May bukol tuloy si Dawn ng sumapit ang umaga. Nakatulog nga si Dawn sa malambot na kama, habang si Bea naman ay nakatulog sa bath tub ng cr. Gigil na gigil si Bea kay Dawn dahil sa pagkagising nya ay masakit ang likod nya sa bath tub.
"Grabe ka talaga sa'kin bhe, baka bangkay na ko pagdating ko kina ate Audrey."
"Hindi naman siguro, kung magpapakatino ka lang." Maagang pagtataray ni Bea.
Nag-aayos na silang muli ng gamit nila para makapagbyahe muli. Sinusubukan lang kausapin ni Dawn si Bea dahil sobrang tahimik nito, pero ayaw talaga nya mamansin dahil naiinis sya sa sakit ng likod nya.
"Sana lang, 'yung masakyan nating bus hindi matutulad sa bus na nasakyan natin kahapon." Pang-limang beses nya na 'tong sinabi pero hindi pa rin sya pinapansin ni Bea.
Napanguso lang si Dawn, gusto nyang mapansin sya ni Bea. Kulang kasi sya sa pansin.
"Tch, ang snob-snob kala mo kagandahan."
At nakuha nya rin sa wakas ang atensyon nito. Tinaasan sya nito ng kilay at tinignan sya mula ulo hanggang paa.
"Makasabi ka ng ganyan kala mo ang gwapo-gwapo mo, nakakabanas ka talagang lalaki ka."
"Ugh, sorry na kasi! Kaya ka naman nakatulog sa bath tub kagabi kasi nalasing ka sa kaka-inom mo eh."
"Eh bakit nandoon ako!? Usapan natin sa lapag ka diba? Ako yung nasa kama. Bakit ba ako napwesto duon sa tub? Galing mo magplano, gagawin mo lahat para lang makuha sa'kin yung malambot na kama na 'to."
Napahilamos si Dawn sa palad nya, pakiramdam nya masyadong childish ang pagtatalo nilang dalawa. Maybe it's the hang over, kaya ang grumpy nya. Inintindi na lang sya ni Dawn. "Okay, okay. Sorry na po. Sorry na." Naluhod pa sya.
"Hmp! Dapat lang." Inirapan lang sya ni Bea.
Hindi na nagawa pang sabihin ni Dawn ang dahilan kung bakit sa tub sya nakatulog kagabi, hindi rin natanong ni Bea kung bakit kasi inis na inis sya ng magising sya sa bath tub at masakit ang likod nya.
Nang maka-alis na sila sa motel, naghanap na sila ng terminal na mapupuntahan. Kaso parang naligaw ata sila.
"Uhm, alam mo ba kung saan tayo napunta?" Tanong ni Dawn.
"Just shut up."
"Sungit naman nito, meron ka ba ngayon?"
Napa-isip pa si Bea sa kanyang tanong, "Anong meron? Ha? Pinagsasabi mo dyan."
"Tss, kababae mong tao di mo alam yung ibig sabihin nang tanong na yon? Tinatanong ko lang kung meron ka bang pms. Sungit mo eh."
Namula naman si Bea sa sinabi nya. "Shut up ka na. Magkakabukol ka ulit sa akin e."
"Wag naman! Baka maging mas bobo pa ko neto."
"Kaya nga manahimik ka na lang----oh look! Andoon yung terminal!" Nagbago ang mood ni Bea, napangiti sya kay Dawn at hinila na ito. "Tara na't para makarating na tayo sa Benguet!"
Dawn just shrugged, "I think i'll never understand women."
"May sinasabi ka Dawn?"
"Wala po bhebhe ko, tara na dun!"
Nang makarating na sila doon ay sinwerte sila dahil naabutan na nila ang bus doon na papaalis na papunta sa benguet. Sumaya naman si Dawn dahil malapit nya nang makikita si Audrey, pero may parte sa kanya na parang ayaw matapos kaagad ang pagta-travel nyang ito.
"Dawn, ako na lang doon sa may bintana?"
"As long as hindi ka na magsusungit."
"Okay, deal." Napangiti lang sya kay Bea't naupo na ito malapit sa bintana, nang makatabi nya ito ay napabuntong hinga na lang sya.
"Topic nga dyan Bea, ang boring eh." Inip na inip na si Dawn. Napa-isip muli si Bea.
"Hmm, ano ba gusto mong pag-usapan?"
"Ikaw mag-isip."
"Bakit ako? Ikaw na."
Napangisi si Dawn, "Oh sige, pag-usapan natin yung mga sinabi mo sa akin nung lasing ka kagabi."
Nanlaki mata ni Bea't namula. "N-No! Wag yun, ayoko na alamin pa, bwisit ka talaga Dawn!"
Tumawa lang si Dawn, "Hmm, magkwento ka about sa life mo. Yung exciting ah?"
"Okay, fine."