[ZEINDY'S POV]
Nagising ako sa ring ng cellphone ko, inabot ko sa side table ko at tinanggal ang charger then press the button without looking at the caller.
"Konnichiwa?" pagbati ko sa sarili naming lenggwahe.
"Neeeeeeee-chaaaaannn" masiglang ani ni Joe mula sa kabilang linya, napangiti naman ako.
"Ohayo gozaimasu Joe" pagbati ko.
"Ohayo, I miss you" sabi nito.
"I miss you too" ani ko.
"How are you?" I ask.
"I'm fine, nee chan, how about you?" He ask.
"Shrimasen" sabi ko naman.
*translation: I don't know*
"Ah why?" mababakas ang pag-aalala sa tinig nito.
"I miss you" sabi ko ulit, totoong miss ko na siya, narinig ko naman itong suminghot singhot.
"Hey" sabi ko sa paraang sinasabi ko na huwag itong umiyak.
"I really miss you so bad" sabi nito at narinig ko na ang paghikbi nito.
Yes that's Zeinjoe, kalalaking tao, but he's too honest about what he feel. Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak.
"Zeinjoe listen to me, naririnig mo parin naman ako tama? Makikita mo pa ako, so don't cry, hindi pa ako patay!" sabi ko.
"What the hell you're talking about! You are not going to die!" sigaw niya.
"Of course I am not, wala naman akong sinabi 'di ba?" sabi ko.
"Oo nga" sabi nito sa kabilang linya.
"So stop crying! Para kang bading" sabi ko.
"I am just honest!" sabi.
"hai! hai!" inaantok pa kunwaring pagsang-ayon ko.
*translation:yeah,yeah*
"Anyway, there's something I need to do, sore dewa, ohayo" sabi ko.
*translation: goodbye(short term), morning*
"Hai!" nasabi nalang nito bago ko patayin ang tawag.
*translation:okay*
Agad akong tumayo at patalon pang bumaba ng kama at tumakbo sa banyo at humarap sa salamin.
"Good morning Zein" bati ko sa sarili ko at tinapik tapik pa ang muka ko para tuluyang magising, ginugol ko ag labing limang minuto para sa pagligo at pagkatapos ay nagpalit na ako, jeans and shirt tapos rubber lang.
"This is it!" nasabi ko. Patakbo akong bumaba,dala ang bag ko na binili ko nung nakaraan pa na wala pang kalaman laman, kundi yung badpaper lang na pinagsulatan ko nung nagreview ako, at nakita ko si Yla na naghahanda ng makakain.
"Ang aga mo naman ata ngayon?" she ask, dahil bihis na bihis na ako, samantalang siya ay naka pantulog pa.
"Uhm oo, baka mahuli ako" sabi ko.
"Loka mag-aalas-singko palang" tinitigan ko siya ng matagal habang iniisip kung ano na naman yung alas-singko.
'Tsaka ako ngumiti nang maalala ko na 5 o'clock pala yun.
"Sige na, kumain ka na diyan" sabi nito at iniwan na ako at 'tsaka na pumunta sa taas. Agad naman na akong kumain at umakyat saglit sa kwarto para muling magsipilyo at patakbo ulit na pumunta sa baba at sumigaw na mauuna na ako.
Agad naman akong nagtungo sa garahe at nakita ko ang bike doon, magara at ang cool tignan, napangiti ako ng malapad agad ko namang kinuha ito at sinuot ang gear 'tsaka na ako pumedal paalis at sinadya ko itong bilisan na parang nakikipagkarera dahil sa maaga pa, walang gaanong sasakyan dito sa kalsada kaya naman maluwang ang daang tinatahak ko hanggang sa makarating ako sa shop ni ate Ely na kasalukuyang nagdidilig ng halaman sa harap ng shop.
"Morning ate Ely, magsisismula na ako mamaya" sabi ko.
"Oh hi, ikaw pala yan, nasanay akong nakakotse ka, bakit bike nalang ngayon?" she ask.
"I let my friend to use it for a while I just found it so cool in riding this bicycle" I said.
"Oo nga eh, ang astig mo diyan, pero salamat sa araw araw na pagdalaw kahit mamaya pa ang trabaho mo" sabi nito, ngumiti naman ako 'tsaka nagpaalam na.
Mabilis ulit akong pumedal papunta sa school at nang makarating ako ay agad ko na itong ipinark sa parkingan ng bike na wala namang nagpapark dahil puro de kotse naman ang mga ito at motor, kaya ako lang ang nakaparada dito.
Napatingin ako sa oras ng cellphone ko at napangiti ako dahil 5:20 palang nakita ko nama ang isang staff na isa-isang nagbubukas ng mga rooms kaya naman agad kong tinungo ang Art room at maswerte akong nakabukas na ito, agad naman akong pumasok at tinignan isa isa ang mga gamit.
[FINNDAYLE'S POV]
*VROOOOOOOMMMM*
Mabilis kong ipinarada ang motor ko sa harap ng bike, hey what? Bike? Kailan pa nagkaroon ng bike dito?, umiling iling nalang ako dahil dun at tinanggal ang helmet ko.
"Shet ang angas ng dating" bungad ni Ruru na batid kong kararating lang.
"Bagong paint ang motor ah, astig, madamot nga lang yang motor mo, isa lang ang kayang iangkas" dagdag nito.
"Nagsabi bang mag-aangkas ako?" taong ko naman.
"Akala ko hindi mo na gagamitin yan" sabi ni Wim, ngumisi naman ako.
"Well masisira to sa garahe ko kung hindi ko gagamitin" sabi ko naman.
Maya maya pa ay sabay sabay kaming napalingon sa bagong dating na kotse at ipinark nito malapit sa kotse nina Wim at Ruru at lumabas doon si Xandra na napatingin lang sa 'min.
"Oh Xandra, Saan yung boyfriend, girlfriend mo or whatever?" tanong ni Ruru na hindi namin inaasahan.
"Huh?" maang na tanong nito.
"Si Zein" sabi ni Ruru.
"Nauna na kanina, bakit?" tanong naman ni Yla.
"Hindi ba dapat sabay kayo?" tanong muli ni Ruru, nagpapalipat lipat lang ang tingin namin ni Wim sa kanya at kay Xandra.
"Sorry Riufei pero anong pakealam mo?" malumanay na tanong ni Xandra at pinarating na hindi naman niya padarag na sinabi at minabuti niya sa magalang na paraan ito sabihin na siya paring ikinagulat namin. Napahiya namang nanahimik si Ruru.
"Excuse me" sabi nito 'tsaka na kami dinaanan. Kakamot kamot naman sa ulo si Ruru na lumingon kay Xandra.
"Pangit din pala tabas ng dila nun" nasabi ni Ruru.
"Gago, tama naman kasi siya, why do you care on asking why they're not together eh?" pagsang-ayon ni Wim kay Xandra, iiling iling namang nagyaya ito na pumasok na kami.
Hindi naman namin gaanong nakakasalamuha si Xandra, last year lang din namin ito nakilala dahil bagong lipat siya I mean lahat naman kaming naggrade 11 dito sa NIC ay bagong lipat last year pero lahat kami ay galing sa U University na pinamumunuan ng kambal ni Dean Phoelisha at si Xandra ay bago para sa 'min.
Wala kaming nakikita na nakakasama nito at madalas ding ibully pero hindi naman nagpapatalo, she is the type of person who is not friendly or loner kumbaga, pero hahanga ka naman sa angking talino niya, dahil sa 'min sa klase ay siya ang nangunguna.
Nang makarating kami sa room ay agad na akong dumeretso sa upuan ko at naupo.
"Akala ko ba nauna na si Zein dito? Bakit mag-isa ka parin?" Tanong ni Ruru na siyang kinalingon ko, nakita ko naman ang pang-angat ng tingin ni Xandra at tinklop ang librong binabasa niya.
"Gaya ng sabi ko kanina, anong pake mo?" nakangiti pa nitong tanong at pinamalumanay na tono.
"Nagtatanong lang naman, bawal ba?" tanong ni Ruru.
"Hindi nga, pero ano nga bang paealam mo?" sabi nitong ni Xandra na pilit pinapakalma ang sarili niya.
"Paulit ulit ka naman eh, puro ka nalang anong pakealam ko ang sinasabi eh" inis na sabi ni Ruru.
"Eh ang kulit mo eh" inis na talagang sabi ni Xandra, hinayaan ko nalang sila at tinalikuran sila.
"Napakasimple lang naman nung tanong ko eh" sabi parin ni Ruru .
"Eh ano naman?" halos magsigawan na sila kaya naman napapalingon nalang ang iba.
"Tsk pwede namang sumagot ka nalang ng maayos 'di ba?" tanong na naman ni Ruru.
"Eh ano ba kasing pake mo? Ha? Kapag sinabi ko ba ? May mapapala ba ako? Eh sa hindi nga kami sabay ni Yass at hindi ko alam" inis na inis na sabi ni Xandra.
"Tch ang ingay niyo, uso mahiya" napaangat ako ng tingin dahil sa nagsalita abd speaking of witch here she is.
"Oh! Ayan na si Yass, yung Zein na hinahanap mo, okay ka na?" sabi ni Xandra habang nakaturo sa pinto kung saan nakatayo si Tom.
Naglakad naman ito palapit, ewan ko pero naramdaman ko ang automatikong pagsalubong ng kilay ko.
"Bakit?" malumanay na tanong niya kay Xandra.
"Ewan ko dito, hinahanap ka eh" pairap na sabi nito at dinuro si Ruru.
"Tinanong ko lang namn kung bakit hindi kayo sabay hinahanap na agad?" pagdipensa ni Ruru, ano bang pinupunto ng gagong to?
"Tsk yun na din yun" singhal ni Xandra.
"Yla, uso manahimik" sabi ni Tom.
"Eh badtrip--" hindi niya natapos ang sinabi niya dahil sa mabilis na pagsasalita ni Ruru, tagalog naman ang sinabi nito pero wala talaga akong nainitindihan dahil sa bilis ng pananalita nito.
"Seiku! Mou ikkai itte morae masu ka, ou sukoshi yukkuri hanashite kure masu ka?" sabi ni Tom at hindi ko naintindihan dahil alam kong japanese yun.
*translation:Fuck! Can you repeat, can you talk a bit more slowly?*
"Gome" sabi ni Ruru at bahagya pang yumuko.
*translation: sorry*
Tumango naman itong si Tom at sinenyasan si Xandra na maupo na 'tsaka na ito umupo sa tabi niya. Umayos na din ako ng upo at itinuon sa harap ang paningin.
"Ah Yass, may tanong ako" paulong na sabi ni Xandra pero narinig ko. Hindi ko narinig na tumugon si Tom.
"Ano yung seiku?" tanong nito, tanong ko din yun sa isip ko, pero hindi na ako nag-abalang tanungin kay ruru yun dahil lagi niyang sinasabi sa 'kin yun.
"Expression lang yun, kung dito yun 'Fuck' ang ibig sabihin, seiku suru naman kung 'fuck you" sabi ni Tom, agad nangunot ang noo ko at bumaling kay Ruru na nakangisi.
"Aray!" asik ni Ruru matapos ko siyang batukan.
"Yun pala ang ibig sabihin ng seiku seiku na sinasabi mo! ibalibag kita gusto mo?" sabi ko, bigla naman itong tumawa habang hawak hawak ang batok nitong binatukan ko.
"Hindi ka naman nagtatanong eh hahaha" sabi ito, hindi ko na pinansin pa, dahil dumating na ang Prof. para sa first period. Nagdiscuss lang si Prof at sinabing may quiz daw kami sa friday hanggang sa matapos ang period na iyon at bakante na namin, hindi ko alam kung bakit bigla akong napalingon sa likuran ko and I saw her looking at me, nangunot ang noo ko.
"Ano na naman?" asik ko, pero hindi siya kumibo at nanatili lang na nakatingin sa 'kin.
"Anong tinitingin tingin mo?" inis kong tanong sa kanya.
"Sino bang lumingon?" she said boredly.
[ZEINDY'S POV]
Sinasapian ba to? Lilingon tapos tatanungin ako kung bakit ako nakatingin.
"Eh bakit kasi nakatingin ka?" tanong niya na may bahid ng inis.
"Tsk, nasa likod mo ako, malamang makikita kita tch" sabi ko.
"Huwag ka kasing tumingin!" sigaw nito, may mga bulung-bulongan na kaming naririnig pero hindi ko naman naiintindihan.
"Pwede namang huwag sumigaw" kalmado kong sabi.
"Hoy ikaw!" turo niya sa 'kin.
"Ano?" Nanghahamong tanong ko dito .
"Huwag mo akong tignan!" sigaw niya ulit, nangunot ang noo ko, anong problema nito?
"Sino bang nakaharap dito ha?" sabi ko sa kanya, dahil siya naman 'tong nakaharap tapos sasabihin niyang huwag ko siyang tignan eh siya yung lumingon at tumingin sa 'kin, anong kaabnormalan ang ginagawa nito.
"Eh bakit ba? Eh sa trip ko nga" parang batang nanghahamong sabi niya.
"Hanep na trip, lilingon lingon dito tapos magagalit kung bakit nakatingin sa kanya, tsck Ding okay ka lang?" tanong ko dito na may bahid ng pagkasarkastimo.
"Hoy Tom! tigil tigilan mo 'ko sa kadiding mo ha, ulitin mo pa sige" sabi ito at namewang na para bang nagbabanta.
"Ding" pang-aasar ko.
"Isa!" gitil niya.
"Ding" saad kong muli at bahagya ng nakangisi.
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko Tom" giit nito.
"Ding, Ding, Ding" Tatlong beses kong inulit dahilan para magwala siya, nagpigil naman ako ng tawa dahil maging ang mga kaibigan nito ay hindi rin maipinta ang muka sa sobrang pagkakagulat sa inaasta ng kaibgan.
"Pft, yan oh dingding" I said while pointing the wall.
"Punyemes ka! Panira ka!" sigaw niya sa 'kin.
"Ang labo mo ah, lilingon lingon ka sa 'kin tapos magkakaganyan ka?!" kunwaring inis na sabi ko.
"Bakit ikaw ba ang nilingon ko ha?! Assuming ka!" sabi nito na ikiangisi ko lalo.
"Ahh kaya pala sa 'kin nakatingin" pang-aasar ko pa lalo. Namula siya sa galit.
"Dayle, enough" pag-awat ni Wilhelm.
"Badtrip to eh" turo pa niya sa 'kin at deretsong nakatingin sa mga mata ko, nakipagtitigan ako sa kanya, at nakaramdam ako ng panlulumo, hindi ko pinakita yun kundi itinago ko iyon sa nararamdaman ko.
Nawala ang mga ngisi ko sa labi at nagseryoso, nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nakita ko sa mga mata niya, salubong at kilay nito at galit na galit ang muka pero ang mata nito ay nangungusap at sinasabing malungkot at nasasaktan siya, ramdam na ramdam ko yun sa kanya at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdamn ng awa.
"Sa susunod huwag ka ng lumingo para hindi ka nababadtrip" sabi ko sa paraang pinakaseryoso.
"Eh bakit ba! Eh sa trip kong lumingon! Sino ka para utusan ako?" pagmamatigas parin niya, hindi na ako tumingin pa sa kanya.
"Takteng trip yan, walang kwenta" bulong ko nalang sa sarili ko.
"Kailan ba nagkaroon ng kwenta ang trip" asik nito, maybe he heard what I've said awhile ago.
"Maraming iba't ibang uri ng trip Ding, huwag engot" sabi ko nang hindi tumitingi at nilalaro ang ballpen ko.
"Ako pa ang engot?! Sapakin kita gusto mo?" sabi nito at batid kong asar na asar na siya.
"Sinong tangang may gustong masapak? Ikaw gusto mo?" pagbabalik ko ng tanong, sasagot pa sana ito pero may guro ng pumasok kaya naman padabog na itong umupo sa kinauupuan niya, tinigan pa siya ng mga kaibigan niya ng may makahulugang tingin pero inirapan lang niya ang mga ito, nagkatinginan si Wilhelm at Riufei at parehong napailing.