Chapter 10 - CHAPTER 8

[FINNDAYLE'S POV]

"Bakante natin, bakit may professor?" pabulong na tanong ni Ruru, sinagot naman ng kibit balikat ni Wim.

"Good morning" ani ng propesor, bumati din kami pabalik kahit may mga pagtataka sa mata ng mga ilan naming kaklase.

"Every 2 lines per row will be your group" sabi ng guro kaya naman napaangat ako ng tingin dahil ang linya namin at ang linya nina Tom ang huling dalawa sa row na ito.

"Open your book page 105 and do your task, may emergency meeting ang mga professor until lunch kaya yan ang gawin niyo, Mina" pagtawag niya sa apelido ng Presidente namin sa Klase.

"Yes Prof." sabi nito at alertong tumayo.

"Look after them and collect their papers before lunch" sabi ni Prof.

"Yes Prof." sagot nito, tinanguan naman siya ng guro 'tsaka na ito nagpaalam sa 'min.

"Nice mahabaang pahinga to mamaya kung natapos natin agad" nasabi ni Ruru at 'tsaka pumihit paharap sa likuran namin, kasunod ni Wim, wala akong nagawa kaya pabalibag kong iniharap ang upuan ko sa kanila na ngayon ay magkaharap kami ni Tom sa iisang mesa at yun ay ang mesa niya.

Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa libro at binubuklat at marahang binabasa, nababadtrip ako.

"Huwag mo akong tignan, baka masunog ako, sa talim ba naman ng tingin mo baka mag-alab ako" sabi nito nang hindi nakatingin sa 'kin, nagulat naman ako ng bahagya at suminghal bago bumaling sa libro ko, nagbasa kami then ng bigay ng ideas, nakakahanga ang pagbibigay ng ideya ni Xandra at mas nakakahanga na nang si Tom ang nagbigay ng ideya pero hindi kayang tanggapin ng utak ko na humahanga ako sa kanya.

"jeohaji onayo" bulalas ko.

*translation: I don't like it*

"Wakarimasen" ani ni Tom na talagang nakakunot pa.

*translation: I don't understand*

"Mworago haesseoyo?" kunot noo ko ding tanong.

*translation: What did you say?*

Napalingon si Tom kay Xandra ng may nagtatanong na tingin.

"He says that he don't like your idea, and asking you what did you say awhile ago" sabi ni Xandra, so naiintindihan niya ang korean, at ako naman ang lumingon kay Riufei.

"Di ka daw niya maintindihan" sabi naman ito.

"Stupid! How can you understand each other if your using different languages? 'nak ng puta!" inis na singhal ni Wim.

Napasinghal ako at napatitig naman si Tom kay Wim at si Wim naman ay mabilis na nagbaba ng tingin.

"Pasensya" paghingi ng dispensa ni Tom na siyang kinagulat ni Wim at mabilis na nag-angat ng tingin, ngumiti ito ng mahinhin at tinanguan siya ni Tom, nangunot ang noo ko dahil sa napapansin ko.

"Ehem anyway, maganda naman yung idea ni Zein so ganito why don't we put our ideas together?" tanong ni Ruru at sumang ayon naman lahat.

"Okay then, give it all to me at ako na bahalang magsummarize ng sagot natin" sabi ni Tom.

Hindi naman siya nagmamayabang pero ganun ang dating sa 'kin, hindi nalang ako kumibo at ibinigay nalang yung idea ko, pinanood namin siyang basahin isa isa ang mga idea namin at nagsulat, habang nagsusulat ito ay nagbabasa kami sa libro, matapos ang ilang minuto ay inilahad niya sa 'min ang bond paper na hawak niya, kinuha naman ni Ruru at tabi tabi kaming tatlo na nagbasa nun.

Ayokong aminin, pero nagawa niyang isaayos ng mabuti at malinis ang mga sagot namin, magaling siya pero hindi sapat ang mga 'to para hangaan ko siya, tch!

"Magaling hahaha kalinis, Meira" tawag ni Ruru sa Presidente ng klase, nag-angat naman ito ng tingin para tignan si Ruru.

"We're done" sabi ni Ruru at winagayway ang papel.

"Sige akin na" sabi ni Meira, agad namang tumayo si Ruru at ibinigay ang papel na agad namang isinilid ni Meira.

"Are we allowed to go out now?" tanong ni Tom.

"Hindi pa" pasinghal kong sagot.

"Well I don't care, I'm hungry" sabi nito at mabilis na tumayo.

Nagtanong pa hindi din pala susunod.

"Sesanghe!" narinig kong bulalas ni Xandra at siya namang bilis na lumabas ng pinto.

"Woi hintay!" sigaw ni Xandra, at pinanood nalang namin itong tumakbo palabas.

[ZEINDY'S POV]

"Hoy!" huminto ako at bahagyang lumingon kay Yla na sumunod sa 'kin.

"Oh sumunod ka?" tanong ko.

"Alangang iwan mo 'ko? baka magsigawan kami ni Riufei do'n" sabi nito.

"Wala ka man lang kaibigan dito?" I ask.

"Uhm wala, no one approach" sabi nito at tumawa pero seryoso siya, naglakad na ako at sumabay naman siya.

"Eh bakit hindi ikaw ang um-approach?" tanong ko habang nasa daan ang tingin.

"Uhm there's no one caught my interest to approach them" nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Paanong interest?" tanong ko.

"Basta" sabi niya.

"Paano ka magkakainteres kung hindi mo kikilanin tsk" asik ko.

"Eh ikaw ba sa japan, meron?" She ask.

"Only Zeinjoe and Yakiro" pagpapatungkol ko sa kapatid at uncle ko.

"See? Tapos tatanungin mo 'ko? Ikaw lang kasi sapat na" sabi nito at kumindat pa, tinignan ko siya ng may pandidiri kunware pero tumawa lang siya.

"Iba yung kaso nung sa 'kin at sayo Yla alam mo yan, hindi ako pwedeng magkaroon ng maraming kaibigan" sabi ko at pinapatungkol sa kanya kung anong buhay meron ako.

"I can't still understand that damn ass---" bago pa niya nasabi ay, mabilis kong pinitik ang parteng sa ibaba ng tenga niya, dahilan para matigilan siya at napahawak dun.

"Sorry" paghingi nito ng dispensa pero ngumiti ako.

"Tandaan mo ang sinumpaan mo sa 'kin Yla, hindi mo pwedeng banggitin yun ng walang pahintulot, and keep your mouth shut" I said and make sure that I didn't scare her.

"I understand I'm sorry" sabi niya.

"Tara na" sabi ko naman at nagtuloy na kami sa paglalakad.

"But anyway simula nung lumipat ako dito, maliban sa nag-iisa ako at masasamang tingin nila ay nabubully ako hahaha, kesyo daw hindi ako rich kid, I commute para lang makapunta sa school na 'to, what a stupid creatures right? What an immature minds, If they just know who really am, they will kneel and bow down in embarassment" mayabang na sabi niya, napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Pero siyempre lalo na ikaw" sabi nito pero pasiring ko siyang iniwasan.

"My family, not me" pagtatama ko.

"Yeah, yeah what ever" sabi nito na iwinawagayway pa ang kamay at nagpaumunang naglakad.

Pero nang a mapantayan ko ulit siya paglalakad sakto sa bukana ng canteen ay nagsalita siyang muli.

"Pero ang kikitid lang kasi ng mga utak nila porket nagcocommute ako kung makapanghusga" akala ko wala na kami sa topic na yun tch.

"Not anymore, because you have my car" ani ko.

"Ayos lang ba talaga sayo na ginagamit ko yun?" she asked.

"Hindi ko yun ipapagamit kung ayoko Yla, common sense pakihalungkat" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya at dere deretso sa counter para umorder.

Narinig ko ang matunog na pagsinghal ni Yla, sa loob loob ko ay napangisi na lamang ako, matapos ibigay nung nagtitinda nung order ko ay itinuro na si Yla ang magbabayad, pinanlakihan niya ako ng mata pero wala na siyang nagawa ng lagpasan ko siya at naghanap ng mauupan. Maya maya lang ay dumating na si Yla at dala ang pagkain niya.

"Utang yan ah" sabi niya.

"Okay" sagot ko.

"Bayaran mo" sabi niya.

"Oh sige, kailan ang bayad mo?" gulat at nagtataka naman siyang tumingin sa 'kin ng may nagtatanong na tingin.

"Nakatira ka sa pamamahay ko Yla, bayad?" sabi ko.

"Alam mo yung joke?" pagbawi niya, ngumisi naman ako sa kanya at kumain na lamang.

Maya maya ay nakarinig ako ng mahinang tilian at bulungan, hindi ko naiintindihan dahil sabay sabay silang tumitili lalo na ang ma kababaihan at binabaehan, napalingon ako sa gawi kung saan sila nakatingin at ayun sila nakatingin sa may entrance, at nakita ko yung tatlo, si Wilhelm, Riufei at Finndayle. HIndi ganun kalakas ang mga tilian gaya ng sa mga nababasa niyo pero makikita sa mga ito ang paghanga sa tatlo, na pilit tinatago ang kilig nang makita nila ang tatlo, hindi ko na ito pinansin pa at nagtuloy sa pagkain kahit patuloy parin ang impit na tilian at mga bulungan.

"'Nga pala 'musta trabaho mo?" bigla niyang tanong, nangunot ang noo ko.

"Ayos lang naman" sagot ko, anong trip niya? Alam naman niya ang lagay ng trabaho ko, tch.

Humupa ang mga tilian kani-kanina lang at muli na namang nagkaroon ng mahinang tilian. Kung may mga junior student lang ay malamang sa malamang malakas na tiliian to.

"Si Kiro shet" rinig ko sa babaeng nasa malapit namin, di ko pinansin at nagtuloy lang sa pagkain, nag-angat ako ng tingin nang makita ko si Yla na kakaway kaway na parang tanga.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang ngumunguya sa burger ko, but she didn't bother to speak.

"Konnichiwa Yla, Konnichiwa Yassumi, Ohayo" sabi nito kaya mabilis akong napalingon at tumayo.

*translation: Hello, Morning*

"Konnichiwa Yakiro-nii chan" sabi ko at bahagya pang yumuko at nag-angat din, ang impit na tilian ay nagkaroon ng bulung bulungan.

"So totoo palang nandito ka, why you didn't bother to call me" sabi niya, hindi naman ako kumibo.

"Have a sit, nagulat nalang ako ng banggitin ni Dhea ang pangalan mo, at first hindi muna ako kinutuban na ikaw yun, but into my surprise, totoo nga" natatawa niyang sabi.

"Saan ka tumutuloy?" he ask, sinabi ko naman kung saang parte ng Santiago yun.

"Si daddy ang nagsabi na doon ako tumuloy" sabi ko naman.

"Bakit hindi ka magpakita kina mommy?" He ask.

"Baka atakihin lang sa puso sina lola kung magpapakita ako dun" sabi ko sa kanya.

"Wala kang balak ipaalam sa kanila na nandito ka?" He asked, umiling naman ako.

"I don't care anyway" sabi ko at muling kumain.

"Si Dylan ba ang nagpadala sa 'yo dito?" tanong niya.

"mm!" sagot ko.

Meet Yakiro Dawin Nixon my uncle, yes he is my uncle, kapatid siya ng daddy ko pero isang taon lang gap namin, but I call him kuya.

"Bakit daw?"

"I don't want to talk about it" sabi ko.

Natahimik naman siya "okay then, samahan niyo akong bumili" sabi niya at hinila kami ni Yla.

"Grabe naman to makahila, kay Yass okay pa, lalaki yan eh" sabi nito at sininghalan ko naman.

"Kaya ba ang naririnig ko ay magshota kayo ha?" sabi ni Kiro.

"Wahahahahaha takteng chismis" naibulong ni Yla.

"Aww holding hands shit!"

"Huwag kang maissue 'di ba nga magjowa sila nung dancer na yun"

"Ehh" Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin yung narinig ko, nababanas ako.

Agad namang umorder si Kiro at tinulungan na lamang namin siyang magbitbit at nakisalo sa binili niya.

Hanggang dito sa kinauupuan namin ay naririnig ang bulungan at halatang sinasadya nilang lakasan kaya naman napapabuntong hininga.

"Hey pips na chismosa, gusto niyo malaman kung ano ang meron sa dalawang 'to?" turo niya sa 'min, hindi man sumagot ang mga 'to ay halata sa kanila na interesado sila at halos tutok ang lahat, sa lakas ba naman ng boses ni Yla at nag-echo sa loob ng canteen.

"Contracted Married" sabi nito na kinagulat ng lahat, tumingin naman ako kay Yla ng walang ekspresyon sa muka at bumuntong hininga.

"Isang malutong na pakyu sa kasinungalingan mo Yla" bulong ko pero tumawa lang siya.

"Ano nga ba't naririnig kong magshota daw kayo?" tanong ni Yakiro.

"Wala naman kaming sinasabi ah" sabi nama ni Yla.

"And how come that there is a humor betwen the two of you?" sabia niya.

"Aba malay ko sa mga chismosa" sinadya niyang nilakasan ang boses niya.

"Ayusin mo nga kasi 'yang kinikilos mo Yassumi, napagkakamalan kang tomboy eh" pangangaral ni Yakiro.

"Ano bang mali sa kinikilos ko ha? Ang OA niyo magdescribe eh, paanong tomboy eh mahaba naman ang buhok ko ah, normal naman sa akala ko ah" pasinghal kong sagot.

"Normal? Ganyan ba ang normal ha? Yung kung maglakad akala mo naghahamon? Ganun? Yung kung umasta ay dinaig pa si Manny Pacquiao ah" sabi ni Yla, pairap naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Ayaw lang sa pambabaeng suot, tomboy agad" bulong ko ng may kalakasan konti.

"Eh tomboy ka nga kasi" sabi naman ni Kiro.

"What the hell!" inis kong singhal, at sabay silang natawa ni Yla, nakakapikon.

"Nagkakagusto ka sa girl?"

"No"

"Boy?"

"No" sabi ko.

"Have you fall inlove?" singit ni Kiro.

"Shut up!" sabi ko at masamang tuminin kay Kiro at lalo silang natawa.

"Chill hahaha" sabi nito at nakasuko pa ang dalawang kamay.

"Sorry na" sabi nito and pinch my nose, pairap akong umiwas at pinalobo ang pisngi ko para pigilan ang inis.

"You're cute" saad nito pero hindi ko pinansin.

"Asows kung kay Yakiro pikon pero sa clasroom lakas mang-aasar. wala ka pala dito sa tito mo eh" sabi nito na kami lang ang nakakarinig.

"Shut up" maarteng saad ko.

"Jusko, bakit kasi di ka nalang magpakababae?" nang-aasar parin ang tinig ni Yla.

"Ano ba! Paulit ulit ka ah" inis kong baling.

"Ang sungit mo, nireregla ka ba?" sigaw niya.

"Just shut up!" sigaw ko din pero umirap lang siya at namake face pa, tumawa naman si Yakiro.

"Anyway, hindi ako pwedeng magtagal, 15 minutes lang break ko, unlike you na 30 minutes" sabi ni Kiro at tumayo 'tsaka pinatong ang kamay sa ulo ko at yumuko hanggang sa magkapantay ang muka namin, kinunutan ko siya ng noo.

"Sabay tayo maglunch, wait me okay?" aniya at todo todo ang ngiti at ngumisi pagkatapos marinig ang mga bulungan at tinignan niya lang ang mga ito sa sulok ng mata niya.

"Oh em ji! This can't be!"

"Grabe naman"

"Ibang klase"

Mga bulungan na lumakas tsk. tinabig ko naman ang kamay niya na nasa ulo ko.

"Aray!" Singhal ko ng pingutin niya ang ilong ko, badtrip.

"Tsk napakasungit kasi!" kunwaring inis na sabi nito at umalis, napasinghal nalanga ako.

"Kung hindi mo lang tito yun,iisipin kong magjowa kayo or 'di kaya ay may gusto sayo" sabi nito pero suminghal lang ako.

Naroon parin ang mga bulung-bulungan, napabuntong hininga ako at inaya na si Yla na pumunta ng Classroom.

𝐅𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰 Andy_Cate03 on watty

𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐀𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭: 𝐀𝐧𝐝𝐲 Cate WP

𝐈𝐧𝐬𝐭𝐚𝐠𝐫𝐚𝐦: 𝐚𝐧𝐝𝐲_𝐜𝐚𝐭𝐞𝟎𝟑

𝐓𝐰𝐢𝐭𝐭𝐞𝐫: andycatezero3