Chapter 6 - CHAPTER 4

ZEINDY'S POV]

Mabilis lumipas ang araw at nandito ako sa shop na inapplyan ko.

"Oh iha, hindi ba't may trabaho ka? Mamayang hapon ka nalang magtrabaho" nag-aalalang sabi ni Ate Ely.

"Ah ano ho, sumaglit lang para sa iuuwi kong gagawing tinapay, kumpleto naman po ako ng gamit sa bahay" sabi ko.

"Oh gan'to nalang, bigyan kita ng tatlong libo at ikaw na ang bahalang mamili, may tiwala naman ako sa 'yo eh" sabi nito.

"Kung ganun ate, daanan ko nalang 'tong pera mamaya" sabi ko, ngumiti naman ito.

"Sige, sige" sabi niya.

"Sige ate, paalam" sabi ko.

"Ingat" sabi nito at kumaway, kumaway din ako, ilang araw palang naman kaming magkakasama nina ate Ely pero talaga namang close na kaming lahat, hindi nila ako itinuturing na iba.

Pumunta na ako sa sasakyan ko, kung saan naghihintay si Yla.

"An' tagal mo naman, ilang minuto nalang ay time na" sabi nito.

"Edi sana nauna ka ng maglakad at hihintuan nalang kita kung saan kita madadatnan" sabi ko sa kanya.

"Ayan ka na anaman eh" sabi nito na parang bata.

"Ano?" parang inis kunwaring sabi ko sa kanya.

"Wala hmp! Tomboy!" di ko nalang siya pinansin at nagmaneho na papuntang NIC, pagka-parada ko ng sasakyan ay bumaba na ako, at gaya ng sabi sa'kin ni Dean Phoelisha ay dumeretso muna ako ng Office niya ngayon, kaya naman agad akong nagtungo doon.

"Hi Dean" sabi ko nang makapasok ako.

"There you are, this is U Professor Lincoln Mandrozo, your adviser, so Mr. Mandrozo, ikaw na ang bahala sa kanya" sabi ni Dean.

"Sure ma'am" sabi ni Mr. Mandrozo.

"So iha, may club ka na bang gustong salihan?" She ask.

"Soccer and Art Club po dean" Sagot ko.

"Ohw soccer, who's incharge in soccer?" tanong niya sa Secretary niya.

"Professor Junny Felina Dean" sabi ng secretary. "And in Art Club, Proffessor Kenthian Yoen" dagdag nito.

"Kindly approach or talk to them later" baling niya sa 'kin.

"Yes Dean" sagot ko.

"And sabi mo ay sa Japan ka nag-aral for grade 11, prinocess na ng secretary ko and meron na ngayon dito" wow ang bilis.

"Arigatou Gozaimasu I mean thank you po" sabi ko, ngumiti naman ito bago ipagpatuloy ang sasabihin.

"Meron kang kailangang habuling subjects ng grade 11, hindi mo kasi napag-aralan yun sa Japan, dalawa lang naman, ayos lang ba?"

napalunok na naman ako.

"Y-yes dean" sabi ko.

"So thank you, you may now proceed to your room" sabi ni Dean at bahagya pang tinanguan si Prof. Mandrozo.

"Let's go?" sabi ni Prof. Mandrozo.

Kaya lumabas na kami ng opisina ni Dean at umalkyat sa isa sa mga building na hindi naman kalayuan sa office ni Dean, umakyat kami sa hagdan, hanggang marating namin ang 4th floor at tumigil kami sa isa sa mga room at pumasok, iinulsa ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko, oo nakapantalon ako ngayon at nakaplain t-shirt na kulay gray at pinaresan ng puting sapatos, baduy ba? oo alam ko, trip ko eh.

"Okay Attention Everyone" Ma-awtoridad na saad ni Professor, at nanahimik naman ang lahat.

"So may transferee tayo, so iha may you introduce yourself?" sabi ni Prof.

"Zeindy Yassumi Nixon,Zein for short, 18" sabi ko at 'tsaka pilit na ngumiti, nakita ko pang kakaway-kaway si Yla sa likod at kapansin pansin ang tatlong lalaki sa unahan niya, na yung dalawa ay nakatingin sa'kin at yung isa ay wala namang pakealam.

"Okay Ms. Nixon, hanap ka nalang ng bakanteng upuan diyan" sabi ni Prof. kaya naman agad akong nagtungo kung saan nakaupo si Yla.

"Sayang"

"Siga eh"

"Tomboy atah"

"Baka boyish lang"

"Tsk hindi yan, tomboy yan" Mga bulungang hindi ko nalang pinansin pa, hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kinauupuan ni Yla at umupo sa tabi niya, napakalapad ng ngiti.

"Tss" singhal ko.

"Sungit" sabi nito nang biglang lumingon yung dalawang lalaking nasa unahan nnamin

"Hai I'm Riufei Okita" sabi nito at tinanguan ko naman bago nagsalita

"Zein" sabi ko.

"Wilhelm Cuevas" sabi nung katabi, matagal pa kaming nagkatitigan na parang nag-uusap sa pamamagitan ng mata bago ako tumango.

"Heto kaibigan namin, si Finndayle Callix Beniamino" pagpapakilala niya sa kaibigan niyang wala namang pakealam, tinanguan ko nalang ang mga ito at hindi na nagpakita ng interes.

"X-Xandra? Boyfriend mo?" nahihiyang tanong ni Riufei kay Yla habang nakaturo sa 'kin,narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Yla.

"Ano sa tingin mo?" Tanong naman nitong Yla, di ko nalang sila pinansin.

"Parang eh" sagot nito.

"Eh di oo" sagot nito, siraulo talaga kahit kailan, napasinghal nalang ako sa isip ko, dahil sa kalokohan ni Yla, di ko nalang ito pinansin tsaka na ako bumaling sa nagtuturo sa harap.

"We will having a quiz on friday na dapat ngayon sana, but we have a transferie kaya imomove muna natin. So Ms. Eigen, lend her your notes nalang okay?" sabi ng Guro.

Wala pa akong gamit, hindi ko pa nakuha, hindi ko alam kung kailan ko ito makukuha pero bahala na.

"Kilala mo ba si Proffessor Yoen at Felina?" I ask.

"Yes, why?" She ask.

"Samahan mo 'ko mamaya, I need to talk to them" sabi ko.

"Sige" sabi niya at tumutok na sa harap para makinig.

"Ano nga pala oras ng breaktime niyo?" muli kong tanong.

"9:30" sagot nito at hindi na nag-abalng lumingon pa. Lumipas naman ang oras at natapos ang dalawang period ay break time na kaya naman ay agad akong nagpasama kay Yla kung saan ang opisina ni Proffessor Junny Felina at maswerte naman akong naabutan ko siya doon.

"Good morning" sabi ko at 'tsaka ako yumuko bilang pagglang.

"Good morning too" sabi nito at ngumiti.

"What can I do for you iha?" He ask.

"I want to join in Soccer Club Proffessor" sagot ko at 'tsaka kami nag-usap, pinauna ko na si Yla at tinanong nalang kung saan ang opisina ni Proffessor Kenthian Yoen.

"Ah so, you are the newbie, I see, so ikaw pala yung sasali, sakto, I have only 10 players ng Soccer sa girls kaya naman hindi sila nakasali sa tournament last year kasi kulang sila, ipapatawag nalang kita para makilala mo ang iba pang miyembro ng Soccer Team iha" sabi nito.

"Salamat po Prof." sabi ko.

"Thank you din at walang anuman" sabi nito muli akong nagpasalamat at yumuko bilang pagbibigay galang.

Pagkatapos ay dumeretso naman ako sa opisina ni Proffessor Kenthian Yoen na may kalayuan sa building namin, agad ko ding sinabi ang pakay ko nang mag-usap na kami.

Matapos kong makipag-usap sa dalawang Propesor ay agad na akong dumeretso sa Canteen nila, namangha naman ako sa lawak ng Canteen, mailwas at talaga namang nakaka-engganyo ang manatili at kumain dito, dahil maliban sa malinis ito at hindi rin nagiging siksikan sa dami ng estudyante dahil sa bawat corner nito ay counter ng pagbibilhan.

Agad namang nahagip ng mata ko si Yla na kakaway-kaway sa table niya, agad ko naman na itong nilapita at nakisalo na sa minemeryenda niya.

"Kumusta naman usapan niyo nina Prof Yoen at Prof Felina?" She ask.

"Okay lang naman" sagot ko at sumubo, lumunok siya.

"Para saan ba?" She ask again.

"Sasali ako sa Soccer Club at Art Club para mabawasan yung babayaran ko kahit papaano, hindi mo naman nasabi na sobrang nakakabutas ng bulsa ang Tuition Fee dito" sabi ko at muling kumagat sa burger.

"Alam ko namang kaya mong bayaran eh hahaha" natatawa niyang sabi.

"Anong Club mo dito?" tanong ko.

"Dance Troupe" sabi niya habang ngumunguya, tumango tango naman ako.

"Baka gusto mo ding sumali sa Dance Troupe? May Geek Club pa dito" sabi nito.

"Anong akala mo sa 'kin? Wonder woman na kayang pagsabayin ang apat na club?" Sarkastiko kong tanong.

"Pero Girl kung sinalihan mo yun lahat wala ka ng babayaran" sabi nito.

"Total naman marunong ka sumayaw, marunong ka kumanta, at tumugtog ng instrumento, bakit di mo subukan?" sabi nito, patuloy lang ako sa pagkain.

"Sayang talent mo eh" sabi pa nito, lumunok ako bago ako sumagot.

"Gaya ng sabi mo, marunong ako, 'marunong' lang, hindi ako magaling, baka mapahiya lang ako dun" sabi ko naman sa kanya.

"Bakit? madadaan naman sa ensayo yun ah" sabi nito na para bang may pinaglalaban.

Umiling iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Mabilis natapos ang break kaya naman bumalik na kami sa room.

Nangunguna sa paglalakad si Yla sa 'kin nakasunod lang ako, nang mapansin ko na hindi maayos ang pagkakatali ng sintas ko ay pumagilid ako at itinali ito.

"Aray!" sabi ko nang muntik akong mapasubsub dahil may kung sinong nakabunggo sa 'kin.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang dalawang hita sa magkabilang balikat ko at kitang kita ko ang panty nito kasi sobrang lapit nun sa muka ko, batid kong nakasubsob ang katawan niya sa lupa.

"AHH!" inis niyang tili at bumangon dahilan para tuluyan akong mapaupo sa lupa dahil itinuon niya lahat ng bigat niya sa paa niyang nakapatong sa mga balikat ko at puwersahang umalis sa pagkakadapa.

Namumula akong tumingin sa kanya dahil sa nakita ko, dahil bukod sa panty ay nakita ko ang maliit na kulot kulot na bulbul sa labas ng panty nito at amoy ko din, gusto kong maduwal bagaman maputi naman ito.

May gasgas siya sa noo at narumihan ang uniporme nito, tinulungan siya ng iba para makatayo.

"O-okay ka lang?" nagpipigil ang mga tawang ani ko.

"Ano sa tingin mo!?" namumula rin nitong sabi at galit na galit at pilit tinatago ang pagkapahiya, dahil marami rin ang nakakita sa 'min.

Naririnig namin ang ilang bulungan at mga bungisngisan dahil sa nangyari.

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan ha?!" sigaw niya sa galit.

"I'm tying my shoes" sabi ko at itinuro pa ang sapatos kong hindi pa naitatali.

"A-Ano!" sigaw pa nitong sabi.

"Nagsisintas ako ng sapatos" pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.

"At diyan pa talaga?" turo niya sa kinalalagyan ko, mabilis kong tinali ang sintas ko at 'tsaka tumayo.

"So?" inosente kong tanong.

"So? Anong so?! Dahil sayo, naisubsob ako!" galit parin niyang saad.

"Kasalanan ko bang hindi mo ako nakita?" sabi ko.

"Aish umalis ka na! Bago pa kita masaktan!" sabi nito. Kinunutan ko siya ng noo 'tsaka sininghalan.

"Napakaluwang kasi ng daan" sabi ko 'tsaka na siya nilagpasan, may isinigaw pa ito pero hindi ko na naintindihan pa, nang sulyapan o ito ay piagduduro niya ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya.

Dumeretso na ako agad sa room at nandun na nga si Yla prenteng nakaupo, hindi man lang naghintay.

Inis akong umupo sa tabi nito at naghintay nalang din sa susunod na Proffessor na magtuturo.

*fast forward*

Lumipas ang ilang minuto at wala paring Proffessor, at inanounce nalang na may meeting daw ang mga Proffessor kaya wala kaming 3rd Period ngayon, hanep na firstday ko tch!

"Uii tahimik ka naman ata masiyado Yass" sabi ni Yla at kinukulit pa ako.

"Ano namang sasabihin ko?" tanong ko. "Ikaw, baka gusto mong magkuwento?" sabi nito.

"Ng alin?" tanong ko din.

"Ikaw kung ano ang gusto mong ikwento?" sabi naman niya.

"Gaya ng?"

"Ano ba,ikaw nga bahala dibha? Puro ka din tanong eh" medyo inis niyang sabi.

"Anong malay ko?" inosenteng sabi ko.

"Punyemes! Napakaganda ng kwento mo ah, interesadong interasado ako hooo!, an'saya mo magkuwento shet" sabi nito sabay irap.

"Marunong ka magdrive ng kotse dibha?" pambabalewala ko sa sinabi niya, may binulong bulong pa ito bago ako lingunin.

"Oo bakit?" inis paring tanong niya.

"Gamitin mo muna yung kotse mamaya pauwi sa bahay" sabi ko.

"Bakit?" She ask.

"May pupuntahan pa ako" sabi ko.

"May pupuntahan ka pa pala, bakit hindi ikaw ang gumamit nun?" She ask.

"Hatid mo lang ako kay Ate Ely at ako na bahalang umuwi kapag" sagot ko.

"Sigurado ka?"

"Oh sige maglakad ka nalang" sabi ko dito ng hindi lumilingon.

"Biro lang, sige na sige na, kasungit amp!" sabi nito.

"Teka, nasa iisang bahay kayo?" biglang lingong tanong ni Riufei.

"Oo bakit?" sagot ni Yla.

"Seryoso?" tanong pa nito.

"Oo nga ano namang masama dun?" kunot noong sabi ni Yla habang si Wim ay nakatingin lang sa 'min.

"Anong tingin yan?" tanong ko dun sa Finndayle na masama ang tingin sa 'kin.

"Ano naman?" pambabara niya.

"Tsk, may sira ata ulo nito eh" bulong ko pero batid kong narinig niya kasi hindi naman ganun kahina yung bulong ko at maliban dun ay nasa harapan ko siya.

"Ano 'ka mo?" Inis agad na tanong nito.

"May sira ka ata sa ulo" sabi ko ng walang pag-aalinlangan.

"Wow! isa pa nga!" inis na sai nito dahil sa inulit ko.

"May sira---"

"Iba din! Lakas mong mang-asar ah!" galit nang sabi nito.

"Sabi mo isa pa, pinagbigyan lang naman kita tapos magagalit ka?" walang emosyong sabi ko.

Tinignan ako ng masama at 'tsaka bumaling kay Yla.

"Ganito talaga kayabang 'tong nobyo mo Xandra? Feeling niya talaga lalaki?" turo niya sa 'kin habang na kay Yla ang paningin.

"Luhh, ano--" sinenyasan ko si Yla na manahimik.

"Jusme, gera na toh"

"Iba din"

"Naku, delikado na" mga ilang bulungang narinig ko.

"Porket tomboy ka kung umasta ka, parang laking lalaki ka ah!" sabi nito, tumayo naman ako para mapantayan siya.

"Paano ba umasta ang tomboy? 'di ba parang lalaki? Engot ka ba? Nag-iisip ka?" deretsaang saad ko. Nakita ko namang agad namula ito sa galit.

"Pag-aralan mong maghinay-hinay baka masapak kita, pasalamat ka, babae ka parin sa paningin ko" sabi nito.

"Salamat" sabi ko naman na lalong ikinagalit niya.

"Ano ba!" sigaw niya sa 'kin. Problema niya, eh nagpasalamat na nga ako.

"Tch! Seiku" pagmumura ko 'tsaka muling umupo, narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Riufei, tsaka ko isinawalang bahala.