Si Bea ang pumatay sa ipis na kinatatakutan ni Dawn. Medyo napahiya lang si Dawn dahil sya 'tong lalaki pero takot sa ipis, pinagtawanan lang sya ni Bea. Napanguso naman si Dawn na akala nya naman ay ikina-cute nya.
"Tigil ka na nga dyan Bea!" Napatakip na lang sya ng tenga nya pero anlakas talaga ng boses ni Bea. Dinig nya pa din.
"Ayoko nga, akalain mo yun? Sa ipis ka lang pala titiklop!? Hahaha!" Napahiga naman si Bea at sumasakit na ang tiyan nya sa kakatawa.
Pikon din si Dawn, ng mainis na sya ay nagbanta na sya kay Bea. "Tawa ka pa Bea, pag ako nainis hahalikan talaga kita."
"Hahahaha! S-Sorry hahaha!"
Naningkit mata ni Dawn at biglang puma-ibabaw kay Bea. Pahina na ng pahina ang tawa ni Bea hanggang sa natigil na sya, nagulat sya kay Dawn. "Okay, tumitigil na ko. A-Alis ka dyan." Lumakas ang tibok ng puso ni Bea.
Anlapit nilang dalawa sa isa't isa.
Halos ilang inch lang ang layo ng kanilang mga mukha.
Ngumisi naman si Dawn, "Paano kung ayaw ko?"
"D-Dawn, wag ka nga ganyan. Di ka nakakatawa."
"Di naman ako nagpapatawa eh." Bumaba ang tingin ni Dawn sa labi ni Bea.
Mas lalong kinabahan ang bruha. "Sasapakin kita Dawn!"
"Paano mo magagawa yon? I pinned both of your arms down." Lumaki ngisi ni Dawn.
"Alis ka na kasi! Naiinis na ko Dawn!"
"Ang ganda mo Bea." Kinilabutan sya sa binulong ni Dawn. Pakiramdam nya parang iba na yung Dawn na nakikipag-usap sa kanya ngayon. Bigla tuloy syang nagsisi, sana hindi sya masyadong nagpabaya sa sarili nya.
Dawn is still a guy after all. And he's still a stranger to her too.
Mariing napapikit si Bea ng papalapit na ang mukha ni Dawn sa kanya. Ayaw nyang mangyari 'to, ayaw na pero parang gusto. Naguguluhan din sya sa sarili nya, basta pumikit na lang sya at hinintay na halikan sya ni Dawn.
Pero napadilat din sya kagad kasi walang nangyayari, nakita nyang nagpipigil lang si Dawn ng tawa at umalis sa ibabaw nya. Napahalakhak ito sa kanya, nakaramdam muli ng hiya si Bea.
"HAHAHAHA!"
Di alam ni Bea kung anong ire-react nya, napatingin lang sya kay Dawn na tumatawa lang.
"Hahahaha! Ang e-epic hahaha! You should've seen your face! Hahaha!"
"Aaaaaargh! Bwisit ka Daaaaawn!" Then again, muling nagbago ang tingin ni Bea sa kanya.
Dawn is still childish as ever.
Naghampasan na lang sila ng unan hanggang sa napagod sila. Parehas silang napahiga sa iisang higaan at nagkatinginan. Dawn smiled at Bea, and she smiled back.
"You're one crazy guy." Sambit ni Bea.
"And you're a child abuser." Ganti Dawn.
"Gago."
"Gwapo kamo."
"Stupid."
"Stupid ka din."
"Oh shut up!"
"You know i can't do that."
"Oo nga eh, para kasing gun machine yang bibig mo. Daming sinasabi."
"I agree, pero hindi ko pa din nasasabi lahat ng gusto kong sabihin Bea." Natigilan si Bea sa nasabi ni Dawn.
"Ano ba 'yon?" Nagulat sya ng biglang nilapit ni Dawn ang mukha nya kay Bea.
"That i think i... i like you..."
Parang hindi naman makapaniwala si Bea sa narinig nya. "Y-You mean that?"
"I do... i really like you Bea."
Biglang napa-iwas ng tingin si Bea kay Dawn. "Sinungaling." Bulong nya.
Naramdaman nyang napayakap si Dawn sa kanya, dinantay nito ang braso at binti nito sa kanya. "Hindi ako nagsisinungaling, gusto nga kita Bea. I really like you."
Aangal sana si Bea pero may pahabol pang sinabi si Dawn, "Kaya akin ka na lang please? Pwede bang ako na lang ang lalaking makakasama mo habang buhay?"
Natulala sya saglit at gulong-gulo na sa nararamdaman. Is it really possible to fall inlove so fast with a stranger? Tatanungin nya sana si Dawn ng makita nitong nakatulog na.
Napangiti na lang sya at napayakap din kay Dawn.
"Goodnight, Dawn."