Muling nagka-usap sina Audrey, Bea, at Dawn. Masayang nakita muli ni Dawn ang taong pinaka-importante para sa kanya, di rin sya makapaniwala na nagagawa nya ito at nakakausap nyang muli.
Nang aalis na si Audrey kasama ang pamilya nito, nagpaalam na din na aalis na sina Bea at Dawn. Sinabi lang nila na nagbakasyon lang sila sa Baguio ng ilang araw at napadaan lang sa Greenfield Hotel para bisitahin siya.
Pagkaalis nila Dawn sa hotel, napunta muna sila sa restaurant na nasa tabi lang nung hotel para mag-lunch. Pagkatapos nun ay aalis na sila. "Ano nang gagawin mo, Dawn?" Tanong ni Bea habang kumakain sila.
"I... I don't know. Basta ang alam ko, nafulfill ko na ang dapat kong gawin."
"Pero di mo man lang inisip kung anong gagawin mo pagkatapos nito." Napa-iling lang si Bea.
Napatitig sa kanya si Dawn, at pakiramdam nya na parang may gusto itong sabihin sa kanya pero di nya magawa. Muli nya itong natanong. "May sasabihin ka pa ba?"
"Meron pero... di ko alam kung maniniwala ka eh..."
Napangisi si Bea, "I'll try to believe you. Sige lang."
"Remember what i said last night?"
Muling lumakas ang kabog sa dibdib ni Bea.
"O-Oo..." yun lang ang nasabi nya, pero gusto nya talagang tanungin si Dawn kung totoo nga ba talaga ito. Na hindi ba ito biro? Totoo bang gusto sya ni Dawn?
"I like you, Bea. I'm serious about that."
"Then anong gusto mong sabihin ko?" Natatawa ngunit kinakabahan na tanong ni Bea. Parang ayaw nyang seryosohin confession ni Dawn, pakiramdam nya baka mabaliw sya sa saya. Ito kasi ang unang pagkakataon sa buong buhay nya na may seryosong lalaki na umamin sa kanya na gusto sya.
Ito na ba ang simula ng masaya nyang lovelife? Si Dawn na ba ang lalaki na para sa kanya? After ba nito ay magjowa na sila?? Rak na ba this!? Lol.
"Gusto ko lang malaman kung... kung gusto mo din ba ako?" Tanong ni Dawn.
Napalunok si Bea at nagdalawang isip pa kung sasabihin nya din ang totoo nyang nararamdaman. In the end, di nya kinaya at umamin na din. "To be honest, this is all too fast for me Dawn... pero di ko alam kung paano mo nagawa 'to sa'kin. Yeah, i also like you."
Parang gusto magtatalon-talon ni Dawn sa saya sa narinig nya kay Bea, ngunit ng alalahanin nya ang pinanggalingan nya, parang gusto nyang sabihin kay Bea na binabawi nya ang mga sinabi nya. "Pfft, i know this question is ridiculous but... do you think will we ever be in a relationship?" Umaasa si Bea, umaasa syang magkakatuluyan sila ni Dawn.
Parang nasaktan si Dawn para kay Bea dahil imposibleng mangyari yon. Pero mas ayaw nyang masaktan ito dahil pinaasa nya lang si Bea.
She deserves the truth.
"Actually, hindi talaga iyon ang sasabihin ko sayo Bea." Nawala ang ngiti ni Bea sa kanya. "What i was actually going to ask you is that... do you believe in time travel?" Natanong na rin sa wakas ni Dawn ang gusto nyang itanong.
Napangiwi naman si Bea, akala nya hindi seryoso si Dawn.
"Are you kidding me Dawn? Ngayon ka pa nagjoke ng ganyan!?" Hindi nya tuloy maseryoso si Dawn.
Dawn inhaled deeply and took out a box from his bag. Kinuha nya ang isang litrato at isang letter na binigay sa kanya ng mama nya noon. "This is me when i was 10, the older woman with me is Audrey." Sabi nya ng inabot nya kay Bea ang litrato.
Nang makita ito ni Bea, nanlaki mata nya. Di sya makapaniwala, di nya matanggi na si Audrey ang nasa litrato. Ito nga ang bestfriend nya, halatang matanda ito tignan sa litrato. At ang batang kasama nito sa litrato ay talagang si Dawn.
Masayang magkahawak kamay ang dalawa na nasa litrato.
"I'm from the future Bea, i'm Audreys' son." Dawn admitted.