Dumating ang oras nang kainan ay wala ako sa aking upuan. Narito at nagmamasid lamang sa paligid. Nagpa utos na rin ako kung pwede palitan ang mga wine. Parehas ang tatak na iyon. Para lamang maka siguro na mas ligtas ang mga bisita.
Nakikita ko ang ibang hindi pamilyar na mukha. Tumutunog ang aking takong nang magpa hangin na muna ako sa labas. Nilagay ko nang maayos ang earpiece ko nang mag salita ang mga tauhan ko.
"Confirm Boss." Napa inom ako sa Wine na hawak ko habang naka tingin sa malayo.
"Huwag kayong aalis at sa puwesto ninyo hangga't hindi natatapos ang selebrasyon." Matapos kong sabihin nang mahina ay umalis ako sa pwesto ko at pumasok na sa loob.
"Where are you a while ago?!" Asik ni Daven nang alalayan ako sa uupuan ko.
"None of your business." Nagsimula na akong kumain dahil sa gutom. Panay ang dada nang nasa tabi ko ngunit hindi ko siya pinapansin. Nakikinig ako pero ang mga mata ko ay iginagala ko sa iba't ibang dereksyon nang lamesa.
"I'm so happy to Irish and Israel. That's my dream though. Hindi ko sila gaano nakaka usap ngunit masaya naman ako para sa kanila. Nararamdaman ko rin na mahal nila ang isa't isa." Mahabang wika nito. Nagkaroon ako nang interest dahil kaibigan at asawa nang kaibigan ko ang topic nya.
"Huwag ka nang mag alala at may darating din para sa'yo."
Hindi ko na naabutan pa ang pag ikot nang mag asawa nang magsi kainan sila habang wala ako. Gusto ko maglasing pero dahil sa lintik na misyon ay hindi ko magawa ang gusto kong gawin.
Palihim akong lumabas nang mag usap silang dalawa nang kaibigan ko. Masyadong madilim kaya naman kina kailangan ko pang mag ingat. Kakaunti lamang ang ilaw doon sa may magandang tulay at may mga isdang nagsisilanguyan sa ilalim. Masarap tumambay dahil presko ang hangin at tahimik ang lugar na iyon.
Tumingin ako sa itaas at maraming mga bituin. Maganda ang panahon at hindi naman umulan kaya maganda ang aking pag tambay dito.
Ngunit na sakto ang tingin ko sa kulay na abo ng mga mata. Kumunot ang noo ko nang maka ramdam ako nang kaba dahil doon. Naka tingin ito sa akin at nasa limang metro lamang ang layo nito. Hindi mabasa kung anong emosyon ngunit mabigat sa pakiramdam at sa biglaang pag ihip nang hangin.
Nakaramdam ako nang may papalapit sa akin at pamilyar ang presensya kaya naman nilingon ko na ito.
"Oh? Bakit nandito ka?" Tanong sa akin ni Zaiu.
"Nagpa pa hangin." Obvious na sagot ko. Gusto ko man mamilosopo ay mukhang nawalan na ako sa mood.
"Malapit na matapos ang party, tara na." Hinawakan nito ang beywang ko at inilapit sa kanya.
"Tara." Akbay ko naman dito kaya naman sabay na kaming naglakad papasok sa loob.
Mabilis natapos nang makarating sa hotel upang doon mag stay. Ilang oras pa ang byahe pabalik nang Manila. Masyado akong napagod dahil dito sa Canada ikinasal ang dalawa. Masyado rin mahal ang hotel kaya naman nag share na lang kami nitong si Xyria.
"Nakaka pagod." Ibinagsak ang kanyang sarili sa kama at tumingin sa kisame.
"Sana lahat ate ano?" Dagdag niya at tumingin sa gawi ko nang makapag bihis. "Plan ko in the future, maka hanap naman na sana nang seryoso at-"
"Matulog kana." Pagputol ko sa sasabihin nya. Hindi naman sa ayaw ko makinig. Masyado akong pagod at pangalawang rinig ko na iyang 'Dream' na iyan. Darating din naman sila diyan at huwag lang madaliin.
"Hmp! Good Nyt ate Desiree."
"Good night." Pinatay ko na ang ilaw gamit ang controller sa tablet nila bago ako nahiga sa tabi nya at natulog na rin.