"Mag punta kayo ni Daven sa abandonadong lugar at doon kayo magmasid nang hanggang ala sais." Sagot agad ni Mr. Faller nang sagutin ko ang tawag nito.
"You're crazy." Bulong ko pero hindi ko inaasahan na maririnig nya. Akala ko ay magagalit ngunit humalakhak lamang ito sa kabilang linya.
"Huwag kayong mag-alala at may magbabantay sa inyo kundi ang mga tao ko." Marami pa siyang sinasabi. Naka loud speaker ito habang nagbibihis na ako. "Delikado ang tao na iyon. Nakakakilabot ang presensiya at para kang papatayin sa tingin." Pagpapaliwanag nya.
"Alright." Pinatay ko na ang tawag at tinawagan naman si Tanda. Ang gulo naman ni Mr. Faller
"Tumawag na rin sakin si Mr Faller. Ako na ang pupunta dyan at hintayin mo na lang ako." Pinatay agad nito ang tawag ko. Ngayon lang nya ako inunahan at.parang naka baliktad ang posisyon namin.
"Saan ka pupunta?" Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Aiden.
"None of your business." Simpleng sagot ko at nilagpasan siya. Naka salubong ko pa si Cedric pero wala akong panahon ngayon para suyuin siya at humingi nang tawad sa kanya.
"Honey." Nagulat ako nang nasa likod ko na pala si Mommy. Huminga ako nang malalim bago ko siya lingunin.
"Yes Mom?" Tiningnan ko siya at handang makinig sa sasabihin nya.
"Malapit na ang birthday ni Cedric. Sana maka punta ka, kahit ngayong taon na ito." Hinawakan nito ang dalawang kamay ko. Magsasalita na sana nang malingunan ko ang nasa itaas. Ramdam ko ang pagdilim nang tingin ni Ced sa akin.
Paano pa ako makaka punta kung ipapahiya nya lang din ako? Maski sa sarili ko ay hiyang hiya na sa pinag gagawa nya. He's turning 16 in April 3.
"Pag-iisipan ko, Mom. Sorry, I have to go." Umalis na rin ako agad lalo na nang marinig ko ang busina sa labas.
Pumasok na rin agad ako sa passenger seat. "Sana naman prank lang ito ni Mr. Faller" Salita ko agad nang maka pasok sa sasakyan nya.
"Kahit ako ay gustong matawa. Alam nang delikado ang tao na iyon pero papupuntahin pa rin tayo." Natawa kaming pareho doon. Tumatanda na talaga si Mr. Faller. Minsan ay seryoso naman kaya wala kaming magawa kundi ang sumunod.
Nang maka rating ay marami ngang mga tao o tauhan si Mr. Faller. Ilang minuto na lang ay mag aala sais na. Lumang bahay at maraming alikabok. May mga dahon ba at sirang bubong. Madilim din at maraming paniki.
Ilang minuto pa ang tinagal namin ay nag uusap lamang kami ni Tanda nang kung ano anong mga bagay. Nang biglang lumakas ang hangin at rinig namin ang kaluskos sa paligid. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko sa kaba. Tila ay flash light lang ang gamit namin.
Lumapit si Tanda o Daven sa akin at hinawakan ay beywang ko nang mahigpit na para bang mawawala ako sa kanyang tabi. Humangin pa ulit nang malakas at palakas nang palakas ang kaluskos na iyon. Nagsisi kilos na rin ang mga tauhan ni Mr. Faller at nagmamasid sa paligid. Dala ang mga baril.
Bigla kong nabitawan sa cellphone ko sa kamalasan na parang may dumanggi nito at nabitawan din ako ni Daven. Biglang dumilim. Mabilis akong nag tago sa gilid at kinuha ang silencer na baril ko. Umakyat ako sa bakod nang tahimik at mabilis. Sinanay ko ang sarili sa dilim at kitang kita ko ang mabilis na anino na nag iikot sa paligid.
Biglang may humawak sa paanan ko at mabilis kong tinadyakan iyon. Nakita ko ang tali na naka sabit sa pinakamataas na abandonang bahay. Tumalon ako at binuhat ang sarili gamit ang tali sa itaas.
Tahimik akong naka apak sa rooftop na iyon. Nang magulat ay pares nang dalawang abong mata ang nasa lubong ko.
"Got you"