[ZEINDY'S POV]
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga dahil nga magpapa-enroll ako ngayon, agad nadin akong naligo at maghanda tsaka na ako dumeretso sa baba at nagtungo sa kusina, nakita ko na si Yla na naghahanda ng breakfast, nakaligo na ito at bihis na bihis nadin suot ang kanyang uniporme.
Ako'y napakunot ng noo dahil sa sobrang iksi ng skirt niya.
"Oh nandyan ka na pala, halika na kakain na tayo" sabi niya.
"Anong muka yan?" tanong pa niya at nakaturo ang kutsara sa 'kin, dahil siguro sa pagkakunot ng noo ko.
"Bakit napaka-iksi naman atah ng skirt mo?" sabi ko dito, pero tumawa siya.
"Natotomboy ka na naman hahaha halika na nga" biro nito.
"Huwag ka nga, gan'to din naman sa inyo ah" sabi niya.
"Oo pero hindi ganyan na para kang makiki Ballet" sabi nito.
"Ang oa mo magdescribe,bwisit ka! hindi naman ganun kaiksi, sinasabi mo lang yan kasi yung sa inyo ay hindi palobo tsk" singhal pa niya.
"tsk halika nalang ditong tomboy ka!" sabi nito.
"Hindi ako tomboy!" singhal ko.
"Ah oo nga pala lalaki ka" sabi nito.
"Ayoko lang sa pan'lalaki, masama?" sabi ko naman.
Umilingiling nalang ako at tsaka humarap sa hapag tsaka narin ako kumain,tahimik akong kumain samantalang panay naman ang kwento ni Yla at hindi ko rin naiintindihan.
Maya maya pa ay may biglang tumawag sa cellphone niya kaya naman dali dali niyang sinagot.
"Ma?" batid kong si mama nga niya ang tumawag.
"Immakar nakun"
*translation: Lumipat na ako*
"Idtuy Santiago"
*translation:dito sa Santiago*
"Wen, apay kadi ma?"
*translation: Oo, bakit ma?*
"Sige ma, sige" sabi nito at tsaka na ibinaba ang tawag.
Hindi ko naintindihan ang sinabi nito dahil sa ginamit niyang dialect, half ilokana kasi siya, hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy sa pagkain.
"Si tumawag, bakit daw wala ako dun sa apartment" sabi nito, at tango lang ang isinagot ko.
Nang matapos kaming kumain ay sabay na kaming sumakay sa kotse ko at pumunta ng school na pinapasukan niya at nang makarating kami doon aysinabi sa 'kin ni Yla kung saan ang Dean's Office.
"Yun lang, halos katabi lang ng building namin, sige maiwan na kita dito" sabi niya, isang tango lang ulit ang iginawad ko sa kanya 'tsaka na ito kumaway paalis.
Agad ko namang pinuntahan ang opisina ng Dean, pinagbuksan ako ng pinto ng sekretarya niya at sinabi ko naman kung ano ang pakay ko.
"At narinig ko po Dean na may ino-offer na scholarship, handa po akong magtake ng exam for that po" sabi ko kay Dean Yuri Phoelisha Nizjizono.
"I'm sorry Ms. Nixon pero kumpleto na ang nakuhang scholar" sabi nito na ikanlumo ko pero hindi naman ako nagpahalata.
"Ganun po ba Dean, may I know kung magkano po ang Tuition? " tanong ko.
"Kulang na tatlong daang libo iha, kasama na dun ang miscellaneous fee at mga gamit na ibibigay sayo, books, and your school supplies,at lahat ng kakailanganing gamit dito sa school, every subject and every semester,school ang magproprovide ng lahat ng iyon, maliban nalang sa uniform and card mo sa canteen para hindi mo na kailangang ilabas ang pera mo just to buy foods you want" sabi niya.
Para akong pinompyang dahil sa narinig ko, kayang kaya namang bayaran yan ng pamilya ko kahit doble pero kung ako lang ay napakaimposimbleng magagawan ko ng paraan ang 300,000 na yan at mahigit kasama ang uniporme at card na sinasabi ni Dean.
Napalunok ako.
"Wow" namamangha pa akong sinabi yun dahil sa sobrang mahal.
"Kung gusto mo namang mabawasan ang babayaran mo, you can join in the clubs you want, kung sasali ka sa isang club, 100,000 ang maibabawas if dalawang club, 150,000 ang matatanggal, pero kung tatlong club naman, 50,000 nalang ang babayaran mo pero kung pinagsabay mo ang isang club at isang sport club 190,000 nalang ang babayaran mo" dagdag ni Dean.
Nag-isip pa ako bago ako mag-angat ng tingin kay Dean.
"Sige Dean, tutuloy po ako" sabi ko.
"So malinaw ang usapan, puntahan mo ang Twiniards Mall, up in the second floor hanapin mo ang botique for uniforms, magpasukat ka dun, alam mo ba kung saan yun?" She ask.
"Yes Dean" sagot ko kahit hindi
"Sige, sabi mo sa monday ka magsisimula dito, dumeretso ka ulit sa office ko para malaman mo kung saang room ka, maliwanag Ms. Nixon?" sabi ni Dean.
"Yes Dean" sabi ko naman. Tumango naman ito tsaka ngumiti, tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Thank you" pormal kong saad at bahagya pang yumuko.
"You're welcome" pormal pa nitong saad.
Lumabas na ako ng room na yun 'tsaka dumeretso na sa parking lot, tinunton ang Twiniards Mall na sinasabi ni Dean Nizjizono, nagtanong tanong ako kung saan yun, kaya agad ko din naman itong natunton, pumasok at umakyat sa floor na sinasabi ni Dean.
Natatawa ako kasi kakaiba ang mall na ito, botique for uniforms? yeah yeah ngayon ko lang yun narinig sa lahat ng malls, eh kung meron mang ganun talaga I'm sorry naman, ignorante ako.
Agad ko namang nahanap ang sinasabing botique haha, at talaga ngang uniforms lang ang nandun, from girls uniform to males uniform, may pares ng sapatos nilapitan ko ang medyas at talaga namang may tatak pa ng school ng NIC, dalawang klase lang ng uniform ang nandito, yung uniporme ng NIC at nang makita ko yung isa ay U University, anong klaseng school 'yon? Weird talaga.
[A/N: Kung naaalala niyo sa She's Mine, Mine Alone yung U University, doon ko po kinuha yun, even the name of the Dean, which is the daughter of Dwayne and Phoebe, kung nawiweirdohan kayo kung bakit po Twiniards, may kambal po kasi si Phoelisha na si Phoelix na sila ang nagmamay-ari ng mall, kaya Twiniards, kung pangit man, wapakels haha, kung naguguluhan kayo, basahin ang She's mine, mine alone hahahaha]
"Ohw, hi, hello, what kenaydu poryuu" biglang sulpot ng isang bakla habang may nakasabit sa leeg nitong pangsukat.
"Papasukat o bibili?" tanong niya.
"Mas mahal ba kapag pasukat?" I ask.
"naku bakla, same praayyyzzzz lang, reking reki naman ng pocket" sabi niya.
"magkano ba?" I ask
"1,500 yung pang-itaas lang----"
"Ha!?" gulat kong tanong.
"aish sandalee kasi baklush, patapusin mo akesh! kagigil ka ihh" sabi nito.
"1,700 yung pang itaas, 600 yung skirt, so bale 2,300 noh, kung kukuha ka pa ng P.E uniform mo 3,000 lahat, yun ay kung isang pares lang ang kukunin mo, pero kung tig dalawang pares ng type A uniform mo at type B ang kukunin mo 4,000 nalang siya, nakaless ka pa dibha? eh kung dalawang pares din ng P.E uniform ang kukunin mo, 1,400 yun" hindi ko siya naiintindihan, punyeta.
"Kung hindi mo gets ganito kung tig-dalawang pares ng type A and B uniform ang kukunin mo, imbes na 5,300 ang babayaran, 4,000 nalang and kung dalawang pares ng P.E din is 1,200 yun kung pagsasabayin mong kukunin yung all set na yun 5,000 nalang, malaki ang nabawas dibha? imbes na 6,300 ang babayaran mo, nailess na yung 1,300 kaya 5,000 nalang, may shoes and socks na siya, 1 pair of black shoes, white rubber, and a set of sock" sabi nito at dun lang ako nalinawan.
Sulit naman pala kasi nandun na lahat, masasabi kong mura na yun.
"So ano?" He ask.
Nabubwisit ako sa paraang ng pananalita niya, hilain ko kaya ang dila nito, nakakaasar.
"Papasukat" yun nalang ang nasabi ko.
"Okray, ge'rin, ge'rin" anak ng! ano daw?
"Bakla, sabi ko get in" natatawa niyang sabi, hindi ko nalang pinansin at pumasok nalang.
Sana kanina pa niya ako pinapasok para sa loob namin pinag-usapan yun tsk. Sinimulan na niyang sukatin ako hanggang sa matapos.
"So iha 2 gives lang toh, tatapusin ko hanggang sa susunod na sabado, I need down payment kung hindi ngayon ay maari bang sa miyerkules?" sabi nito.
"Sige" sabi ko naman.
"Salamat bakla" ikaw ang bakla, bwisit ka.
Matipid nalang akong ngumiti 'tsaka na nilisan ang botique na iyon, siguro ay maghahanap nalang ako ng bag, sabi namang school ang magproprovide ng school supplies maliban sa bag so bibili na din ako dito.
Nang makabili ako ay agad na rin akong pumunta sa parking lot at nagmaneho.
"Saan kaya ako kukuha ng perang gagamitin ko?" bulong ko sa sarili ko at malas na bumuntong hininga hanggang sa may isang shop akong nakita, isa iyong bakery shop na may naka post na.
"Wanted Baker"
Agad akong bumaba at pumunta dun.
"Hi" bati ko sa babaeng nag-aayos ng mga bakery.
"ahh hello" sabi nito.
"ahm, nakita ko po na naghahanap kayo ng baker?" sabi ko
"ahh yes, masiyadong malaki ang shop at dagsaan, nahihirapan ako, mag-isa ko kasi eh" sabi nito.
"Pwede po ba ako mag-apply?" sabi ko, nakita ko kung paano lumiwanag ang muka niya.
"Sandali lang ha" sabi nito at tumakbo sa isang maliit na opisina, at may lumabas na babaeng hindi naman katandaan, mukang freshly graduate ganun.
"Ah hi, I heard na mag-aapply ka daw?" sabi nito "Opo sana" sabi ko.
"Tara sa loob" sabi nito at umupo kami sa couch doon.
"Bakit gusto mong mag-apply?" sabi niya.
"Kailangan ko po, for my studies" sabi ko.
"Ah magwoworking student ka? Okay so paano ka tutulong sa bakery kung nasa school ka?" she ask.
"Pwede po bang bibili muna ako ng lulutuin ko and early in the morning ipapadala ko po dito, at babalik ako ng hapon at ganun po ulit" sabi ko, napangiti naman siya.
"Sige, I'm Ely" sabi nito.
"Zein po ma'am" sabi ko.
"Erase the ma'am call me Ate Ely" sabi at nilahad ang kamay nito, tinanggap ko naman.
"When will you start?" she ask
"Bukas na bukas po, since sa monday pa naman ako papasok, magtatarabaho muna ako dito bukas 'til saturday and sunday noon" sabi ko. Muli siyang ngumiti "okay you're hired" sabi niya at inabot ang cellphone nito.
"Give me your phone number" sabi, ngumiti naman ako tsaka ko ibinigay sa kanya. Nagkakuwentuhan pa kami bago ako dumeretso ng bahay, kinuha ang pera ko ang bumalik sa Twiniards Mall at binigay yung Down payment ko.
"2,000 muna, okay lang ba?" I ask.
"Sure thing, basta next time buo na" sabi nito at ngumiti, tumango naman ako tsaka nagpaalam na.
Umuwi ako ulit sa bahay at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayon haist. Nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Konnichiwa" pagbati ko sa tumawag.
"Nee chan" nangibabaw ang tinig ni Joe mula sa kabilang linya.
"Joe" sai ko at napangiti ako, nag-usap pa kami ng 30 minutes bago kami magpaalaman. Inihiga ko ang sarili ko sa couch at nagcellphone muna, I open my data and biglang nagchat si Yla.
"Yasss Pasundo" sabi sa chat niya, nagreact nalang ako ng like sa sinabi niya, in-off ang data ko tsaka ko muling nilabas ang kotse sa garahe at bumalik ng school.
Ilang minuto pa akong naghintay sa labas ng school hanggang sa nandyan na nga si Yla.
"Tara, salamat sa pagsundo ha" sabi niya, tago lang ulit ang sinagot ko tsaka na kami umuwi.
Agad na akong umakyat nang kwarto nang makauwi kami, grabe pagod na pagod ako, agad narin akong naligo, pinatuyo ang buhok at natulog, hindi na ako nag-abalang kumain pa, gusto ko nalang talagang matulog.
[FINNDAYLE'S POV]
"Napansin mo rin yun?" tanong ni Ruru.
"Oo pumasok sa Principals Office" sabi ni Wim, nag-uusap lang naman sila at wala akong ideya kung ano ang pina-uusapan nila, wala din anaman akong pakealam eh.
"Type mo?" natatawang sabi ni Ruru.
"Ha!? gago, tomboy na tomboy ang dating ulul!" sabi ni Wim sa kanya.
"Hahahaha bakit naninigaw ka? Ahyyyy Defeeeeensive, baka naman--------" sinadya nitong bitinin ang sasabihin, kahit nakatalikod ako sa kanila ay alam kong nakangisi ito at nag-aasar ang tingin.
"Ano ba Ruru, badtrip ka naman eh" sabi ni Wim kay Ruru.
"Anong! Hoy! napaghahalataan ka ah hahahaha" sabi ulit ni Ruru.
"Ewan ko sayo Ruru! ang lakas ng topak mo!" sabi ni Wim 'tsaka tumabi sa 'kin.
"Oh tahimik ka na naman?" tanong niya sa 'kin.
"Bading ka ba?" tanong ko, kunwari seryoso.
"ANO!?" sigaw nito.
"Ang sabi ko, bading ka ba?" natatawa ko ng tanong dahil sa paglaki ng butas ng ilong nito hahaha.
"Anak! hanep, inulit pa" sabi niya at halatang inis na inis.
"Eh ba't naiinis ka?" natatawa kong sabi.
"Sinabihan mo 'ko ng bading" sabi niya.
"Ulul tinatanong ko lang kung kung bading ka wala akong sinabing bading ka" sabi ko, inis naman siyang tumingin sa 'kin.
"HINDI!" sigaw niya sakin Si Ruru nama'y tatawa tawang nagpapalipat ang tingin sa 'min ni Wim na ngayo'y nasa upuan na rin.
"Pagkatapos ni Ruru ako naman----aray" sabi ko nang batukan niya ako.
"Kung ano ano naiisip niyo! Wala namang kwenta!" nanggigigil talagang sabi nito, kaya natawa kami, gustong gusto kong nakikitang nanggigil si Wim, hindi sa nababakla ako pero kasi ang cute lang niya, nakakatawa, again don't get e wrong.
"Bilis mag-init ang ulo ah, baka pati sa baba, check ko nga" sabi pa ni Ruru at umastang hahawakan ang zipper ni Wim pero pinalo niya ng unan si Ruru, tawang tawa namang umilag si Ruru, tsaka tumatawa paring kinuha ang cellphone niya at tinignan.
"May home emergency dre, uwi na muna ako" sabi nito kaya tinanguan ko naman.
"Balitaan mo nalang ako ha" sabi nito. Kahit huwag na" nakangisi kong sabi.
"Seiku Suru!" sabi nito, yun na naman tsk! ano kaya yun.
"Sige ayan ka na naman sa paseiku-seiku mo, gusto mo seikuhin kita?!" kunwaring inis na sinabi ko.
"Kadiri ka" sabi nito bago tuluyang makalabas ng bahay.
"Go home! Now!" napalingon ako kay Wim na ngayo'y kausap ang ina sa cellphone, natatawa naman aong tumingin, iiling iling naman ito.
"M-mom naman" sabi ni Wim.
"I need you here, umuwi ka na" naging mas mahinahon na ito kesa kanina.
"Opo" sabi nito at pinatay ang tawag.
"Loud speaker pa nga" natatawa kong sabi, napakamot naman ito.
"Sige Dayle, uwi na ako haist" sabi nito at tinapik pa ako.
"Kanina pa sana" sabi ko dito
"Gago ka talaga bwisit!" sabi nito at tsaka tuluyan ng umalis, natatawa naman akong pinagmasdan ito na naglalakad palabas ng bahay ko. Hanggang sa makaalis na nga ay nanatili akong nakatingin sa pintong iyon na parang nakikita ko parin si Wim.
Yung ngiti ko kanina ay agad namang napalitan. tsaka ako napabuntong hininga, kinuha ang cellphone ko at tinignan ang cellphone ko at nakatingin sa litrato nito.
"Ang daya mo, nakaka inis ka" mahinang usal ko at parang tangang kinakausap ang litrato niya.
"Bakit niloko mo ako? Di naman ako nagkulang 'di ba? Pero bakit kahit gaano kasakit ang iniwan mo ay hindi ko parin magawang magalit sayo, mainis sayo o kamunghian ka, iniisip ko palang na magagalit ako sayo, nasasaktan na ako ng sobra"
"Ikaw parin hanggang ngayon eh hindi ko alam pero mas lumalala ang sakit nito, hindi man lang kita maalis dito, kahit ano pang gawin ko ay ikaw parin ang hinahanap ko. Ilang taon na ang nakalipas pero heto, ikaw parin talaga " nasabi ko, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Masakit! Napakasakit eh, kailan ba ako makakawala sa 'yo o aka pwedeng bumalik ka nalang pakiusap, pero imposible na ata dahil alam kong masaya ka na, .
Naabuntong hininga ako at bagsak ang dalawang balikat kong umakyat sa kwarto, naligo at nahiga sa kama pilit inaalala ang mga masasayng pinagsamahan namin pero sa huli ay maaalala ko kung paano niya ako niloko.
'Hinding hinding hindi ko iiwan ang isang Finndayle Callix Beniamino'
Yan ang sabi niya hinding hindi ko makakalimutan, pero nabura nun nang sabihin ko.
'Tama na, pagod na ako, ayoko na sayo, may bago na'
Mariin kong naipikit ang mata ko at tumulo ang namuong luha, pilit inalis sa isip at pilit nang natulog.
𝐅𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰 Andy_Cate03 on wattpad
𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐀𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭: 𝐀𝐧𝐝𝐲 Cate WP