[ZEINDY'S POV]
Andito na ako sa airport, hinatid ako ni Daddy at Joe, umabsent pa siya sa klase, maihatid lang ako.
"Gomennasai Zein" paghingi ng tawad ni daddy sa'kin.
"no it's okay" sabi ko.
"Waaaaaahhhh nee-chan, pleaaseeee staaayy huhuhu" umiiyak talagang sabi nito.
"Ano ba Joe para kang bata" sabi ko at hinawakan ang muka nito at pinahid ang luha nito.
"I miss you already", nakanguso pang sabi nito.
"I am going to miss you too, both of you, wala akong magagawa, Zeindy-nee chan do somethhing na hindi nagustuhan ni Dylan, maybe you'll catch up, right dad" sabi ko.
"Of course honey" sabi nito.
"Waaahhhhh huhuhu" pag-iyak parin ni Joe tsaka yumakap sa'kin, nyakap ko din ito.
"Joe, mahuhuli na ako sa flight ko" sabi ko.
"Edi maganda para dito ka nalang huhuhuhu" sabi.
"Joe Let her go" sabi ni daddy, unti-unti namang kumalas si Joe, at si daddy naman ang yumakap sa'kin .
"Take care iha, I love you" sabi ni Daddy.
"I will, I love you too, I'm sorry" sabi ko, hinigpitan nito ang yakap at tsaka kumalas, at pumasok na ako sa eroplano.
*Fast forward*
Inabot ako ng madaling araw nang makarating ako dito sa Pilipinas, grabe akala ko may sasalubong sa'kin, naghintay pa ako ng matagal, eh wala naman pala, ayoko namang dumeretso dun kina lola, mainit din ang dugo ng mga yun sa'kin eh kaya heto, nandito ako sa harapan ng apartment ng kaibigan ko, kanina pa nga ako kumakatok eh.
"Tae sino naman bang dadalaw ng alas tres ng madaling araw" rinig ko pang sigaw nito mula sa loob patuloy lang ako sa pagkatok.
"Oo sandaleeeeeee" sigaw pa, dahil sa magaling din akong mang asar, katok lang ako ng katok.
"Takte may balak kang sirain ang pinto ko--------- waaaaahh Yassumi" sabi nito nang mabuksan niya ang pinto tsaka ako niyakap.
"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka? at dito talaga sa apartment ko??" tanong niya.
"Papapasukin mo ba ako o hindi?" tanong ko.
"Ah hahaha sige pasok pasok" sabi nito at tinulungan akong ipasok ang 'mga' gamit ko.
"Oh napauwi ka?" tanong nito.
"Wala trip ko lang" sabi ko naman.
"Tsk, yung totoo" sabi .
"He!! pagod na ako uii" saad ko.
"Tsk ayaw lang magkuwento eh" sabi pa.
"Bakit di ka dun sa bahay niyo umuwi?" tanong pa nito at inabutan ako ng tubig at tinanggap ko naman.
"Ayoko dun" yun nalang ang naisagot ko.
"Oh sige na, mapahinga ka na dun sa kwarto, gamit mo mo muna yung pagibabang kama ako na sa taas" sabi niya, double deck kasi yung kama.
"Salamat" yun nalang ang nasabi ko tsaka na ako dumerestdo doon sa sinasabi niya, di na ako nag abalang magpalit, tinanggal ko nalang ang sapatos ko at tsaka natulog nakakapagod.
*KINABUKASAN*
Nagsing ako alas dies na ng umaga at wala na si Yla dito sa kwarto, lumabas ako ng kwarto at pumunta sa dirty kitchen at nakita ko ang sulat dun ni Yla at ang nakalagay 'bruha may pagkain diyan sa ref, kain ka ha? feel free, balik ako later after class ingat' at dahil sa gutom na rin ako ay kumain na ako nang kung ano ang makakain sa ref, pagkatapos nun ay kinalkal ko ang sipilyo sa bagahe ko at tsaka nagsipilyo at naligo narin makaipas ang ilang minuto na nandito ako ay nakakaboring na ako, wala akong magawa kaya naman ay lumabas muna ako dala ang pera na naipalit ko na sa peso.
*phone rings*
"Konnichiwa?" bati ko.
"Waaahhhh nee chan, I miss you" sabi sa kabilang linya, napangiti naman ako at parang naiiyak.
"Hello Joe, I miss you too" sabi ko.
"Nakarating ka na?" he ask.
"Hai!" sagot ko naman.
"sad to here that waaaahh balik ka na huhuhu" naiimagine ko pa na nag tatauntrums na to hahaha.
"Kung pwede lang Joe" sagot ko, parang bata naman itong nagmamaktol.
"Pupuntahan mo naman ako dibha?" tanong ko.
"Hai! nee chan" sabi nito.
"Wala kang klase?" tanong ko.
"I excuse to go out"
"cellphones are not allowed dibha?? paano ka nakatawag? di ka ba kinapkapan?" tanong ko.
"I put it in my underwear" sabi.
"Loko ka talaga, sige na, I miss you" sabi ko.
"I miss you so much nee chan, sore dewa, I'll call again later or tommorrow" sabi.
"Hai!" sagot ko, at pinatay na nito ang tawag, napatingin pa ako sa screen at bumuntong hininga, muli akong naglakad, ewan ko kung saan ako pupunta, wala lang gusto ko lang maglakad lakad muling nagring ang cellphone ko.
"Konnichiwa?" pagsagot ko.
*translation: hello*
"Zein, may nilagay akong papel sa casing ng cellphone, puntahan mo ang address na yun" sabi ni daddy.
"Why?" tanong ko naman.
"You'll see, yun lang ang maitutulong ko sayo iha" sabi.
"Ryokai desu!"
*translation:okay*
tsaka na nito pinatay ang tawag, agad kong tinanggal ang casing ng cellphone ko at talaga ngang may papel dun, binasa ko ang address.
"Santiago City" pagbasa ko pa sa nakalagay na ilan sa sulat nito, agad akong hinintuhan ng Van na may nakalagay na Santiago sa harapan nito.
"Kuya, alam niyo po ba ang adress na ito?" tanong ko at pinakita yung address.
"Oo, sakto pa-Santiago to, sakay na" sabi pa kaya naman pumasok na ako makaraan ang ilang minuto ay nandito na ako sa Santiago na sinasabi at may mga tricycle na nakaparada sa naghintuan, nagsibaba ang mga pasahero kaya bumaba ako, at nagbayad.
"Saan ka po ma'am?" tanong ng tricycle driver.
"Ahh kuya, saan po toh?" sabi ko at pinakita ang sulat.
"Ahh may kalayuan konti dito, halika at ihatid kita dun" sabi nito.
"magkano ho ba?" tanong ko naman.
"kung hanggang dun sa sinasabi mong address singkwenta iha" nag isip pa muna ako at inaalala kung ano yung singkwenta.
Ahh 50
"Sige po" sabi ko.
At ayun sumakay na hanggang sa hinatid nga niya ako at totoo ngang may kalayuan iyon, imbes na singkwenta lang ang ibigay ko ay ibinigay ko na yung isang daan.
Natunton ko ang isang bahay na simple, may second floor naman ito, maluwang na bakuran at malinis na kapaligiran tinawagan ko si daddy sa messenger.
"Nandito na ako" sabi ko pa.
"Kung may nakita kang lalaking, may edad na diyan, sabihin mong 'anak ako ni Yzan Nixon' kung nandyan" sabi.
"Okay" sabi ko kusa nang ibinaba ni daddy yung tawag at saktong may nakita akong lalaking, nakasumbrero at may edad na nga "hello, excuse me po" pag-agaw pansin ko, sakto namang lumingon at lumapit.
"Ano iyon iha?" he ask.
"Ito ho ba ang address na ito?" sabi ko at ipinakita ang papel.
"Oo ito nga, anong maipaglilingkod ko?" tanong niya.
"Ahh pinapunta ho ako dito nung daddy ko, si Yzan Nixon, anak po niya ako" sabi ko.
"ahh ikaw ba iyon, heto susi ng bahay at sasakyan, ibinilin sa'kin ng daddy mo na kapag pumunta ka dito ay ibigay ko sa'yo ito, ang sabi ay dito ka daw maninirahan, kung may kailangan ka ay, tumawag ka lang, heto ang numero ko, mag ingat ka" sabi nito at ibinigay ang piraso ng papel na may nakasulat na numero at ang susi ng bahay daw at sasakyan, tsaka ito umalis.
Sumakay sa single motor, pinatunog ang busina tsaka umarangkada na, sinundan ko pa ito ng tingin bago ko hinarap ang bahay binuksan ko ang munting gate nito at pumasok doon.
Binuksan ang pinto, maayos naman, hindi man ganun kalakihan ay sakto lang naman at may dalawang kwarto ito sa taas, munting living room at ang kusina.
"Okay naman toh" nasabi ko.
Agad din akong lumabas at pumunta ako ng garahe at nakita ko doon ang isang kotse na kulay gray, at halatang bago at ang bisekleta sa gilid at ang mga gear.
Agad pumasok sa isip ko na isama ko na si Yla dito, agad kong sinakyan ang kotse at inilabas iyon at minaneho pabalik ng apartment.
Agad kong isinakay ang mga gamit ko sa compartment sa kotse, buti at nagkasya dun lahat, at tsaka ko sinimulang ilagay sa bagahe ang mga gamit ni Yla, lahat ng alam kong magagamit niya ay inilagay ko sa bagahe.
Dalawang bagahe ang nagamit sa damitan nito at isa sa mga sapatos at sandals, at bag pack sa mga kung ano ano pang gamit niya.
Inabot ako ng ilang oras sa pag aayos ng gamit nito nang matapos ako ay, nagpahinga muna ako sa divan nito dahil sa pagod at hinintay siyang makauwi lumipas ang isang oras at alas sais na at nandyan na ang Yla.
"May kotse sa labas, kanino yun?" she ask, di ako sumagot, tinatamad ako magsalita eh, umirap naman ito at pumasok sa kwarto niya.
"Waaaahh nas'an ang mga gamit? niloob ba tayo?" tanong nito at nagpapanic, umiling lang ako at hinila na siya palabas.
"Yass huhuhu yung mga gamit ko huhuhu" sabi pero di ko ito pinansin.
"Get in" sabi ko.
"Yass naman" sabi pa nito habang yakap ang mga gamit niya galing school.
"Just get in the car" sabi ko, tinignan niya ang kotse at tinignan ako.
"That's mine, sige na" sabi ko, sumimangot pa siya bago sumunod tsaka ako umikot at pumunta sa driver seat.
"Waaah gamit ko yan ha" sabi nito nang makita niya ang mga gamit niya sa back seat, tumango lang ako pero tanong parin ng tanong habang bumabiyahe kami, wala naman akong imik at hinahayaan nalang itong magsalita at sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ko.
"Nasaan tayo?" she ask.
"Kunin mo na ang gamit mo at ipasok mo sa loob" sabi ko.
"Luhhh Yass" sabi.
"Just do what I said" sabi ko.
"Yass kanino ba ito, bakit tayo nandito?welcome ba ako? baka hindi"
"Sa 'kin yan Yla, dinala kita dito para may kasama ako at mas maayos to at mas maluwang kesa sa apartment mo" sabi ko nagulat naman ito, di ko na pinansin pa at kinuha ko nalang ang mga gamit ko sa compartment ng kotse tsaka ito ipinasok sa loob, agad ding sumunod si Yla.
"Wow simple lang pero maganda ha" sabi dala ang gamit, pabalik balik ako sa kotse para isa isang kunin ang gamit ko at ipasok sa bahay.
"Sa kaliwa ang kwarto mo, sa kanan ako" sabi ko.
"Wahhh sige sige" sabi at binuhat ang gamit papunta sa kwartong sinabi ko, ganun din naman ako, akyat baba ang ginawa ko dahil sa dami ng gamit ko at talagang iningatan ko ang isa dahil nandun ang mga art materials ko at pang huli ang gitara ko nakita ko ang aparador doon na wala namang laman, agad kong isinalansan ang mga gamit ko at isinaayos ang mga iba pang gamit sa study table, side table at iba pa, at pabagsak na humiga sa kama dahil sa pagod.
Sampung minuto na ganun at nang okay na ay pumasok ako sa banyo dito sa kwartong ito at naligo, tsaka nagpalit pagkatapos at bumaba.
Sakto namang nag-aahin si Yla sa mesa ng maabutan ko ito dito sa kusina.
"Maraming stocks dito, naggrocery ka?" she ask.
"No" sabi ko.
"Eh? sure ka ba na sayo 'to?" tanong niya.
"Oo, itinawag sa'kin ni daddy" tsaka ko kwinento yung usapan namin kanina ni daddy hanggang dun sa matanda.
"Ahhh, naks kabait ng pudrabels ah" sabi at umupo na sa harapan ko, nagsimulang sumandok ng kakainin at ganun din ako, tsaka nagsimulang kumain.
"So mag-aaral ka dito?" tanong niya, nagulat naman ako at natigilan, busy naman toh sa kinakain niya,bakit di ko naisip yun?
Wala naman silang sinabi na mag aaral pa ako e, basta pinabalik lang, allowance nga lang binigay, wala na akong natanggap na kahit na ano pa, aish bakit nawala sa isip ko ang mag-aral?, napailing ako.
"Huy" sabi nito, napatingin ako sa kanya.
"saan ka ba nag aaral?" tanong ko nalang.
"Sa NIC, Nizjizono Intern. College" sagot niya.
"Senior ka palang dibha?" I ask .
"Yup, sa school na yun may Senior kasi kaya ayun, eh colloge na din naman na dapat yun eh" sabi tumango naman ako.
"Pwede pa mag enroll?" tanong ko.
"Oo naman, kailan lang naman nung nagsimula ang klase, ika 2 weeks palang ngayon" sabi nito.
"Yung forms ko nasa Japan" sabi ko.
"Sila na bahalang mag email sa dean niyo" sabi nito.
"Sige" sagot ko.
"Kailan ka magpapaenroll?"
"Bukas at sa lunes nalang ako papasok" sabi ko naman.
"Ah sige sige" sabi naman niya tsaka na kami kumain ulit.
"buti nga pala sinama mo ako dito?" sabi nito.
"Ayaw mo ba? pwede kang bumalik sa apartment mo"
"Tsk, nagtatanong lang eh" sabi nito, ngumisi naman ako.
"Nandito na tayo Yla, manahimik ka nalang " sabi ko at tinapos na ang pagkain, tinulungan ko naman itong mag urung ng plato.
"Padadalhan ka ba, para diyan sa pag aaral mo?" sabi nito, nagkibit balikat naman ako kung maaari sana ay ayaw kong iasa sa kanila eh, bahala na.
Agad na namin tinapos yung ginagawa tsaka na nagsara ng pinto, patay ng ilaw at umakyat na sa taas, buti nalang at kumpleto lahat dito sa bahay na ito kahit napakasimple nito agad akong pumasok sa kwarto ko at hinarap ang laptop, wala lang gusto ko lang,tsaka ko din pinatay dahil wala naman akong magawa, nagsipilyo na at pinatay ilaw tsaka natulog.
~to be continued ~
Wattpad: @Andy_Cate03
𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐀𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭: 𝐀𝐧𝐝𝐲 Cate WP
Instagram: andy_cate03
Twitter: @RiemaWP