto nang babae sa lalake. Napabuntong-hininga ako nang pumasok sa isip ko ang death treat na natanggap ko last week.

Tiningnan ko ang orasan ko at pasimpleng nagmasid sa paligid. Masyadong marami ang tao at hindi ko maiwasang kabahan. Sana naman ay huwag sila o siya sumulpot. Kundi ay hindi ko na alam pa ang magagawa ko sa kaaway na iyon at kung sino ang mga nasa likod nito.