[FINNDAYLE'S POV]
Sobra akong nainis sa naging pagtatalo namin, gusto ko pang masundan 'yon sa totoo lang pero hindi na namin nagawa dahil sa pagpasok na ng guro.
Sobra akong napipikon dahil sa sinabi niya, ako ang lalaki pero ako ang mas naaasar at napipikon.
Umiling iling na lamang ako at itinuon sa guro ang paningin ko, pero hindi ko magawang magconcentrate dahil alam kong nasa likuran ko siya, tapat ko mismo.
Sa tuwing naiisip ko ang mga pagtatalo namin ay napapasinghal ako ng wala sa oras, nakakabadtrip talaga ng sobra.
Natigil si Professor Guizon sa pagtuturo nang may kumatok sa may pinto na kanya namang pinagbuksan.
"Professor Felina" ani ni Prof. Guizon.
"Good Morning Prof. Guizon" bati ni Coach Felina, yes He is a our coach in soccer.
"May I excuse Zeindy Yassumi Nixon?" tanong nito.
"Yeah sure, Ms.Nixon?" pagbaling ni Prof.Guizon sa gawi namin pero kay Tom ito nakatingin.
Naramdaman ko ang pagtayo nito kaya hindi ko naiwasang lumingon, hindi ko alam kung bakit nakaramdaman ako agad ng inis, masama ang tingin ko sa kanya, bagaman sa malayo naman nakatingin.
"Sumama ka na kailangan ka ni Prof. Felina" sabi ni Prof.Guizon.
"Hai!" sabi nito 'tsaka bahagyang yumuko, sa pagyuko nito at dumaan lang ang tingin niya sa 'kin, tsaka na tumayo ulit at lumabas na.
'weird'
May pagtataka sa mata ng ilan dahil sa ginawa niya at sinundan nalang namin sila ng tingin paalis pagkatapos magpasalamat si Coach.
"Hindi po ba nakakabastos yun?" tanong ng isa sa mga kaklase. Wala talagang Commom sense, yumuko na nga yung tao.
"Ms.Lee she bow her head" sabi ni Prof.
"Zeindy Yassumi Nixon is a half japanese for your information, bowing is a sign of giving respect to them" sabi ni Xamdra.
"Tama, yun ang kaugalian at nakasanayan ng Japanese kung hindi ako nagkakamali, na sa tuwing magpapasalamat o hihingi ng tawad ay hindi nawawala ang pagyuko nila" sabi ni Prof.
"Eh Prof. bakit tong si Riufei hahaha" natatawang turo ni Wim kay Ruru, kaya naman ay nagsitawanan ang lahat.
Minsan din naming nakikita kay Ruru yun pero hindi sing baba ng pagyuko ni Zein, tanging ulo lang niya ang yumuyuko samantalang kay Tom ay bahagya nitong naibebend ang katawan paharap.
"Hoy! yumuyuko ako!" sigaw ni Ruru.
"Kay Riufei maaari nang mas nakasanayan na niya ang nakaugalian dito sa Pilipinas dahil matagal naman na siyang wala dun tama?" sabi ng Guro.
"Yes Prof." sagot nito.
"While Nixon, have just arrive few days ago, am I right Ms.Eigan?" tanong nila kay Xandra,
[A/N: Huwag po kayong malito sa Yla and Xandra, nag-iisa po yan.]
"Anyway, let us continue our lesson" sabi nito at pinagpatuloy ang pagdidiscuss. Lumipas ang ilang oras at Lunch na ngayon. Nandito na kaming tatlo sa Canteen kumakain, itong si Ruru panay ang pang-aasar sa 'kin.
"Ibang klase dre, bading ka daw hahahahahaha" napakalakas ng tawang aniya.
"Pwede ba manahimik ka!" singhal ko dito.
"Paanong tahimik? Hahahahaa" sabi nito. "Hahahahaha pikon na pikon ka dre wahahahaha" nagsisipaglingunan na ang mga estudyanteng malapit sa 'min dahil sa lakas ng tawa nito.
"Sino ba kasing hindi maiinis, eh pagbungad na pagbungad niya ay nakatingin ito ng masama" badtrip talagang sabi ko.
"Bakit ka kasi nakatingin hahahaha" hindi ako sumagot kundi tinignan ko siya ng masama, si Wim ay tahimik lang na tumatawa sa tabi niya.
"Eh kung hindi ka sana nakatingin nung pagpasok niya, edi hindi sana kayo nagkainitan hahahaha o baka naman type mo?" nakangisi nitong sabi tapos biglang tatawa, mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin!
Hindi naman magawang mainis ng mga nakakaring sa malakas niyang tawa, dahil bukod sa hinahangaan siya ay mapapasabay ka talaga sa pagtawa nito, kaya naman ang iba ay kilig na kilig na anririnig ang tawa nito at nakikisabay sa pagtawa sa kaniya na para bang alam nila kung ano ang pinagtatawanan nito.
Panay ang tawa niya may pahampas hampas pa sa mesa pero nawala ang kunot noo ko nang bigla itong tumingin ng seryoso na may bahid n awa.
"Oo nga pala, hindi ka pa nakamove on" sabi nito at nakatakip pa ang kamay nito sa kanyang labi.
"Anong sinasabi mo!" singhal ko.
"Malay ko" nakangisi na nitong sabi sabay subo sa fries, inis na lamang akong nag-iwas ng tingin sa kanya 'tsaka nagkunwaring kinulikot ang cellphone at umastang parang may tumawag.
"Excuse me" sabi ko sa kanila, at tango lang ang sinagot nila, pero hindi parin nawawala yung ngisi sa labi ni Ruru, isinawalang bahala ko nalang at tuluyang lumabas ng Canteen at lumiko papunta sa men's CR kahit may CR naman sa Canteen.
Pumasok ako doon at nang ako lang ang nandun ay isinara ko ang pinto at humarap sa salamin, at doon ko na ibinuhos ang luhang kanina pa nagbabadyang mahulog.
'Bakit napakasakit parin?'
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makalma ko ang sarili ko at napa-angat ako ng tingin sa salamin at kitang kita ko kung gaano akong sobrang nasasaktan.
'Umiiyak ka na naman! Para kang bading'
Agad akong natigilan sa sarili kong naisip, Automatic na tumigil ang pag-agos ng luha ko at napalitan ng inis nang maalala ko ang sinabi ni Tom kanina.
"Bading ka ba?"
"Bading ka ba?"
"Bading ka ba?"
"Bading ka ba?"
Parang sirang plakang nagpaulit ulit yun sa pandinig ko.
'What the hell!'
HIndi ko alam kung bakit sa salitang iyon ay tumigil ang pag-agos ng luha ko, inis akong naghilamos at inayos ang sarili ko bago ako bumalik sa Canteen.
At ayun naabutan ko ang dalawa na nagkukulitan, Makikitaan ng pagka-asar sa muka ni Wim pero natatawa din at the same time, Sa aming dalawa, Wim can stand longer and throw some annoying words with Ruru, pero kapag wala ng palag, daig pa an toro kung mag-init ang ulo. Pinanood ko silang magkulitan at talaga namang walang nakakatalo sa pang-aasar ni Ruru, lihim nalang akong natatawa dito habang tinatapos ang pagkain ko.
[ZEINDY'S POV]
"Show me what you've got" sabi ni Prof. Felina at sinipa ang bola sa 'kin 'tsaka ito umastang mag-gogoal keeper.
Nandito kami ni Prof. sa soccer field, hindi ko nga maintindihan kung bakit.
Inapakan ko ang bola at nilaro yun sa paa ko habang nakabulsa ang dalawa kong kamay.
Because I am so sleepy, I am too lazy to kick the ball harder,kaya naman sinipa ko lang siya paraang alam kong sapat, at nasalo naman ni Prof.
Hindi ko alam pero parang gulat itong nakatiingin sa bola 'tsaka tumingin sa 'kin at ngumiti.
"Malakas ka sumipa, nice" hindi pa nga sagad yun Prof. eh.
"San ka natuto ?" He ask.
"Sa Japan Prof." sagot ko.
"Player?" He ask again.
"No"
"And what?"
"My uncle thought me" sabi ko.
"Mmm, interesrting then" sabi nito at inagaw ang bola, at itinakbo gamit ang mga paa.
"Get it from me, Nixon!" sigaw nito habang tumatakbo,gusto ko mang tumanggi ay hindi pwede sapagkat kailangan kong humabol para qualified ako, kaya kahit anong antok ko ay pinilt kong agawin ang bola kay Professor Felina.
Nahirapan ako sapagkat prenteng prente lang siyang naglalaro samantalang seryso akong nakikipag-agawan ng bola. There are a small time that I can get the ball but in just a sec. he get it back, kaya napapailing ako.
Kita ko naman ang enjoyment kay Prof. samantalang ay gusto ko ng tumigil para makapag-pahinga.
Pinilit ko ang sarili ko na gawin ang kaya ko hanggang sa naagaw ko ito at itinakbo sa goal at hindi na nagdalawang isip na sipain.
Habol hininga akong tumigil at nanag lingunin ko si Prof. ay nandun lang siya, hindi na pala ako hinabol kanina.
Nakangiti itong lumapit "Congratulation Nixon! Your'e in" sabi nito.
"Thank you so much Prof." sagot ko at bahagyang yumuko.
"Call me coach from now on, ipapatawag nalang kita para makimeet up sa team mo okay?" sabi nito, tumango naman ako. Nag-usap pa kami ni coach hanggang sa pareho naming marinig ang ring ng bell,hudyat na oras na para sa pananghalian at doon lang kami naghiwalay.
Agad akong nagtungo sa canteen na medyo may kalayuan dito sa Coccer field, may hagdan ka pang aakyatin para makalabas ka ng field, outdoor oo, pero parang ginawa itong Gym na maaaring palibutan ng sino mang manonood at ang daan palabas ay ang hagdan pataas para makita mo ang hallway.
Bago pa ako makapunta ng canteen ay nadaanan ko ang locker at nakita ko ang isang locker na bukas, luminga linga pa ako para tignan kung may tao na baka naiwan lang na bukas ang locker pero wala, kaya naman nilapitan ko ito nagulat ako nang mabasa ko ang pangalan ko doon at nang buksan ko ng maluwang ay nandun ang mga gamit, kumpleto.
Agad akong napabuntong hininga nang marating ko ang canteen at binuksan ang glass door at naglakad papunta sa loob nang bigla nila akong patirin dahilan para mapasubsob ako sa sahig.
'Shit!'
Napamura na lamang ako sa aking isip dahil sa sakit ng dibdib at sungo ko pati narin ilong.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Malutong na tawanan ang namutawi sa buong Canteen, may mga nagreklamo at napamura dahil sa hindi pagsang-ayon sa ginawa sa 'kin pero mas lamag ang tawa.
"Hahahahaha grabe yun"
"Puta! Anong trip yan?"
"Anong nangyari?"
"Luhh bakit?"
"Nakita mo yun pre? haha ang sakit nun panigurado"
"Tsk ang lakas ng pagkabagsak tsk" Mga narinig kong sabi ng iba.
Dahan-dahan naman aong tumayo at nagulat na naman ako nang sabuyan ako ng tubig, hinanap ng mga mata ko kung sino talaga ang may pakana ay nakita ko si Dhea na prenteng nakaupo sa gilid at tatawa tawa, dahan dahan itong tumayo at naglakad palapit, napabuntong hininga ako at bago pa siya makalapit ay naglakad na ao papunta sa pagbibilhan.
"Hoy! Sinabi ko bang talikuran mo 'ko!" sigaw niya.
"May sinabi ka ba?" Sabi ko habang patuloy sa paglalakad.
"Aba! Bastos ka ah! Humarap ka sa 'kin!" utos nito.
"At nagsabi namang sundin kita?" nakatalikod at patuloy parin sa paglalakad na ani ko at hindi na kumibo.
'Tsaka a ako luminya, tininan pa ako ng gulat nng tindera bago tanungin ang order ko.
"Money, I dont have card yet" ani ko nang iabot ko ang pera ko, ngumiti naman ito bago abutin ang pera.
"What you want to have ma'am?" She ask. Bakit ko na pala binigay yung pera ko eh wala pa akong kinuha? Nasinghalan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko.
"Gatorade will do" sabi ko.
"Next to the smallest one" pahabol ko. Agad naman itong tumalikod at naglakad para kunin ang binili ko.
"You are not going to eat lunch ma'am?" tanong nito, pero umiling na lamang ako bilang kasagutan.
Nang makuha ko na ang Gatorade at sukli ko ay agad na akong tumalikod at ayun parin si Dhea na halatang hinihintay ako, dahan dahan kong binuksan ang Gatorade at aastang iinom pero natunugan kong tatabigin niya ito kaya naman ay sinadya kong iharap ang bunganga ng gatorade nang saktong matabig niya ay siya ang nabuhusan.
"Ahhh Shit!" pagmumura nito. "Punasan mo toh!" sigaw niya.
"Bayaran mo muna gatorade ko"sabi ko na para bang nakikipaglaro.
"Ano! At bakit?!" inis at galit na sabi nito.
"Tinapon mo 'di ba? kaya bayaran mo!" sabi ko naman habang nakapamulsa.
"Ha! Bakit? di ka makabili? Papasok pasok ka sa gan'tong paaralan tapos gatorade lang hindi ka makabili!" sabi nito at suminghal pa.
"Oh ano naman! Kaya bayaran mo!" hindi naman ako sumisigaw, madiin lang talaga.
"Ha! Asa ka!" mataray na sabi nito.
"Babayaran mo o papaikutin ko yang leeg mo!" di ko na napiling sumigaw at tignan siya ng matalim, gulat at taranta niyang binuksan ang wallet at binigay ang 50 pesos.
Pahablot ko iyong kinuha at muling bumili, tahimik ang buong canteen at batid kong lahat ay nakatingi dahil sa pagsigaw ko, wala naman akong pakealam, agad kong tinanggap ang sukli at bumalik sa kinaroroonan ni Dhea.
"Oh barya mo" 'ka ko at inihagis sa kanya ang mga barya na agad naman niyang ni-cover ang muka niya para hindi matamaan, matining na kumalansing sa sahig ang tunog ng mga barya at hindi ko na iyon at pinansin pa 'tsaka tuloy tuloy sa paglalakad palabas ng Canteen habang nilalagok ang gatorade.
Sinong katulad ko ang masasarapang kumain diyan kung ganung may mga sorpresa? kalokohan!
"Yass" rinig kong tawag ni sa 'kin ni Yla pero di ko pinansin dahil nababadtrip ako.
"Yass!" mas malakas na tawag nito at mababakas ang pagka-inis.
"What!" inis kong paglingon.
"Anak ng! What happen to you again?" turo niya sa 'king basang basa.
"Dhea did" sabi ko nalang.
"Na naman?" inis niyang tanong.
"Hindi makagetover sa pagkasubsob niya" sabi ko dito.
"Tsk halika nga, buti may isa pa akong P.E shirt don" sabi nito at 'tsaka kami pumunta sa locker niya, gaya kahapon ay nagpalit na naman ako.
"Kumain ka na?" She ask.
"Wala akong gana" Sagot ko. Hindi na ako nagsalita pa habang ito ay panay ang mura kung bakit daw kasi wala siya dun kanina, well minsan nakakatulong ang pagiging talkative at pagkaprangka nito kung magsalita, kaya may napapahiya at bigla nalang mananahimik kung wala ng masumbat.
Patuloy kami sa paglalakad hanggang makuha namin ang P.E niya, kakailanganin ko din ng bra dahil pat yun ay nabasa malamang, pero wala na akong magawa kasi wala naman sigurong magdadala nun dito.
Kaya naman ay nagpalit na lamang ako habang tinitiis ang basa kong panloob na unti unting bumabakat sa P.E shirt. Pagkalabas ko ng women's CR ay nandun parin si Yla, oh ayan fit na fit, so saan ka?" tanong nito.
"Sa harap mo" sagot ko na ikinainis niya, gusto kong matawa pero pinilit kong pigilan.
"Ano ba!" sigaw nito.
"Ano?" painosente kong tanong.
"Tsk, sa'n ka na pupunta ngayon!"
"Sa room" sagot ko dito na lalong pumailalim ang tingin nito.
"Bahala ka diyan!" mataray na sabi nito at tumalikod na halos maihampas ang buhok nito sa muka ko.
Hinatid na lamang siya ng mga tingin ko 'tsaka na ako naglakad papunta sa room at natulog.
*fast forward*
Lumipas ang oras at nag-start na naman ang klase ngayong ala una at nagquiz kami sa science, buti nalaang at nagawa ko pang magreview kaninang madaling araw kung 'di ay malamang wala na akong nakuha pa. Lumipas pa ang oras at pinatawag ako sa Art Room kasama si Professor Yoen.
"I was thinking for a project for you, then I saw this vacant wall, I want you to pain something na ang tema ay Art in your own" sabi nito, napansin kong muli itong pininturaan ng puti para mawala yung mga dating pinaint at may nakikita akong mga guhit ng mga lapis.
"I will give you 1 week to finish that" sabi niya, napalunok naman ako sa sinabi niya, paano ko naman tatapusin yung ng ganun kadali? Nag-iisip pa nga lang ako ng maaari kong iguhit ay nahihirapan na ako.
"Is that okay?" He ask.
"Ye--yes Prof." sagot ko. "Good iha" sabi nito at ngumiti pa ito.
Matapos naming mag-usap ay nagpaalam na akong uuwi, I text Yla to go first at dadaanan ko pa si Ate Ely para kunin yung mga basket at binigay nadin niya yung sahod ko, 'tsaka na ako dumeretso pauwi, agad na akong naligo at lahat, kumuha ng cup noodles 'tsaka kumain.
Ilang minuto lang ay nandiyan na si Yla at naabutan niya akong nagpeprepare ng gagamitin ko in baking, walang salitaang namutawi at tanging tanguan at ngitian lang, naramdaman ko naman ang pagkilos nito para magluto ng hapunan namin habang patuloy parin ako sa labas ng mga gagamitin ko 'tsaka na nagsimula.
Natapos magluto si Yla ma bandang 7:30 pero sabi ko sa kaniya na mauna na siya at tatapusin ko 'tong ginagawa ko at natapos naman ako ng mga 8:30 dahil maaga akong nagsimula kanina, tinawagan ko si Ate Ely na idadaan ko na yung tinapay at sumang-ayon naman ito.
Agad kong kinuha ang susi at nagdrive papunta sa Shop ni Ate Ely.
"Salamat Zein, alam mo kesa nagbebake ka gabi gabi, bakit kaya hindi ka nalang sa Resto ako din ang manager nun"
"May Resto pa po?" tanong ko.
"Oo Zein at ako ang nagmamanage, gusto mo ipasok kita? Mas malaki ang sasahurin mo dun, mamili ka lang ng oras mo 5 to 8 o 5 to 10" nabuhayan naman ako sa sinabi niya.
"5 to 10 ate, gusto ko po, gusto ko" parang nagmamakaawa pang ani ko dahil sa magkadikit kong palad.
"Oh sige, sige bumalik ka bukas at ipapakita ko sa 'yo" sabi nito.
"Sige po ate, salamat" sabi ko naman at bahagya pang yumuko 'tsaka na ako nagpaalam na umuwi.
Nang makarating ako dun ay, nakita ko si Yla na nakaupo lang sa dining.
"Kain na" sabi nito, nagulat pa ako.
"Bakit hinintay mo pa ako?" tanong ko.
"Hinintay na kita para may kasabay ka" sabi nito.
"Salamat, ikaw talaga" sabi ko naman.
"Wala yun, kahit naman ang lakas ng tama mo, mabait parin ako tsk" sabi nito, natawa naman ako 'tsaka ko na ito inaya na kumain.
"Nga pala, starting tommorrow, magtatrabaho ako sa Resto dun, from 5 to 10 Pm, you don't have to wait me, you can have my car for a while" sabi ko sabay subo, lumunok naman ito.
"Paano ka? Mas kakailanganin mo yun" sabi nito at muling sumubo.
"I saw the bike at the garage, I can use that" sabi ko.
"Halla" gulat nitong sabi.
"Muka namang bago at hindi pa ata nagagalaw, yun muna ang gagamitin ko, pero ikaw kung yun ang gusto mong gamitin" ani ko, na ikinalaki ng mata niya.
"Hell no! Pero kababae mong tao, kaya mo?" tanong nito, kunot noo ko siyang tiningnan.
"I am not going to use that if I dont know how to drive that" sabi ko dito.
"Tsk" singhal niya. "Besides if the car can drive 10 minutes from here to Ate Ely's Shop, maybe my bicycle can spend 20 minutes and 30 minutes from here to school, it is not that far anyway" sabi ko sabay subo.
"Okay, you bet, pero---" sabi nito at uminom ng tubig para mabilis malunok ang nasa bibig.
"Walang ilaw yun" sabi nito.
"Meron" sabi ko.
"Pero hindi ganun kalakas" sabi nito.
"Yla, may street light" sabi ko, bumuntong hininga naman siya.
"I'll be fine" sabi ko, dahil alam kong nag-aalala to, ngumiti nalang ako para ipakita sa kanyang, magiging okay lang ako then nagpatuloy na kami sa pagkain at nang matapos na kami ay nagsi-akyat na kami sa kanya kanya naming kwarto, nagsipilyo na ako, nag-shower ulit tapos nahiga sa kama ko.
I am staring at the ceiling while thinking on how can I paint what Professor Yoen said, Pinilit kong mag-isip para sa painting na yan hanggang sa makatulog na ako.